watch now

Author Topic: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?  (Read 8533 times)

izabelle

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #20 on: March 02, 2017, 05:24:30 am »
I think both. (depende sa situation)

Burden - kapag kulang ang money and yet ang daming need suportahan. Pero itong part na ito pwede ito gawan ng paraan. Pwede ka kumuha ng freelance work.

Blessing - kapag you have enough or more than enough and nakikita mo na nabibigay mo lahat sa family mo. Masarap tumulong sa family. Kahit nga simpleng maitreat mo lang sila sa isang resto, ang sarap na sa pakiramdam e.

^ We have a single child and we have no plans of having another one. (sa ngayon, yun ang nasa isip namin.) A lot of people told us yung ganitong scenario na kawawa daw sa future kasi walang katulong sa expenses when we grow old kaya ngayon palang, we are preparing for our retirement. Pati health insurance kumuha kami ni hubby dahil ayaw namin maging pabigat sa anak namin.

plumpolka

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #21 on: March 02, 2017, 10:38:01 am »
@ shinies natawa naman ako sa 'leeches' fund na to. pero totoo din kasi. ugali na ng mga pinoy na pag may maaasahan naman, bat pa magsisikap? nakakainis tong ugali na to, lakas maka-freeloader lang forever


^ hay sana lahat ng mga magpapamilya this generation ganito na ang thinking para mawala na yung mga walang ibang ginawa kundi makita yung mga anak as investment dahil sila ang bubuhay sa kanila pagdating ng araw. kaya kung mag-anak, wagas!


siguro if you have more than enough, walang masama tumulong. blessing kasi you get to help your family. tulong lang pero not to the point na ikaw na yung breadwinner at sayo na lang aasa lahat. like i said, meron talaga kasing ugali mga pinoy na hindi nahihiya. kung nakita nilang ikaw ang ma-pera, sayo na lang sila aasa forever. kaya naaawa ako sa mga nag oofw na breadwinner.


siguro if nakikita mo naman sa family mo na lahat kayo nagtutulungan kahit ikaw ang main source of income ng household, ok lang. pero kung tatamad tamad na at naka-asa na lang, nako, wag suportahan. hayaan mamatay sa gutom para matuto maghanap ng sariling income. nakakainis yung ikaw, tipid na tipid, sila pabili ng pabili ng mga kung ano ano na ikaw sa sarili mo, iniiwasan mong bilhin kasi di naman kailangan. hahaha! sorry highblood,

avitot

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #22 on: March 02, 2017, 12:01:31 pm »
hi sis!

ill share lang our story hubby is only child din. Both parents no work, hindi naman sa obligasyon but because siya lang ang anak of course siya ang nagbibigay sa parents niya especially during single days niya lahat ng salary niya almost go to the parents.

What he did was binigyan niya ng pang negosyo, mini tindahan pinagtyagaan ng mga byenan ko naging ok so nakabili sila ng motor at nagpagawa ng tricycle and even without us giving them monthly kaya na yung everyday expenses nila. Thank God ok naman! Ganon pa man nagbibigay pa rin kami sa kanila kahit na may sarili na kaming buhay as mag asawa para may konting natatabi rin sila para sa ibang gusto nila.

I get what you feel, I feel like you wanted to give it all pero kulang na yung maibigay mo for them dahil sa sahod mo. Sis, madami naman ways to help them pa like maybe ikaw nalang maghelp to get mga free medication sa government natin or institution mga ganon. or maybe ask help from other family members.

Burden lang naman yun if nagbibigay tayo pero hindi na kusa sa loob natin but seems like hindi naman ganon sayo. Your parents are blessed to have you. mahirap yung only child sabi ng hubby ko and I can attest to it 

romanelle123

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #23 on: March 07, 2017, 10:09:58 pm »
If it is a blessing or a burden really depends on you, because this signifies your emotions towards it. I'm a breadwinner myself and not only that, pati si husband ko. So before we got married, we discussed this matter kasi how we see it is forever na namin tong responsibility sa mga pamilya namin. Definitely mahirap but I will look at it as a burden mas lalong hihirap. So I choose to see it as an opportunity to bless my parents and as a challenge to produce more income. Tama yung mga previous posts, you have to find other source of income and knowing na it is for my family, it adds to more #hugot to be hard working. BUT, DONT ALLOW YOURSELF TO MISS ON LIFE JUST BECAUSE YOU NEED TO PROVIDE FOR THEM. You can still do what you want to do kahit bread winner ka. You just have to focus on your goals and work hard and believe that YOU CAN. kaya ayun  happy life pa din kahit breadwinner!  CHEERS TO ALL BREADWINNERS!!!

chinkywinky

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #24 on: March 10, 2017, 02:10:40 am »
Breadwinner here, for such a long time. Nakakasawa din especially when you get tired of working and knowing that most of your income, sa family mo napupunta. Pero masarap sa pakiramdam yung makatulong lalo na 'pag alam mong ikaw lang ang aasahan nila. They respect me a lot, they hear me out. Those pamangkins that I sent to school, they treat me as their mother. I am childless so kahit pano, I can be a mother to them and I could feel how to become a mother. Daig ko pa yung mga totoong nanay, I guess. I supported kids emotionally and financially. Right now, they graduated in college na, magaan na buhay ko. Nagsawa ako actually that I feel I don't need to have my own child. Ngayon lang ako nagkaroon ng financial freedom.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #25 on: March 16, 2017, 02:43:48 pm »
^^ para ka palang Tita ko sa abroad, di na nakapag anak sa kaasikaso ng mga pamangkin. yung pamilya kasi ng mga pinsan ko hindi sinwerte sa trabaho ang magulang nila kaya sa Tita ko sila nakaasa. ultimo pati pamalengke ng family nila duon din sa Tita ko ang sumasagot. ang nakita ko lang negative impact sa ganyang setup is una nawala ng sariling diskarte ang mga tito ko para buhayin nila ang mismong family nila. parang laging may sinasandalan imbis lalo magpursige. kaya mga pinsan kong lalaki parang lumaking tamad. graduate na pero di namin nakikitaan ng kasipagan maghanap ng work. mareklamo pa. yung isang pinsan ko naman na pinag aral din, nabuntis din agad. kawawa yung Tita talagang nasaktan siya ng sobra. isa nalang pinag aaral niya, hopefully last na eto para magkaron narin siya ng laya. 

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #26 on: March 17, 2017, 09:23:59 am »
Sis chinkywinky, ang bait mo naman. I pray and hope na when the time comes na kailangan mo ng company andiyan sila for you.

I agree with you sis lovemeagain30, yung mga tinutulungan kasi ng dalawang Tita ko before tatlo yun, ayun nag College naman pero walang nakatapos. Laging palipat lipat ng course. Masarap nga naman kasi yung laging may baon diba? Tapos hindi mo pinaghirapan ang pera. Ayun until now adults na hindi pa din natuto.

MoonshineLady

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #27 on: March 21, 2017, 12:27:14 pm »
i think our parents or lolo and lolas before had a wrong imprint or paniniwala na naipasa sa next generation like us. they believed that children are like retirement fund na kelangan sila naman ang bubuhay sa pamilya pag nagtrabaho na. para sakin kasi we need to change that kaugalian kasi hindi porket yun na ang napaniwalaan eversince ay iyon ang tama. kailangan kasi matuto ang mga pilipino na kumayod at hindi umasa lang sa ibang tao or sa breadwinner. nakakaawa rin ang mga breadwinners na ito. masarap sa pakiramdam kasi ang makatulong sa pamilya kaya madalas nakakalimutan na ang sarili nila and before they know it ayun mga matatanda na pero kelangan pa rin tumulong dahil umasa na ang buong pamilya sa kanya.

chinkywinky

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #28 on: April 07, 2017, 01:01:23 am »
sis lovemeagain30, I could relate sa nagbuntis part. Yung isang niece na pinaaral ko, 4th year college na nahinto pa kasi nabuntis. I was so disappointed sis, naiyak ako sa sama ng loob, To think that her course was so expensive and she had her college sa Catholic school na pamatay ang tuition per sem. I didn't talk to her for such a long time. I even removed her sa fb ko. Though ok na kami ngayon and she cried and said sorry (buti na lang nakakaaliw yung anak eh). But kabataan ngayon, hindi nag-iisip. Yun yung mahirap pag nasanay sa maluwag na buhay, they don't know the value of money and hardships that others are spending on them. Gusto raw ulit mag-aral, told her to support her self 'cause am done with her.

salamat, si swtgrl_bee. Sana nga ano, may tumingin naman sa akin sa mga pinaaral ko pagtanda ko  ;D It's not their obligation naman, yung maalala lang ako ok na sa akin. I remember my nephew, he will not get married daw unless sabihin ko  ;D
« Last Edit: April 07, 2017, 01:02:57 am by chinkywinky »

izabelle

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #29 on: April 07, 2017, 04:50:42 am »
^ My MIL ganyan nangyari, may tinulungan mag aral na pinsan ng husband ko, graduating na, ayon nag buntis. Galit na galit MIL ko, tapos yung nakabuntis pa, parang yung pinsan pa ng husband ko ang magpapakain.

I agree mga kabataan ngayon marami hindi nag iisip. Yung point lang na may pang aral ka, maswerte ka na, ano pa kung nasa magandang school/mamahalin na school. Dapat pahalagahan yung ganyan.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #30 on: April 11, 2017, 05:18:09 pm »
^ pansin ko lang sa sitwasyon kasi ng  relatives namin usually ang nakikiusap sa mga kamag anak na pag aralin ang mga anak nila eh yung mga magulang. sila yung 'eager' mag aral yung anak kesa yung anak nila mismo. ang siste feeling privileged ang mga to!   ::) kaya imbis ang focus ay sa pag aaral, pag dyodyowa ang inaatupag. andiyan naman si auntie or si uncle na magbabayad ng tution fee nila. nawawalan sila ng goal. parang utang na luob pa ng kamag anak pag aralin ang pamangkin.

kaya bilib ako sa mga kabataan galing sa hirap na kumukuha ng mga scholarships sa mga eskwelahan makapagkolehiyo lang,, sila yung nakikitaan mo ng determinasyon. pati na ang mga working students, alam kasi nila walang magulang/kamag anak magpapa aral sakanila.

sis chinkywinky, kung pinag aral mo ulit yung pamangkin mong najontis, malamang seseryosohin na niya yun.  :D may goal na siya ngayon -- ang buhayin niya ang anak niya. yun kasi nawawala sa mga kabataan na umaasa sa kamag anak, yung goal. sayang nga lang kasi nakatulong sana siya sa mga magulang at kapatid kung yun muna ang inuna kesa magpamilya.

chinkywinky

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #31 on: April 18, 2017, 04:48:39 am »
^sis, siguro nga seseryosohin na nya this time. Pero you know what's holding me back? Yung iniaasa nya lahat. Nag work sya, kumita ng malaki pero hindi nakaipon, and she's still working ha. Nagpa-brace ng ipen, puro kaartehan inatupag. Gusto palang mag-aral pero bakit hindi nag-ipon? Kasi inaasahan na financially may tutulong sa kanya kahit hindi sya maglabas ng sariling pera sa pag-aaral nya? Yung anak nya? Yung isang kapatid ko ang nag-aalaga kasi nga she's working, hindi man lang nya mabilan ng damit yung anak nya while she's always out, pampering herself at gumagala kasama yung bf nya, So paano naman ako matutuwang tulungan, 'di ba? Kaya hinayaan ko at nang madala. Gusto nyang mag-aral ulit, gumawa sya ng paraan.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #32 on: April 18, 2017, 03:18:42 pm »
^Sis yan ang best na maitutulong mo nga sa kanya, yung hayaan mo na siya. Sa dami ng kamag-anak ko, yung mga napansin kong parasites sila yung mga hindi nahihirapan sa buhay. Then yung mga patuloy na umaangat yung mga nagumpisa sa hirap.


lovemeagain30

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #33 on: April 18, 2017, 08:37:26 pm »
^ wag mo na pag aralin yan sis chinkywinky, wala naman palang goal sa buhay. magsasayang ka lang ulit ng pera. tamang hayaan mo na siyang mahirapan, para matuto. spoiled brat pala eh.  ang mga nakakainis tulungan eh yung alam mo ng wala na nga pero feeling rich parin.

nocturnalnerd

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #34 on: April 19, 2017, 07:52:08 pm »
I'm also a breadwinner, and nakarelate talaga ako sayo, I have sister pero tumigil sya ng work kasi may sakit sya and we decided that for now ako na muna ang magpoprovide sa family, thankfully, I'm blessed enough para maprovide ang lahat ng pangangailangan nila, I think, sa sitwasyon mo, need mo na talaga ng at least second job or a business para may extra income ka, dahil talagang mahirap kung isa lang ang pinagkukuhanan mo ng income. Kapit lang sis.

cupcakejane

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #35 on: June 09, 2017, 09:07:36 pm »
I'm soon going to be a single mom.  Hindi naman all the time business is good and it is worrisome for me since my children have no one else but me.  Hindi uso with us to seek financial help from anyone so that is not an option.  It's not a burden obviously my kids cannot fend for themselves, I just hope things will get better.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close