Author Topic: Bakit ka nainis kay hubby mo today?  (Read 16466 times)

forumera

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #20 on: August 06, 2016, 11:18:36 am »
This

“The wrong man will do something nice for you and complain the whole time while doing it. He’ll then
expect you to be happy, not realizing that his attitude ruined everything.”
Let’s say you love to walk along the beach, but every time he takes you, he complains. He thinks he
is earning brownie points by taking you when, in fact, he’s losing points. Sooner or later, you’ll stop
asking him to go with you. He may think he’s finally convinced you that walking along the beach is
boring but he hasn’t. You still love walking along the beach… you still want to walk along the
beach…you just are no longer interested in doing it with him.
The right man, however, will do it because he wants to make you happy. He won’t ruin your
moment with his petty personal complaints. After all, he is making you happy and at the end of the
day, in his mind, that’s what it’s all about."
- Reflections Of A Man

Ang on fleek nito, ganitong ganito kinaiinisan ko e. In my case, I really really love going to the grocery. Pero kapag kasama siya, sinisita niya ako na ang tagal tagal ko mamili, especially sa mga skincare items, kasi binabasa ko pa, kinocompare ko pa, hanggang sa naiinis na ako na nasa grocery ako. Nag ggrocery pa din kami together kasi kailangan e. Pero hindi na ako ganun kasaya.

Isa pa, gusto ko bumili ng shoes, ang saya saya ko kasi sympre may bagong shoes, sus all the while silent siya at nakabusangot ang mukha sa mall. Pero pag siya sasamahan tapos nadidiscourage siya kasi mahal or hirap bagayan pero gusto niya talaga yun, ineencourage ko pa siya na sa ganitong outfit keri yan, blah blah blah. To be fair, not all the times naman, pero most of the time. Like 80% ganun.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #21 on: August 08, 2016, 02:16:15 am »
After pumayag na magjoin kami sa gym/arena to train pokemon aba ang daming comment hindi raw kami mananalo. Sa inis ko binalik ko phone sa kanya. Hindi ko alam ko sa kanya ba ako na iinis o sa pokemon. Buti na lang bumawi sya. Hmf.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #22 on: August 11, 2016, 05:43:42 pm »
Pinagtake ako PT e 23 days pa lang naman nakakalipas from my last mens. Sabi ko nga ang aga aga pa talagang walang makikita dyan Negative talaga kasi expected naman pero nadisappoint pa din ako. Ok lang naman daw sa kanya pero nagsayang kasi kami PT kaya nainis ako.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #23 on: August 12, 2016, 03:09:19 am »
Alam nya may ginagawa ako bago sya lumabas para ihulog ang documents nya. Nanghihingi ng kiss binigyan ko ng mabilis na halik sabay tuloy sa ginagawa ko. Ang sungit ko daw pasabay yakap sa may likuran ko ng mahigpit sabi ko wag muna ako kulitin. Eto na after 10 mins tumawag medyo malayo pa naman un phone ko sa akin. Paghello ko tawa ng tawa sabi ko bakit wala lang daw 😡. Sabi ko alam mo busy ako sagot pa sa akin alam ko kaya nga ako tumawag pabusy daw ako. Sa inis ko sabi ko I hate you sagot ba naman i know, and i know you still love me. Hay natatawa na lang ako binabaan ko ng phone. After 5mins nag message naman. Nakakaloka talaga itong asawa ko ang lakas mang asar😂

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #24 on: August 14, 2016, 07:19:35 am »
Actually naiyak pa ko at nag away kame. Nanood kami ng Home Sweetie Home tapos nabanggit dun how much yung magagastos sa panganganak. Sabi ko sa kanya naku dapat magstart na tayo mag ipon para dun. Sabi ba naman sken, ako me makukuhanan nyan, wag mo yan intindihin, magbuntis ka muna. Sobrang naiyak talaga ako sa joke na yon. Ang insensitive nya sa pinagdadaanan ko, namin. Tapos naiyak talaga ako hanggang matulog. Tapos sorry sya ng sorry, joke lang daw yun. Hai ang sakit lang. Di nya alam kung gaano ko kagustong mabuntis:(

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #25 on: August 14, 2016, 08:46:46 am »
^ hug sis.... in God's perfect time.. baka nga joke lang yun sis. Di nya siguro akalain na sobrang mahhurt ka..

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #26 on: August 14, 2016, 09:07:07 am »
^thanks sis!:) sobrang sensitive ko lang siguro ngayon kase sobrang gusto ko na talaga mabuntis. Hai

imprincessfiona

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #27 on: August 16, 2016, 02:28:00 pm »
^Bakit kaya ganun ang mga lalaki? Kapag nagsabi ka ng tunay mong emotion/ feelings, sasabihin sa'yo nagdadrama ka na naman. Nag-experience nyo na ba ito? Sadya lang sigurong visual ang mga lalaki kesa emotional hay.

angeleigh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #28 on: August 16, 2016, 03:30:11 pm »
Kahit sabihin kong gusto ko na matulog and masama pakiramdam ko, naku magpupuyat pa rin sa tabi ko kakabrowse ng fb. Hindi tuloy ako makatulog.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #29 on: August 16, 2016, 03:42:27 pm »
^Hay naku sis angeleigh relate na relate ako dyan sa scenario na iyan. Ang ginagawa ko tinatalikuran ko sa pagtulog.

shinies

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #30 on: August 16, 2016, 09:26:34 pm »
Ay sus oo bakit ba sila ganyan? Lambingin niyo na lang na paulit ulit na gusto niyo na matulog baka gumana..

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #31 on: August 16, 2016, 09:45:53 pm »
Kami meron kaming "no gadget night" every week, bawal ang any gadget sa bedroom. Ginagawa na namin yun before pa kami ikasal. We would just watch a movie or read a book or kwentuhan lang.

ms_jazzy

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #32 on: August 16, 2016, 11:48:16 pm »
Naiinis ako kay hubby kasi nanghiram nanaman sakin ng pang gas. E wala na nga kong pera, sakto na lang sana pangbayad sa utang nya. Ngayon kulang na :( kakapagod.

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #33 on: August 17, 2016, 09:41:42 pm »
Every after dinner, ako lagi naghuhugas ng mga pinagkainan. kanina after kumain, sabi ni hubby ako daw ang maghugas kasi pagod daw sya- so sabi ko lang oo (kasi halos araw araw naman ako eh, nagtaka din ako bakit pa nya sinabing ako na maghugas) sabi ko, ibabad lang muna yung mga plato later ko huhugasan mabigat lang kako pakiramdam ko sa tyan ko. sabi pa nya may mga kaldero daw, yung mga ganung hugasin daw ang nakakalito kung ano uunahin. so i said, ako na bahala basta ibabad na lang muna nya.

humiga muna ako sa kama kasi nabibigatan nga ako sa tummy ko. nakita nyang nakahiga ako. maya maya naririnig ko na lang nagkakalansingan yung mga plato. so lumabas ako at nagtanong kung bakit sya ang naghuhugas eh ako naman talaga naghuhugas gabi gabi. ang sagot sakin, sya rin naman daw nag imis lahat so sya na lang rin daw maghuhugas. huh? nakakainis lang yung pagkakasabi. if you read between the lines parang "ako na gagawa nito kasi ang tamad mo"

di na lang ako sumagot. bumalik ako sa kwarto. naiyak talaga ako sa sobrang asar ko. pinipilit ko sarili ko na magpray na lang para gumaan pakiramdam ko. nakakainis. hinayaan ko nga sya. eh di sya ang pagod ngayon, dami arte.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #34 on: August 18, 2016, 10:03:31 am »
@angeleigh Kami naman no gadget talaga before sleep or pag nasa bed na. Pagpupunta kami ng bed chitchat ng konti hanggang makatulog. Buti na lang ganun set up namin kahit hindi namin pinag usapan. Dahil nakakainis un may liwanag sa tabi mo. Sanay kasi ako no lights pag tutulog na.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #35 on: August 18, 2016, 11:30:35 am »
^^hugs sis stylus, minsan talaga kakainis pag ganyan haha.

^gusto ko din ng no gadget a day. try nga namin yan. hihi

drag0nfly

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #36 on: August 18, 2016, 11:13:03 pm »
Sis stylus, naalala ko parents ko sa kwento mo.  Dad ko kasi mahilig magsabi na sya na maghuhugas after pero walang follow-through.  Tapos one time nainis mom ko, iniwanan nya talga yung mga hugasan haha.  Na-bad trip dad ko kasi akala nya na, as usual, gagawin ni mommy.  So for the first time ever eh hinugasan nya.  Pero di sya kinibo ng mom ko parang 2 days yata.  Tapos nung ok na mom ko, sinabihan nya si daddy na wag ka kasi mag-offer kung di mo ang din gagawin  ;D

Saken tama yung ginawa mong dedma na lang kay husband kahit nainis sya.  Ano ba naman yung minsan sya maghugas ng kinainan, kahit pa pagod sya?  Nakita naman nyang masama ang pakiramdam mo.  One thing my mom taught me pag ganyang nag-iinarte ang mga asawa natin eh dedma at wag kausapin.  It works. 

Hope you're feeling better na!

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #37 on: August 19, 2016, 12:53:09 am »
Hugs sis yannuh and sis dragonfly!!!

Kagabi di ko talaga sya pinansin. Kahit nakikipagkwentuhan sya sakin tungkol kay delima, NR lang ako. Kunwari not interested. Haha! Nung nag goodnight kiss sya sabi nya "bakit ka ganyan? Dahil naghugas ako?" Di ko pa rin sinagot. Kaninang umaga ko na lang sya kinausap. At kaninang dinner kumain kami sa labas para matakpan na issue sa hugasin ;)

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #38 on: August 19, 2016, 12:55:56 am »
aww sis stylus! nako wag pastress, hindi maganda kay baby yan. good to know bumawi sya :P

drag0nfly

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #39 on: August 19, 2016, 01:03:55 am »
Nice sis stylus!  Buti okay na ulit kayo  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close