watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2  (Read 71732 times)

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #360 on: December 08, 2016, 11:18:25 pm »
Oh, gusto ibalik ni Duterte ang mga Marcos? Sorry, medyo slow talaga ako pagdating sa ganyan but what would he gain from it? So, dapat sya bumaba kasi gusto nya ibalik ang mga Marcos? Eh sya na nga yung nakaupo eh? Why would I jeopardize my position as the most powerful person in the land just to bring the Marcoses back? I do not get the logic.

And with regards to Marcos' burial. Like I said, natulog ang mga Aquino sa lugawan. They could have changed the law. Ngayon ang akin lang eh, kung yun din lang ang issue dito eh ipahukay na yang lintek na bangkay na yan. At kung pwede i-cremate and spread the ashes in different parts of the world para wala ng issue. If it's possible, send it with Mars One...LOL!

I am not sure if it's photoshopped or what pero merong rallyista sa anti-burial saying something like he sacrificed his Grindr date just to be there? ARE THEY FREAKING SERIOUS? How shallow can some people be. It sounds like an insult to the common people who are struggling with their everyday lives. They are so out of touch with reality. LOL...tapos yung flyers kung ano ang dapat i-prepare during the rally. Aba, naka-specify pa ang brand ng bottled water na dapat dalhin.  No wonder it didn't last. Because they don't understand what they are really fighting for. Baka dumami lang yan kasi kasama ang mga yaya.

Haay, ewan ko sa inyo....LOL!

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #361 on: December 09, 2016, 12:14:31 pm »
^hahaha and when some people  took notice of their stupid posters, they cried foul. tapos may iba pang nabastos na which was absolutely wrong.

and what i found so unfortunate about all this, some national news or international lalo na yang si ressa of rappler, seemed to imply that duterte won thru the influence of mocha and trolls and fake news. LOL. all the while i was thinking, mas sumikat kaya si mocha dahil kay duterte. LOL.

I remember that moment people called for duterte to run for president. i also remember, being an ofw, how i saw lots of posts in my timeline calling everyone to register for the absentee voting because duterte might run. and when his candidacy became official, people on their own will, took to their keyboards and campaigned for him. kasi nga sabi nya wala syang machinery. mahirap ba talaga tanggapin na nagkaisa lang talaga mga pilipino, na hinde sila mga trolls, na disente din tong mga to at nag iisip lang din talaga at gusto ng pagbabago? tsaka this is the Internet age, so hinde na kelangan magpunta ng edsa to call for change. mas convenient na sa social media.

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #362 on: December 09, 2016, 12:23:59 pm »
^ Ang mga talunan hindi matanggap ang pagkatalo. Discredit na nila ang pagkapanalo ng dahil sa trolls at fake news? Hindi ba nila na-realized, na dumami din lang ang websites blogs at kung ano ano pa about duterte kasi napansin nila na madaming supporters si duterte at kikita sila sa mga ads ng websites nila? Madami ng supporters si duterte dati pa, nagkataon lang na nadagdagan kasi marketable si Duterte. Tignan mo yung MyPHONE nagendorse pa kay Duterte.  Sumikat si ThinkingPinoy at Sass dahil sa pag advocate nila kay Duterte at hindi sumikat si Duterte dahil inendorse siya ng mga yun.

In denial pa sila. Di matanggap ang kinahinatnan nila despite ginawa na nila ang lahat sa mainstream media at kung sino sinong artista pa ang ginamit sa campaign.

stormy

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #363 on: December 09, 2016, 09:17:06 pm »
Aside sa suportahan si prrd e maging objective din tayo.

Nakakairita na rin minsan yun banat na mga dilawan lang may ayaw or naninira lang kay mayor. May mga mali rin naman ginagawa si mayor dahil d sya perpekto. Tao sya. Sana maging totoong mababang loob sya na pag may mali e baguhin. Wala naman siguro may monopoliya ng katalinuhan, kagalingan at kabaitan. Huwag nating gawing Diyos si mayor.

Yun linya na bayaran mga artistang nangampanya, hayaan na natin kasi kahit siguro mahal binayad at nanalo si mar roxas e hindi naman siguro nya gagawing head of agency sila kathniel atbp nangampanya sa kanila. Mas mahal pa nga bayad sa mga "libreng" nangampanya kay mayor.

Syempre sasagutin ako ng iba na sila talaga ang iuupo kasi sinuportahan si mayor pero please lang ganyan rin magpaliwanag mga inaayawan nating dilaw. Hindi lang naman siguro dapat yan maging basehan sa paglagay ng tao. Mas corrupt pa nga mga ibang tao ni mayor kaysa sa dati, lakas lang talaga ng suporta ng tao kaya kahit mali may as if reasonable na paliwanag.

Si gen Bato nga gustong-gusto ko kaso last time nakita ko sa tv suot e napakamahal na oakley shades. May mura na oakley pero yun modelo na suot nya e yun mamahalin.

Yung maang-maangan paano ba korupsyon sa gobyerno, e well ganun pa rin. Sana mag-share dito mga nagwowork sa govt kasi yun nakakausap ko baka naman sa ahensya lang nila yung 75k ang ginawang pasweldo sa contractual at sa ibang consultants. Ilang araw na proyekto e ang honorarium 75k. Nag-hire ng mga kamag-anak kahit hindi qualified, tayo siguro kung tao ni pnoy yan e sobra na tayong magrereact pero ngayon kahit hindi patago walang pumipiyok kasi takot e. Ang lalakas ng loob kasi kaibigan ni mayor.

Sa magsasabi naman na magsumbong, oh well kilala nyo lang yun personalidad na nakkikita ninyo na pinapakita sa inyo. Dahil kahit ako bilib rin naman sa ibang nasa gobyerno kahit kay mayor bilib ako ayun nga lang noon pa kaibigan ito at noon pa rin naman may anomalya ito pero nandyan pa rin kaya maiisip talaga na iba sinasabi sa ginagawa.

Hindi showbiz dito hindi ba? Sa showbiz kasi parang ang mga fans nag aaway kasi idolo nila kahit walang kinalaman sa buhay nila. Gobyerno at bansa ang pinapalakad/pinapatakbo ng pangulo at ng mga tao nya kaya may epekto sa buhay natin. Kaya pls lang hindi bawal magreklamo sa presidente. Basahin nyo rin paano gumamit ng rason ibang supporters.

Kaya nga ok sa akin si aiza seguerra kahit pa isang "libre" na nangampanya pero ngayon nakaupo na. Kasi nun may isyu laban kay mayor e kahit supporter sya maayos nyang naipahiwatig na hindi sya sang ayon sa sinabi ni mayor.
« Last Edit: December 09, 2016, 09:33:42 pm by stormy »

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #364 on: December 09, 2016, 10:22:07 pm »
^ we really tried to be objective. Pero porket dinedepensahan at some point, sasabihan din naman na mga tards at apologist. Madaming tao ang alam na may mali at hindi perpekto si PRRD. Pero tignan mo rin kasi kung paano magpuna ang mga critics at haters nya. Bukod pa dun, kahit totoong criticism, eh sinasakyan at pinapalaki ng mga may political agenda. Bakit kamo dilawan ang madalas nadadale? Yun ay dahil halata naman ang pinaggagagawa nila kahit election pa. Hindi rin ako naniniwala na ganun na lang sila basta basta susuko.

BTW, sa panahon ngayon, medyo bago pa sya sa pwesto. Marami na rin ang nagsabi dito na karamihan sa appointees ay temporary lang. Transition period at sensitive din ang simulang panahon na ito. Hindi ka pwede rin basta basta maglagay ng "Capable" nga pero hindi mo naman mapagkakatiwalaan sa pwesto dahil malaking pagkakamali yun at lahat ng pagkakamali, i-take advantage ng mga sinasabi kong may political agenda. Gaya ng sabi ko, umpisa pa lang si PRRD. Ilang taon pa para i-weigh ang options sa appointments. Ang problema, wala pang isang taon reklamo na tayo ng kung ano ano. Hindi fair yun.

Si Bato, ano ngayon kung may oakley shades sya? Kaya ko rin bumili nun. PNP general sya. Di ko lubos maisip na oakley shades ang napansin. Magdududa siguro ako kung "mansion" ang meron sya.

Again, hindi ko sinabi na bawal magreklamo sa presidente. Depende kasi sa motibo ng nagrereklamo yan. If you will sound na parang wala talagang ibang motive, at gayong parang wala pang isang taon at nagdedemand ka na ng mag resign sya, Tingin ko, hindi rin tama yun. If you will backread, marami din kami criticism sa mayor. Dito rin kami nag share kung ano ang pagkakaintindi ng reasons ng iba. Dito rin kami nagbabanggit kung bakit yung iba parang ok lang sa kanila.

Kung lahat magiging open lang talaga, wala naman magiging problema. Mas ok magtulungan ang lahat. Mahirap lang at meron lang talagang iba na may agenda. Malalaman mo naman sa tono ng pananalita nila yun.

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #365 on: December 09, 2016, 10:57:04 pm »
I voted for Duterte- Cayetano sa last election. I'm not pro any political party, pro PH lang ako and pro Truth.

Kapag para sakin mali si mayor, sinasabi ko talaga. Hindi ako bulag na lahat ng ginagawa nya or sinasabi kahit mali, pilit ko ijujustify. However, inaapreciate ko din ang mga nagawa at nagagawa nya. To be fair kasi, madami na talaga sya nagawa in just almost 6 months ha. Of course, hindi naman pwede na yun ang laging justification na porke madaming nagawa, hindi na dapat punahin ang mali.

Yun ang nakakainis kasi sa iba, kahit mali pilit gagawin tama masabi lang na perfect at the same time yung haters naman hindi nakakaapreciate, puro yung pangit lang nakikita.

I'm firm sa stand ko na ayoko ng EJK, Ayoko na walang due process and never ako naging sang ayon sa pag violate ng human rights ng tao kahit criminal pa yan. Hindi kasi dapat selective ang batas, it applies to all, law abiding ka man or criminal.

I'm also against Death Penalty dahil hindi maayos ang justice system natin. Kawawa dito ang mahihirap na mapagbibintangan lang. Walang pang lawyer e.

I'm also firm that I do not agree with the Marcos burial but I respect SC's decision.

On the other side, marami syang magagandang nagawa for the OFWs, street children, pro poor programs, etc.

I agree let us be open minded and stop generalizing people.

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #366 on: December 09, 2016, 11:30:02 pm »
At sino itong Lewis whatever-her-name-is? Who is she to tell the President to step down? He's not perfect but he is working hard to make a difference. Just because he didn't meet her standards? Kesyo ang sabi ng President that he will eradicate drug problems in the Philippines in 6 months and he wasn't successful so dapat bumaba na sya? Feelingera ang tinamaan ng magaling!!! Eh yun ngang magpapasagasa sa tren buhay pa? WHO DOES SHE THINK SHE IS? At sino ang papalit pag bumaba si Duterte? Meron bang mas qualified than Duterte at this point to run the country. I have been asking pero wala namang mai-suggest. Eh loyalty nya wala sa masang Pilipino kung hindi nasa mga elitista. Takot pala silang bumalik ang mga Marcos eh, but you're supporting a party na isa't kalahating palpak. What do you want the Filipino people to do? Sila yung naiipit sa me selfish ambition ninyong mga @#$%^!!! Kayong mga mayayaman, hindi nyo nararamdaman ang paghihirap ng mga Pilipino. Nagtitiis sa sobrang init o kaya sobrang lamig para lang maitaguyod ang mga pamilya.

Ang isa kong ayaw dito kay administration, dapat mas maging transparent sila pagdating sa war on drugs at imbistigahan agad yung mga abuse. At sibakin agad yung mga umaabusong mga authorities.

Haay, buti na lang -23C (I am kidding, I am not happy) dito ngayon dahil uminit ang ulo ko. Isungaw ko lang to sa pinto para sumingaw...LOL!

stormy

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #367 on: December 10, 2016, 02:01:57 pm »
Ano bang klase ang trusted? Trusted kasi alam na yun tao d gagawa ng korupsyon kasi yun yung thrust nun gobyerno? O trusted na yes na lang ng yes, bawal magsabi ng opinyon kung kasalungat ng sa pinuno?

Pag tayo sumuko agad sa pagiging objective, magiging propaganda na lang ang lahat. Kasi kahit ano gawin ng pangulo magiging tama na sa paningin natin. Sabihin lang na ginawa ang isang bagay dahil sa isang magandang rason ay ok na. Sabagay kanya kanya naman talaga ng talino at pang-Abot ng pang unawa at kung paano ito gagamitin. Kung katanggap-tanggap sa atin kung paano tayo mag-isip at humusga ng gawi ng iba, e d ganun rin ang karapatan ng iba. Ano naman ang ispesyal sa atin para masabi na mas angat yun opinyon at paniniwala natin kaysa  sa iba?

Marami pa naman oras para maipakita na hindi epal lang mga tao sa gobyerno ngayon, pag maramdaman na yun epekto ng magandang pamamalakad. Habang wala pa ang resulta, maging alerto rin tayo sa kaganapan kasi hindi lang ang focus si mayor. Mas mag focus sa ginagawa ng mga tao nya kasi sila tagapagpasunod ng batas at ng kagustuhan ni prrd. Hindi yun abswelto na sa kamalian dahil lang sa gusto natin ang pangulo. Matagal pa mararamdaman yun maayos na ang Pilipinas kaya kailangan ng pasensya. Bigyan na rin natin ng pasensya yun iba na iba ang paniniwala kasi kaya naman natin pagpasensyahan pala kahit hindi capable mga naka-upo.

« Last Edit: December 10, 2016, 02:17:30 pm by stormy »

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #368 on: December 10, 2016, 02:17:29 pm »
curious lang sa totoong sakit ni digong.. bakit secret? di ba, karapatan ng bayan malaman totoong estado nya? 

stormy

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #369 on: December 10, 2016, 02:20:23 pm »
May sakit ba sya sis?

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #370 on: December 11, 2016, 12:52:05 pm »
May sakit, yung dati pa, yung iniinda nya noong naaksidente tsaka yung sakit nya na nakuha sa paninigarilyo. Tsaka pag sobrang stress nagkakamigraine.

Quote
curious lang sa totoong sakit ni digong.. bakit secret? di ba, karapatan ng bayan malaman totoong estado nya?

Minsan kailangang ilihim...At  I think pwede kasing maging dahilan yun para yung VP na ang magtake over sa mga duties ng pangulo. Minsan naman kasi migraine lang ang sakit papalabas sa media tumor na or malala na ang sakit..LOL

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #371 on: December 13, 2016, 07:26:31 pm »
Digong Duterte has been suffering from several health problems

health condition of Digong, galing na mismo sa kanya...

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #372 on: December 13, 2016, 09:41:46 pm »
^ Dati pa ikinikuwento niya na yan lalo na pag pumupunta siya sa campaign rally.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #373 on: December 14, 2016, 08:22:29 pm »
but his condition is getting worse..its not a simple migraine lang. may pinang gagalingan

Militant solons tell Duterte: We are not willing to die for you


dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #374 on: December 15, 2016, 11:20:56 am »
^ Mamamatay at mamamatay naman si PRRD. Kung ano man ang perks ng pagiging presidente, hindi yun ang pakay nya. Hangad na lang mapagbuti ang Pilipinas. Ganyan ang leader na dapat iniluluklok, hindi yung leader na ambisyoso na di mo alam kung ano ang motibo. Puro papogi sa TV, papicture sa palengke at kung ano anong trying hard na stunts. Mas kawawa yung pulitikong tumakbo sa pagka bise president pero natalo, tapos tumakbo ng pagkapresidente tapos natalo.

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #375 on: December 15, 2016, 11:49:57 am »
He basically deceived the Filipino people by not divulging he has major health issues. I think it would have made a difference in the voters' decision if the information he provided in this news report was made public before he got elected. The job of the presidency is not a joke and requires a lot. You have to be fit mentally and physically. Fentanyl is a highly addictive drug that can impair one's judgment.

patchiislove

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #376 on: December 15, 2016, 12:02:22 pm »
Worried din ako health ni tatay digong, sobrang busy at sipag niya. Ewan ko ba, kung bakit hindi makita ng ibang tao yun mga ginagawa niya para sa bansa natin. Siya lang yun President na nakitaan ko ng TUNAY na may MALASAKIT sa bansa natin. I mean, feel mo yun pagiging totoo niya. Imbes na suportahan siya, kaliwat' kanan siyang sinisiraan. Hindi na baling walang preno siya kapag nagsasalita, kung nakikitaan mo naman na ginagawa niya yung best niya para bansa natin. Compare mo yun mga accomplishment niya sa ilang buwan pa lang pagiging Presidente sa ibang administrasyon? Yung paghanga at suporta ng ibang mga bansa? nakakaproud di ba?

twinbee

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #377 on: December 15, 2016, 01:06:37 pm »
bukod po ba sa drug war, ano na ba nagawa nya?
sa kaka alis nya ng bansa, ano naba nakuha nyang investment?
que nasa pinas or abroad.. iisa lang topic nya? wala na bang iba?

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #378 on: December 15, 2016, 01:48:23 pm »
He basically deceived the Filipino people by not divulging he has major health issues. I think it would have made a difference in the voters' decision if the information he provided in this news report was made public before he got elected. The job of the presidency is not a joke and requires a lot. You have to be fit mentally and physically. Fentanyl is a highly addictive drug that can impair one's judgment.

Seryoso? So gusto mo ba isipin na mananalo sana si Roxas kung sinabi nya ang health condition nya?  Yup hindi joke ang presidency, pero bakit si PNoy, marami nagsasabi retarded daw pero naging president? Ang alam ng taong bayan willing mamatay at i-risk ang buhay ni PRRD sa bansa nya kahit nga ang presidency nya. Pero si Roxas, hindi kaya... sya pa ang humiling na umatras si Poe last election para sa pinaglalaban nya kuno. Pero dahil sa ambisyon nya, hindi sya ang umatras, makikita na yung presidency ang goal nya hindi para sa talagang pinaglalaban nya.

bukod po ba sa drug war, ano na ba nagawa nya?
sa kaka alis nya ng bansa, ano naba nakuha nyang investment?
que nasa pinas or abroad.. iisa lang topic nya? wala na bang iba?


Wag kasing puro post sa silent majority ang group na binabasa mo. Bigyan kita example, halos matagal na panahon para i-solve ni Roxas at PNoy na problema sa laglag bala, na -solve na ni PRRD 1 month pa lang sa position nya. Yung FOI na sabi ipupush daw ni PNoy, ni kahit EO wala syang nagawa. Pero within 6mos, naisagawa na yung EO ni PRRD. Investment ba tukoy mo? Di ka kasi nakikinig ng balita pag positive. Tignan mo yung pledged investments galing china. Nakakapagod mag iterate sa loob pa lang ng 6mos. 5 years pa!


yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 2
« Reply #379 on: December 15, 2016, 06:51:01 pm »
He basically deceived the Filipino people by not divulging he has major health issues. I think it would have made a difference in the voters' decision if the information he provided in this news report was made public before he got elected. The job of the presidency is not a joke and requires a lot. You have to be fit mentally and physically. Fentanyl is a highly addictive drug that can impair one's judgment.

Sis pasensya na pero nung campaign period pa lang alam na namin na may iniinda siyang sakit. Sino sa mga sissies natin dito na nanuod ng mga campaign rallies niya hindi ba sinabi niya na yan dati pa? Pero hindi mo maikakaila na masipag  at active siya despite his age.

From Dr Willie Ong's fb video. Panoorin ang medikal na paliwanag at pag-iwas sa mga sakit na ito:

https://www.facebook.com/DocWillieOngOfficial/videos/599835493544299/

1. Buerger's Disease
2. Barrett's Esophagus at GERD
3. Migraine
4. Spinal Problem

^take note wala silang budget sa FOI pero nagawa nila.

^Dagdag ko lang 911 at 8888 ang isa sa mga unang napa implement ni PRRD. Sa fb may mga testimonies kung gaano ka effective ito. Pero ang 911 dito sa ngayon hindi pa kasing efficient kung i-compare mo sa Davao na may sarili talagang central 911 headquarter.

^^Mga cabinet members niya masisipag din. kaya mas maganda kung ma follow mo sila sa mga social media accounts nila lalo na sa fb para ma-update ka sa mga pangyayari.

pero syempre marami pa kailangang iimprove kaya sana tulungan natin ang current admin.
« Last Edit: December 15, 2016, 08:21:34 pm by yelle »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close