watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2  (Read 71391 times)

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #500 on: February 03, 2017, 02:26:17 pm »
I can say the same to you. Ikaw nag accuse di ba? Eh patunayan mo. At kung ilahad mo man siguraduhin mong tama. Bakit ka maglalahad na wala kang evidence na sa kanya nga. Ipakita mo nga documents. Kundi isa ka din nagtotolerate ng fake news ang lakas mong mang akusa wala ka naman palang maipakita.
« Last Edit: February 03, 2017, 02:27:54 pm by yelle »

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #501 on: February 03, 2017, 02:41:37 pm »
Parang  si DeLima "The summary execution are state sponsored. But I don't have proof on that at this point.". Nauna ang accussations bago ang evidence. Toinks! ???

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #502 on: February 03, 2017, 04:27:45 pm »
Well its true na mayaman ang angkan. Hindi na lingid sa atin yan. Pero purket mayaman na ang angkan, mayaman na rin siya?

Ang kayamanan ba ng kapatid mo ay kayamanan mo rin? Pero kung may ari arian siya nahindi maipaliwanag, bakit hindi napatunayan ni Trillanes yan. Nagkalkal yan, nag imbestiga pero anong nangyari? Nga nga siya. Kasi 'yong mga listahan na sinasabi niya iba ang mga may-ari.

May mga naipamana naman siguro ang magulang niya. Kung binoto siya ng mga tao eh dahil gusto nila  si Duterte. 
« Last Edit: February 03, 2017, 04:33:19 pm by janachen »

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #503 on: February 03, 2017, 07:54:25 pm »
wow, di na daw maglalagay ng ambassador si poon digong sa amerika..
mukhang kulang sa fentanyl na naman ito ha..

sino aber ang tatakbuhan sa america ng mga pinoy dun? nagmagaling na naman...

and excuse me, may term pa sya na 'ang daming nang namatay sa sundalo ko'
wow, kelan nya pag aari ang sundulo... 

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #504 on: February 03, 2017, 09:12:50 pm »
^ ::) ::)

Anyway...


Kudos! to DENR Sec. Gina Lopez.  I personally saw the mining the one in Claver Surigao. Grabe ang destruction doon ang lawak ng kinalkal nilang lupa pati ang tubig dagat naging brownish and cloudy. It's about time na alisin ang mga illegal mining dito sa bansa.

#JuanWithNature video

https://www.facebook.com/GinaLopezPH/

"The Department of Environment and Natural Resources (DENR) is closing down and suspending several mining operations nationwide as the result of the nationwide audit it launched last year against them.

Initial result are as follows:

Companies that are suspended are:

    Oceana Gold Philippines Inc.
    Lepanto Consolidated Mining
    Citinickel Mines and Development Corp.
    Berong Nickel Corp.
    Ore Asia

Companies for closure:

    AAmphil Natural Resources Exploration
    Krominco
    Oriental Vision Mining
    Libjo Mining Corp.
    Benguet Corp Nickel Mines
    Erramen
    Zambales Diversified
    LNL Archipelago Mining Corp
    Sinai Mining Exploration and Development Corp.
    Emir Minerals
    Techniron Mineral Resources
    Adnama Mining
    Claver Mineral
    Platinum Group Metals
    Hinatuan Mining Corp."


http://business.mb.com.ph/2017/02/02/mining-audit-denr-to-close-15-firms-suspends-five/
« Last Edit: February 03, 2017, 09:15:55 pm by yelle »

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #505 on: February 03, 2017, 09:20:47 pm »
^^ roll eyes emoticon.. I know what you're thinking.  ;D

Anyway, grabe si Miss gina Lopez. Sobrang saludo ako sa kanya tsaka may paninindigan.

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #506 on: February 03, 2017, 10:24:10 pm »
^ sis I try to be positive pero tao lang. ;D

Very touching nung ginawa nilang video. Kung sana i-cover lang din ng nasa mainstream media ang laki ng magiging impact sa mga manunuod ito. I went to Surigao(dulo na ito ng mindanao) last summer at bago ka tumawid ng Island of Bucas Grande which is a tourist destination(well actually bawat sulok ng Surigao ay picturesque) madaan mo itong Claver mining and omg what a contrast parang beauty and the beast. Pag naka harap ka sa claver total devastation ,pag nakatalikod ka naman ang gaganda ng mga island across. Pero nung nakita ko napaluha talaga ako naisip ko nalang na bakit hinayaan ng gobyerno na mangyari ito?

Sabi nga nung bangkero eh bulubundukin at mapuno daw yun dati ngayon patag at sobrang maputik na hindi na rin sila maka pangisda doon kailangan lumayo talaga sila makahuli lang ng isda.

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #507 on: February 04, 2017, 01:08:02 am »
^ Winner for me si Sec. Gina. My dad hails from Agusan and is now in Surigao and sobra ang mining dun. Kawawa talaga si Mother Earth. Good thing that Sec. Gina is doing her best para sa environment na dapat noon pa pinagtuunan ng pansin ng govt and ng mga Pilipino.

Happy lang tayo dapat mga sis. Natatawa na lang ako sa mga nega /anti-Duterte govt na lahat na lang tine-take literally. Nitpicking ang hobby.  :P Maka-bash akala mo naman dami'ng nagawa (or kung may magagawa man) yung mge bet nila'ng mamuno sa bansa.  ;D


janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #508 on: February 04, 2017, 01:33:00 am »
Baka naman pwedeng si VP Leni ang magiging kinatawan ng Pinas total may idea na siya doon. Paguide siya kay Loida Lewis. (baka may mahurt  dito)  :P

Ang pangit naman kasi na magpapadala si Duterte ng ambassador para makipag-usap sa US para sa mga  undocumented na workers doon samantalang may sinusunod silang immigration policies. Baka sipain pa ni Trump 'yong ipapadala.

'Yong sinasabing  walang malalapitan ang mga Pinoy doon, may embassy naman doon. Kaloka!

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #509 on: February 04, 2017, 05:52:44 am »
Mapapa-roll eyes ka talaga sa mga nagbibintang ng walang source or proof ng pinagsasasabi. You can't have an intelligent discussion with people like that...walang point! Do your research daw pero sya hindi nagri-research. Rappler na rappler ang dating...LOL!
« Last Edit: February 04, 2017, 05:55:21 am by kvandenhaak »

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #510 on: February 04, 2017, 10:48:38 am »
Sabi nga ng boss ko pagka may nagpopost ng tungkol sa rant nila sa gobyerno, sana hindi na lang ako nag PolScie. Basta makarant lang, wala sa hulog ang pinagssabi. Ni hindi alam ano ang main responsibilities ng bawat sangay ng gobyerno.
Presidente tatawagin mo para tumulong sa baha. Anong gagawin nya doon?

'Yong iba, ahh binenta na ni Duterte ang Pinas kasi nakipagnegotiate sa China. Juskolord. Treason na yun.  Baka paglapag sa airport, shoot to kill na siya. 

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #511 on: February 04, 2017, 12:48:39 pm »
ayaw na ni almighty digong na may embassy sa US..
at ayaw na rin ni poong digong makipag usap sa CCP NPA.. end of ceasefire na daw
pero ang nakakatawa, sabi ni bello, tuloy pa naman ang usapan. dahil sayang daw yung nasimulan.
so sino nag sasabi sa kanila ng totoo?

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #512 on: February 04, 2017, 01:04:24 pm »
Aray ko bes!
mamili ka na kung saan ka pupunta kung may problema ka sa US.  ;D http://www.philippineembassy-usa.org/philippines-dc/consulate-finder-dc/

Eto address ng embahada ng Pilipinas kung may isasangguni ka po.
1600 Massachusetts Ave NW, Washington, DC 20036, USA

Hindi pwedeng walang embassy ang Pinas sa US, sobrang dami ng mga pinoy na nagtratrabaho doon. Naloka naman ako sa walang embassy ang Pinas kasi ayaw ni Duterte
« Last Edit: February 04, 2017, 01:17:37 pm by janachen »

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #513 on: February 05, 2017, 10:27:26 am »
^^Hay naku.. Hindi perpeko ang Duterte admin okay pero ramdam mo naman ang efforts. Yang tungkol sa NPA ano pa ba ang gusto nila binigyan na nga ng cabinet post ang maka kaliwa, ni welcome yung mga protesters sa malacanang, pinalaya na ang ibang miyembro sa ngalan ng kapayapaan etc. Iniabot na nga niya di lang isang kamay kundi dalawa tapos ngayon pati mga paa kukunin pa. lol Hindi ba pwedeng valid ang dalawang opinyon kay Bello at Digong? Nasa peace process pa naman.

^kaloka sis  ???

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #514 on: February 06, 2017, 08:19:21 am »
Dati daming reklamo nila bakit daw makikipag negotiate si Duterte sa mga rebelde. Ngayon nagrereklamo na naman ang iba bakit daw tanggal na ang ceasefire. Ano ba talaga ang gusto. Kaloka! 

Pero mas epic 'yong walang embassy. Ewan ko kung nagtrotroll si Ateng  ;D

PinKisH_23

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #515 on: February 08, 2017, 02:16:37 am »
Hahaha, hayzzz.. ang haba na ng thread.. I know it is ethical to read from the start, pero worth it pa ba na mabasa pa ang posts ni  ::) ::) ? Lol

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #516 on: February 08, 2017, 09:39:21 am »
^^patola.com naman ang peg ko. Parang troll lang sa FB yan ;D


Magandang hindi sila tinanggal at pinatapon sa Basilan.
1. Mapipilitan silang makipagbakbakan sa mga bandidong grupo doon.
2. Mamomonitor pa rin sila ng gobyerno.
3. Suicide ang bagsak sa dami ng Abu sayaff, feeling ko mag AAWOL nalang ang mga pulis na 'to kaysa magpunta sa Basilan.

Pero baka naman doon sila magkalat ng lagim at sumanib sa mga grupo ng terorista.
http://newsinfo.inquirer.net/869260/duterte-dresses-down-erring-police-officers

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #517 on: February 08, 2017, 12:30:07 pm »
^ I also like the idea na pakainin sila ng water lilly sa Pasig River. Haha! Bagay sa kanila yan, panira sila ng imahe ng PNP. Nakaawa si Bato.

on another note, I do not like what Speaker Alvarez  is doing sa Congress with regards to Death Penalty. He is FORCING all under  PDP-Laban to support the bill or else, they  will be remove from their position or iwan na daw nila ang PDP - Laban.

I just think this is wrong. Kung ang presidente nga believes in democracy and walang pilitan when it comes to things like this, ang labas sa ginagawa ni Alvarez, pinipilit nya ang mga kaalyado.

Hindi naman porke kaalyado ka ng presidente e literal LAHAT ng gusto nya, gagawin mo or sasang-ayunan mo.  May sariling isip ang mga yan bakit kailangan pilitan.

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #518 on: February 08, 2017, 01:12:26 pm »
^^Agreed! We are not yet ready sa death penalty.  Ayusin muna ang justice system ng bansa para walang mapatay na inosente. Baka maging selective lang ang bagsak.

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #519 on: February 11, 2017, 12:52:50 am »
Meron na pala Social Media Corps sa Malaca?an ngayon! Yey! And just to clarify, hindi lang pro admin ang pwede, kahit anti-admin pa na social media entity pwede kaso nga lang they have to reveal their identity syempre. Good thing, most of the pro-Duterte FB pages' admin are real persons na kilala ng mga followers nila. Ewan lang dun sa mga Silent No More, Madam Claudia pages ek-ek.
Pagbibigyan na nga sila ni Pres. Duterte na mag-cover sa Malaca?an, para kung may mga tanong sila, they can ask personally. Ma-address na agad mga batikos nila. Kaso, willing ba sila na i-reveal ang identity nila??

 

Latest Stories

Load More Stories
Close