Author Topic: Bakit ka nainis kay hubby mo today?  (Read 16507 times)

yannuh

  • Guest
Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« on: July 22, 2016, 07:34:38 am »
Maiba lang, let's post yung mga minor things na naging cause ng tampuhan/maliit na away nyo ni hubby today :D Di para sa kung ano pa mang dahilan kundi para na din pagtawanan kung gaano tayo kababaw sa mga away natin and macorrect if hindi naman sya kagalit-galit :D

============

Naiinis ako kasi nanghihingi ako ng coins tapos sabi nya nakakalat lang daw yung wallet nya, ba't daw hindi pa ko kumuha, ang pabebe ko daw. ugh. umalis akong hindi nag-goodbye kiss sa kanya :s

forumera

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #1 on: July 22, 2016, 09:35:34 am »
hehe, medyo mababaw nga sis, kaso kasi minsan wala naman masama sa sinabi pero parang nakakapagpintig pa din ng tenga e no?

Today, wala naman ako maicocontribute sa thread na to baka bukas meron hahaha

baka nga mapadalas ako ditto e lol

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #2 on: July 22, 2016, 09:58:59 am »
Kahapon sinundo nya ako sa office. Sabi ko daan muna kami purple oven bibili lang ako cake. Sinabi na naman na ang mamahal daw ng mga gusto ko kainin at ang hirap pa hanapin ng mga pagbibilhan.

Kanina masakit tummy ko pero tolerable naman. Nung nagbibihis nako, masakit talaga kaya ang bagal ko kumilos. Sinabihan pako ng "pambihira".

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #3 on: July 22, 2016, 02:54:37 pm »
hehe, medyo mababaw nga sis, kaso kasi minsan wala naman masama sa sinabi pero parang nakakapagpintig pa din ng tenga e no?

Today, wala naman ako maicocontribute sa thread na to baka bukas meron hahaha

baka nga mapadalas ako ditto e lol


haha truth! saka pag binalikan mo ulit yung post mo dito matatawa ka na lang kung gaano sya kababaw :p minsan kasi ineexag lang natin mga bagay-bagay e :))

mitcha15

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #4 on: July 22, 2016, 03:29:28 pm »
Gusto Ko mag-share Wala kasi akong makausap.
Naiinis ako Sa hubby Ko dahil Panay Ang Pag-like niya Sa posts Ng ex-gf Ng tropa niya. Recently Lang nag-hiwalay and for sure, nangangailangan Ng kalinga Ang mga heart-broken. As in walang palya, Kahit iyon mga walang kalatoy-latoy Na posts ni nili-like niya at nag-comment pa. Kadalasan siya lang Un kaibigan lalaki Na nag-like at comment Sa Mga posts nun girl.
Hehe! Ang babaw Pero ciempre, I find it weird paano Hindi naman siya mahilig mag-comment at seldom nag-like Sa mga posts Ng mga kaibigan at former classmates.
Saka Isa pa, LDR Kami kaya hanggat maari mino-monitor Ko iyon mga ginagawa niya. At nun sinita Ko, siya pa galit. gusto Ko siya kutusan...

rics

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #5 on: July 24, 2016, 09:50:43 am »
naiinis ako kay hubby today since family members (from my side) will be coming over to visit. my sis was asking if we wanted to travel with them to another place. sagot ba naman - napapagod ako mag drive sabay walk out. na highblood ako promise.

jaja27

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #6 on: July 24, 2016, 07:00:40 pm »
Nainis ako ke hubby kanina, kasi sabi niya napanaginipan niya daw si Marian Rivera and pinapapili daw siya between me and her and nahirapan daw sya. So sabi ko aba talagang nahirapan ka pa pumili samin noh? Sabi ba naman ni hubby: Aba at talagang naniniwala ka na papatulan ako ni Marian hehe natawa na lang ako pero bwisit pa din hahaha...

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #7 on: July 25, 2016, 07:12:23 am »
^haha sis naman nakakatawa yan haha. Pero dati nagseselos din ako ke Cristine Reyes, crush ni hubby. bwahahaha


=============

Naiinis ako ng slight ke hubby kahapon kasi niyayaya sya makipag-inuman ng mga tito ko sa bahay nila Mama. Ayaw daw nya pumunta e minsan lang naman dumalaw yung mga yun smen. haii.

drag0nfly

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #8 on: July 26, 2016, 04:42:46 am »
Nakakatawa nga yang pagdating sa artista mga sis hehe.  Ako naman si hubby ang naiinis kasi pagkatapos ng obsession ko kay Oguri Shun eh kay Song Joong Ki naman ako baliw na baliw ngayon.  Tuwing sinasabi ko ang pogi pogi grabeee naku ayun kung ano-ano na cino-comment pang-asar lang!  Hmp!  ;D

forumera

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #9 on: July 26, 2016, 07:20:24 am »
ayan may macocontribute na ako, lol

Sunday night.
Our son kasi put some of his toys inside our laundry basket.
Sabi niya, o bakit may toys sa labahan?
Sabi ko, hayaan mo na e kesa nasa floor nakakalat, e dyan niya gusto ilagay, sooner or later wala na yan dyan (kasi magbabago trip ng son namin, baka next time nasa washing machine na, char lol)
Inalis niya yung toys, pero wala naman siya ginawang maayos sa toys, iniwan niya sa floor. (sa room namin to nangyayari ah)
After niya mag toothbrush, siya din nainis, kasi wala na sya malakaran, e wala rin naman ako mapaglagyan nung time na yun.

Monday.
Sinipag ako maglinis at mag ayos.
Yung toys nilagay ko sa shelves, in case laruin ng son namin, may paglalagyan ako after na hindi masakit sa mata. na mas maayos compare sa basket.

Pagdating niya
Sabi niya, oh bakit ganyan e ikakalat din naman niya yan
Sabi ko... yun nga sinsabi ko sayo kagabi e


boom, e di wow. nakakainis yung Sunday night, kasi inalis yung toys sa basket iniwan lang sa floor, wala siya paglalagyan hindi nalang hinayaan sa basket.

jaja27

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #10 on: July 26, 2016, 07:02:43 pm »
Actually di naman to nanyari today, pero eto yung lagi kong himutok pag umaalis kami. So syempre pag mommy ka and walang yaya pag aalis kami from pagpapaligo sa mga kids, pagbibihis sa kanila pati pagaayos ng hair nila tayo ang toka dun. Then pagligo ni hubby pati susuutin nya ipeprepare ko na sa bed para di magulo un ayos ng closet. Tapos aayusin mu pa lahat ng gamit ng kids from food, milk and clothes na bibitbitin. So after nito that is the only time na makakapagprepare na ko. Eto na, pag okay na silang lahat and ako na lang iniintay sa sasakyan bigla sasabihan ako na "Hays ang bagal mu naman mommy". Khit na basang basa pa yung buhok ko at sa kotse na lang ako nakakapagkilay. And since alam nyang eto ang nakakapampabwisit sa kin pati mga kids un na din ang sinasabi. Gusto ko tuloy silang pagbuhol buholin magaama hehe.

ri-anne

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #11 on: July 26, 2016, 07:53:58 pm »
^HAHAHA naku sis i can relate!!!!! ;D
ganyang ganyan din kami pag umaalis at may lakad.
Kaya one time sinabihan ko sya, edi tulungan mo ako dito para makapagbihis na ako. He helped that time, then nung mga sumunod hindi na nagreklamo. ;D but ganun din, to save time sa sasakyan na rin ako nag-aayos (hair, lipstick,etc). Life of a mom with kids w/o yaya hahaha

stylus

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #12 on: July 27, 2016, 10:14:50 am »
Naiinis ako kay hubby ilang araw na kasi may friend sya na lalaki din pero sobrang bibo. As in ang daldal. Lakas boses. Nakakaexhaust ng energy! Okay lang nandito sya sa bahay paminsan minsan. Pero ilang araw na magkakasunod nandito sya nakiki wifi buong araw nakikidinner hanggang gabi.

Kahit nung minsan may site meeting ako na 4 hour drive na sasamahan ako ni hubby dahil di ako pwede maglong drive dahil preggy, gusto nung friend sumama. Sabi ko talaga ayoko. Imagine 8 hrs na byahe kasama namin yung madaldal na yun?

Ngayon na sasamahan sana ako ulit, nandito na naman sa bahay. Di ko nga pinapansin. Ano sasama na naman sya samin? Eto namang asawa ko ewan ko ba nung nagpaulan si God ng kabaitan at tolerance sa madadaldal na tao, marami yatang nasalo kaya natitiis nya yung kaibigan nya na yun!

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #13 on: July 28, 2016, 08:39:03 am »
^haha baka type si hubby nung friend nya :D:D

====================

naiinis ako ke hubby this week kasi ang hilig ako kagatin. parang pinaglilihian ako e naiirita ako kaya kinakagat ko din sya hahaha

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #14 on: July 29, 2016, 09:36:54 am »
Pagtapik tapik sa butt at hita ko. 😂

thebratinella

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #15 on: July 30, 2016, 06:52:25 pm »
Madalas ang reason hindi nagtetext nang maayos kung may pupuntahan or pinuntahan. He got home past midnight from Ortigas. Hours before that, I sent a text.

Me: Saan ka na?
Husband: Nasa biyahe

Hindi ko daw ba alam iestimate ang travel time from Ortigas to Cavite. Malay ko ba kung saang specific place siya pag sinabing "nasa biyahe". Ang haba ng EDSA, Coastal Road at Aguinaldo Highway para maestimate ko what time siya makakauwi. Plus I have to get upset bago siya magreply.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #16 on: August 02, 2016, 01:30:45 pm »
Nainis ako kay hubby today kasi ang bagal nya maglaba!

May sakit kasi ako. Flu. So hindi ako nakapasok. Since he needed to take care of me, di din siya pumasok. So sabi ko, pakituloy yung labahan na di ko natapos kahapon. Nasabon ko kahapon isang beses ngayon sana pangalawang sabon and then banlaw. Juice colored, kaninang umaga pa nya sinimulan hanggang ngayon di pa natatapos. Paano ba naman, mas mahaba pa yung oras na inilalaan nya sa panonood ng videos sa youtube kesa sa paglalaba. Paiikutin nya damit sa washing machine for 15mins pero after an hour pa nya babalikan para hanguin at magsalang ng bago. Kaasar di ba?!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #17 on: August 02, 2016, 07:43:51 pm »
Kaninang umaga Tinapon nya un tissue na nasa bag ko hindi nya alam may nakalagay na earings. Fave ko pa naman earings yun. Kaya dedma ko sya ng ilang oras. Sabi ko nga bakit naman ako maglalagay ng gamit/maduming tissue sa bag ko. Kakainis pagnaalala ko.

yannuh

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #18 on: August 03, 2016, 06:27:36 pm »
Sobrang gastos nya nababadtrip ako hai

simang

  • Guest
Re: Bakit ka nainis kay hubby mo today?
« Reply #19 on: August 04, 2016, 03:40:37 am »
Ay ang cute ng thread na to!!! Haha tawang tawa ko sa pagbabasa. Hahahaha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close