Author Topic: Bakit ka nainis kay hubby mo today?  (Read 16559 times)

ri-anne

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #80 on: October 06, 2016, 04:51:34 am »
^dumaan din sa ganyang period ang asawa ko. Ganyan din kahit nagddrive...tapos ako or our kid pinapacatch ng pokemon, or pinagcollect ng stuffs pag may pokestops na madadaanan. Don't worry, it will pass. Lol! ;D

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #81 on: October 06, 2016, 04:58:15 am »
^sana nga pero parang matagal pa dahil ang aim nya macollect lahat ng pokemon. Sabi ko nga sa kanya medyo boring ng laruin mag download ka na lang ng ibang game kaso hindi sya mahilig talaga mag game dito lang sa pokemon nahook talaga.

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #82 on: October 06, 2016, 06:28:20 am »
^aww sis medyo may pagka arogante naman ang sinabi ni hubby mo dun ah. Sabihin mo don't mess with a pregnant woman! Hahaha hope everything get better with you two.

Nagsorry sya kagabi sis. Nasabi lang daw nya yun kasi naiinis sya dahil nagtext naman daw sya na ayala na sya sana nun pa lang bumili nako kung may bibilhin pa ako. Nagmadali daw kasi sya para masundo ako on time tapos biglang ako ang di pa ready pagdating nya. Saka nakonsensya daw sya dahil late na pala nya nareceive texts ko na sabi ko tawag sya pag malapit na sya para lalabas nako. Nagtanong pako kung malapit na ba sya. Yung last sabi ko pa "bili ako mc cafe. Ano gusto mo?" Tapos biglang ganun.

barbillie

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #83 on: October 06, 2016, 10:36:51 am »
Petty lang ang issue ko. Pinagbaunan ko kasi ng beef caldereta si hubby at nilagay ko sa glass container. Nabasag nya otw to office yung baunan. Sumama lang ang loob ko kasi with feelings ko pa prinepare yung baon nya, hindi din nya pala pakikinabangan. Tapos sya pa galit kasi sa babasagin ko daw nilagay. Kainis lang, pwede namang magsorry na lang sya.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #84 on: October 06, 2016, 04:34:32 pm »
^haha babaw nga sis :p dibale buy na lang ulit kayo food container next time:)

Ako medyo related sa baon, pag may natitita sya nasa sad ako haha! Pero once langata nangyari ever😂

ficklemind

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #85 on: October 06, 2016, 05:51:17 pm »
re: Pokemon Go
sabay kami nagstart ni hubby niyan pero after a few days ayaw ko na, last kong laro sobra akong nahilo while on commute grabe sama ng pakiramdam ko paguwi bahay that I swore never to play again. I'm pregnant din kasi kaya mahiluin ako  :P
si Hubby tuloy pa din so naasar na ako pag nakikita siya naglalaro haha. dumaan din siya sa period na kahit nagddrive naglalaro pa din, once he asked me to catch the pokemon while he's driving pinagbigyan ko sandali tapos nabwisit na din ako binato ko phone niya sa backseat and tinakot ko siya na sa susunod sa labas ng bintana ko na itatapon phone niya. Since then he stopped playing pokemon pag nasa car kami  ;D hinde na rin sya naglalaro now, nagsawa na din siguro

ngayon kinaiinisan ko na lang when it comes to cellphone eh ang pagfafacebook niya!
naiirita talaga ako pag nakikita siya nagfafacebook
Matagal na din ako ako hinde nagfafacebook, minsan na lang pag meron ako need igreet na friend or relative na I know sa facebook lang naman mababasa greeting ko.
pag kinekwento pa sakin ni hubby mga nababasa niya sa facebook like si ganito may bagong ganito, si ano nagpunta sa ano, si ganyan nagpost ng ganun tinatarayan ko si hubby na 'I don't care about other people's business"
now hinde na siya nagkwkwento pero kapag nakikita ko siya sinasabihan kong 'tsismoso ka talaga'
pag matutulog na kami at nagfafacebook pa siya nasisigawan ko talaga siya!
buti talaga buntis ako hinde ako pinapatulan ni hubby  ;D

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #86 on: October 06, 2016, 06:03:07 pm »
^hahaha sis naka relate ako sa pagfefacebook! Si husband din ganyan. Like last week, nakwento nya saken about sa wife ng cousin nya na nasa ICU. So after a few days kinumusta ko, tapos sabi nya eto nga nagbabasa ako ng comments [para malaman kung kumusta na]. Naasar talaga ako! Sabi ko, bakit hindi mo i-message? Or tawagan? Sabi ko sa kanya that's one thing I don't like about facebook, everything becomes tsismis, wala ng first hand information. Hindi na nag-uusap ng personal kasi lahat nasa fb na. Hay nako talaga. Even nga picture ng baby namin gusto nya ipost ko sa facebook para daw makita ng parents nya. Sabi ko, bakit hindi mo na lang isend privately? May messenger naman or viber or iMessage. Hayyyy nakooooooo. Pag ganyan sya naiinis talaga ako.

Medyo ma-facebook talaga husband ko, minsan sinasabihan nya ko bat daw pag lumalabas kami sya lagi nagchecheck-in sa fb, sya lagi nagpopost ng pictures. Lol. Minsan daw dapat ako din. Tapos pati yung hindi ko pagpalit ng surname ko pinansin nya na din. Minsan cute pag naglalambing sya, pero madalas nakakairita. Hahaha tinatawanan ko na lang.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #87 on: October 07, 2016, 05:01:52 am »
Re: fb si hubby walang hilig sa fb ayaw din nya na panay ang post ng about sa private life namin. Buti na lang hindi ko rin hilig ang ganun. Pero dati madalas hawak ko rin phone ko ayaw nya kapag nasa house na sya busy pa rin ako sa phone. Gusto nya nagbobonding kami palagi. Saka naiinip sya wala sya kausap pagbusy ako sa phone. Kaya ngaun pagwala na lang sya dun pa lang ako na kakapagbababad sa net hehe.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #88 on: October 07, 2016, 03:14:48 pm »
Si hubby din walang hilig sa Fb saka ayaw nya din magpost ng anything about sa personal life namin. Nung una nakakatampo kasi parang ako lang post ng post ng mga nagyayari samen pero narealize ko na sobrang maprivate lang siguro syang tao at ayaw na iaannounce bawat kilos namin sa fb.

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #89 on: October 07, 2016, 09:19:59 pm »
Si hubby madalas mag fb kaso like lang ng like. Bihira din magpost. Kaso pag magkasama kami sa labas, sya  pa nagsasabi na magpicture kami. So magpapapicture kami or selfie. Tapos sasabihin nya, "ipost mo na"

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #90 on: October 16, 2016, 10:11:28 am »
Pinapaabot nya yung charger nya sa bag. E ang daming nakalagay, ang ginawa ko,inabot ko sa kanya buong bag para sya na kumuha. Ang sagot ba naman sken, ang tamad tamad ko daw. Sabi ko nakakahiya naman sa kanya kung tamad ako. Nagsigawan na kami. Sobrang badtrip ko today. Bahala sya sa buhay nya.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #91 on: October 20, 2016, 06:15:18 am »
hindi ko alam. nairita lang ako sa kanya kanina. di nga ko nag goodbye kiss :(

jowvxyz

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #92 on: October 20, 2016, 07:04:16 am »
Binugahan ako ng smoke from his vape kanina. Accident lang daw pero ako pa nasisi kasi nasa harap daw ako, eh pinapatigil ko lang nman sya nun. Hilong hilo ako.
« Last Edit: November 03, 2016, 02:53:02 am by jowvxyz »

Kyelle

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #93 on: November 01, 2016, 08:51:16 pm »
Merong girl na officemate ni hubby na palagi nya kasama mag break, tapos minsan pinapagluto at dinadalhan nya ng food, lagi nakaabang sa status at kung ano anong pinopost ni girl sa Facebook, auto like naman yung asawa ko with matching comments pa plus pa tag tag ng mga random post with the girl. Barkada lang daw nya and sabi nya and I quote "kinukulit ko lang yon" haha ang sweet nila ano? May nakita ako picture kanina from a birthday party and I noticed yung groomsman nya sa kasal namin andun together with his mag-ina, and I told him, o, sinama nya yung mag-ina nya ako hindi mo sinama, kahit pakemeng invite lang na hon, gusto mo sumama? Andun din si groomsman ko with his wife. Waley!!! Haha kasi pala yung birthday party is for the anak of his "friend" na girl na "kakulitan" nya sa office. Yes may anak na si bruha pero walang asawa. Hindi ako invited!!! Hahaha!!! Wala lang kairita lang malapit na to bumingo talaga sakin :p

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #94 on: November 02, 2016, 07:01:10 am »
^hainako sis maiinis din ako pag ganun. OMG!

ficklemind

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #95 on: November 02, 2016, 11:27:51 am »
@Kyelle, naku sis hinde lang ako maiinis dyan sa kwento mo,  naloka ako.
Pinagluluto at dinadalhan ng food?
laging kasama pag break? (sana hinde lang sila 2)
autolike ang asawa mo sa kanya with comments pa at lagi pa nakaabang sa status?
random posts tag tag pa si girl?
kakulitan lang? sorry sis ah, may doubt ako, parang sobra naman kakulet asawa mo, ilang taon na ba? sorry talaga sis  ::)
i saw some guys naman sa office na makukulit/harot din naman but hanggang sa office lang.
I don't see them mga naglilike-an/commentan sa FB or naghahangout pa outside office or nagdadalahan ng food! yung usual lang na asaran during lunch time.


yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #96 on: November 02, 2016, 12:26:07 pm »
^naku agree ako sayo sis. lalo pa dun sa bday party na kasama ng isang officemate yung wifey tapos sya hindi kasama, parang medyo fishy. sorry sa panggagatong pero yun talaga nararamdaman ko. kakaloka!

shinies

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #97 on: November 02, 2016, 02:41:39 pm »
Naku sis.. Di lang inis dapat naramdaman mo. Red flag all over the place!

Basa kayo pareho ni mister tungkol sa  emotional affair. I'm sorry pero nandun na siya. Enough excuses na kulit lang yan susko!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #98 on: November 02, 2016, 06:43:35 pm »
Dati sa office may mga constant ako kasabay na mga lalaki hindi pa ako married nun sila married na pero marami kami kakulitan din. Pero may limitation kung magdadala ng food pang lahatan. At hindi auto like sa mga post sa fb. Pumupunta din kami sa house nila. Pero un sayo hindi lang irita mafefeel ko something fishy yan.

SARAHnghae

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #99 on: November 02, 2016, 10:03:19 pm »
sabihan ba naman ako ng parang nanganak na daw ako ng tatlo.
grrr...sarap kutusan  >:(
pag pumayat ako, who you ka saken!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close