Author Topic: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.  (Read 2772 times)

graZiousa

  • Guest
Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« on: July 15, 2016, 10:47:27 am »
Hello mga sis.. I badly need advice this time. Naguguluhan ako masyado.

Last year (November) nag resign sa work si hubby. Salesman sya sa isang malaking tobacco company. Last year twice sya naholdap. Since then lagi na akong kinukulit ni mama (MIL) na pagresignin na si mister at lumipat nalang kami sa business ng tita ni hubby. By the way, magkalayo kami ni hubby dahil sa work. Wala naman kaming problema sa 3rd party pero sa pamilya meron. So ito na nangyari, we decided na lumipat sa lugar ng tita nya (sis ni MIL). Merong water refilling si tita and dahil walang nag-mamanage papabagsak na. Hindi mabantayan ni tita kasi may isang negosyo pa sya. So dahil sa risk sa trabaho ni hubby and nangangailangan ng magmamanage sa refilling napagdesisyonan naming mag asawa na duon nlang lumipat kasi originally plan namin na ako lilipat ng work duon sa place of area of work ni hubby. And dahil under medication ako at may mga side effects mga gamot, di na ako makafunction ng maayo sa work. Kaya ang usapan namin ni hubby once in for all magfocus nalang muna sa medication para maicorrect ang dapat icorrect para hindi na lumala, at hindi na muna ako magtatrabaho pagkasyahin nalang muna ang sweldo nya sa refilling. Pero bago ako nagresign sa work nauna na si hubby sa refilling, sa likud ng refilling merong bahay dun sya tumira. Usapan namin na tingnan nya muna kung ok ba, ok naman daw maayos naman and ok naman daw si tita. After a month sumunod na ako kay hubby. Ang bahay na tinitirhan namin ang pinakamaayos lang is ang kwarto namin, ang sabi ko kay hubby na unahin kusina kasi hindi ako kumportable na duon kami kakain sa bahay ni tita (katapat lang ng refilling ang bahay ni tita). Ang sabi for the meantime lang daw ang ipapagawa pa ang kusina. Nakailang buwan na kami duon and hindi naman napagawa, kahit nagbibigay kami ng pang grocery hindi parin ako kumportable na breakfast to dinner pupunta kami sa house ni tita para kumain. Gusto ko kami na magpagawa ng kusina pero sinasalo ni tita na sya lang daw, pero 5 months na hindi naman pinagawa. Nag alok na kami na kami na gagastos pero ganun parin sya lang daw.

Fast forward: Nagulat ako ng sabihin ni hubby na magstart na daw ako ng work sa isang business ni tita. Di daw sya nakatangi ng sabihin ni tita magwork ako kasi ok naman daw ang offer. Actually the work itself sobrang dali lang, and carry ko talaga. Pero ang management ang problema. Panay bulyaw, konting tanong ko magagalit na kasi ianalyze ko daw. Pag nagkamali naman sasabihin na bakit ginawa ng hindi nagsasabi. Nahirapan ako mag adjust sa ugali ni tita. And nightmare sakin talaga ang pinapahiya, yong pagagalitan ka and paparinig sa mga tao. Mahilig magsabi ng bobo, gumamit ng utak and the like. Ang isang takot ko konting konti nalang huhulagpos na pagpapasensya ko. Plus lagi pa masama pakiramdam ko sa mga gamot ko. Di maintindihan ni tita yon, tamad lang daw nagsasakit sakitan etc. So I decided to stop working under her. Sobrang nastress ako lalo at dahil tumigil ako sa work nagalit sya to the point na pati ang mga lolo at loa nagalit sakin. Ang pangit naman sobra ang ginagawa to the point na kung magmamano iwawaksi kamay ko. Grabe, nasobrahan naman ako dun.

Sa ngayon andito na ulit ako sakim, working again. Nung umuwi ako maayos naman usapan namin ni hubby. Pero lately nagtatagal kaming di nagkikita nag aaway nanaman kami. DI na sya okay na magkalayo ulit kami. Naguguluhan ako kasi sya ayaw nya muna umalis dun sa tita nya kasi nga naman maghahanap nanaman sya ng work. And me is not yet healed with my experiences sa tita nya kaya ayoko muna umuwi dun. Naguguluhan ako whats the best thing to do. Mga sis your opinions would be of great help for me to weigh things out.

damonsgirl

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #1 on: July 15, 2016, 11:04:07 am »
Ano ba ang sakit mo sis, if you don't mind? Kung hindi naman malubha, wag ka na bumalik dun. Kaya mo naman magwork sa iba. Mas lalo ka lang magkakasakit pag nasstress ka sa mga kamag-anak nya. Grabe sila. Magmamano ka na nga lang ganun pa gagawin nila. Tingin ko sila yung makitid utak.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #2 on: July 15, 2016, 11:04:58 am »
Pag usapan nyo yan mag asawa. Sabihin mo until when si hubbymag tratrabaho sa tita sa ugali nya ganun na magagalitin may possible na kapag hindi sila naging ok ng asawa mo palalayasin na lang sa work. So paano un dun pala sya maghahanap ng work? Ano ba other options ng hubby mo? Kung takot sya maghanap ng work ngayon mas lalo sya mawawalan ng gana mag hanao ng new work pagdating ng araw. Lumakad ang panahon. Alam mo naman sa pinas may age limit kalimitan. Mahirap naman talaga na nasa pinas kayo pareho magkalayo pa. Kaya once and for all pag usapan nyo mabuti yan ng personal.

graZiousa

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #3 on: July 15, 2016, 12:05:04 pm »
Ano ba ang sakit mo sis, if you don't mind? Kung hindi naman malubha, wag ka na bumalik dun. Kaya mo naman magwork sa iba. Mas lalo ka lang magkakasakit pag nasstress ka sa mga kamag-anak nya. Grabe sila. Magmamano ka na nga lang ganun pa gagawin nila. Tingin ko sila yung makitid utak.

Sis nag umpisa lang sa simpleng hormonal imbalance, irregular menstruation and poly-cystic. Napabayaan ko talaga sa kakatrabaho. Until kelangan ko na magpabiopsy dahil sa kapal ng lining ko. Sabi ng OB wala namandaw matatawag pa na cancer pero pag di ako nag gamot leading there (knock the wood)

damonsgirl

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #4 on: July 15, 2016, 02:00:07 pm »
Aww. Buti sis nag gagamot ka na ngayon. Iwasan mo nalang ang stress para di lumala.

graZiousa

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #5 on: July 15, 2016, 02:14:58 pm »
Aww. Buti sis nag gagamot ka na ngayon. Iwasan mo nalang ang stress para di lumala.

Hi sis, yes i underwent medication. Pills and metformin. Pills to regulate my menstruation and Metformin for glucose tolerance daw. High dose metformin ko every night 150mg tini-take ko kaya grabe din ang side effects (LBM 4 to 5 times and vomiting). Halos natutulog ako sa work dati. I want to work sis dahil nga sa hindi magandang treatment sakin sa side ni hubby kaya i decided to stop taking meds. I switched to herbals muna and si Papa God  na bahala sakin.

graZiousa

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #6 on: July 15, 2016, 06:10:14 pm »
Pag usapan nyo yan mag asawa. Sabihin mo until when si hubbymag tratrabaho sa tita sa ugali nya ganun na magagalitin may possible na kapag hindi sila naging ok ng asawa mo palalayasin na lang sa work. So paano un dun pala sya maghahanap ng work? Ano ba other options ng hubby mo? Kung takot sya maghanap ng work ngayon mas lalo sya mawawalan ng gana mag hanao ng new work pagdating ng araw. Lumakad ang panahon. Alam mo naman sa pinas may age limit kalimitan. Mahirap naman talaga na nasa pinas kayo pareho magkalayo pa. Kaya once and for all pag usapan nyo mabuti yan ng personal.

Sis maayo naman sya kay Hubby. Ang ginagawa ni tita pag hindi nya masabi skay hubby sakin nya dinadaan na pag sinabi ko kay hubby sasabihin na wag ko nalang pansinin kahit nakakaapekto na sa daily basis namin mag asawa.

damonsgirl

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #7 on: July 15, 2016, 06:27:55 pm »
Sis kung metformin at pills lang naman pala ang gamot mo, hindi yan malala. Naka metformin din ako since January 2015 hanggang ngaung buntis ako naka Metformin pa ako. Try mo Glucophage na brand. Mas mild un kesa sa Ritemed pero mas mahal. Ako 1,500mg per day. 750mg sa umaga and sa gabi. At first okay sakin ang Ritemed pero nung nabuntis ako, sumasakit din tyan ko at nag LBM so pinalitan ng ob ko ng Glucophage brand. Mas mahal lang. 20pesos isang tab so 40pesos a day ako sa Metformin. Nag iinsulin pa nga ako since nabuntis.
« Last Edit: July 15, 2016, 06:29:38 pm by damonsgirl »

quinone

  • Guest
Re: Naguguluhan na ako, NEED ADVICE.
« Reply #8 on: July 15, 2016, 07:34:50 pm »
i know hindi ito ang hinihingi mo ng advice pero nagpa second opinion ka ba? parang nagulat lang ako na may hormonal imbalance ka tapos you are taking metformin kahit na may side effect tapos kumapal yung lining mo and it may lead to cancer?! kasi ako din may imbalance at nagte-take ng metformin achaka na-ospital na rin ako kasi kumapal yung lining ko pero walang sinabi about cancer ang ob ko kahit kelan.

i agree with damonsgirl, as far as i know ang mga doc papalitan nila ng iba ang medication mo kapag hindi ka hiyang. nasabi ko lang naman, i am not sure kung makakatulong dahil hindi ko rin naman alam ang buong kwento, but hope everything works well for you. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close