watch now

Author Topic: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?  (Read 8535 times)

minikeyklush

  • Guest
Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« on: July 13, 2016, 11:28:37 pm »
just to briefly share my story, i'm an only child and both my parents don't have work nor other income so ako yung nagpoprovide na for them (for our family). Okay lang naman nung una, pero nung umabot na sa point na my father was diagnosed with cancer and from hospitalization, medication and may iba pang needs financially na dapat ko iprovide parang i felt na the situation is too overwhelming na for me to bear. I will be turning 33 next month, single ako and I have a job pero yung pay is enough lang siguro for a single person na walang obligasyon parang somehow napressure ako for myself. Now I am thinking kahit madaming nakapagsabe sa akin na nakakaproud yung dedication ko for my family, di ko maiwasan mafeel na parang somehow burden din na ako ang solely nagpoprovide (to clarify not my parents ang burden but the situation itself) kasi kahit andami kong gusto pang gawin, hindi ko sya maprioritize because of the responsibilities na need ko unahin gawin dahil wala naman akong choice pa for now.

just want to ask about your POV's of being a breadwinner or you can also share your stories. Is it something na dapat ba ika-proud or burden somehow? post it away mga sisses. :)
« Last Edit: July 14, 2016, 05:36:35 pm by minikeyklush »

red_yesha

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #1 on: July 14, 2016, 08:36:54 am »
Breadwinner din ako at may mga kapatid pa ako na hanggang ngayon ay nag aaral pa.
Isa to sa ikinapaproud ko kasi yung blessings na natatanggap ko e naishishare ko sa pamilya ko. Dati iniisip kong burden ito kasi nga di ko magawa gusto ko,minsan nga naiiyak pa kapag di nila naaappreciate ang efforts ko. Tapos di pwedeng mawalan ng trabaho kasi wala kaming kakainin.
So ayun,iniisip ko nalang na kaya ako ang breadwinner e kasi kaya ko, may kakayahan ako,ako lang ang taong pwedeng magtaguyod para sakanila.
Mas mahirap siguro kung may asawa't anak ka na tapos ikaw pa rin ang inaasahan. Bale 2 pamilya na ang obligasyon mo. Ansakit nun sa bulsa. Haha

SARAHnghae

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #2 on: July 14, 2016, 06:39:33 pm »
grabe naman sis ece. sobra naman pangongonsyensya nila. :( wala ba ibang nagpprovide for your family? other sources of income? well, kung wala talaga di naman natin sila masisi.

kinda the same situation sayo sis. we just got married and magkakababy na rin very soon. although im not a breadwinner, panganay ako. lahat ng kapatid ko nag-aaral pa. share kami ng mom ko sa expenses sa bahay. kahit nakabukod na ko sa family ko, ako pa din nagbabayad ng bills nila dun.
ngayon nga magmaternity leave na ko, nagsabi na ko sakanila na wala kong maitutulong kasi walang sweldo while naka-ML.
for me its my responsibility and not a burden. sana nga mas malaki pa income ko para mas matulungan ko pa sila. good thing pagraduate na brother ko, may katulong na ko sa expenses pag nagkatrabaho na siya :)

mas mabigat ang situation mo sis minikeyklush, isipin na lang natin na lahat ng ginagawa nating mabuti para sa family natin, may balik din sa ating blessing.
and its our way of giving back to them, right? :)

SARAHnghae

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #3 on: July 14, 2016, 08:41:02 pm »
^mag-dodoctor ata siya sis. hehe. hay naku may kapatid din akong pasaway. yung sumunod kasi saken may anak na, nauna pa saken. 21 lang siya. at least ngayon may trabaho yung gf niya, bawas din sa expenses namin yung gatas at diaper ng baby nila.

Girltalker2

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #4 on: July 15, 2016, 09:19:19 pm »

TS, it is not easy talaga, financially. My dad went through the same thing. Support parents, Tapos marami pa syang younger siblings din to support. Kaya late na sya nag asawa. Then aside from fending for us, at parents nya, he made sure they will also save for retirement para di Kami maabala once they age. Ewan ko paano nya nagawa, lots of prayers siguro. But definitely, I saw paano naging way of life nya, lagi tipid dito at doon, trabaho dito at doon. Kaya lumaki din Kami wala masyadong luho, walang parties, etc.

One thing din I'd like to share with you is Kung single ka pa, hanap ka ng company na may medical insurance for parents. Ang laking tulong din. Tapos try calculating if worth bilhan ng insurance nalang Mom mo kesa waiting ka Ano Ano pa mga expenses darating your way.

airish_2

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #5 on: July 15, 2016, 09:53:20 pm »
Blessings naman maging breadwinner pero depende sa sitwasyon, tulad na lang kung gusto mo na gumawa ng pamilya syempre pasok yung usaping financial doon eh kung ikaw pa nagbabayad sa billing ng family mo pati food lahat lahat syempre mahirap. Siguro iba lang POV ko kasi hindi kami pinalaki ng parents namin na dedepende sila sa amin, kaya ang siste ako kusa nagbibigay kahit hindi sila humihingi nagdaan din kasi ang nanay ko sa ganyan yung tipong kokonsensyahin daw sya na hindi makakatapos kapatid nya pag hindi sya nagbigay eh, that time daw may pamilya na sya ayaw daw nya maranasan namin yung bigat na ganun at maputol na daw yung cycle na panganay ka tumulong ka muna sa pamilya bago mag asawa.

chichi143

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #6 on: July 15, 2016, 10:28:06 pm »
minsan talaga maiisip mo yan. hanggang kelan ka ba magsusupport at kelan ka magfofocus sa sarili mo.
Ang hirap noh? I've been going thru the same thing since i turned 18. :) I stopped, worked and never looked
back. Minsan naiisip ko... alis na lang ako.. or mag-abroad but ako kasi nakasanayan ko ng magprovide hehe.

For me, lahat naman naayos when good and honest communication is there. Maybe they could help? Maybe you guys could
think of a way to gain money?
Hopefully, you guys can come up with something.

Like ako last year.. isa yan sa mga kina-depress ko. hehe
I realized for the last 8 years, wala akong nainvest masiyado kasi almost all of it are going to my family.
Pero it makes me proud and happy too, like today, my sister just passed her RadTech board exam and all those years that
I supported her is worth it. :)

Girltalker2

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #7 on: July 16, 2016, 09:40:18 am »
of course dapat may limit, sa case ni TS, may saket ang father nya..
sis, wag mo give up pag tulong mo sa father mo.. kasi malamang kung bata ka pa at ikaw naman magkasaket, im sure, triple effort pa gagawin ng parents mo sa yo..
dont hesitate to ask for help too.. sa mga relatives...


Sa ngayon, TS, no choice ka but to ask help if nahihirapan ka na. But as a breadwinner, try to think long term.

A friend of mine ganyan din but instead of buying insurance for her parents, nagsave nalang sya ng constant fund monthly hulugan nya, hanggang sa lumago, para in cases Na emergency for her parents, dun sya dudukot. Yes, it Won't be enough, lalo pa mahal ang hospitalisation etc. But at least meron.

Isipin mo din ang retirement mo, how you're going to handle it. If you think you're not earning enough, look for ways to augment your income. It's tough, but that's how it is talaga, you just have to accept and face the challenge, kesa allow these circumstances to get the best of you.

blushberry

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #8 on: July 17, 2016, 02:38:42 am »
TS, I understand na you might feel somehow burdened sa situation mo and I'm sure its hard kasi mahal ang treatment ng cancer.  Siguro try nalang to find for ways to have additional income, I'm sure ayaw naman ng parents mo maging burden sayo pero wala lang din siguro talaga silang savings.

I'm lucky I don't have to support anyone but my kids.  Bumabawi lang ako sa mom ko with gifts and travels.  I hope everything turn out fine for you.



shinies

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #9 on: July 19, 2016, 04:27:40 pm »
Sa totoo lang yung literal neto eh burden siya > financial burden
Pero dahil focused tayo sa positive, tawagin na lang natin na blessing.

Sa mga panahong naghihirap ka, burden.
Pag nakikita mo naman yung bunga, blessing.

Maswerte ako kasi yung mga magulang ko, nagttrabaho pa din sila at nagiipon pa din ng retirement fund nila. Di kasi sila yung tipikal na Pilipino magisip.

Di nga lang pareho sa asawa ko.. Pagkagraduate nila eh bigla tigil sa pagsisikap mga magulang niya. Nagaantay na lang ng bigay ng mga anak nila tapos malulungkot na wala daw sila pera :-[ Mahilig humingi ng kung ano ano (cellphone, internet) imbis na itago pera para sa panggamot at emergency..

Isa din ito sa rason bakit wala kami anak. Madaming gastos!

So mga breadwinner diyan, kahit ano pa isipin kung blessing o burden man ito, may nawawala pa din sa kinabukasan > di makapagasawa, di makapaganak, kung meron man eh ang hirap hirap magbudget :-\

yn061515

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #10 on: August 31, 2016, 07:23:00 pm »
Being the breadwinner is actually my greatest accomplishment. It gives me a sense of purpose and inspiration to work harder and become wiser. Yes, hindi sya madali kasi dadating yung araw na gusto mo ikaw naman ang una, pero really, being a breadwinner makes me happy. Siguro kasi I love my family so much kaya they are always my priority. Kahit ngayon na I have a family of my own, I still make it a point to fulfill my parents' dreams. Ayoko na may pagsisisihan ako pagdating ng panahon. :)

aquacharly

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #11 on: September 03, 2016, 11:21:15 pm »
Being a breadwinner is a blessing:  you have a job, you are capable, and you provide for others.

In your case, hindi sayang  your being a solo breadwinner coz your parents are old & sickly, not bums or addicted to vices like gambling, etc. 

Look at it positively, that you are matatag enough and loving enough to carry such a big burden. 
Eventually, you will find a way for it all to be less burdensome.  You can seek govt financial assistance (see if your dad qualifies for PhilSweepstakes aid), you can get a higher paying job and/or get a sideline going.

May awa ang Diyos, the wise old ones say.  Pray.  You will survive these trying times & emerge a stronger person.   God bless you more.   

killbill

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #12 on: September 04, 2016, 04:20:27 pm »
I can relate. Sobrang hirap maging breadwinner. Single mom / breadwinner ako 😞

missyuko

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #13 on: December 13, 2016, 04:57:07 pm »
It's a blessing dahil mas natututo kang maging responsible na mai apply mo in the long run sa magiging family mo someday or even sa sarili mo. You'll learn how to be strong and independent. I think naka lined up din ako maging breadwinner in a way if nagpatuloy pa yung hindi pagiging stable ng pension ng mom ko na. my dad died 6 years ako so, sa pension at ilang assets na naibenta kami nabubuhay at nakakapag aral.

cosmochick

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #14 on: February 28, 2017, 02:44:34 pm »
It's both. Blessing kasi hindi ikaw ang dependent.
Burden because you cannot NOT have a job kasi may kargo at pasanin ka.

Uu ,masayang tumulong at magbigay if you are not obligated, but if it's an obligation that you are not supposed to do in the first place, then it becomes sort of a burden.

plumpolka

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #15 on: February 28, 2017, 04:36:03 pm »
as a 3rd person, for me parang more on burden sya. im not kasi so feeling ko, yun yung blessing na hindi mo kailangan supportahan yung parents mo dahil they are responsible enough to take care of themselves. my parents never gave us the burden din to support any of our siblings. thankful ako na alam nila na responsibility nila yun bilang magulang na masigurado na maganda buhay naming mga anak nila and hindi sila nanghihingi sa amin dahil meron din naman sila work. talagang yung sweldo namin, sa amin lang. sa amin din kasi pag may asawa na, ang responsibility na nila (financially) is yung current family nila.


pero yung bf ko ngayon, sya ang breadwinner. kaya lagi nyang sinasabi sakin na once maka-graduate na lahat ng mga kapatid nya (next year), dun na kami pwede magplano magpakasal. kaso medyo nagwworry din ako kasi baka breadwinner parin sya kahit na mag-asawa na kami. hindi naman ako madamot pero hindi kasi ako lumaki sa pamilya na naka-asa sa hingi. o imbis na magtipid, dahil alam na may mahihingian, same lifestyle kahit wala naman pagkukuhanan. bat ba kasi naging ganyan kultura ng mga pinoy! ginawang investment ang mga anak.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #16 on: February 28, 2017, 11:51:22 pm »
BURDEN, of course!

lonely_dad

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #17 on: March 01, 2017, 07:26:18 am »
burden. naalala ko pa yung ex ko breadwinner pati nanay niya ginatagasan siya wtf
dumating pa sa point na pati ako inutangan  :o

shinies

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #18 on: March 01, 2017, 09:08:49 pm »
Tip ko sayo sis, pagusapan niyo ng mabuti ng BF mo bago kayo ikasal. Nasa listahan yan ng mga bagay na dapat niyo daanan -- pera.
Kailangan may commitment ang BF mo sayo at sa mga magiging anak niyo pag kasal na kayo. Kayo no.1
Kundi... Naku magaya ka lang sa nanay ko muntik na talaga hiwalayan tatay ko kakabigay dun sa mga leeches!

Pag dating sa pera, yung sobra niyo lang ang pwede niyo ipangtulong at gawin niyo fixed amount (kasi nga kailangan mauna pangangailangan niyo). Hindi yung pamilya niya mauuna at sa inyo ang sobra..

O kaya, meron kayong leeches fund. Yung pag may "emergency" na hihingi sila sa inyo ::)

Dalawa kasi yan eh, kailangan matutunan ni breadwinner na siya naman unahin niya. Tapos kailangan matutunan nila leeches na hindi pwedeng puro hingi lang sila kung kaya naman nila magtrabaho.

pero yung bf ko ngayon, sya ang breadwinner. kaya lagi nyang sinasabi sakin na once maka-graduate na lahat ng mga kapatid nya (next year), dun na kami pwede magplano magpakasal. kaso medyo nagwworry din ako kasi baka breadwinner parin sya kahit na mag-asawa na kami. hindi naman ako madamot pero hindi kasi ako lumaki sa pamilya na naka-asa sa hingi. o imbis na magtipid, dahil alam na may mahihingian, same lifestyle kahit wala naman pagkukuhanan. bat ba kasi naging ganyan kultura ng mga pinoy! ginawang investment ang mga anak.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Being the breadwinner, is it a blessing or a burden?
« Reply #19 on: March 01, 2017, 10:02:22 pm »
Burden siguro sa TS kasi mag isa lang siyang anak. Iba din kasi ang may kapatid. may katuwang kang mag isip at tumulong sayo sa pag aalaga sa magulang. maganda rin mabasa din eto ng mga ibang parents who only want a single child, this kind of scenarios exists.   

 

Latest Stories

Load More Stories
Close