watch now

Author Topic: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf  (Read 8571 times)

young_maiden

  • Guest
NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« on: July 10, 2016, 03:36:31 pm »
May kakilala ba kayong NBSB girl na as in never nagka-interest magkalovelife? Never curious kung ano feeling pag may nanliligaw sa kanya o makipagdate? Hindi kasali dito mga lesbians at madre ha. Given na yun. Mga lesbians malamang kapwa babae ang gusto at mga madre dedicated kay God.

I have this girl friend lang kasi. She will turn 26 this year. NBSB siya. Never siya naligawan. Wala pa akong nabalitaan na may nagyaya sa kanya makipagdate. Kahit kalandian lang wala. Kahit guys na sex lang ang habol di naman sa kanya lumalapit. I know a schoolmate of ours na nagkacrush sa kanya pero di naman siya niligawan.

Skeptical ako every time she says na never daw siya nag long magka-bf. Ayaw pa daw niya ng romantic commitment. Ako naman ang tingin ko defense mechanism niya lang yun. Sa 26 years na nabubuhay siya sa mundong ito, I doubt naman na never niya naisip makipagrelasyon sa lalaki. I am 100% sure na straight din siya.

When you encounter a girl na kagaya ng friend ko, naniniwala kayo agad? Ako kasi NO. LOL. Naalala ko nung NBSB ako, inggit na inggit ako sa mga friends ko na ligawin. Lagi ko naiisip ano feeling na may bf na. Nagka-bf ako finally at the age of 17.

Hindi naman sa minamaliit ko mga NBSB girls ha. Buhay nila yan. Wala ako right to interfere. Hindi lang talaga ako makapaniwala every time sasabihin nila sa akin na ayaw pa nila ng commitment o di sila interested at all magkalovelife. Siguro maniniwala ako kung ligawin siya. In that way, choice niya lang talaga maging NBSB pero kung gugustuhin niya magkalovelife, pwedeng-pwede. Mas applicable yata ang tanong ko sa mga NBSB girls na kaya walang bf dahil wala sila manliligaw.

shinies

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #1 on: July 11, 2016, 01:39:42 pm »
May mga taong sadyang hindi gaya ng karamihan at hindi "normal" sa tingin ng iba. Kung talagang kaibigan mo siya, dapat alam mo kung totoo yung sinasabi niya o hindi.

Kung totoo na ayaw niya, maging masaya ka na lang para sa kanya kasi di siya gaya ng iba na talagang naghahanap ng lovelife para maramdaman na kumpleto sila.
Mas mabuti naman maging NBSB kesa kumuha ng batong ipupukpok sa ulo di ba?

Kung hindi man totoo, eh di wag ka na dumagdag sa mga lagi nangungulit sa lovelife niya. Adding insult to injury na yun lalo magkaibigan pa kayo.

When you encounter a girl na kagaya ng friend ko, naniniwala kayo agad?

Oo. Sa dinami dami ng tao sa mundo, sigurado naman merong mga hindi nagpapadala sa expectations ng mundo.

Hindi naman sa minamaliit ko mga NBSB girls ha. Buhay nila yan. Wala ako right to interfere. Hindi lang talaga ako makapaniwala every time sasabihin nila sa akin na ayaw pa nila ng commitment o di sila interested at all magkalovelife.

Oo imbis na iniisip yung mga ganito, dapat maging masaya na lang tayo kung ano ang ikakasaya nila sa buhay nila. Kanya kanyang trip.

Tingin ko, mas reflection ng sarili mo yung tingin mo sa friend mo. Kasi ikaw mismo, naiingit ka nung NBSB ka kaya ineexpect mo na yung mga NBSB ngayon eh inggit din.

Supportahan mo na lang siya tutal magkaibigan kayo :)

NeilRudecat

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #2 on: July 11, 2016, 01:56:41 pm »
Ako, marami akong kakilala.  Ang nakikita kong reason...dahil satisfied sila sa love sa family nila particularly the love of male members of the family...like father or brother.

Yung isang kilala ko, she's now around 45 years, old.  Maputi at maganda.  Maraming nanligaw in the past pero never nagka-BF.

Well, for me I think there's nothing wrong with that...there are just some situations na hindi kailangan ng BF...hindi kailangan ng mga lalaking nagpapagulo lang sa buhay dahil sa kanilang mga personal issues and immaturity.


IamMarieLove

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #3 on: July 11, 2016, 02:19:36 pm »
When you encounter a girl na kagaya ng friend ko, naniniwala kayo agad?

NO Din. Most of my friends are NBSB but I've never heard from them na never nila ginusto magka BF. There are many reason bakit wala pa silang BF 1. Very busy sa work and walang time sa love life 2. [textspeak!] masyadong interaction sa mundo ng mga adan 3. Hindi pa ready sa relationshiop 4. walang nanliligaw 5. hindi pa nakakamove on sa past love and so on but wala sa kanila yong ayaw talaga. There will always be curiosity sa kung ano yong feeling magkaroon ng BF, magcelebrate ng valentines day, hugs and kisses and much more. I agree baka defence mechanism lang nya or maybe she is already in love with someone or a case of unrequited love.

There's nothing wrong naman with being single for as long as you are completely happy with your choice.

argento

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #4 on: July 12, 2016, 02:59:08 pm »
Never siya naligawan. Wala pa akong nabalitaan na may nagyaya sa kanya makipagdate. Kahit kalandian lang wala.


ito lang yun. how your friend looks like?

young_maiden

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #5 on: July 12, 2016, 03:13:33 pm »
^ Hindi kagandahan pero di rin naman saksakan ng pangit. Walang charm o sex appeal. Pag makita mo siya, di ka mapapasecond look. Sabi nga niya madalas daw siya mapagkamalang nasa 30s ang age. Hehe. Sanay na daw siya. Aminado din naman siya na tamad siya mag-ayos. I guess isang factor yun kaya walang lumalapit sa kanya.

pandalicious

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #6 on: July 12, 2016, 04:10:56 pm »
I guess you just have to accept na hindi kayo pareho ng pananaw ng friend mo. Kung sinabi niya na hindi siya interisado magka-boyfriend, who are you to say na defense mechanism niya lang yun? Kung masaya siya at contented na single siya, why would you question that?
Sabi nga you will never long for something that you never experience, so hindi naman kataka-taka na your friend will not be curious kung pano feeling ng may boyfriend. If she is contented with her life naman bakit mo hahanapan ng kulang di ba?

Sorry ha pero close to home kasi sakin yung ganyang issue. Im already 32 at nbsb, and it really irritates me to the highest level talaga when people tells me na i should have a boyfriend/get married na to be happy. Iba-iba tayong perception of happiness, so we shouldn't impose na kung ano nagpasaya satin yun din magpapasaya sa ibang tao. At no, hindi ako panget, at marami din akong kakilala na maganda,may magandang trabaho,mabait pero nbsb pa din at hindi naghahanap ng boyfriend.

I agree with the posts above,maraming rason para hindi magka-interes sa lovelife ang isang tao, you just have to accept it whether you agree or not.

young_maiden

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #7 on: July 12, 2016, 04:27:04 pm »
^ I respect what you said, sis. May point ka naman. But I have to disagree sa sinabi mo na you will never long for something you never experience, assuming nga na may ganyang kasabihan. Ang weird naman kung di ka ma-curious sa mga situations na di mo pa nararanasan. Halimbawa pinanganak kang mahirap. I doubt naman never ka ma-curious at magdesire yumaman. Isa pang halimbawa kung student ka. I highly doubt na di ka ma-curious kung ano feeling pag may work ka na. Just my two cents. Peace tayo ha!


twinxz

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #8 on: July 12, 2016, 06:29:32 pm »
Sa HS barkada ko, 2 don NBSB and I believe them. Nasa 30-ish na kaming magkakaibigan. Yung 1 don gusto na din magka-bf pero walang nanliligaw. Yung isa naman totally committed kay God, though merong nali-link daw sa kanya ngayon sa office.

Very happy ako sila naging barkada ko nung HS, kasi karamihan nung mga kilala ko na may BF na nung gantong age eh parang hayok na hayok lang sa lovelife. IMO, dami pang opportunities after HS. Hihi!

pandalicious

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #9 on: July 12, 2016, 08:42:53 pm »
^^ ay oo naman sis peace tayo :D just giving pov lang of someone in the same situation as your friend. With regards to what i said about not longing for something you never had, i was talking about having a boyfriend.

And1moon

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #10 on: July 12, 2016, 09:50:32 pm »
But I have to disagree sa sinabi mo na you will never long for something you never experience, assuming nga na may ganyang kasabihan. Ang weird naman kung di ka ma-curious sa mga situations na di mo pa nararanasan.

Going by this reasoning, we can also say na how can you be sure you're straight if you've never had same-sex relations before? ;D or how can you be sure na sa religion x ka lang if you've never experienced religions a b c d...z before? Because you just know sa sarili mo na ganun ka :)

May friend ako, she's almost 30, NBSB din, maganda and accomplished. Never sya nagkaron ng kalandian or anything with any hint of intimacy. Nacurious ako noon ba't hindi sya interested sa guys (or girls). She confided na she was sexually abused as a child and may deep-seated trauma sya on any form of sexual contact, and never nyang nafeel na maghanap ng any form of romantic relationship :'(

The point here is, iba iba ang reason ng isang tao why they don't seek relationships (be it romantic, sexual or what have you) - trauma, hormones (mga taong tuod or asexual spore), or it's not just the right time to commit (may pinapaaral, gusto maging stable, may pangarap pa sya sa pamilya na kelangang gawin, etc.). In general, we just have to suspend our own prejudice regarding the choice of any of our friends not engaging in relationships, kase we don't know the real reason behind it. But even if we do, as a friend we should't pass judgment sa kanilang choice, and just support them kung anong gusto nila in life.

I think this applies here: Kung gusto (ng lovelife), may paraan. Kung ayaw (ng lovelife), madaming dahilan. ;)

cbj021

  • Guest
Re: NBSB girls na NEVER nagka-interest magka-bf
« Reply #11 on: July 28, 2016, 04:52:54 pm »
Well said And1moon and pandalicious! I have a similar take on this issue... At the end of the day, you don't need a significant other to be happy in life.

Admittedly ako din I sometimes end up nagging my nbsb friend about the non-existent state of her love life. Mahirap nga naman because it is the construct that society has imposed on us, lalo na that it's so prolific in the media (kelan ba naman magkakaroon ng Star Cinema movie or telenovela where hindi nagfocus sa "love" ang kwento ng isang single girl di ba?) Nagsimula tayo kasi sa patriarchal society kaya mahirap talaga ihiwalay yung notion that women only feel "whole" or "complete" once we have a guy by our side and a family to raise.

But me nagging my friend to start dating and find a boyfriend just because I have one and I'm happy is like me nagging her to buy the same Melissa campana flats i bought, or to eat the same spicy tuna maki in Kimono Ken that i had for lunch, or watch the 9pm Star Trek sa Uptown cinema... you get my drift na hehe.

Basta point is, we need to expand our point of view. Just because the way other people choose to live and enjoy their lives does not fit our own construct it immediately means that there is something wrong with them.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close