watch now

Author Topic: Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*  (Read 67430 times)

Iori girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #60 on: September 15, 2016, 10:26:01 am »
I'm currently watching Love in Moonlight.
Grabeh... Sobrang nakakakilig... di ako makapag intay sa next episode.

I love Tuesday and Wednesday..sa net lang kasi ako nanonood kaya delayed ang panonood ko ng 1 day...intay ko pa eng sub..heheh

kaya naman.. Special Thanks to the team who sub/preparing the English subtitled episodes of Korean Dramas especially Love in Moonlight :D

Nakakainlove is Park Bo Gum.  :-* Bagay na bagay sa kanya yung damit nya don sa drama (hanbok ba yun)..  ;D at yung smile..nakakatunaw..heheh

Dati poging pogi ako kay Song Joong Ki (nung medyo chubby pa face nya) pero ngayon mas pogi na para sa akin si Park Bo Gum :-* :-* :-*hahah. (close pala silang dalawa)

my wish ~~ Gusto ko pumunta ng Korea at magpapicture sa kanya .hahah:) ;D

Sa Uncontrollably Fond nalungkot naman ako sa ending while Doctors ok lang  din, may part na kakakilig din. iba talaga tama sa kin ng Love in Moonlight. lagi ako naeexcite..hehe


px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #61 on: September 15, 2016, 10:32:11 am »
1988 fan din ako! Although hindi pa ko pinapanganak nun mas gusto ko siya compared sa 1997 at 1994. Mas relate ako sa story. Duk Sun X Taek din ako! Hndi ko masyado bet si JW kay Duk Sun.

Ayaw ko pa ituloy tuloy moonlight baka mabitin lang ako. Pero ang tempting na talaga manood dahil sa reviews dito.

Panoorin ko na mamayang gabi ang final epi ng W, kahit naasar ako epi 12-15 aalamin ko nalang ang ending.

patchiislove

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #62 on: September 15, 2016, 12:56:22 pm »
Quote
finish watching 'W' finale.  :'(

though may confusing scenario sa last episode. anong set-up ang ginawa ni Mr. Oh para makapunta sya sa real world. So hindi na siya makakabalik sa webtoon? What happen to Mr Yoo and other Hay...mababawasan na kdrama ko after 'W'. Di bale, back to regular programming na ulit ang US tv series. :D

I'm gonna miss Kang Chul at Yeong Joo.

Done watching W, I'm gonna miss kang chul at yeong joon too.

Sakto lang yun ending ng W though bitin kasi walang closure kung anong nangyari sa ibang character. So medyo puzzled tuloy. Hays!

Well at least they end up together, it is still a happy ending for us ...  ;)


« Last Edit: September 15, 2016, 12:57:54 pm by patchiislove »

sofiameredith

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #63 on: September 15, 2016, 02:00:14 pm »
bitin nga yung ending ng W. napa "yun na yon?" lang ako, maybe I expected too much lang  :)

witch_goddess

  • Guest
Re: Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #64 on: September 15, 2016, 10:35:35 pm »
Ako rin nakulangan at nadisappoint ako sa ending ng W.  Akala ko kasi may kasagutan ang lahat ng katanungan natin tungkol sa manhwa ruling at iba pa, pero wala eh.  Buti nalang may happy ending si Kang Chul at Yeon Joo.

cybelekronos

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #65 on: September 16, 2016, 05:19:03 am »
@dragonfly, @kachich, thanks.  d ko na lang panoorin, wala ko trip na artista dun sa reply 1994. bumalik na lang ako sa the flower in prison.
iniiwasan ko mag open dito pag may pa ending na drama mahirap na baka may spoilers. pag natapos ko na saka lang ko magbabasa dito  ;D

for me, ok naman un ending ng W maraming tanong pero ok pa rin naman. alam nyo naman ang kdrama, kakaiba lagi ang ending. saka ang balita may plan na S2. baka kaya ganun.

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #66 on: September 16, 2016, 05:38:54 am »
Dati poging pogi ako kay Song Joong Ki (nung medyo chubby pa face nya) pero ngayon mas pogi na para sa akin si Park Bo Gum :-* :-* :-*hahah. (close pala silang dalawa)

my wish ~~ Gusto ko pumunta ng Korea at magpapicture sa kanya .hahah:) ;D

Ay pareho tayo sis kasi super crush ko din si Joong Ki, pero now puro si Bogummy ang pinapanood ko  ;D  Pero love ko pa din Joong Ki lalo sa new short hair nya and tan for his new movie, mas naging manly na sya.  Sana nga lang magkalaman ng onti si koya hehe.  Oo nga same agency pa naman sila no?  Sobrang jackpot ng Blossom sa kanila.  Si Bo Gum gwapong innocent, pero I dunno, I see something in his eyes na may pagka-naughty din hehe kaya lalong ang lakas ng dating  :-*

Sabi ng friend ko, alamin daw namin kung kelan may big awards show sa Korea and i-timing namin ang pagpunta dun para abang-abang sa red carpet nila and makita at makalapit kay Joong Ki and Bo Gum haha!  Pwede no?  ;D

px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #67 on: September 16, 2016, 01:52:13 pm »
sakto lang din sakin ending ng W. Pero hindi ko parin talaga gets bakit totally nawala na si oh sung moo eh totoong tao siya.

kachich

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #68 on: September 16, 2016, 02:31:26 pm »
Sabi ng friend ko, alamin daw namin kung kelan may big awards show sa Korea and i-timing namin ang pagpunta dun para abang-abang sa red carpet nila and makita at makalapit kay Joong Ki and Bo Gum haha!  Pwede no?  ;D

Uyyy sama ako diyan!! Message mo ako ha :)

Natapos ko na Signal(?), maganda naman kaya lang hindi ko trip na open ended siya.

Funny and chill pa rin Jealousy Incarnate. Eto na lang and Moonlight pinapanood ko, gusto ko sana simulan Moonlovers kaya lang nakakalerkey naman ang first episode,puro abs.

Iori girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #69 on: September 16, 2016, 02:35:36 pm »
sis dragonfly napanood mo yung video nilang dalawa para sa dominos pizza? haha.. hang cute diba? lalo na yung last part na bigla titingin si park bo gum sa camera.. nakakatunaw... ::) hehe..  tawa rin ako ng tawa sa bombastic dance nya sa teaser..

....at korek! parang may pagka naughty siya.. haha...Sa Sungkyunkwan Scandal dati, si Song Joongki na bet ko.. ;D ;D ;D


Sabi ng friend ko, alamin daw namin kung kelan may big awards show sa Korea and i-timing namin ang pagpunta dun para abang-abang sa red carpet nila and makita at makalapit kay Joong Ki and Bo Gum haha!  Pwede no?  ;D

pwedeng pwede sis.  ;D ;D ;D pwede maki join? hehe...
pero diba mahirap makalapit sa mga artista sa kanila, lalo na pag super sikat na? naalala ko tuloy sabi nya, pag naka 20% rating ang love in moonlight, mag fan sign sila..  :-[ :-[ :-[

friendlyneighbor

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #70 on: September 16, 2016, 07:41:59 pm »
Parang di ko  nagustuhan ang ending ng W. I'm expecting ng major major twist. Lol! Nadisappoint ako na ganun lang kadali namatay ang mga villains.. daming tanong na di nasagot...

eto yung kdrama na di ka pwedeng mag skip ng mga episodes or else mawawala ka.. 😆

Now watching cinderella and 4 knights habang inaantay matapos ang Love in the Moonlight ni bogummy.. 😍😍😍



« Last Edit: September 16, 2016, 07:47:33 pm by friendlyneighbor »

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #71 on: September 16, 2016, 08:03:22 pm »
@kachich & Iori girl - Tara mga sis!  Dba in recent months naganap yung Baeksang and Hallyu awards nila so baka around same time every year o di pwede planuhin hehe.  Alam ko may isang sis din na nakita personally si Joong Ki sa Bangkok dati.  Libre naman mangarap  ;D 

Just finished episode 6 ng Moonlight.  Waaaahhh tumitindi na ang feelings ni Crown Prince kay Ra On!  I kennat  ;D  Magaling nga umarte si Bogummy ano?  Ramdam na ramdam ko intensity ng emotions nya.  Naeepalan ako kay Yoon Sung haha, pero thanks to him tumulong maligtas si Ra On.  Excited na ako pag naging girl na si Ra On woot!

Mag-binge watch ako ng ibang shows ni Bogummy since 2 episodes to go na lang updated na ko.  Unahin ko siguro yung Hello Monster kasi gusto ko sya makita umarte as psychopath hehe.

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #72 on: September 16, 2016, 08:24:08 pm »
sis dragonfly napanood mo yung video nilang dalawa para sa dominos pizza? haha.. hang cute diba? lalo na yung last part na bigla titingin si park bo gum sa camera.. nakakatunaw... ::) hehe..  tawa rin ako ng tawa sa bombastic dance nya sa teaser..

Oh yes sis. napanood ko din yan.  Busog na busog tayo sa commercial nilang yan  ;D  Pati yung Bombastic video super cute nya don.  Parang game na game sya sumayaw.  Panoorin ko nga din guesting nya sa 2D1N. 

Yung performance nila ni Irene ng One and Half napanood mo?  Paulit-ulit kong pinapanood yun haha!  Adik lang.

witch_goddess

  • Guest
Re: Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #73 on: September 16, 2016, 09:41:48 pm »
Makikisabat ako sa inyo sissies regarding papuntang Korea para makita si Bo-gum hahaha
Ang alam ko may annual KBS Entertainment Awards that is usually held during December.  Eh diba yung DOTS at Love in the Moonlight are both KBS, so pupunta talaga sila doon at iba pang mga artistas.  Haha Ang swerte ni Cha Tae Hyun (from My Sassy Girl) kasi isa siya sa mga tao na founder ng Blossom Entertainment if I am not mistaken.

@sis drag0nfly: panoorin mo ang 1N2D guesting ni Bo-gummie kasi mabubusog ka sa kanyang mga aegyos.  Haha 

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #74 on: September 16, 2016, 11:57:08 pm »
@witch_goddess:  Ooohhh thanks for the tip, sis!  Aabangan ko yan.  Panoorin ko na din ang guesting nya sa 1N2D (nabaligtad ko pala haha) right after watching episodes 7 & 8  :)

Btw sa mga Skycable subscribers, anong channel po ang KBS?  Online lang ako nanonood.

_shayness_

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #75 on: September 17, 2016, 08:04:10 am »
sama ko going to Korea! :D

Di ko pa napapanood episodes 14-16 ng W. Isingit ko na lang this weekend. So far, mas nag-eenjoy ako panoorin Love in the Moonlight and Scarlet Heart. Nakakatunaw talaga smile ni PBG. Pwedeng pwede siya sa mga toothpaste commercial. Parang nag-sparkle smile nia. Hehe.

As usual, disappointed pa din ako sa Cinderella. More on Hye Ji. Nakakainis lang. Nawala na yung kwento ng mga mission ni Ha Won with the Lolo. Wala na din tuloy sila ganap ni Secretary.

Inaabangan ko na K2 ni Ji Chang Wook. :D

friendlyneighbor

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #76 on: September 17, 2016, 11:42:02 pm »
^^ channel 75 sis ang KBS sa skycable digital..

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #77 on: September 18, 2016, 07:15:22 am »
^Thanks sis!  Wala pala sa channels namin ang KBS sabi ng asawa ko -- na buti na lang daw kasi umay na daw sya sa kaka-gush ko over Joong Ki and Bo Gum  ;D

Updated na ako!  Grabe talaga magpakilig si Bo Gum, pamatay sya makatitig and makangiti!  Super kilig nga yung napapikit na lang si Ra On and ready to be kissed na haha.  Also, yung mga da moves ni Crown Prince the day after the kiss, my goodness.  Pwede bang maging si Ra On for 1 day???

Yun nga lang kakabitin after episode 8 kung ano na magiging reaction nya sa confession ni Crown Prince and yung nalaman ni Byung Yun from her guardian.  Exciting!

May ilang minutes din pala ng BTS mga sis kung hindi nyo pa nakita.  Ang kukulit nila hehe.




patchiislove

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #78 on: September 18, 2016, 02:45:55 pm »
may episode 17 pala ang W, now ko lang nakita  :)

mga behind the scene at recaps, best part yun kissing scene hahaha..

grabe, nakakamiss lalo si lee jong suk ;D

waiting mode sa next project niya, sana soon! :)

Update sa cinderella and four knights, episode 12;
So no chance na talaga for kang hyun min at ha won? hays, sad naman.  Panalo na this time si hye ji nakuha niya na gusto niya hehe, I mean yung maibalik yun closeness nila before na nagbago nun namatay yun brother ni hye ji. Kaya siguro yun ang  dahilan kaya nilayo ni hyun min sarili niya kay hye ji.

For Ji woon at Ha won mutual ang feelings, para talaga sila sa isa’t isa. like ko din yung pagiging protective ni ji woon kay ha won, sweet. Sino kaya ang tatay ni  ha won? hmmmm.

Lastly, Natawa ako sa sinulat ni Seo woon sa notebook ni Yoo Na ang kulit ba .. hahaha
Im hoping na magkaron ng partner si Seo woo at Si Secretary Lee.

4 episodes na lang hays!  :(





« Last Edit: September 18, 2016, 07:00:20 pm by patchiislove »

px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 19*
« Reply #79 on: September 19, 2016, 12:38:32 pm »
OMY!! hindi ako nagiisa sa pagkahumaling kay Park Go Bum. Bakit ba sobrang ganda ng smile niya?
Pinanood ko nga yung recent niyang movie habang nagaantay ng love in moonlight pero namatay naman siya dun. huhu

 

Latest Stories

Load More Stories
Close