Author Topic: Bakit ka nainis kay hubby mo today?  (Read 16475 times)

imprincessfiona

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #40 on: August 19, 2016, 12:05:41 pm »
I agree with sis drag0nfly kapag may tampuhan huwag mo na lang kibuin o pansinin ang asawa mo sa huli mapapansin nya at sya mismo ang unang kakausap sa'yo. It works for us. Kapag galit si husband tahimik na ako then kapag kinausap na nya ako ibig sabihin medyo OK na sya kapag ngumiti o humalakhak na sya ibig sabihin OK na OK na kami. Mas OK na iyong ganun kesa magsalitaan pa kayo ng masasakit na salita na in the end maaari nyo pagsisihan kung bakit nasabi nyo pa sa isa't isa.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #41 on: August 19, 2016, 01:53:27 pm »
^tama di maganda if sabay kayong galit at sabay din kayong magsasalita. Minsan may mga oras na di ko lang talaga napipigilan at nakikipagsabayan ako ng galit ke hubby. Pero ang mahalaga, mageeffort kayong maging okay ulit after ng galit 😂

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #42 on: August 19, 2016, 09:51:13 pm »
^dati hindi gets ni hubby kailangan ko manahimik pag galit ako. Kasi sa totoo lang masakit ako magsalita. Dati ang gusto nya pag galit ako usap agad kami. Sabi ko ayoko makipagusap na high ang emotion ko. Hindi ako perfect para mapigilan ko agad ang emotion ko. Ayaw na ayaw nya hindi ako nag sasalita. Pero ngayon gets na nya kapag alam nga kalma na ako nagtatanong sya if ok na mag usap about sa ayaw namin. Kasi ako pag may topak sya hindi ko sya kinukulit explain ko nga sa kanya. Tingnan mo pag ikaw hindi kita kinukulit diba kusa ka kumakalma. Nababawasan ang inis mo, nakakapag isip ka ng mabuti. Ngayon ganyan set up namin kapag tumahimik na wag muna kulitin. Buti na lang ilang oras lang tinatagal ng silent treatment namin. Actually im trying na oras lang dati kasi hanggang kinabukasan kaso masydo sya affected at nakiusap sya kung pwede wag ganun katagal. Sa amin effective ang ganyan.

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #43 on: August 19, 2016, 10:27:00 pm »
^masakit din ako magsalita sis. At ramdam ko na naooffend si hubby pag nagsalita nako pag nagkakasagutan kami. It just so happened na mas vocal si hubby. Or should i say "nagger" hahaha. I mean, di sya katulad ng ibang guys na wala lang pakialam pag may misunderstanding. Kaya pag alam kong serious yung problem namin di na lang ako umiimik. Kaso mas problema yun para sa kanya kasi kaya ko hindi umimik nang sobrang tagal. Minsan 1 week wala talaga. Di ko sya kinakausap. Mahirap na kasi ako suyuin pag nanahimik nako ;)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #44 on: August 20, 2016, 12:20:08 am »
^naku sis relate ako dyan na mas nagger si mister kapag nag uusap kami ang haba ng explaination. Tapos pag may ayaw sya sa ginawa ko ang haba rin ng sinasabi kaya minsan sinasabi ko para kang nanay.😭🙄😁. Nakakatagal ka ng 1 week? Kay hubby hindi pwede maloloko pag hindi ko kinausap. Madali pati ako suyuin😊.

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #45 on: August 24, 2016, 08:12:23 am »
Hindi na naman nya maalala kagabi kung san nya nalagay yung ATM na, kasama driver's license at PRC ID nya. Ilang beses na kasi to nangyari na nawalan sya ng ATM. Nakakakaba kaya! Hahaaay

duhyan

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #46 on: August 26, 2016, 11:59:44 am »
Pupunta parents ko today sa amin, sabi kasi ni hubby sa kanila kapag pumasyal dito samin sa south eh ipapasyal sila sa Tagaytay. Since nagkainisan kami ni hubby, nagtext sya na wag na daw tumuloy, eh nasa byahe na parents ko. Kainis!

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #47 on: August 26, 2016, 11:26:26 pm »
Everytime i breastfeed LO sa bed, sisiksik sya sa amin tapos magjojoke sya or kikilitiin ako or magpapakita ng funny video sa fb. Eh sa sobrang babaw ko tatawa ako ng malakas kaya naaabala si baby sa pagdede.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #48 on: August 29, 2016, 10:06:09 am »
iniwan nakakalat gamit nya kakalinis ko lang tapos ang haba ng explaination nakakainis.

khriseeee

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #49 on: August 29, 2016, 08:41:05 pm »
He asked me to check how many Pokemon I've caught while I was texting a reply and both kids were hanging off my arms. He asked me again when he saw me struggling. Hahaha!

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #50 on: September 02, 2016, 07:17:44 am »
Nakaschedule ako for OGTT today. So nagfasting ako 6-8 hrs. Dapat 7am nasa hospital na kami. 6:45 sabi ko alis na kami kasi tanghali na. Baka maoverfast ako. Sagot sakin plantsahin ko daw muna polo nya! Bakit di pa kasi kagabi nagplantsa!! So ngayon 720 na malayo pa kami dahil sa traffic!

imprincessfiona

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #51 on: September 02, 2016, 10:26:45 am »
Few days ago we had misunderstanding. Yesterday, he texted me nangamusta then nung malapit na uwian sa office he asked me kung uuwi ako sa kanila. I assume na OK na kami kasi nangamusta na sya. Then nung nag-meet kami halfway sa Cubao kagabi I felt his cold treatment. Alam mo ba iyong pakiramdam na PINAASA ka nya na OK na kayo pero iyon pala hindi pa. Ang sakit sa pakiramdam na magkasama kayo physically pero parang miles away ang agwat nyo sa isa't isa. Simula nung byahe namin hanggang sa makarating sa bahay nila, blangko ang mukha nya pero ramdam ko na parang galit pa sya sa akin. Sabi ko nga sa kanya, bakit pinauwi mo pa ako dito sa inyo kung hindi mo naman ako kakausapin/ kikibuin? E pinagmumukha mo akong t**** dito e. Sobrang sama talaga ng loob ko sa kanya as in.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #52 on: September 02, 2016, 10:56:06 am »
^hugs sis :D magkakabati din kayo nyan ni hubby. need daw minsan mag-away para magkaroon ng spice ang relationship. Ako personally nabobore ako pag everyday OK kami e, kaya gumagawa ako minsan ng small away HAHAHA



=====

ang bagal bagal nya kumilos. sabay kami pumapasok everyday, ako lagi nauunang magising ng ilang minutes to prep our breakfast before going to work. tapos sa huli sya pa din yung huling maayos ang sarili. e sarili na nga lang nya iintindihin. tapos sobrang opposite kami. iniwan ko nga kanina, sabi ko mauuna na ko kasi ilang araw na rin akong late. hai. OC pa ako so lahat ng mga bagay na need ko kinabukasan, pineprepare ko na sa gabi pa lang. E siya laging sa umaga lahat naghahanap ng kung ano-ano, malamang dun pa lang, mauubos na oras namin. haiii kajirits talaga! :s

Tinext agad ako pagkarating nya office pero ako dedmadela. Kakainis kasiii. Pero ok na kami ngayon haha. MagFridate after shift, walang magagawa kundi mag-usap.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #53 on: September 02, 2016, 12:34:24 pm »
^Thanks sis Yannuh! Ipag-pray over ko na lang si husband baka matauhan.

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #54 on: September 02, 2016, 09:07:09 pm »
^^ sis yannuh! Everyday ko kinakainisan din yan pero di ko pinopost dito kasi araw araw talaga eh!!

Since napreggy ako everyday nya ako hatid-sundo sa work ko. Ako din lagi nauuna makapagprepare. At palagi rin sya may naiiwan na gamit nya. Isang beses lang sya naging maaga nung sya ang may maagang appointment. Everyday 1 hour late ako (dahil sa kanya) Minsan iniinsist ko na magdrive na lang ako ulit kaso ayaw nila ng dad ko.

Flowerpuff

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #55 on: September 02, 2016, 11:02:40 pm »
ako inis na inis kapag nakikita kong naglalaro ng coc ang asawa ko, imbis na yung mga bata nlang laruin 😠

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #56 on: September 03, 2016, 07:25:09 am »
^^ sis yannuh! Everyday ko kinakainisan din yan pero di ko pinopost dito kasi araw araw talaga eh!!


Haha mga boys talaga sis parehas likaw ng bituka. Mga pasaway! Haha

hedonista

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #57 on: September 05, 2016, 10:38:49 am »
hindi dinala ang laundry kahapon, sabi ko sarado pag sunday. pinilit bukas daw. ayun sarado nga. now increased wait time pa. grrr, andun lahat jeans ko. casual sa office naming. hello leggings na naman

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #58 on: September 05, 2016, 07:10:10 pm »
May sumpong ako. Hormones, alam na nga nya panay pa tanong at kulit.

forumera

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #59 on: September 05, 2016, 10:21:27 pm »
ayaw ba naman sumama sa Family Day ng anak namin, e Saturday naman yun, off niya, half day lang, juskolord talaga, kainis. Sana mapilit ko pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close