watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 43)  (Read 112653 times)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #340 on: August 19, 2016, 02:38:09 pm »
Maybe ang abs ang ayaw siya irenew? Hehe.. Parang may nabalitaan ako na gusto ng abs ata 1 year contract lang si kris but she wants 5. Siguro they have had enough sa kaartehan niya..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #341 on: August 19, 2016, 02:41:28 pm »
^RE: Kris
 Si Toni G kaalitan ni Kris? Bakit sis? Anong issue between them?

jhandee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #342 on: August 19, 2016, 03:01:35 pm »
Yup TAPE na si Kris gusto nya talaga bumalik sa Abs and ang demand nya morning talk show agad eh kaso maganda rating nung kay Carla so sabi daw ng ABS mag hintay lang eh kaso di na makapag hintay and 1 yr lang ang bigay muna na contract sa kanya dahil nga pag na iinlab ang lola nawawala sa focus ang daming ka artehan. So ni let go na sya. Tutal si Judy Ann, Sharon and Aga nasa ABS pa rin.

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #343 on: August 19, 2016, 07:22:54 pm »
True, maraming big stars ang abs ngayon, hindi man sila kasing sikat noon, subok yung talent nila, alam ng abs na they will deliver, hype lang ang kailangan nila which is forte naman ng abs. Plus aminin natin, hindi bet ng mga tao ang anything Aquino nowadays kaya din siguro hindi na siya pinigilan lumipat.

Speaking of aga, sana magpapayat siya, ang layo niya kay albert na pwedeng-pwede pa din ipartner sa mga mas batang artista.

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #344 on: August 19, 2016, 08:28:14 pm »
Laking blow siguro sa ego ni Kris kung hindi na nga mapagbigyan ng ABS ang demands nya.  Imagine dati sya ang reyna-reynahan sa network, tapos ngayon parang mas pinili pa daw ang show ni Karla Estrada muna?  Kalurks.  Kaso ano namang gagawin nya sa GMA, talk show na naman?  Parang nakakasawa na.  Sabagay yun lang naman ang talent nya talga kasi di naman sya marunong umarte.  Kaso baka di umubra ang antics nya sa kabila.  And hindi ba andun na din si Aiai?  Bati na ba sila ulit?

Sana mag-retire na lang sya tutal sobrang yaman naman na nya.  Daming negosyo, ibang investments, family wealth.  Mag charity work na lang sya.  Visible pa din pero nagagamit ang pangalan at influence for the greater good.

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #345 on: August 19, 2016, 08:44:18 pm »
Hindi ko alam sis ano punot dulo ng issue nila ni toni. Basta na B.I na rin yun before ni FP. Bigla na lang daw inunfollow ni kris yung magkapatid na toni and alex. May tampo ata si kris kay toni.

Just like kay sharon before, ni let go nila kasi hindi na naman ka bankable si sharon before, pero si piolo pascual lilipat din ata dapat sa tv5 pero pinaglaban ng abs.

Siguro sa ilang months na nawala si kris. Na proved ng abs na kaya naman nila even wala si kris sa kanila. Masyado rin ata kasing demanding. Juat like yung movie nila dapat ni bistek.sa mmff bigla na lang nag back out si kris kung kelan plantsado na ang lahat.

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #346 on: August 19, 2016, 08:54:42 pm »
Siguro sa ilang months na nawala si kris. Na proved ng abs na kaya naman nila even wala si kris sa kanila. Masyado rin ata kasing demanding. Juat like yung movie nila dapat ni bistek.sa mmff bigla na lang nag back out si kris kung kelan plantsado na ang lahat.

Good point, sis.  Baka nga nakita ng ABS na kaya nila revenue-wise na di na kelangan mag-cater sa whims ni Kristeta haha.  Good for them.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #347 on: August 19, 2016, 09:39:08 pm »
Re: Karen hindi porke mayaman wala ng chance na masangkot sa illegal na gawain. Karamihan pa nga mayayamam sangkot dyan. Dahil sila may commections sa mayayaman customer. At isa pa easy money ang illegal kung wala ka pride and honor madali ka mahihikayat sa ganyan. Ang pamilya ni Karen kung makapost about ka Karen na mabait etc. Sana naisip din nila mga kabataang biktima ng anak nila. Hindi lahat ng mabait hindi kaya gumawa ng masama at hindi naman lahat ng masama ay hindi kaya gumawa ng kabutihan.

etxetera

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #348 on: August 20, 2016, 08:14:52 am »
Si Shawie at Aga balik ABS pero di Kris lipat talaga ng Tape with Maine and Marian. Kapag sa GMA si Alden lang at least pag Tape both Marian and Aldub. What Krissy wants Krissy gets - being BFF with the latest sikat saga continues by all means. Ang tanong sino maging mga guests siya sa talkshow puro da who artista ng GMA at comedy bar talents.

ANo kaya pakiramdam ni AiAi o magkabati na sila at pati si Bossing. 

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #349 on: August 20, 2016, 03:03:16 pm »
Magkaaway pala si Toni G. at Kris A.? Kelan nag start kaya?

Kasi nung kasal ni Toni G. at Paul Soriano eh ninang pa si Kris, tapos ang regalo sa kanila ni Kris eh trip to Amanpulo.



shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #350 on: August 20, 2016, 03:30:22 pm »
let me shock you with a silence daw sabi ni Kris. ayan nagbibigay na ng hint. pasabog pagbalik nya! hehe

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #351 on: August 20, 2016, 08:42:28 pm »
^shocking yung away ni Toni at Kris. Ano kaya ang reason? Hindi kaya dahil supportado ng mga Soriano ang mga Marcos? Kasi di ba isa sa mga Ninong nung kasal nila si BB Marcos. Wala lang hula lang. Lol😄

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #352 on: August 20, 2016, 09:46:21 pm »
^feeling ko din yan ang reason.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #353 on: August 20, 2016, 09:47:46 pm »
Ang sama ng dating sa akin yung sinabi ni Raquel Fortun against Sara Duterte's pregnancy.

Huwag muna daw mag saya si Sara Duterte kasi 7 weeks lang daw yung triplets at triplets pa daw. Antayin daw ni Sara Duterte na manganak siya bago maging masaya at PR lang daw kasi kay P.Duterte.

Napaka insensitive nung Fortun!!!

Nakaka high blood. Pati yung inosenteng triplets eh dinadamay sa away pulitika.

To think na according to Fortun eh twice daw siya nakunan.

Geeesh..

Sorry mga sis, twice kasi ako nakunan at difficult pregnancy ako sa 2 kids ko kaya affected ako.

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #354 on: August 20, 2016, 09:55:27 pm »
^nainis din ako nung nabasa ko yan! grabe naman may masabi lang at ma bash lang si Duterte eh. ang insensitive!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #355 on: August 21, 2016, 01:16:11 am »
Sana pinayuhan niya na lang si Sarah na mag-ingat kasi delikado ang magbuntis lalo pa triplets. Ang nega and insensitive ng comment niya to think na nakunan na din pala siya 2x before.

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #356 on: August 21, 2016, 08:27:43 am »
Ang rude at insensitive talaga nung sinabi ni raquel fortun, kahit sabihin pang may point siya, ang dating kasi may ill wish siya dun sa pinagbubuntis na mawawala kaya wag magsaya. Its not like it was announce just for the sake of announcing it na parang sa showbiz para sabihin niyang for pr lang, mayor si sara so kailangan ng constituents niya ng explanation kung bakit wala siya sa important event nila. Obvious lang na ayaw ni fortun kay duterte kaya lahat nalang nega para sa kanya.

FOURever

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #357 on: August 21, 2016, 09:39:19 am »
^i like how inday answered. Palaban. Ayan kambyo si fortun. Sobrang foul nun talaga.


yannuh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #358 on: August 21, 2016, 10:22:47 am »
RIP Lilia Cuntapay!

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #359 on: August 21, 2016, 11:19:40 am »
Ang mag buntis ka lalo na kung super hinahangad mong magkaanak eh super blessing yan kahit ilang weeks pa lang yan eh super happiness yan para sa mother. Dahil kahit ilang weeks pa lang yan, eh may buhay na ang lumalaki sa sinapupunan mo.

Tapos mag ne nega lang yan si Raquel Fortun, na hello? Hindi ba pwedeng mag wish ka ng maganda na sana mabuhay ang babies?

Buti na lang at doctor siya ng mga patay. Hindi siya bagay maging doctor ng mga buhay, she is a heartless insensitive person!



RIP Lilia Cuntapay. She was 81. Wow.


RE: Kris Aquino. Naku kris, hindi ka na relevant. Nag sawa na mga tao including me saga antics mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close