watch now

Author Topic: Trying to conceive 19  (Read 67561 times)

damonsgirl

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #260 on: August 24, 2016, 10:52:42 am »
Korek sis barbillie kaya ngayong preggy nako hala sige post ako sa fb para pamukha sa kanila na heto oh ang pinakahihintay ng lahat andito na para matahimik na sila. Lols. Maumay kayo sa baby ko. Hahahahaha.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #261 on: August 24, 2016, 10:57:24 am »
Kami rin TTC pero now parang gusto ko muna wag muna ulit kasi para nastress ako kakaisip kelan ako magpreggy. Nasabi ko nga kay hubby what if wala na talaga i mean magkababy. Sabi nya "I love you still whatever your situation, whatever happens with or without a baby its fine." Naiyak ako😢 Sa isip ko gusto ko magkababy kami😢. Pero now kasi parang nastress ako. Hay nakakasad

^Relate na relate ako sis Shadow Angel. Sobrang nakakasad talaga ang ganito. Iyong tipong itatanong sa'yo kung kelan ka mappreggy na as if ayaw mo magkaanak. Ganun kasi ang dating e. Kaya I will jokingly said nag-exhibition na nga ako waley pa din e, di pa din mabiyayaan pero deep inside me parang sobrang sakit lang ng mga tanong na ganun. Sabi na lang sa akin ni hubby pray harder and believe. In God's time ibibigay din sa atin si MJP (may name na ang baby boy namin). Baby dust to all!

iamalphine

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #262 on: August 24, 2016, 11:10:55 am »
^ relate din ako diyan mga sis...meron pang 1 time guy na kapitbahay namin, hindi ko na matandaan exactly ang sinabi then ang sinagot ko "huwag naman ganon"..ang dali lang nila kasi magsabi kasi wala sila sa situation natin...akala ata nila hindi tayo worried everytime failed ang test natin...insensitive in short..kaya ako smile na lang then sabi sa tamang panahon

HMisabelle

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #263 on: August 24, 2016, 11:42:44 am »
^ako nga din mga sis. tinatanong pa if nagpi-pill ba ako kaya wala pa. na kesyo wag daw patagalin. bakit wala pa?

e wala pa talaga e. minsan lalong nakaka-down yung paulit ulit na pagtatanong nila pero parang nasanay na lang din ako. naniniwala ako na it will be given in His time.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #264 on: August 24, 2016, 11:55:39 am »
Korek sis barbillie kaya ngayong preggy nako hala sige post ako sa fb para pamukha sa kanila na heto oh ang pinakahihintay ng lahat andito na para matahimik na sila. Lols. Maumay kayo sa baby ko. Hahahahaha.

^Bet na bet ko iyong sinabi mo na "maumay kayo sa baby ko". Dami kong tawa. Sana soon ma-post ko din iyan sa FB.

iamalphine

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #265 on: August 24, 2016, 12:02:16 pm »
ginagawa naman natin lahat..sinunod lahat ng advice ng OB and kulang na nga lang mag acrobat na tayo..aahahah...siguro talagang hindi pa tamang panahon...

WorriedB2B

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #266 on: August 24, 2016, 12:43:12 pm »
korek! In God's perfect time, ibibigay din ang mga baby natin.

Maswerte lang ako na wala ako sa Pinas at malayo ako sa relatives ko. So walang makukulit na nagtatanong samin kung bakit wala pa kaming baby. And my parents here are sensitive enough para wag kami i-pressure.

Yung mga officemates ko lang din ang numero unong pressure sa buhay ko. Eh sila nga ang tatanda na, wala pang asawa. Sinasabi ko nalang, "mauna ka kaya magbuntis dahil mas dapat ka talaga mauna." Kasi nasa 40's na siya pero wala pa siya asawa at anak. LOL

Insensitive siya, insensitive din ang sagot ko. ;D Nakakasawa na kasi, paulit-ulit nalang niya sinasabi. Hindi na ko nakatiis. LOL. After nun, hindi na niya ako ulit tinanong. hahahaha ;D
« Last Edit: August 24, 2016, 12:45:21 pm by WorriedB2B »

iamalphine

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #267 on: August 24, 2016, 01:07:30 pm »
^binara mo na ba naman sis @WorriedB2B eh...hahahaha...ang tindi naman niya kung hindi pa siya nadala non ha...minsan kasi kailangan mo din sila sagutin eh kasi sino ba ang ayaw magka baby diba lalo pa sa case natin na sobrang hirap...so sana maghintay na lang...dahil kahit tayo ay naghihintay din..

WorriedB2B

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #268 on: August 24, 2016, 02:44:09 pm »
Korek sis! Etong IT nga namin, tinanong ako now lang. As in now lang, if buntis na daw ba ako. weekly nalang ata tinatanong niya ko. Panay bigay ng unsolicited advice na kesyo magbuntis na daw kami, dahil baka mahirapan na daw kami pag magka edad pa kami. Hay naku, mga tao nga naman. Ang hilig makielam ng buhay ng may buhay. ;D

Anyways, u/s ako later to check if nag rupture na yung follicle ko. Sana nga! hehe.

damonsgirl

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #269 on: August 24, 2016, 02:47:36 pm »
Hehe sis imprincessfiona. Totoo naman talaga lalo na pag labas ng baby ko panay panay ang pictorial nun dahil photography enthusiast ako lols. Mauumay talaga sila. Pero tingin ko mangungulit pa din ang iba asking when susundan si baby. Di talaga masasatisy yang mga yan. Pero alam ko naman kung sino talaga yung mga tao na sincerely happy for me. Lalo na yung mga tao na alam talaga yung pinagdaanan ko para magkababy lang. Hindi ko naman ikakahiya na iui baby ito. Eh sa hindi kami makabuo naturally eh. Hindi naman kawalan ng dignidad un buti talaga walang ego si hubby ko.

Kaloka sis WorriedB2B. Barado much sya sa sinabi mo pero mas pitiful naman talaga case nya at her age na walang hubby pero baka choice naman nya din lols. May tita ako ayaw talaga mag asawa eh. Nakiki alaga nalang ng mga pamangkin nya.

WorriedB2B

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #270 on: August 24, 2016, 02:56:49 pm »
Naku sis, buti nga if ayaw niya talaga mag-asawa. Eh super hanap na nga to ng jowa. Sa super desperate niya, tuwing may bisita dito sa office na lalake eh ask niya agad sino yun and ano name and if may asawa na. Ang dating nga, suotan mo lang ng pantalon ang poste, tataluhin niya eh. hahaha

damonsgirl

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #271 on: August 24, 2016, 03:07:10 pm »
Bwahaha sis introduce mo sa kanya yung Tinder baka sakaling may matagpuan sya dun.

HMisabelle

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #272 on: August 24, 2016, 03:22:30 pm »
haha. grabe, na "in your face" mo sya, sis WorriedB2B.

WorriedB2B

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #273 on: August 24, 2016, 03:28:12 pm »
Sis damonsgirl, ano yung tinder?

Yes sis HMisabelle, at least tumigil siya. hahaha. Ilang beses ko na kasi siya pinagbigyan. Hnaggang sa umabot na sa point na super insensitive na siya. Kaya yun. LOL

rogue0214

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #274 on: August 24, 2016, 03:31:56 pm »
Naku madami talaga insensitive. Ako nun tuwing magbabakasyon sa Pinas ang lagi kong naririnig naku naunahan ka pa ni ganito, ganyan magkababy. Dapat magbuntis ka na kasi tumatanda ka na. Smile na lang ako pag ganon. Di na ko nagsasalita. Tapos sasabihan pa di ka yata marunong eh. Nakaka badtrip. Mas lalo dumami kantyaw nung nagkaanak sister ko who is 8 years younger than me. But in time I have mastered the art of dedma. Tapos pag umuuwi ako sa Pinas lagi ako nagpupunta dun sa St. Clare Monastery sa may Katipunan. Lagi ako nagwi wish na sana bigyan nya ako kahit isang anak lang. Last May nagbakasyon kami ng baby ko. Dinala ko sya dun. Sabi ko, St. Clare eto na po yung binigay nyo sa akin na anak. Maraming salamat po. Hehe.

Ngayon nga meron na kaming anak ang tanong naman kelan ba susundan. Hay mga tao talaga no? Di bale basta continue praying lang mga sis. Hanggat maari dedma nyo na lang mga ganyang tao. Basta magpa alaga lang kayo sa ob plus madaming dasal. Isang araw ibibigay din sa inyo.  :)




WorriedB2B

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #275 on: August 24, 2016, 03:37:10 pm »
Korek si rogue0! Wala talaga ka-kontentuhan ang mga tao. Dati ang tanong nila, kelan ka ba magkaka boyfriend, tumatanda ka na. Nung nagka BF, hindi pa ba kayo magpapakasal? Mauunahan na kayo ni ganto. Nung nagpakasal na, ano na? wala pa bang anak? Si ganto at ganyan ang dami ng anak, nahuhuli na kayo. Nung nagka anak naman, yan naman sinasabi, kelan masusundan. hahaha. Ang saya ng buhay. Matututo ka talaga mag poker face eh. LOL  ;D

damonsgirl

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #276 on: August 24, 2016, 04:14:03 pm »
Dating app yung Tinder sis. Padownload mo sa kanya hehe. :)

dpmallo19

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #277 on: August 24, 2016, 04:16:54 pm »
Pa-share din mga sis! present. relate na relate ako sa kalagayan ninyo. lalo na yung sa mga tanong ng tanong ng kelan ba kayo magkakababy, as if naman choice ko na hindi magkababy. minsan ayaw ko na din umattend ng family gatherings kasi nauumay na ko kakasagot sa tanong na "wala pa ba?", nitong last party, sabi ng Tito, bakit wala pa kayo baby? sabi ko, hindi pa po kami blinibless. tapos di pa rin siya tumigil, sabi niya bakit wala pa, e matanda ka na. smile na lang ako, pero deep inside masakit. na-uunfairan talaga ko, pero keri na lang. mataas yung regard ko sa mga previous TTC na nagsasabing darating din yan in God's perfect time kasi they've been there. pero yung sa mga nagsasabi ng wag kang ma-pressure, naprepressure ka kasi e, dadating din yan pero parang di naman nila naiintindihan yung frustrations, mahirap. haay life. pahingi pa po ng tibay, Lord.

MedChic

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #278 on: August 24, 2016, 05:00:29 pm »
Hay nako. Tama na ang negative vibes mga sis, hayaan nio na sila. Mga mema lang yang mga yan.. Memasabi lang. Sagutin kaya ninyo na, wala po eh. Nagaantay na lang kami, baog ata kaming parehas. Para tumigil. Kakabuwiset

Me mas sasakit pa ba sa tatay ko? Anak, kailan na ba masusundan? Ang hirap nian ano, OB ka tapos hindi ka magka anak? Oha. Me mas gagarapal pa ba jan sa tatay ko? Si husband ko nga ang sumagot, papa wag naman ganun. Kasi di ako nagsalita na. Natauhan din si papa ko, tapos tumigil na sya.

Ayon. Hay.

damonsgirl

  • Guest
Re: Trying to conceive 19
« Reply #279 on: August 24, 2016, 05:23:21 pm »
Ang sarap lang ng feeling talaga pag may karamay at kakampi tayo mga sis. Kasi kahit gano natin iexplain sa iba eh hindi nila maiintindihan dahil di nila pinagdaanan. Naniniwala ako mga sis magkakababy kayong lahat. Basta wag lang kayong magsasawa magpray kay God. Yung baby ko nga muntik pang mawala pero nagmakaawa lang ako kay God at eto nasakin pa din si baby. Iniingatan ko lang mabuti para umabot kami sa full term.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close