watch now

Author Topic: Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*  (Read 67479 times)

caterpillar-girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #540 on: March 01, 2017, 10:02:40 am »
drag0nfly: yun na yun sis? Awwww!!! Kahit bitin ang ending I still loved the show. Ang sakit sa puso huhu.

Pinapakinggan ko rin yung soundtrack. Super ganda ng music ng Moon lovers. Natatawa na sakin husband ko nakikinig ako ng Korean music kahit di ko naiintindihan. Anyway I think I'll take a little break before I dive into other Kdramas again. Papahingahin ko muna puso ko. Char.

On my list are Healer, Goblin and the Reply series. Naiintriga rin ako sa mga pinopost nyo. Can't wait!

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #541 on: March 01, 2017, 11:10:13 am »
^Oo sis yun na yun haha. Ewan ko ba sa SBS anong nakain nila at di na pinalabas yung modern day scenes to think na shinoot na pala and all, plus yung clamor ng viewers for closure. Kahit si Joon Gi and IU nag-post pa after the last episode aired ng teasers na magkikita si Soo and So. Howelz. Malay natin baka may gulatan na lang na maganap. But it was beautiful no? Kahit ganun yung ending, I still found it beautiful. One of a kind drama talagang tumatak saken. Glad you loved it, too.

If I may suggest, watch mo Weightlifting Fairy panghimasmas ng sakit ng Scarlet Heart. Si Nam Joo Hyuk ang bida, si Baek Ah sa Scarlet Heart. Nakakatuwa yun sis, puro hearts and flowers naman ang feels hehe.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #542 on: March 01, 2017, 11:26:14 am »
Super beautiful sis. From the actors, to storyline, to cinematography, to music. Ang ganda lang. Ang daming beses ko umiyak. As in hagulgol. Huhu. Kanina parang natutulala ako naiisip ko lang sina Hae Soo and Wang So. Hindi ko pa nakikita yung modern day scenes! Sa youtube ba? I will watch. Lalo akong hindi makaka get over neto! Number one pa rin sa puso ko si Song Joong Ki bilang DoTs ang first ever K Drama ko pero love ko na rin si Lee Joon Gi. Siguro kung may love triangle kami at pinagaagawan nila ako  (char!!!), hindi ko alam sino pipiliin. Baka maloka ako. Lol.

Ay yes I will add Weighlifting Fairy! I'm so glad hindi ako mauubusan ng kilig feels thanks to K drama. 

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #543 on: March 01, 2017, 11:39:20 pm »
^Hahahaha!  Gusto ko yang love triangle mo ha!

Walang scenes na nilabas sis, puro stills lang and teasers sa IG.  Kami din dito nung time na airing ang Scarlet Heart, para kaming mga baliw: iyak-kilig-tawa LOL.  Excited na ako for you to watch WF and Reply 1988 mga fave ko din yan.

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #544 on: March 02, 2017, 06:45:11 pm »
First time ako nahumaling sa isang kdrama, the fact na 13 yrs na akong k-drama addict. Mag 5 months na pero hindi pa rin nawawala ang feels ko sa Scarlet Heart Ryeo. Nung 1st time ko makita yung teaser sa GMA 7 grabe parang tumigil ang puso ko. Bumalik lahat ng feels. then kanina nag lunch kami sa Sariwon Korean BBQ Resto sa BGC puro instrumental Kdrama ost ang sounds at naiyak ako ng marinig ko yung Scarlet Heart OST na "For You" ng EXo habang kumakain kami. Para nga rin akong naglalaro ng "Name that Kdrama OST" kasi pati OST ng Dots, My Sassy Girl etc piniplay nila. Super nagenjoy talaga ako dahil maraming Scarlet ost ang narinig ko ang saya! babalik talaga ako don.

Sis Caterpillar bad news never pinalabas ng SBS yung mga deleted scenes ng pagkikita nina 4th Prince at Hae Soo sa 21st Century. Up to now kami ni Sis Dragonfly ay umaasa pa rin na someday matauhan ang SBS at ipakita sa atin yung deleted scenes (handkerchief scene) . but Junki and IU did some re- enactments on the deleted scenes during  Lee Joon Gi's Fanmeet in Taiwan last January 8 . Try to check it in youtube.

ennaira021

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #545 on: March 03, 2017, 12:36:38 pm »
Ang ganda ng Scarletheart Ryeo, kasoo ang Saaad ng ending nagexpect din ako na magkikita si Soo and So sa modernlife time. :(

ennaira021

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #546 on: March 03, 2017, 12:43:11 pm »
Malayong mas maganda ang Scarlet Heart Ryeo kesa Moonlight Drawn by Clouds, I dunno hindi ko tinapos yung epsiodes, nasa episode 16 na yata ako pero di ko pa nireresume, nawalan ako ng gana. Then thiiiiiiiiiiiiis?! Scarlet Heart Ryeo, GRABEEEE ang GANDA.. But the ending is really really Sad :( Masakit sa puso mga bes.

brandi

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #547 on: March 03, 2017, 02:49:55 pm »
^ sobrang layo! After episode 8 pa lang ng moonlight drawn by clouds, tinigilan ko na siya panuodin. Unfortunately, gma pala nakakuha ng rights for scarlet. Hindi ko pa naman sila gusto mag dub tsaka hindi maganda yung kulay ng channel nila, hindi ko alam ano tawag doon haha. Basta pansin ko hindi kasi gandaat tingkad ng kulay ng abs ang gma.

hushush

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #548 on: March 03, 2017, 02:59:21 pm »
^i think you're referring to vividness or color saturation...so napansin mo pala yun na magkaiba sila ng setting.. :) kaya pala kapag nililipat ko sa abs yung channel kapag babad ako sa gma/newstv e parang naiirita ako pero nasasanay at nakakapag-adjust na yun eyes ko kalaunan..mas gusto ko yung setting ng gma.pero mas gusto ko ang showtime kesa eat bulaga hehe..

caterpillar-girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #549 on: March 03, 2017, 05:21:18 pm »
Grabe talaga effect ng Moon Lovers. Nagtry ako manood ng bagong Kdrama pero parang di pa ako ready. Lol. Affected much sa Moon Lovers. I tried watching Healer again, pati Coffee Prince, pero hindi ko pa matuloy tuloy. Maybe this weekend na ulit pag mas naka move on na ko.

Sis zen180, ako naman favorite ko yung Can You Hear my Heart, esp sa part ni Lee Hi. And of course My Love, also by Lee Hi.

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #550 on: March 03, 2017, 07:03:49 pm »
pero in fairness sis brandi nagulat ako sa teaser ng Scarlet Heart Ryeo sa Gma7, HD na ang format. Yehey! baka HD na rin nila ipapalabas ang Scarlet medyo nadismaya kasi ako ng ipinalabas yung DOTS hindi sya malinaw. Basta ako kahit saan network papanoorin ko pa rin ang Moon Lovers . If ever magkaroon ng advance viewing party ng Scarlet Heart pilot episode manonood talaga ako. Merong advance viewing sa march 5 ang Love in the Moonlight for the pilot telecast mng ABS kaso di ko nagustuhan yung story ng Moonlight sa umpisa maganda pero after episode 8 nawalan na ako ng gana.

Sis caterpillar una ko naging favorite yung Can You Hear my heart/ My Love ni Lee Hi pero  nainlove ako sa kanta ng Davichi "Forgetting You" kasi lahat ng mga unforgettable scenes ito ang  ost esp the last ending scene where in Wang So promise that he will find Hae Soo
« Last Edit: March 03, 2017, 07:05:28 pm by zen1820 »

brandi

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #551 on: March 04, 2017, 11:36:09 am »
^yes sis yung sa saturation nga. Kulang sa kulay talaga yung sa gma.

Maganda yung teaser nila pero natamlayan pa din ako haha!

Kaya alam ko pag nilipat sa gma, iba talaga yung kulay. May off talaga.

Naalala ko ang nagustuhan ko lang na pinalabas nila dati fated to love you yung taiwan version pa. Hinanap ko talaga sa internet kasi pangit ng dub. Kaya nasurprise na lang ako na yung ibang nagandahan ako na drama pag search ko sa youtube malalaman ko lang from comments na pinalabas na pala sa gma. At yung dubbing talaga hindi ako nagagandahan sa gma parang malayo sa totoong boses. Buti nga lately yung abs, hindi na nila pinapalita yung names, dati pinapalitan nila ng local names hahaha!

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #552 on: March 04, 2017, 12:55:47 pm »
Naku sis brandi di ko na pinapansin ang dubbing. Syempre nothing beats the original voice. Actually sa totoo lang hindi ko na pinapanood ang isang kdrama once napanood ko na. Except sa mga naging super favorite ko naiilan lang yon like DOTS, My Love from the Star, Taiwanese drama na Fated to Love You, It Started with a Kiss. Hala puro pinalabas pala sa GMA 7 pla ito kaya di ko macompare yung dub ng GMA at ABS. Ang naalala ko lang na napanood ko na drama sa ABS...Boys  over Flower

Ang problema ko lang sa mga kdramas na pinapalabas dito sa atin sobrang daming cuts kaya minsan nakakatamad panoorin. Kaya gusto ko panoorin Scarlet Heart Ryeo sa GMA 7 syempre pinakafavorite kdrama ito sa lahat and support na rin kay Lee Joon Gi dahil alam kong matutuwa sya na marami pala syang fans sa Pinas.

brandi

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #553 on: March 04, 2017, 01:26:00 pm »
^true andami nga din cuts! Ang mga napanuod ko dati na sinubaybayan ko talaga aside from meteor garden yung mga palabas ni eun hye, at so ji sub sa abs the rest, may suki ako dvd na pirated as in overnight ako manunuod haha hanggang na discover ko na yung mga sites hindi na ako nag dvd.

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #554 on: March 04, 2017, 03:01:13 pm »
Oo nga pala ang first love ko na Meteor Garden na kahit ilang replay na sa ABS ay pinapanood ko pa rin. Omg! sis brandi parehas tayo nagstart din ako sa pagbili ng mga pirated dvd (shhhh hehe) sobrang dami kong dvd as in nakatago pa rin lahat  hanggang ngayon.Pero ng matuto na akong manood ng mga k-dramas sa mga websites. Nagstop na ako bumili ng dvd kaso year 2012 nahilig ako sa kpop kaya medyo naglie low ako sa kdramas at taiwaneses.Last 2016 lang ako bumalik. Buti nalang kasi sobrang daming magagandang kdramas. yun nga  lang hindi na ako nakakapanood ng taiwanese simula ng mag hiatus sina ariel lin at rainie yang

brandi

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #555 on: March 04, 2017, 08:37:58 pm »
^ang nakakatuwa sis, mga around 2008 yun eh, mabilis kasi ako makatapos as in pinagpupuyatan ko manuod, next day o every other day tinatawagan ko na yung suki ko at hindi niya ako binibigyan ng hindi maganda kopya kaya ang bilis ko amkanuod, naalala ko, kasagsagan din yun nung you're beautiful ni park shin hye haha ayon sunud sunod na. Madami na din maganda na taiwanese drama, until now watch ako  ;D

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #556 on: March 05, 2017, 02:49:22 am »
Hahaha ako rin sis brandi pinagpupuyatan ko yun as in walang tulagan pero ngayon di ko na ginagawa minamigraine kasi ako pag walang tulog. Ang ginagawa ko nalang inaabangan ko yung mga bagong kdrama nasa tingin ko maganda pag pinalabas na sa korea maghihintay lang ako my mag sub kinabukasan or nagdodownload ako sa phone para kahit nasa byahe or my sparetime nakakanood ako

brandi

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #557 on: March 05, 2017, 07:33:57 am »
^ako naman sis sen wait ko lagi matapos isang drama bago ko watch para di bitin hehe

BallerinaGurl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #558 on: March 06, 2017, 05:01:01 pm »
Hi, sisses! I am a newbie K-drama addict, hehe. The first (and ONLY!) K-drama I was able to finish was Rooftop Prince. Di kasi ako matiyaga manuod ng mga series. Usually one or two episodes lang tapos tinatamad na ako. Recently, naintriga akong magtry uli manuod ng K-drama because of the puplar series like DOTS, LOTBS, Goblin, WFKBK, etc. Ayan ngayon, sangkatutak na series ang dinownload ko at naka save sa OTG USB ko! Haha. I am in episode 12 of LOTBS tapos naintriga ako sa Doctors kaya ayun, stop muna ang LOTBS at nasa Episode 4 naman ako ngayon ng Doctors!

shygirlme

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #559 on: March 06, 2017, 05:05:35 pm »
^tapusin mo muna yung LOTBS sis. Di maganda yung Doctors for me.

Sinimulan ko yung Strong Woman Do Bong Soon nakakatawa naman pala to

 

Latest Stories

Load More Stories
Close