watch now

Author Topic: Near death experience anyone?  (Read 2112 times)

janachen

  • Guest
Near death experience anyone?
« on: August 02, 2016, 02:02:47 pm »
Meron na bang thread na ganito? I did not search, kasi parang sira ata ang forum today(?)

Dati hindi ko alam yung salitang 2nd life kug meron nga ba, God--siguro mga 45% lang ako sa kanya.

Mga 2011 may nangyari sa akin. Ayoko ng idetalye yung iba kasi sobrang haba. Pero meron ako napuntahan na lugar, sobrang dilim, napakalaki ng mga spiders, puro uod at ang baho. Kung alam mo yung amoy ng sulfur na may nasusunog na parang buhok,  siguro x100000 yung baho. Merong bata na halos kasing edad ko ang humila sa akin, tinutro yung isang lugar. Sumama ako, parang magnet sa sobrang bilis nakapunta ako doon tapos yung bata nawala.

Bata ang pagkakadescribe ko sa kanya at sa edad namin though ang edad ko na noon nasa 26 or 27 ako.  So ayun sumama ako sa kabilang lugar, napakaganda. Yung mga damo iba iba ang kulay. Naalala ko pa mayrong mga tao 4 sila. Ang weird nung nakita ako, parang nagulat sila bakit nandun daw ako.  Hindi ko rin maintindihan bakit nandun din ako.  Tapos yung mean of communication namin hindi bibig, sa utak at transparent lahat. Yung wala kang maitago, parang nababasa lahat yung naiisip.

Tapos nung tinanung ko paano ako makakauwi sa bahay, meron silang tinuro na maliit na daan. Umalis ako sa lugar na yun tapos may biglang dumating na sobrang liwanag. Parang araw na nakakasilaw, pero hindi siya yung masakit sa mata. Napakaganda, pure white tapos father figure sya at alam mong siya si Jesus. Ang ganda ng mata, yung ilong, yung kutis, tapos yung liwanag tumatagos sa buong katawan ko.  Yung feeling na love lahat ang mararamdaman mo, unconditional love. Tapos wala akong makitang galit sa kanya despite sa mga nagawa ko. Kinausap ako, andami naming napag usapan pero tanging matandaan ko yung ayaw ko ng bumalik kasi masaya nako doon. Pinipilit akong bumalik, tapos feeling ko ayaw nya sa akin.

Ang tanging explanation sa akin, mayroon akong kapatid na kailangang alagaan kaya daw hindi ko pa oras. Yung sister ko kasi autistic at ulila na kami. Tapos parang dun ko siya naintindihan. Bandang huli tinanong ko kung pano ako makakauwi, yung feeling na parang pinump yung puso ko, dun ako nagising.

Never kong kinuwento sa lola ko at kahit sino, kasi parang feeling ko simpleng panaginip lang. Siguro after a year, tinanong ko yung lola ko kung may namatay na bata na kamag anak namin, pinsan or tita na kasing edad ko lang. Sabi nya wala naman daw, sabi ko nanaginip ako parang kasing edad ko lang sya na babae tapos sobrang lapit sa akin. Tapos naalala nya si mama, nalaglag yung pinabubuntis nya.

Anyway, noong nagkababy ako doon ko naramdaman yung sinasabing unconditional love, kaya naisip ko baka ganito rin yung pagmamahal ng Diyos sa atin. 

May naka encounter din ba ng  tulad sakin?

wifey

  • Guest
Re: Near death experience anyone?
« Reply #1 on: August 12, 2016, 06:46:55 pm »
sis I had goosebumps especially sa last part ng post mo. anyway, may I know were you sick or was it just a dream? Your story reminds me of the movie Heaven is For Real.
Curious ako dun sa bata na nabanggit mo, I am a mother kasi of an unborn child in heaven and stories like this make me feel sooo excited to meet my child in heaven :)

Napangiti ako sa part ng kwento mo na ayaw mo na bumalik kasi masaya ka na with Jesus :) Haay sarap i'm sure ng feeling!!! Praise Jesus!


janachen

  • Guest
Re: Near death experience anyone?
« Reply #2 on: August 12, 2016, 07:12:38 pm »
Hindi ako nagkasakit. Parang dream(?) pero nung sinabi ko  na "papano po ako makakabalik?" Pagbalik sa katawan ko yung parang na- vacuum yung puso ko na bigla akong huminga.

 Actually hindi ako naniniwala sa 2nd life at God noon.

Pero pagka andun ka na, ibang iba. Yung mean of communication hindi bibig kundi utak puro transparent.

Yung "Light" siguro hindi ako makakuha ng exact word to describe the light. Ang mafifeel mo love, tapos father figure yung "light", para kang baby.

Alam mo sis yung bata na nakita ko doon,  hindi ko alam na kapatid ko pero nararamdaman ko yung strong connection namin.

Pagka naalala ko yun, very emotional ako lalo na hindi ako nakaramdam ng pagmamahal sa nanay pisikal. Sabi ko nga ngayun ko lang narealize nung nagkaroon nako ng anak na alam kong hindi nya ko pinabayaan at sobrang sakit siguro sa loob nya nung iniwan kami.

Pray always para sa mga namatay nating mahal sa buhay kasi pinagprapray din nila tayo.

quinone

  • Guest
Re: Near death experience anyone?
« Reply #3 on: August 12, 2016, 08:22:42 pm »
thanks for sharing! i like watching near death experiences on youtube though i do not believe everything i watch kasi feeling ko some iba ang interpretation sa na-experience nila. pinaka nagustuhan kong kwento is yung kay Erica McKenzie and Richard Cole.

i am sorry, pero parang sa hell ka unang napunta. i hope this experience lead/pursue you closer to God at hindi sa new age.

i do not know kung nagawa mo na pero kung hindi pa, try mo basahin yung mga experience ng saints sa hell, heaven, & purgatory.

si josefa menendez, hindi pa saint pero may experiences rin siya doon. ito yung description niya parang pareho sa sinabi mo: "A sickening stench asphyxiates and corrupts everything, it is like the burning of putrefied flesh, mingled with tar and sulfur."

must be an amazing experience to see and feel God!

shinies

  • Guest
Re: Near death experience anyone?
« Reply #4 on: August 13, 2016, 12:08:03 am »
Posibleng astral travel kung panaginip yan..

Una, lahat tayo mayroong espesyal na kakayanan pero nasa tao lang kung tatanggapin at gagamitin niya yun.

Pangalawa, madalas naggamit yung kakayanan pag may pinagdadaanan ang isang tao. Mas nabubuksan ang isipan at puso kaya nagkakaron ng mga "near-death experience".
Ang mga out-of-body at out-of-world experience ay hindi mangyayari sa mga taong "normal" lang ang nadaranasan o nakikita (at gusto) sa buhay nila.

Hindi kasi ako naniniwala na kung ano lang nag napatunayan ng siyensya, yun na ang katotohanan. Ang daming bagay na hindi maeksplika. At kaya nakakahiya ikwento sa mga kamaganak o kaibigan yung mga ganitong bagay kasi pinalalaki tayo na kung ano lang nakikita mo, yun lang paniniwalaan mo, kung ano lang ituro sayo, yun lang tanggapin mo, pag naiba ka, sira ulo ka at kung ano ano pa.

Kaya siguro nangyari yan sa iyo ay dahil yan ang kailangan mo. Mas naintindihan mo ano dapat mo gawin dito sa mundo (alagaan kapatid mo), mas natutunan mo ano ang pagmamahal, nagsimula kang maniwala sa Diyos, mas pinahahalagahan mo ang mga namayapa na...

Wag ka matakot sis. Di ka nagiisa :) Kung tutuusin, kahit may mga pinagdaanan ka, maswerte ka pa din kasi yung iba puro pagsubok lang, walang guidance gaya ng sayo.

Subukan mo meditation saka be-one-with-nature.

janachen

  • Guest
Re: Near death experience anyone?
« Reply #5 on: August 13, 2016, 02:45:24 am »
Nanonood ako ng near death experience na videos.. Kinilabutan ako. :-( Yun na yun yung sinasabi kong light, yung description ng hell, yung tunnel.

I wish I could paint it today. Marunong naman ako ng konti,gagawin ko pagka nakabili ako.

wifey

  • Guest
Re: Near death experience anyone?
« Reply #6 on: August 13, 2016, 07:39:33 am »
^sis like what sis quinone said, I hope that this extraordinary experience leads you closer to God thru His Word, the Bible. I don't how God chooses people to experience and witness heaven and hell but I pray that the Holy Spirit guides you and give you wisdom to fulfill the purpose of what you witnessed.
Sabi mo nga sobrang lalim ng pinagdaanan mo sa buhay and you overcame them all, Jesus healed you sis.

Yes, please paint it. It's been 5yrs since it happened and pero buhay na buhay pa rin sa isip mo and you can still feel it.

God bless you sis, praying for you :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close