watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2  (Read 71475 times)

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #460 on: January 26, 2017, 09:29:31 pm »
To be fair with this administration, matagal ng maraming walang kwentang pulis. Kaya nga ever since ang stand ko is dapat unahin talagang linisin ang PNP kasi paano sila pagkakatiwalaan ng mga tao? How can you implement the law properly kung sila mismo ang hindi sumusunod?

Anyone here who watched the full senate hearing kanina? Lacson showed  CCTV footage ng isang raid at nakita na nagplaplanta ng drugs ang mga pulis at nagnanakaw pa. Grabe lang. 

Naaawa ako kay chief PNP Bato sa totoo lang, napaka tinong tao at head ng PNP tapos ganito lang ang iba.

Kaya minsan napapaisip ako dyan sa death penalty na yan kasi it is pretty obvious na maraming napag bibintangan lang, maraming inosente na hindi dapat nakakasuhan, so papaano na kung justice system natin ay bulok ultimo nag iimplement may mga bulok, kawawa ang mga inosente na madedeath penalty. They should fix the justice system and fix the PNP mismo.

Kawawa ang matitinong pulis lalo na si Chief PNP Bato.

This administration only wants the best pero kung maraming sira ulo na hindi gagawin ang tungkulin nila, oh well, good luck Philippines.

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #461 on: January 27, 2017, 11:42:23 am »
^ And yet the anti-admin now only wants to put all the blame to our president samantalang last admin, halos wala ding mga nagawa. The more nila i-diin ang status quo ngayon, lalo lang nahuhukay din ang kapalpakan ng last admin nila. Pasalamat pa sila at merong accountability mga tao ngayon sa gobyerno at ginagwan ng solusyon ngayon. Kung hindi, baka boy sisi na lang din at ibaon sa limot.

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #462 on: January 27, 2017, 01:01:03 pm »
Kung nalinis nga naman nila ang mga kapulisan noon pa, eh di sana walang ganyan ngayon. Alangan naman na ngayon lang umaabuso ang kapulisan?

20M worth ng ari arian ni Sta. ISabel? Saan nya kukunin ang ganoong kalaki. Sabi ko nga huwag magmalinis ang mga dating administrasyon.

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #463 on: January 27, 2017, 01:49:30 pm »
^ I watched the full senate hearing and he said na they have businesses. His wife daw manages their businesses kaya ganon kalaki net worth nila. Dapat ito pacheck sa BIR kung naka declare lahat. Wala naman issue if true nga na may mga negosyo sila, right naman nila yun for as long as pinaghirapan talaga ang pera at hindi nakuha sa pag gawa ng masama.


^^ I never like the PNoy Admin. Ni hindi ko binoto si Noynoy nung 2010. I was rooting for Gordon. Napaka daming palpak ng Pnoy Admin and I never felt na may nagawa sila.

I voted for Duterte and Cayetano last May 2016 and in fairness marami na talaga nagawa. Although there are things na hindi ko din gusto. I think at the end of the day ang importante is to always be Pro Philippines and not Pro Politician.  Point out the mistakes but also learn to appreciate the good things.

Gaysha

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #464 on: January 27, 2017, 05:29:47 pm »
^Sis, yung Sta. Isabel huling huli na pati yung asawa nya, galing nga lang lumusot kung mga simpleton lang makakausap nila. Imagine na lang dun sa bago pa daw nag pulis, may mga negosyo na sila. Tinanong kung magkano sweldo ng pulis. 8K!!! So kung may mga negosyo ka na, bakit ka papasok ng pagkapulis na 8k ang sweldo?

At yung asawa ang galing ding lumusot. Kambal plaka daw ang sasakyan. Sobrang timing na man ata na parehong pareho at noon lang nangyari nung time ng crime. Same car, color, plate number was used for the abduction. Witnesses and cctv clearly shows Sta. Isabel and the wife's car. Bakit andaming sinasawsaw ng media at mga pulitiko. Unahin muna yung mga taong andun sa crime scene, saka na ang sinasabi ng kriminal na mastermind.
« Last Edit: January 27, 2017, 05:32:44 pm by Gaysha »

AnneMP

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #465 on: January 27, 2017, 07:17:43 pm »
I am a supporter of President Digong and even Chief Bato.  However, sana lang linisin muna ang sariling bakod.  Mahirapan sugpuin ang krimen if pulis ang criminal mismo :( 

While they're attempting to do a clean up in the community, sana pati clean up of government employees - from the highest position to the lowest paying government employee. 

I worked as a government employee before, kahit yung janitor, kumi-kickback.  Grabe lang.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #466 on: January 27, 2017, 09:50:26 pm »
so na confirm talaga ang tanim shabu mula mismo sa mga kapulisan..
para ano? para sabihing successful ang campaign sa droga.. 
yes ang dami nang nagawa ni digong, successful ang ejk!

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #467 on: January 27, 2017, 09:56:45 pm »
^ Natutuhan nila yan sa last admin. Kita mo may 20million na. Para san pa ang gagawin nila ngayon yan? di naman sila kikita? Lol

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #468 on: January 27, 2017, 10:22:44 pm »
so na confirm talaga ang tanim shabu mula mismo sa mga kapulisan..
para ano? para sabihing successful ang campaign sa droga.. 
yes ang dami nang nagawa ni digong, successful ang ejk!

FYI
Tanim droga talamak na yan dati pa. Ayan news 2015.
http://www.remate.ph/2015/05/tanim-droga-pera-modus/

So pwedeng may mga nangyayaring tanim droga na ngayon lang nagsisilabasan.

ilang months palang ba si Duterte?
« Last Edit: January 27, 2017, 10:34:22 pm by janachen »

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #469 on: January 27, 2017, 11:19:18 pm »
^It will be a loooong 6 years for you...LOL!

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #470 on: January 27, 2017, 11:35:47 pm »
^^ Hahah Ako hintaying ko yung 3 years. May sapat na akong basehan para magcomplain kasi naka 50% na sya sa term niya.

Kahit naman magreklamo ako na ayaw ko si Duterte, sinong ipapalit si Robredo? Mala Aquino rin yan na ultimo pagkamatay Ninoy hindi maresolba.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #471 on: January 27, 2017, 11:56:14 pm »
tinangal na daw yung mga pulis na involved..
wag mag alala, mababalik din kayo, mahal kayong ni poong digong..
pulis ka eh.. loves ka nun!

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #472 on: January 28, 2017, 02:33:36 am »
Minana na lang ng current admin from the previous administrations ang mga scalawag na policemen. Meron talagang mga pasaway pero meron din naman tumutupad sa mga tungkulin nila. Kahit sino ilagay natin na Presidente, sa dami ng pulis at govt employees, di yan kayang linisin kung mismong mga baluktot na tao ang ayaw umayos.

Pro-Duterte ako. Meron pa rin mga pangit na nangyayari (di naman yun mawawala kahit sinong naka-upo) pero mas ok na to kesa dati. I'd rather concentrate on how I can be of help to our government rather than being nega and nitpick on small details na hindi naman ikakaunlad ng kabuhayan ko or nang ekonomiya ng bansa.

argento

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #473 on: January 28, 2017, 12:51:01 pm »
^It will be a loooong 6 years for you...LOL!

you are right mocha  ;D

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #474 on: January 28, 2017, 11:56:19 pm »
^^ totoo yan, pero ngayon may accountability na hindi yung tipong sinisisi pa sa nakaraang admin.

Kaya sa tingin ko talaga kailangan taasan ang sweldo ng mga police at  sundalo. According to Sta. Isabel 8k ang sahod niya, jusko kulang pa sa sarili niya yon.

@sis twinbee correction, he never said na mahal o sinusuportahan niya mga scalawags na police.





 

 

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #475 on: January 29, 2017, 12:45:12 am »
^^So, you might as well prepare enough Xanax...LOL!

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #476 on: January 29, 2017, 02:03:20 am »
susme! P739,000 for one way flight ni poon digong pauwing davao..
yan ba nagtitipid?? tsk tsk tsk

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #477 on: January 29, 2017, 04:02:01 am »
^Supply ka naman ng link para ma verify. Ano ka ba eh nag-commercial flight pa nga di ba?

http://www.gmanetwork.com/news/story/594820/news/nation/duterte-takes-commercial-flight-back-to-mnl

I was like, "What the heck is he doing? Dapat merong syang Air Force 1 type na eroplano. &&%#*ina naman eh. Mag-ingat sya dapat kasi maraming gusto syang ma-dedo. Wag na sya mag-ina-inarte dahil Presidente na sya. Kailangan pa sya ng maraming Pilipino!"  >:(

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #478 on: January 29, 2017, 06:24:14 pm »
^^ over naman oneway flight lang as in to mars? ;D

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #479 on: January 29, 2017, 11:48:11 pm »
I just got my first Duterte-signed bill! Kahit 20 peso bill lang sya, ise-save ko talaga to!  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close