watch now

Author Topic: ABS-CBN: Till I Met You  (Read 18163 times)

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #120 on: October 31, 2016, 12:15:30 pm »
In the first place they never should have put Magpahanggang Wakas BEFORE Til I Met You. Palibhasa pampahakot ng ratings. Ang MTRCB dapat may guidelines sa pagsschedule ng networks ng show nila esp sa gabi.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #121 on: October 31, 2016, 01:11:19 pm »
May news ba na iimbestigahan ng MTRCB ang TIMY dahil sa love scene sa car?

Wala naman malaswa sa car scene ha. OA naman ng mga mtrcb kung imbestigahan pa. Sa simula pa lang, sinabi na na rated SPG ang episode na iyon kaya dapat aware na mga viewers na adults lang pwede manood o kaya bantayan mga bata na posibleng makanood.

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #122 on: October 31, 2016, 01:41:36 pm »
^True but MTRCB naman puts SPG ratings before the show to warn adults about the content. Ewan bakit ngayon big deal na.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #123 on: November 01, 2016, 07:19:21 pm »
tawa ko ng tawa nung nasa cr yung mag-inang agnes at ali!  ;D ;D

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #124 on: November 02, 2016, 12:09:07 am »
^ako din! ang funny ni pokwang nung sinagot yung call ni sir dad.  ;D

sofiameredith

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #125 on: November 02, 2016, 09:56:07 am »
^True but MTRCB naman puts SPG ratings before the show to warn adults about the content. Ewan bakit ngayon big deal na.

Truth...pag JaDine laging big deal sa kanila...remember yung police officer dance number ni Clark in OTWOL... >:( ::)

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #126 on: November 02, 2016, 10:38:34 am »
Oh well. Publicity na rin. The video has 1M views na daw. Nacurious tuloy lalo ang mga tao.

Nakakaloka si Cass. If I were Basti, I'd look for another home na. Mahirap makisama.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #127 on: November 03, 2016, 11:00:07 am »
Pogi nung stephen ha... Ano kaya ang sinasabi nya na common sa kanila ni ali...

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #128 on: November 03, 2016, 11:38:41 am »
Hindi ko magets ang mga taong nagrereact negatively sa love scene sa car. OA lang. Pati MTRCB nakisawsaw pa. Dapat ba forever wholesome ang image ng Jadine? Bawal mag level up? Iyong Kimerald love team nga noon nag mature agad kahit nasa late teens pa lang sila. I remeber sa teleserye nina Kim at Gerald noon na Tayong Dalawa may love scene sila agad doon kahit 18 at 19 years old lang sila. Ngayon ang Jadine nasa early to mid twenties na pero may mga haters na nega ang tingin sa love scene.

Saka may nabasa rin ako na masama daw iyong love scene dahil nagbigay daw ng masamang example sa mga kabataan tulad ng pre-marital sex. I was like wtf? Hindi lang ang TIMY ang nagpakita ng love scene between two people na di married. Dami na teleserye at movies na nagpakita ng ganyan eksena. Tapos ngayong Jadine ang gumawa may reklamo?

Haters gonna hate talaga.

zach26

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #129 on: November 03, 2016, 01:01:33 pm »
Meron pa nga mga lovescene ang mga kabit (morality issue) sa ibang teleserye before pero walang say ang MTRCB.
Laging big deal pag Jadine,hahaha. Yung si James Reid din na nagsuot ng uniform ng pulis sa otwol naging issue, Eh yung sa probinsyano nga, naka uniform ng pulis pero protector ng druglord,hahaha.

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #130 on: November 03, 2016, 01:05:30 pm »
^ Mas acceptable daw yung protector ng druglord kaysa sumayaw sa bridal shower ng fiancee.  ;D and okay lang if puro violence kaysa lovemaking or kissing scene between gf-bf.

I don't really see what the fuss is about since Arci Munoz and Jericho Rosales' teleserye which comes on an earlier timeslot has love scenes. I remember even Pasion de Amor, Tubig at Langis had hotter scenes pero walang angal mga tao. I read in Twitter na fans daw ng kabilang loveteam ang nagstart ng petition. Hindi naman puro love scenes and lalong hindi kalaswaan yung nasa show. More on Basti and Iris' marriage, conflicts in the family, Ali's struggles with his sexuality and family yung mga pinapakita.

Yung ibang haters pa may dramang nalalaman na hindi maganda panoorin ng kids. Umm.. Why are their kids/nephews/nieces awake at 9:35-10:30? My daughter is asleep at 8pm. They shouldn't blame bad parenting/lack of supervision to JaDine/TIMY.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #131 on: November 03, 2016, 03:21:21 pm »
Haha nakakatawa naman ang MTRCB kung papatulan ang issue na yan. Hindi ba much worse yung show bago TIMY na pinopromote ang pakikipaglandian sa ibang lalake kahit engaged na and may anak na sa iba? Mygawd. ::)

arjaychan

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #132 on: November 05, 2016, 11:54:42 am »
Kabilang fandom pala ang nanguna sa petitions at talagang pinatulan naman ng  MTRCB.

arjaychan

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #133 on: November 05, 2016, 11:56:44 am »
c/o pex
Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 5, 2016

Kaya pinalalaki ng iba ang lovescenes James at Nadine nadagdagan ang endorsements!



MANILA, Philippines - Nilinaw ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Toto Natividad sa isang interview na hindi nila kakastiguhin ang programa na Till I Met You starring James Reid and Nadine Lustre na pinag-iinitan sa kasalukuyan.

Ayon sa pahayag ni Chair Toto, dialogue lang ang magaganap sa November 10 at hindi pagkastigo.

Ipinatatawag ng chairman ng MTRCB na hindi pa alam kung mare-retain sa kanyang puwesto, ang produksiyon ng TIMY kabilang na ang directors na sina Andoy Ranay at Antoinette Jadaone dahil sa lovescenes daw ng programa.

Nauna nang pinagbintangan ng JaDine fans ng selective censorship ang MTRCB chief dahil nga sa naging pahayag nito tungkol sa nasabing eksena sa programa.

Kung sabagay, OA naman kasi ang reaction ng iba. Actually sinilip ko para nga ma-check kung ano ba ‘yung inaapela nila. In all fairness, hindi naman kalaswaan. ‘Yun lang mga nag-isip ng malaswa ang iba ang interpretation sa eksena.

Kanya-kanya kasi ng impression sa isang eksena kaya siguro ganun.

Mag-asawa ang role ng JaDIne at agree ako sa katsika ko yesterday na memorable pa nga ang nasabing lovescene.

Apela ng fans na pinalalaki lang ang isyu ng iba at hinahanapan ng butas ang nangungunang magka-loveteam na nadadagdagan pa rin ang endorsement.

Anyway, parang hindi naman affected sina James and Nadine dahil makikita sa kanilang Instagram account ang kanilang mga picture sa Korea. Kasama nila ang kani-kanilang kapatid at ilang kaibigan.

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #134 on: November 05, 2016, 10:16:01 pm »
Kabilang fandom pala ang nanguna sa petitions at talagang pinatulan naman ng  MTRCB.

Yup. Anna Cocio daw name nung girl. I saw a screenshot of one of her comments na kaya daw nainis sa JaDine kasi clingy masyado.  ;D Hater na hater lang. Kung ayaw sa isang celebrity then avoid watching that person's shows/movies instead of spending so much time breeding hate.

Here's Dreamscape's statement: https://www.facebook.com/DreamscapePH/photos/a.517096135060385.1073741829.342267532543247/795257330577596/?type=3&theater

Baka naman kaya biglang bawi ang MTRCB kasi umalma yung fans. May petition din kasi na ginawa against selective censorship.


thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #135 on: November 17, 2016, 11:49:33 am »
Am I the only one who's annoyed at Cassandra? Naiinis ako sa pagiging immature and mapride niya.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #136 on: November 18, 2016, 02:21:42 am »
^ako din naiinis na. Di pa kasi mag-move on. Mas matagal pa yata yung pagiging bitter nya kesa sa relasyon nila ni nestor noon.  Buti nga nasabihan sya ni Lolo Soc kagabi.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #137 on: November 18, 2016, 10:34:51 am »
Naaawa ako kay Val. Lahat ng kinakatakutan nya kung bakit nya ayaw bumalik ng Pilipinas, nagkakatotoo na.

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #138 on: November 18, 2016, 12:21:34 pm »
^True pero mukhang wala naman gusto na si Nestor kay Cass. Annoying yung pagiging insensitive niya. Kalimutan daw ba imention si Val sa speech niya sa launch. Ang di lang maganda kay Val yung sobrang paranoid na though di naman mablame kasi walang validation from Nestor. Ang dense.

^^ Si Cassandra immature and selfish. Medyo weak yung character niya. Di ba bata pa lang si Iris tumutulong na sa kanya sa pagbebenta ng handicrafts. Naging support niya emotionally. To think na bata yun tapos siya yung adult. Parang lagi may chance mag-unravel tapos konting issue lang inis na. Irrational pa mag-isip kaya buti nandun si Lolo Soc.

Si Basti nakakaloka. Masyadong excited sa baby. Hindi ba niya naisip ang liit ng apartment nila, no savings tapos no yaya pa. Sino mag-aalaga? Si Tita Nanet (?) yung cousin ni Nestor or si Cass na for sure mangingialam sa kanila.  Sana negative yung pregnancy test muna.

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: Till I Met You
« Reply #139 on: November 18, 2016, 08:38:26 pm »
Naiinis din ako kay cass, pero meron talagang ganyang magulang, yung feeling nila pag-aari nila yung mga anak nila. Natutuwa ako pag napagsasabihan siya ni lolo soc at pokwang, kaso matigas din si cass, kala mo narealize na yung mali niya hindi pa din pala. :P

Sana nga negative muna pt ni iris, eto naman kasing si basti palibhasa anak mayaman kaya hindi practical mag-isip.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close