watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2  (Read 71582 times)

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #480 on: January 30, 2017, 05:18:05 pm »
sabi ni digong, napapahiya daw sya sa mga kapulisan..
so?? means ikaw pwede mamahiya ng tao pero ikaw ayaw mo...
sana lang, ununa muna nila maglinis sa bakuaran nila bago magpakabibo sa drug war na yan...

para masolve agad ang problem.. KILL.. KILL KILL DUMLAO .. tapos ang kwento..
baka nga naman kung ano pa maikanta..


janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #481 on: January 30, 2017, 07:03:04 pm »
ikaw naman ate laging may baka may masabi lang. Puro tsismis.

Ano ba yun, 700k plus one way ni Duterte.
Wala si Duterte sa mga binabahang lugar kasi busy sa pagcover up sa crame.
Hinahanap mo si Duterte sa CDO kasi  lumubog na ang CDO.
Si Chavit magkakaroon ng chicks sa mga Miss U(?)
« Last Edit: January 30, 2017, 07:07:49 pm by janachen »

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #482 on: January 31, 2017, 11:21:26 am »
Di mo nga maintindihan mga naiisip ng mga yan. Human rights daw ipaglaban! Pero pag yung SAF44  kapag hinahanapan ng katarungan, ayun sasabihin diversionary tactics. Logic lang...

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #483 on: February 01, 2017, 02:10:56 am »
yun nga po.. after mag declare na stop muna ang drug war..
BOOOM!! walang na bang bang bang! walang bumalagta!! walang binaril! walang riding in tandem! walang pumasok sa bahay at nagkikil ng buhay!! wala wala wala!!

ibig sabihin.. ang pulis talaga, pulis sa umaga, vigilante sa gabi??

Kailangan pa ng isang koreano para kumilos si digong at kapulisan pero ang daan daan pinoy na pinatay, dedma!!

may drama pa si bato na mag soul searching.. inuusid ka na ba ng konsensya mo... nasa kabaro mo ang bigaten, small time pinaslang nyo lang.. pano yung mga hindi involve sa drugs? mababalik mo ba ang buhay dyan sa soul searching mo... oh well, pwede naman, change of heart, from bad to good...  not yet too late, Bato.. 

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #484 on: February 01, 2017, 08:58:50 am »

Naku ayan ka na naman ateng. Hindi pa tapos ang war on drugs sa ibang deaprtment nila nilagay.

PDEA to lead war on drugs after Bato disbands AIDG
http://news.abs-cbn.com/news/01/30/17/pdea-to-lead-war-on-drugs-after-bato-disbands-aidg


According sa mga Koreano  2014 nakapagtala sila ng ilang kaso ng pangingikil sa mga Koreano. Source: TV Patrol mabuti na 'yong may source, hindi puro tsismis sa kalye.

 Ibig sabihin pumutok lang ang balitang ito ngayon. Buti naman at may balls na ang mga Koreano para magsumbong.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #485 on: February 01, 2017, 01:18:05 pm »
another achievement of this admin: Public school teachers inalisan ng allowance...

Pinagbawalan na ng gobyerno ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng allowance sa mga public school teacher.

Kaya naman magsasagawa ng kilos protesta ang mga guro at militanteng grupo sa Pebrero 3 upang tutulan ang ginawang ito ng Department of Education, Department of Budget and Management at Department of Interior and Local Government.

Sinabi nina ACT Representatives Antonio Tinio at France Castro na hindi dapat alisin kundi dapat dagdagan ang allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

?Nababahala ngayon ang kaguruan. Basically ay tatanggalin na ang allowance ng mga kaguruan natin mula sa LGUs,? ani Castro.

Inilabas ng tatlong ahensya ang Joint Circular no. 1 na nagbabawal sa mga LGU na magbigay ng allowance sa mga teacher.

Magkakaibang halaga ang ibinibigay ng mga LGU. Sa Quezon City ay P2,000 kada buwan ang natatanggap na allowance ng mga guro.

?Hindi na nga nadadagdagan ang kanilang suweldo, mayroon pang dagdag na buwis, ngayon magbabawas naman ang allowance,? ani Castro.

Sinabi ni Tinio na sasama sila sa rally na susugod sa Malacanang sa Biyernes.
?Sasamahan namin ang mga kaguruan sa kanilang protesta sa February 3 sa Malacanang at sa DBM,? dagdag ni Tinio.





yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #486 on: February 01, 2017, 01:45:19 pm »
"World court rules Aquino's 2011 cancellation of Belgian dredging project illegal

Orders PH govt to pay Belgian firm P0.8 billion

THE World Bank's International Center for the Settlement of Investment Disputes (ICSID) ruled January 23 that former President Benigno Aquino III's unilateral cancellation in 2011 of a Belgian firm's P18-billion flood-control venture, the Laguna Lake Rehabilitation Project, was illegal and unfair.

It ordered the Philippine government to pay the Belgian dredging firm Baagerwerken Decloedt En Zoon (BDZ) P800 million, or what it had already put into the country plus interest costs from 2011 to this month when Aquino scuttled the project in November 2010, a few months after he took office."

http://www.manilatimes.net/world-court-rules-aquinos-2011-cancellation-belgian-dredging-project-illegal/309961/

Kailangan pigain itong si Pnoy and his cohorts at mukhang may malaking pamanang utang tayong babayaran. Kinansela ba naman ang contrata eh ayan whether we like it or not tax payer magbabayad niyan.

sis twinbee ano masasabi mo tungkol dito? Pwede bang pakisabi kay Leni na bulungan si Pnoy about this?
« Last Edit: February 01, 2017, 02:19:22 pm by yelle »

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #487 on: February 01, 2017, 02:34:46 pm »
^ Walang sasabihin yan. Tahimik na lang ulit sa issue at magtatago sa echo chamber na merong support group para icomfort ang mga burned. Haha. Hanap ulit ng pwedeng ingay para maka puna sa Admin. Daliiiiii.

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #488 on: February 01, 2017, 05:47:11 pm »
May pumuntang dalawang pulis sa office namin today. Nanghihingi ng drug test sa lahat ng employee namin.
1. Kakabasa ko lang sa news today na itigil ang lahat ng anti drugs campaign. Eh bakit  may kumatok na pulis sa office namin in full uniform with a written letter from the police chief?
2. Ang pasig city required ang mandatary drug testing sa lahat ng employee. Ang tawag nila dun Sanitary ID. Di ka pwede magwork kung wala neto. So ibig sabihin meron kaming drug testing sa pasig meron pa sa pulis?
3. Is this even legal? Meron pa silang deadline na binigay samin.

Sa totoo lang kahit di ka pa nakatikim ng illegal drugs sa tanang buhay ko, matatakot ka talaga pag may kumatok na pulis sa pintuan mo. We are a small company with 5 employees. Who will defend us kung kumatok uli sila at di namin nameet ang deadline nila?

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #489 on: February 01, 2017, 08:43:18 pm »
Better  ask 'yong Chief  of police ninyo kung anong meron or tawag sa 8888 baka mamaya niyan may hidden agenda ang mga yan.

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #490 on: February 01, 2017, 11:32:33 pm »
^^What you can do is ask their superiors or any government agency related to them kung para saan yon, if the previous drug tests is enough. Marami pa ring pulis patola up to now para magkalinawan. Naka-address talaga sa pangalan ng business at address ninyo? 

Nabalitaan ko yung sa Belgian company. You know, I am not trying to make fun of the mentally disabled pero Noynoy is obviously has some mental development problems. You give them special care so they can still become productive members of society pero you don't give them powers to decide on matters of that scale. Yung Hacienta Luisita ang ipambayad nila dyan!

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #491 on: February 02, 2017, 01:00:17 am »
May pumuntang dalawang pulis sa office namin today. Nanghihingi ng drug test sa lahat ng employee namin.
1. Kakabasa ko lang sa news today na itigil ang lahat ng anti drugs campaign. Eh bakit  may kumatok na pulis sa office namin in full uniform with a written letter from the police chief?
2. Ang pasig city required ang mandatary drug testing sa lahat ng employee. Ang tawag nila dun Sanitary ID. Di ka pwede magwork kung wala neto. So ibig sabihin meron kaming drug testing sa pasig meron pa sa pulis?
3. Is this even legal? Meron pa silang deadline na binigay samin.

Sa totoo lang kahit di ka pa nakatikim ng illegal drugs sa tanang buhay ko, matatakot ka talaga pag may kumatok na pulis sa pintuan mo. We are a small company with 5 employees. Who will defend us kung kumatok uli sila at di namin nameet ang deadline nila?

I will ask a lawyer kung ako nasa position mo. I don't even know kung legal ba ginagawa ng mga pulis na yan. Ang DAMI DAMI abusado.

Sobrang bulok ng sistema ng ibang taga PNP, sino pa magtitiwala sa kanila?


Nakakalungkot lang na kahit anong tino ng Presidente at ng PNP Chief, hanggat ganyan kabulok at corrupt ang sistema ng ibang pulis, baliwala lahat.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #492 on: February 02, 2017, 02:07:49 am »
utang ba kamo? ang sarap nga ng buhay ni digong sa laking iniwan na pera sa kanya ha...
at least si pnoy, mukhang lang abnoy pero itong presidente ng pinas, lunatic sa salita at sa gawa..


janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #494 on: February 02, 2017, 07:59:58 am »
utang ba kamo? ang sarap nga ng buhay ni digong sa laking iniwan na pera sa kanya ha...
at least si pnoy, mukhang lang abnoy pero itong presidente ng pinas, lunatic sa salita at sa gawa..

Check mo sa Budget hearing kung saan napunta ang mga pundo at saang department napunta.


Eto pala: http://newsinfo.inquirer.net/806502/p3-35-t-natl-budget-sought


Total may SALN naman magkakaalaman sa End ng 2017 kung may increase ang kanilang mga pera sa bangko. Don't worry nandiyan naman si Trillanes taga kalkal ng mga documents at ari arian ni Duterte pagka may kabulastugan si Duterte madali lang mapabagsak si PPRD pag si Trillanes ang naglabas niyan gaya ng ginawa kay Binay.

« Last Edit: February 02, 2017, 08:12:50 am by janachen »

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #495 on: February 02, 2017, 12:05:26 pm »
Of all the things na binabato Kay PRRD, one thing na hindi ako maniniwala talaga is yung magnanakaw sya ng pera.

Kitang kita naman how simple this person is. Jusmio paulit ulit nga ng damit :P 20 years sya nagkaroon ng position sa Davao pero parang wala naman inunlad halos buhay nya don kumpara mo sa ibang pulitiko.

He is a very simple person.


Change topic:

I hope itong ginagawa ng PNP na internal cleaning e seryoso at hindi lang pang press release dahil FOREIGNER ang nabiktima. Sabi nga ni Sass sa FB nya, dapat si Bato ganyan din kagalit kapag PILIPINO ang nabiktima ng mga makapal na mukhang pulis na yan! I bet mas maraming Pinoy ang nabiktima na, hindi lang na hype ng ganito.

Sana patas sa lahat ng pagkakataon. Mayaman, middle class or kahit mahirap. Kapag inabuso ng pulis, dapat maparusahan ang umabuso.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #496 on: February 03, 2017, 01:02:18 am »
Mayaman ang angkan ng mga duterte.. nagkataon na lumaking 'kalye' lang yan.. kaya makamasa...
ang daming properties nya sa ibat ibang lugar...

ang sabi ni poong digong, t******* daw ang anak nya, inuuna ang babae kaysa sa anak... syempre kung anong puno, syang bunga.. hindi muna manalamin kasi eh.. dysfunctional family.. nakakakilabot na tawagin syang 'tatay digong'.. hindi ganyang ama ang dapat maging ama..

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #497 on: February 03, 2017, 09:30:34 am »
^^That's their life,personal nilang buhay yan.  Be fair naman Ms. Twinbee, huwag puro nega ang nakikita.  Anyway, hindi nagpabaya si Duterte sa mga anak. Nasa puder niya ang mga anak noong naghiwalay sila ng asawa. Napag-aral at napagtapos niya. Huwag ring magjudge sa mga nangyari sa pamilya niya kung hindi ka naman nandoon sa mismong situation.

Ni hindi nga natin kinakalkal anong nangyari sa buhay ni Kris o si Mar. Bakit iba pinakasalan ni Mar, anong dahilan niya samantalang may anak sila ..etc..Bakit ang daming asawa ni Ramon Revilla?  Walang ganoon kasi personal nilang buhay yan. Hindi nila kailangang mag explain sa publiko. Ganoon ang ikot ng buhay eh.

Nasa situation din ako na ganyan, kaya mahirap magjudge kung ano ang nangyayari sa mga pamilya.

RE about their properties:
I think Trillanes exposed that before botohan, sablay nga lang ang nakuhang information. Ang mga may-ari nagrereklamo.  Abogado naman siya noon at kayang kaya bumili ng mga properties para sa mga anak. Tayo nga we are investing properties para sa mga anak hindi ba?

Back to PPRD admin:
Japan firms line up for PH business after Abe pitch.

More investments, more work.
Read more: https://business.inquirer.net/223973/japan-firms-line-ph-business-abe-pitch#ixzz4XaM5iKVP
« Last Edit: February 03, 2017, 09:55:34 am by janachen »

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #498 on: February 03, 2017, 01:00:44 pm »
Mayaman ang angkan ng mga duterte.. nagkataon na lumaking 'kalye' lang yan.. kaya makamasa...
ang daming properties nya sa ibat ibang lugar...

Patunayan mo alam mo palang may maraming properties eh.  Sabihin mo dito kung anong mga properties iyon at para malaman namin. Wag mong itago mga nalalaman mo. Ano samahan kita mag reklamo? Kasi it's about time na ibunyag na yan kung may mga tinatago talaga. Sige na sis pangalanan mo na kung anong mga properties yan? Lintek niya lang pag naging totoo yan isa ako sa kakaladkad sa kanya palabas ng malacanan. Ano game ka ba?
« Last Edit: February 03, 2017, 01:16:41 pm by yelle »

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #499 on: February 03, 2017, 01:29:58 pm »
dont be blinded.. playing low profile lang yan mga yan..
do your research too, at least ikaw mismo magpapatunay nyan..
kahit ilahad dito, di naman nyo maniniwalaan, kaya, ikaw na mismo gumawa.. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close