Author Topic: Problems during pregnancy (Thread 2)  (Read 14338 times)

tinytins

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #160 on: April 14, 2017, 09:10:22 pm »
hi sis LittleAnanya.  Hindi ko alam kung bakit walang reference values yung 1 hour at 2 hour mo.  Pero kasi may sariling reference value ang obgyne na standard sa lahat ng mga preggies na pag ganto yung result mo, may GDM ka.

Like yung obgyne ko hindi p ko nagpapabloodtest, sinabi na agad nya sa kin dapat ang fasting mo not more than this, ang 1 hour mo not more than this value and so on. Hindi lang na explain ng mabuti sayo ng obgyne mo.

So in short hindi nila pinapansin kung anong nakalagay na reference value na nandun kasi may sarili silang standard value for GDM.

Sorry sis hinahanap ko yung paper na pinagsulatan ng obgyne ko kung ano yung normal values kaso di ko makita. Nung november pa kasi ako nanganak para sana mas maintindihan mo.  Pero ang alam ko yung guidelines ng GDM sa australia - fasting >=5.1, 1 hr >=10.0, 2hr>=8.5.  I think same or hindi masyado nagkakalayo sa pinas at australia. Iba ang normal values sa buntis at sa hindi buntis.  Base sa result mo ok ang 1 hr at 2 hr mo kaso ang fasting mo hindi, kaya nasabi ng obgyne mo na may GDM ka. So like I said sa previous post ko 1 lang dun na hindi pasado, you are diagnosed with GDM na. Hopefully naintindihan mo na sis.  Ang gawin mo na lang pagbalik mo sa obgyne mo tanong mo sa kanya kung ano normal values nung lahat ng yun fasting, 1 hr at 2 hr.  Balitaan mo na lang ako
« Last Edit: April 14, 2017, 09:51:44 pm by tinytins »

LittleAnanya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #161 on: April 15, 2017, 12:58:27 am »
@tinytins - I really appreciate your replies :))

Ito results ko just so we can compare with yours:

Fasting 3.5 (fasting shouldn't be higher than 5)
1st hour 7.8
2nd hour 6.93

Ang prob sa result ko Fasting lang may normal value. I dont really know bakit incomplete yan from that clinic. I also know na magkakaiba ang range ng values kada oras. Parang nag aasume lang ob ko na I have GDM.

WILL check again on Monday after holy week. Hindi lang ako mapakali.

Thank you sis!!!

tinytins

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #162 on: April 15, 2017, 07:01:35 am »
ay sis kala ko 5.8 ang result mo sa FBS. binasa ko ulit previous post mo. reference value pala sinasabi mo. sorry sis. epekto ata ng puyat sa pag aalaga kay baby. ay kung based dun sa guidelines ng Australia, wala ka nga GDM. iba iba ang reference value kasi per fasting, 1 hour at 2 hour. naku hmmm ano ba pedeng gawin... pag ff up mo sa obgyne mo tanong mo ano dapat reference value lahat nun tapos pag diniin pa rin nya na may GDM ka, i think magpa 2nd opinion ka na sa ibang obgyne.

LittleAnanya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #163 on: April 15, 2017, 08:16:21 am »
Haha ok lang sis :))

So yun na nga. Babalik ako sa clinic tom to verify with them at pag sinabi ng OB KO I have GDM nako lilipat na talaga ako.

Thank you sis. Hello sa baby mo :))

tinytins

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #164 on: April 15, 2017, 10:19:00 pm »
Your welcome sis! hello din daw sabi ni baby hehe :) tulog na sya ngayon. sige balitaan mo na lang kami.

Cherry143

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 235
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #165 on: April 17, 2017, 11:49:47 pm »
Mga sis, from 2nd trimester advice ni doc sa left side tumagilid kapag matulog. Ang hirap! Partial lang ako naka left side. At may oras din na flat on my back lang ako kapag natutulog.  Naglalagay ako ng matigas na pillow sa likod ko pra maka left side ako, ska pillow in between my legs.  Kaso sumasakit ang left leg ko at pati left cheek ng pwet sa sobrang tagal ko mag left side.  Kayo ba sis paano matulog?

Second pregnancy ko na eto. 5yrs ago yung una.  Grabe ang hirap humanap ng panty na super lowcut tapos maluwang!  Same problem ko parin eto sa 1st and 2nd pregnancy! Kahit ikutin ko lahat ng tindahan ng panty [textspeak!] ako mahanap na talagang tama sa buntis!  Kahit pa bench penshoppe triumph victorias secret... or even panty ng Plus size!  Ako lang ba ang ganito?  39inches ang waistline ko sa pants nung hindi ako buntis.  Kapag buntis na ako gusto ko sa ibaba lang ng tyan ang panty at maluwang at gusto ko cotton, manipis ang garter at walang garter sa singit!  Kung [textspeak!]-ano tuloy remedyo ko sa mga panty na nabili ko pero hindi parin swak sa hanap ko!

LittleAnanya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #166 on: April 18, 2017, 08:33:27 am »
Hirap din ako sa pagtulog. I feel comfortable when I lie on my back dun ako nasanay pero wag nga daw ganon. I'm 7mons pregnant now at sinanay ko talaga sarili ko to sleep on my right or left kahit na mahirap (at mabigat) nung una masasanay ka din sis. Kaya mo yan! Hehe

For the panty I'm still using my old ones na medium size low waist. Nakakairita nga kasi ramdam mo na sumisikip na pero ok pa naman ako. Balak ko nadin bumili ng large size pero konti lang kasi mabilis lang naman. Next thing you knew andyan na si baby :))

prettylove

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 329
  • 1 Corinthians 10:31
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #167 on: April 19, 2017, 02:55:35 pm »
Mga sis meron ba kayo normal values for ogtt sa 1hr and 2hrs. Sa sat pa kasi check up ko with ob but gusto ko lang malaman. Thanks

LittleAnanya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #168 on: April 20, 2017, 03:30:04 am »
Mga sis meron ba kayo normal values for ogtt sa 1hr and 2hrs. Sa sat pa kasi check up ko with ob but gusto ko lang malaman. Thanks

hi sis, itong reference galing sa friend ko. from a hospital in Paranaque year 2015

fasting (FBS) 5.89
1st hour 11.1
2nd hour 7.8

AGAIN iba iba yan depende sa ob mo. sabi nila depende daw sa chart nung ob. usually dapat may sarili silang reference values for their patients. In my case, pending parin kasi di nako binalikan nung ob ko. Next month na ang check up ko. pero based on the values that I got, wala akong GDM.

here's another one that I found:

"The values for the three hour glucose test that I use are derived from data from Dr. Coustan, a high risk pregnancy specialist with a strong interest in diabetes research. These values are recommended by the American College of Obstetrics and Gynecology. These are threshold values. There is not a range. Thus, if you exceed two or more values than you are diagnosed with gestational diabetes.

The fasting value is 95 mg/dl [5.3 mmol/L];
one hour is 180 mg/dl [10.0 mmol/L];
two hours is 155 mg/dl [8.6 mmol/L];
and three hours is 140 mg/dl [7.8 mmol/L].

This is supported by your postmeal glucose values being in the normal range (105 mg/dl [5.8 mmol/L] is not too low and will not have any effect on the baby)."

prettylove

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 329
  • 1 Corinthians 10:31
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #169 on: April 20, 2017, 11:15:35 am »
@littleananya - thanks sis, ang 2nd reference mo yan din nakuha ko from my research. Hoping for the good result sa check up k

Pink_Sugar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2271
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #170 on: April 21, 2017, 10:58:40 am »
Naalala ko problema ko din ang masikip na underwear. From panty size na L eh naging 2XXL ako nung 8 months na akong preggy. Sa SOEN ako nakabili. Tapos yung bra ko na super sikip eh pinalitan ko nung sa Jockey na parang sando bra kasi mas nakakahinga ako oag yun suot ko. Nagpapasalamat din ako sa uniqlo at meron silang comfortable na pants (bomber pants?) kasi wala na magkasya na jeans.

Cherry143

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 235
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #171 on: April 21, 2017, 12:02:43 pm »
Thanks sis PinkSugar and Little Anaya for sharing your experience w/ undies during pregnancy!

Soen/ Sogo ang nabili ko na may 3XL na cotton! Kahit hindi sya low waist! Tinitiklop ko nalang [textspeak!] sa may garter para sa ibaba parin sya ng tummy ko! Yun nga lang babakat yung folds kapag nka dress ako na medyo tight / body hugging.

Kaso now na 5months na ako, nasisikipan narin ako... may bakat ng garter on my skin.  Kaya suot ko lang yun kapag aalis for Oby.

Then sa bahay eto ginawa ko: [textspeak!] mga luma kong cotton panty na low waist, ginupitan ko nalang ang gilid para lumuwang!  Hahaha!  Ayos!  Ang sarap isuot promise!  Nakaka hiya nga lang itsura kapag nasa sampayan, may mga punit punit!  Hindi kasi ako pweding walang panty sa bahay (which is done to prevent darkening of the area) or boxers kasi may vag suppository ako... need ng may liner.

Hope may marecommend kayo sis na panty for preggy!

m_lim

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5076
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #172 on: April 22, 2017, 09:29:14 am »
this is my second pregnancy. bakit ganon sobrang paranoid ako everyday. like  kung ok lang ba baby sa loob. 6th week ko palang. para akong niyerbyosa everyday.

prettylove

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 329
  • 1 Corinthians 10:31
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #173 on: April 22, 2017, 10:54:35 am »
^i feel you sis, ganyan din ako lalo n nung 1st trimester ko to the point takot ako umakyat sa hagdan or maglakad ng matagal but as time goes by through prayers nawawala din ang nerbyos ko. I think normal ang ganyan feeling but wag mo masyado isipin ang negative, enjoy the journey and as long as sinusunod mo naman ang mga bilin ni doctor and sabayan ng dasal magiging maayos at mkakaraos din hanggang sa mailabas si baby na safe and healthy.

Cherry143

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 235
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #174 on: April 22, 2017, 02:22:53 pm »
Hello mga sis!  From 2nd trimester, recommended na ni Oby diba na sa left side of the body matulog. Not flat on the back.
Im now on my 20wks.  Nagulat naman ako this morning when i noticed nung magising ako, i turned from my left side towards flat to my back.  Aba hindj pantay ang tyan ko!  Mas mataas/ malaki ang left side ng tyan ko kaysa sa right... parang naiwan [textspeak!] laman ng tyan ko (or si baby?) Sa left side!  Nangyayari ba eto sa inyo?

trumpetclive

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 52
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #175 on: April 24, 2017, 12:48:59 pm »
Hi Sis! Hirap din akong matulog sa gabi. Sanay kasi talaga ako ng natutulog na flat back. I alternate sleeping on my right side and left side, minsan oblique left, oblique right multiple times at night. Sakit kasi sa hips parang feeling na may bedsore sa loob :( bumili ako ng soen cotton panties kaso ang sakit nung seam sa gilid. Bumabaon sa hips  :( kaya next time bibilin ko yung walang seam sa gilid like yung panties ng M&S.

The Lioness

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 170
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #176 on: April 26, 2017, 02:16:54 am »
27 weeks. hirap matulog. si baby super likot. breach. yung feet nasa may V ko. minsan feeling ko isang malakas na kick, lalabas na yung mga paa nya. im not sure kung dahil ba sa super likot ni baby kaya di ako makatulog or something else. also, sumasakit din yung lower tummy ko. like stabbing pain everytime biglang move or stretch. ang sabi ni ob pressure daw yun. advised me to always stay on my left when sleeping or lying down. kasi yung mga internal organs daw natin, most of them nasa right. so kapag nasa right si baby, madadaganan nya. tendency is, masisira/ma bo block flows ng mga whatevers.  (im not good with clinical terms).

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2073
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #177 on: April 26, 2017, 02:10:43 pm »
^yung blood flow yun mabblock sis kaya dapat left side lang at no no magsleep ng flat on your back. Hirap din ako sa right side sleeping. Sa left lang talaga comfortable. hehe

Anyone here experienced na sometimes may light blue/green stain sa undies/pantyliner nila? Never experienced it with my first kasi. No odor, itching or anything naman. Nabanggit ko na sa OB last check up and observe/monitor ko lang daw. Will mention it again next visit but just checking kung may nakaexperience din ba nito? Naw-weirdan kasi ako hehe ;D
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

LittleAnanya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #178 on: May 17, 2017, 07:40:41 am »
Thanks sis PinkSugar and Little Anaya for sharing your experience w/ undies during pregnancy!

Soen/ Sogo ang nabili ko na may 3XL na cotton! Kahit hindi sya low waist! Tinitiklop ko nalang [textspeak!] sa may garter para sa ibaba parin sya ng tummy ko! Yun nga lang babakat yung folds kapag nka dress ako na medyo tight / body hugging.

Kaso now na 5months na ako, nasisikipan narin ako... may bakat ng garter on my skin.  Kaya suot ko lang yun kapag aalis for Oby.

Then sa bahay eto ginawa ko: [textspeak!] mga luma kong cotton panty na low waist, ginupitan ko nalang ang gilid para lumuwang!  Hahaha!  Ayos!  Ang sarap isuot promise!  Nakaka hiya nga lang itsura kapag nasa sampayan, may mga punit punit!  Hindi kasi ako pweding walang panty sa bahay (which is done to prevent darkening of the area) or boxers kasi may vag suppository ako... need ng may liner.

Hope may marecommend kayo sis na panty for preggy!


OMG pwede pala hindi mag panty??? sympre pag sa bahay lang. kasi nga nangingitim yung sa waist and buttocks area. ngayon ko lang nalaman 8mons nako. edi sana dati ko pa ginawa LOL. kala ko normal yung pag darken ng skin kung saang sulok lalo pa't BOY ang baby namin. anyway sana bumalik sa dati after giving birth. kuskusin lahat! LOL

Panties I use from SORELLA. medium size ako pero since buntis large na binili ko tapos tupi tupi nalang. no choice talaga. comfy parin naman :)

LittleAnanya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 26
Re: Problems during pregnancy (Thread 2)
« Reply #179 on: May 17, 2017, 08:04:51 am »
Your welcome sis! hello din daw sabi ni baby hehe :) tulog na sya ngayon. sige balitaan mo na lang kami.

so ito na nga. IM BACK for my GDM update. i was so ready to tell my ob about my research na WALA AKONG GDM. also ready din ako to back it up hehe.

on our last meeting sabi nya she will text me if i have GDM or not. she kept my results and even wrote my cel number on top. MOnday came walang text. sabi ko ok baka negative ako kasi if positive dapat text nya ko agad. hindi ako mapakali na naman. I went back to the clinic where I had my tests done and asked bakit wala results yung 1st and 2nd hrs ko. sabi nila GANON DAW TALAGA. FBS results lang nilalagay nila at ako lang daw yung buntis na bumalik at nagtanong kong bakit. sabi nila check ko daw sa ob ko. ok fine.

day of my checkup came, ob was confused. or sa dami nang patients nya di nya kami tanda lahat. she asked if she's already given me a referral for endo. NAG PANIC AKO MGA SIS. sabi ko "doc, i dont think i have GDM. ano po sabi sa chart nyo?" kasi daw sabi sa clinic i-check daw sa ob. ready naman si doktora hahaha. at nakalimot nga ata sya. naiwan nya pa sa kotse yung results. so ayun negative mga sis. wala akong GDM. hehe

ramdam ko talaga na wala  ;D nobela pa tuloy to.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close