Author Topic: Bakit ka nainis kay hubby mo today?  (Read 16570 times)

sweet_chic

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #60 on: September 09, 2016, 07:50:33 pm »
Hi sis flowerpuff. Correct nakakainis si hubby kapag puro laro. Preggy ako ngayon. Nakakainis lang lagi na lang naglalaro parang walang asawa. Pag galit ako, galit din sya at di ako kakausapin. Hindi kaya madali ang pinagdadaanan ng buntis. :(

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #61 on: September 09, 2016, 08:42:02 pm »
Ewan ko di na lang nagsasalita pagkauwi ko from work. Nabubwisit ako, pagod na nga ko, ganyan pa sya. Hai! Dedmahin ko nga

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #62 on: September 09, 2016, 10:27:45 pm »
Bago ako pumasok sa work kanina, nilabhan ko na lahat ng damit ng baby para bukas bago kami umalis papuntang province ay tuyo na at naipasok na ng bahay. Yung sampayan namin katapat ng kitchen. Ngayong dinner, nagprito sya ng isda. Binuksan nya exhaust fan so yung usok ng niluluto nya sa mga damit ng baby ang buga. Naiinis ako kasi kita naman sa window na katapat ng lutuan yung mga damit ng baby. Pwede naman ilipat sana.

So pag amoy ko sa sinampay, amoy usok at isda. Nilabhan ko ulit lahat ngayon. Doble pagod na nga, nasayang pa oras na ipinaglaba ko kaninang umaga. Sana itinulog ko na lang.

thereal

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #63 on: September 14, 2016, 04:58:31 pm »
bago kami pumasok sa work, pinapainom na namin ng vitamins ang aming twins, and then while im holding the dropper with vitamins, may tumulo, tapos sabi ba naman ng hubby ko, kasimple lang nman bakit di mo pa magawa,  so i got hurt, kc super simple lang, nagagalit sya, so hindi ko  sya pinansin, and then narealize niya siguro, nag sorry siya. ;)

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #64 on: September 15, 2016, 06:47:33 am »
nakkikipagharutan sya e ayaw ko kasi pagod ako. kinagat nya ko sa likod sobrang sakit tapos kinagat ko din sya at umiyak na ko. aba nagalit pa sabi wag na daw ako makikipagharutan sa kanya kahit kelan e sabi ko di naman ako nakikipaglandian sayo. tsk3

Alorain

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #65 on: September 16, 2016, 02:54:50 pm »
Haha kanina lang he wanted some action pero wala talaga ako sa mood maybe the pregnancy hormones

ri-anne

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #66 on: September 24, 2016, 03:34:50 am »
Gusto kong ikuwento yung nangyayari sa senate hearing, Cayetano, Pacquiao, De Lima, Gordon etc lalo na may bagong witness Matobato and his inconsistent statements etc. Kaso hindi daw sya interesado. Mas gusto nya maglaro ng Pokemon. Kainis

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #67 on: September 24, 2016, 10:49:24 am »
^naku kami naman sis baliktad. Ako ang hindi interesado kaya nalungkot sya kasi wala sya mapagkwentuhan. Hehe.

----

Naiinis talaga ko pag nakasiksik sya sa amin ni baby. Kelangan ko pa sya gisingin para makagalaw ako.

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #68 on: September 24, 2016, 06:27:50 pm »
Nainis ako kay hubby kanina kasi natapunan na naman ng milk tea yung shirt nya habang umiinom while driving. Second time na ito. Ewan kung di marunong uminom. Ang hassle lang.


hAnhaN

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #69 on: September 27, 2016, 07:45:56 am »
I woke up at exactly 5am today. Cook agad, hotdogs and egg and saka luto ng rice. Pinakain mga alaga kong pusa. Checked the car oil, water. Nag- init ng water para ipaligo ng anak ko kasi may ubo sya. Prepared the table and the meds sa ubo ng anak. While sya sa bed lang! And the least that I expect of him is gisingin ag anak ko dahil 6:30 na! Naiinis ako kasi dapat ba AKO NA LANG LAHAT??!! Kakainis ag aga aga eh!

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #70 on: September 28, 2016, 03:46:25 pm »
^^sis stylus, medyo relate ako may pagka clumsy din si husband pag kumakain/umiinom. Palaging nadudumihan, gusto ko na sya lagyan ng bib. Hahaha

-----

Naiinis ako sa kanya kasi lahat ng payong na dinadala nya naiiwan nya somewhere. Parang consumable goof na ang payong dito sa bahay. Last piece na yung dinala nya kanina nagdadasal talaga ko sana di nya maiwan. 🙏🏻

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #71 on: September 28, 2016, 09:15:57 pm »
^Oh no sis! Ganyan din si hubby! Ang arte pa sa payong gusto yung matic bubuka at titiklop. Binigyan pa sya ng dad ko ng payong na ganun. Isang beses lang nagamit kasi naiwan na nya kung saan. Lahat payong na nilalagay ko sa kotse nawawala din.
_______

Asar ako kay hubby today kasi behind ng 1 week ang size ni baby ko sa age nya ayon sa ultrasound ko kanina. I was prescribed with amino acid para makahabol daw sa size and weight before my due date. Ayaw ako painumin ni hubby kasi baka daw sobrang lumaki si baby. Huh? Eh maliit nga kaya papalakihin eh.

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #72 on: September 29, 2016, 11:23:24 am »
^haha, and as expected sis yung last payong namin sa bahay na dinala nya kahapon, naiwan nya pa din. haaaaaaaaaay.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #73 on: October 03, 2016, 03:28:14 am »
Nakakainis sinabihan ko na focus sa pagdri-drive no phone. Akala ko kung anong sinisilip aba bukas ang phone nakalagay sa gitna malapit sa gear naka open ang pokemon. Nabeast mode talaga ako pinagalitan ko. Excuse pa sya na malapit na sa stop light kaya magstop na un car at pede magcheck ng phone. Nakakainis.

shammpyshai

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #74 on: October 04, 2016, 01:42:38 pm »
naiinis ako kasi pag umuuwi sya from work laging cp ang hawak nya eh gusto ko mag kwentuhan kami about sa mga nangyayari sa buong araw namin since di naman kami magkasama buong araw..

drag0nfly

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #75 on: October 04, 2016, 10:08:18 pm »
Natatawa ako mga sis pare-pareho tayong may mga mister na laging nakakabit sa phones nila at naglalaro  ;D  Si hubby ko din ganyan and nung una inis na inis din ako.  Pero naisip ko mas mabuti ng ganyan lang ang "bisyo" nya at nasa bahay kesa nasa labas at baka kung ano pang ginagawa.  Pag minsan OA na ang tutok nya sa phone eh I call his attention.  Nakikinig naman and binabaling na attention saken haha.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #76 on: October 05, 2016, 06:29:13 pm »
Naiinis ako kasi ang daldal daldal ko daw e syempre di naman kami magkasama buong araw so pag nagkita lang kami galing office e dun ako magsasalita. Naririndi na ata sken. Sabi ko never na ulit kita kakausapin. Hai!

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #77 on: October 05, 2016, 07:27:43 pm »
Galit ako kay hubby hanggang ngayon dahil susunduin nya ako sa mcdo valero kanina. Malapit na pala sya eh bibili pa sana ako mc cafe. Dahil walang space para maghazzard, sabi ko may street parking na available kaso magbabayad pa ng parking. Ang sagot sakin, ako daw ang magbayad ng parking. Wow ah? Sana nag taxi na lang ako pauwi kesa sagutin ako ng ganun.

Pagdating ng bahay, sa galit ko gusto ko umalis ulit at magdidinner ako mag isa sa malayo. Kaso tinago naman susi ng kotse. Nakakabwisit.

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #78 on: October 05, 2016, 09:16:41 pm »
^aww sis medyo may pagka arogante naman ang sinabi ni hubby mo dun ah. Sabihin mo don't mess with a pregnant woman! Hahaha hope everything get better with you two.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #79 on: October 06, 2016, 04:31:06 am »
@dragonfly actually pag nasa house sya madalang sya mag cp. nagtatampo pa nga kasi ako madalas may kausap sa phone. Kaso pag nagdri drive since nagka pokemon go madalas sya nagpipindot sa phone. Make sure nya na open at makita nya if may kakaibang pokemon na lalabas. Kaya ginagawa ko ako na nag lalaro para sa kanya. Minsan lang nakakatamad ng magpokemon pero sya hook pa rin. Hindi ko sya pinagbabawalang maglaro ang ayaw ko lang while driving naglalaro pa rin. Sa ngayon mukha nagtanda na dahil inaway ko hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close