watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 43)  (Read 112414 times)

zee87

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #140 on: July 27, 2016, 08:28:44 am »
And sad lang ng Melason. Everyone thinks na kung may magloloko man sa kanilang dalawa e si Jason yun. Yun pala siya pa tong seloso. At yeah, ang mga seloso sobrang sarado mga utak. Yan ang bread and butter nilang mag asawa... Bakit kailangan niya gawing big deal. Di naman naghuhubad si Melai at wala naman sigurong bed scenes. Kaloka.

Naalala ko tuloy nung may sinapak si Jason sa Banana Sundae kaya siya nawala dun. Sino nga ba yun? Inaasar daw yata kasi si Melai.

Mukhang may problema talaga tong si Jason. Pero infairness, pag nakita mo talaga silang dalawa sa personal, iisipin mo talaga kung magtatagal ba silang dalawa... lol

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #141 on: July 27, 2016, 08:32:57 am »
^John Prats

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #142 on: July 27, 2016, 08:36:18 am »
Nabasa ko sa FP yung mga replies ni Luis sa bashers nya, grabe, yun lang masasabi ko.

Kung ako siguro si Vilma, mapapagalitan ko si Luis. Sa tanda nyang yan at sa tagal na nya sa showbiz, wala pa din syang self control sa bashers.

Nakakaloka yung choice of words nya, hindi mo eexpect para sa isang tao na Edukado at galing sa magandang school.  Para sa akin his replies and reaction define what kind of person he is.

ang DAMI nyang oras pumatol! hahaha!


« Last Edit: July 27, 2016, 08:38:59 am by izabelle »

stylus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #143 on: July 27, 2016, 09:09:53 am »
ang haba naman ng statement ni kuya, nakakatawa haha! napakakitid ng utak for me. tama lang na hiwalayan ni melai yan! hai!

Infairness binasa ko kahit napakahaba!! Hahaha!! Di ko sya gets. Ano kaya gusto nyang show ni melai? Sineskwela saka hiraya manawari ganun?

Mas maniniwala pako sa BI before na nagstart yung problem ng melason kasi nakita ni melai sa fone na jason na may palaging katext at katawagan si kuya na tempo prod staff eh.

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #144 on: July 27, 2016, 09:32:05 am »
Never like jason kahit nung pbb days pa :P di ba nga he cheated before kaya sila naghiwalay? Takot ang magnanakaw manakawan, ayan takot sa sariling multo gawain niya kasi. Melai is better off without him kung hindi niya babaguhin yang kakitiran ng utak niya.
Sabi nga sa comment sa fp, typical filipino male ego, di matanggap na mas maganda karera ng asawa kesa sa kanya kaya ayan, pilit hinihila pababa si melai, gusto yata forever sidekick sila pareho ::)

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #145 on: July 27, 2016, 09:52:44 am »
Confirmed bang hiwalay? O nagpost lang ng side nya si Jason? Parang LQ lang naman.
Di ko mahanap yung part na confirmed separated. Pero sana hindi. Sana may magpaliwanag sa kanya para mas maintindihan nya, the first time na ginusto nyang mag PBB dapat alam nya ang mga ganung situation. Kaso mukhang nilamon na sya ng emotion nya. Kaya mahihirapan syang intindihin ang sitwasyon ng kanyang asawa. Poor Jason. Sana maguide the way sya mag isip.

Re: Patrick G's Post. He edited it na,and removed "er".

stylus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #146 on: July 27, 2016, 10:37:56 am »
^may part ng post na sinabi ni jason na "hanggang sa dumating na sa hiwalayan" not sure yung exact words basta ganyan. Sa 3rd or 4th post yata yun. Omg. Binasa ko talaga mahabang nobela! Hahaha

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #147 on: July 27, 2016, 10:48:21 am »
^Nabasa ko sa IG "nawala na ang babaeng pinakamamahal ko. Nagkahiwalay na po kame. Wala na po ang Melason." Confirmed na ang hiwalayan.

Hirap talaga pagganito kakitid isip ng lalake. Ego ba ito or sadyang seloso lang? Imbes na suportahan at matuwa siya sa kapalaran ng asawa niya, hinihila pa niya pababa. Sayang ang opportunity masama ba na i-grab ni Melai yun?

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #148 on: July 27, 2016, 11:20:59 am »
Grabe for me, napaka shallow ng reason niya.. Hindi sana hahantong sa hiwalayan ang marriage nila kung naging mas understanding lang siya. Kung tutuusin wala namang problema kung hindi niya lang ginawang BIG DEAL yung situation. kawawa naman si mela kung maghihiwalay sila.

Maiitindihan ko lang siya kung yung role ni Melai is super daring, or kung may bed scene or kissing scene..Pero wala naman eh. Tska wala naman siya dapat ipagselos kasi matino naman si Melai and in a relationship din si carlo. He's just full of insecurities sa katawan. Siya din ang sumira sa pamilya niya.

For Melai naman, kaya naman siguro siya pumayag na baguhin ang script kasi nakita niya naman na wala namang masama. and very light lang naman yung story. Ayaw rin niya palagpasin yung pagkakataon. tska kung mag inarte siya dun baka hindi na siya kunin next time.

Si jason talaga ang may problema dito, period. I think he should undergo counseling, makakatulong sa kanya yun.

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #149 on: July 27, 2016, 11:25:49 am »
Sa totoo lang babaw ng reason nya. dahil lang sa pride nya eh hinayaan nya maghiwalay silang mag asawa. Di inisip anak. Dapat kumuha sya ng advice kay Zoren. Give and Take dapat.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #150 on: July 27, 2016, 12:51:47 pm »
Totoo kayo diyan mga sis, siguro papanig ako diyan kay Jason kung hindi nanloko yan dati, eh hindi nambabae na yan, meaning siya mismo walang respeto sa marriage nila.

Tapos, kung ayaw pala niya si Melai na umarte na may partner, eh di kumayod siya para yung asawa niya eh hindi na kailanganin na tumanggap ng roles at mag artista.


Kumbaga si Jason, yan yung mga tipo ng lalake na sila lang dapat ang may karapatan mambabae, at magkaroon ng career.


escobarina420

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #151 on: July 27, 2016, 03:22:47 pm »
Grabe naman si Jason sobrang insecure, pero i think the everyday away itself ang nagpahiwalay sa dalawa. Mahirap talaga na everyday may away sa family pero sana magkabalikan pa sila. Kawawa naman mga anak nila, angbabata pa. And yes Jason needs psychological counselling , ibang klase ang insecurities nya sa katawan nya. Hindi talaga sya makakahanap ng matinong relasyon if lagi syang ganyan especially he is a celebrity pa. Pero gustong gusto ko sya during Forevermore days, naging OA lang sya sa issues nila . Binasa ko rin buong message nya, ang haba parang ilang beses nyang inedit.

andreil_19

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #152 on: July 27, 2016, 03:56:33 pm »
Kung pinatawag sila ng management I'm sure pinayuhan din sya, parang he puts blame pa sa ABS. Sadyang sarado na ata ang pag-iisip at nadala ng matinding emosyon.

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #153 on: July 27, 2016, 04:20:18 pm »
I really don't hate him and will not post so much anger towards him. Mahirap din yung pinagdadaanan nya. Though mali talaga yung reasoning nya sana he sought an advises na lang fron friends and family.
Para nasaved pa yung pagsubok sa relationship nila. Waaah. Naaawa ako sa bata. And to think mahal naman nila isa't isa so sana lang talaga maayos nila yun. At walang masirang pamilya.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #154 on: July 27, 2016, 06:23:48 pm »
Sus maniwala ako dyan kay Jason! Mas kapani-paniwala yung chismis na nahuli ni Melai na may katext na ibang babae. Haha.

Myealexis21

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #155 on: July 27, 2016, 08:05:29 pm »
I don't know... but I have this feeling na pinapalaki nya lang ang issue para maging rason na maghiwalay sila. Para ma-justify sa mga tao ang pag-iwan nya sa pamilya niya / paghihiwalay nilang mag-asawa.


stylus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #156 on: July 27, 2016, 08:28:27 pm »
^for me, parang ganun na nga sis. Para magpost ka ng ganung pagkahaba haba? Todo explain? Eh pagkatapos basahin wala akong nakikitang dahilan para ikagalit nya bilang asawa. Saka kung ako si melai, kakausapin ko yan na "nakakahiya sa management yang pinuputok ng buchi mo.." para namang may scene si melai at carlo na mahalay para gawing issue ng hiwalayan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #157 on: July 27, 2016, 08:54:32 pm »
Sa ginawa niya na pagpo-post ng issue nila mag-asawa lalo niyang pinalaki ang away. Sana lawakan niya pang-unawa niya and magkaayos pa sila.

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #158 on: July 27, 2016, 09:55:35 pm »
First page lang binasa ko sa post ni Jason di ko kinaya lahat haha.  Well, kung maghiwalay man sila, at least financially stable si Melai.  Yang mga ganyang lalaki pabigat sa marriage.  Imbes na maging supportive kung ano-anong paandar ginagawa.  Dapat nga magpasalamat sya na bongga ang career ni Melai ngayon kasi para naman sa pamilya nila yun.

liveandlove

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 43)
« Reply #159 on: July 27, 2016, 10:57:26 pm »
I don't know... but I have this feeling na pinapalaki nya lang ang issue para maging rason na maghiwalay sila. Para ma-justify sa mga tao ang pag-iwan nya sa pamilya niya / paghihiwalay nilang mag-asawa.

Same tayo nang feeling sis sa tingin ko nagmamalinis lang itong si jason kaya nag post nang ganun gusto nya malagay kay melai ang sisi kung bakit nag fail ang relationship nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close