watch now

Author Topic: Bee Choo Herbal Hair Spa  (Read 11537 times)

Filipinasadhart

  • Guest
Bee Choo Herbal Hair Spa
« on: July 01, 2016, 03:17:42 pm »
Hi guys, sino na nakapagtry ng Bee Choo Herbal Hair Spa bukod sa akin...

based in my experience maayos naman sya... smooth sa hair... medyo nabawasan ang hair fall ko.
pero amoy tea ang hair hehe 1st session pa lang naman ako. ayoko na kase magparebond o magpabrazilian parang wala naman nangyayari eh mas lalong bumibigat yun hair ko.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #1 on: July 01, 2016, 04:16:05 pm »
sis para san to? maaaddress kaya nito yung frizz and dryness? thanks! how much?
« Last Edit: July 01, 2016, 04:21:03 pm by sassy_gal18 »

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #2 on: July 20, 2016, 05:42:54 am »
sis para san to? maaaddress kaya nito yung frizz and dryness? thanks! how much?

Hi sis Sassy :-)   frizz and dryness pwede siguro pero better to drop by to your nearest branches para ma-address ka nila mabuti.  In my case nagfallin hair ako saka medyo mabigat ang hair ko. 1st time ko pa lang natry kaya di ko pa makita masyado un effect pero may napansin ako unlike before ang tagal matiyo ng hair ko ngyon medyo mabilis na. i dnt know if dahil sa conditioner ko ginamit o baka sa bee choo nga.  This month magpapatreatment ulit ako pang second ko. Ayoko na kase magparebond o magpabrazilian parang wala naman nangyayari.  will update you once 5-6 session na ko.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #3 on: July 20, 2016, 10:44:39 am »
Sis san ka nagpapatreatment? And how much? thanks!

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #4 on: July 20, 2016, 10:35:23 pm »
sa may sm north the block ...

nigella

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #5 on: July 21, 2016, 12:03:26 pm »
^sis anong salon yan and how much per session? 

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #6 on: July 22, 2016, 06:54:17 am »
bee choo origin sis . it depends sa haba ng hair.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #7 on: July 24, 2016, 12:26:24 pm »
Second treatment ko yesterday. Gusto ko kase mahaba ang hair at mabilis matiyo. Happy naman ako sa treatment.
Amoy Tea ang hair ko tiis ganda talaga.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #8 on: August 01, 2016, 09:02:19 am »
Tried this treatment yesterday. Sa MOA branch.

Reason : To adress my hairfall (numipis na hair ko cause of this), dandruff , my dry and frizzy hair.

First choice ko sana brazilian blowout or steambond pero mas ok siguro ayusin ko muna scalp ko.

1. Sa branch nila na yun wala yung test test na ginagawa sa scalp unlike sa ibang branch

2. So ayun may briefing naman sila before ilagay sa scalp yung mga bagay bagay.

3.  Ginger (wine?) basta giner something na inispray sa scalp ko then massage massage.

4. The yung paste na may kung ano anong herbal. Infairness amoy henna powder sya. Katexture din ng henna.

5. Steam for 45 mins.

6. Pahinga sandali then banlaw.

After ng treatment ang una kong napansin yung hair ko. Sobrang lambot. Pero hindi ako umasa na pag nabanlawan eh ganun pa rin kalambot syempre na blowdry di ba. Saka alam ko scalp talaga yung target ng treatment na yun.

Pag gising ko kaninang umaga, less hair sa higaan. Nung naligo ako less hair fall din. Hopefully magtuloy tuloy dahil papagawa ko to every month. A bit pricey (kapresyo na sya ng puchu puchung rebond sa mga parlor) pero kung ok naman why not.

Hindi rin ako bumili ng shampoos nila kasi hindi naman sila nag alok haha Pero kidding aside, nagtanong naman ako hindi ko lang talaga masyado gusto.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #9 on: August 01, 2016, 09:13:46 am »
amoy henna ba hehe sa akin feeling ko amoy tea hahaha

sassy_gal18

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #10 on: August 01, 2016, 09:57:16 am »
Yes sis amoy henna haha Gumagamit kasi ako ng henna powder pang darken ng hair pati pang add na rin ng shine (yung may picture ng girl na bumbay) ganitong ganito amoy.

Nakita ko na hair ko ngayon aftef banlawan balik sa dating state hehe hello frizzy dry hair. 😄

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #11 on: August 01, 2016, 10:09:12 am »
nakailan session ka na ba? ako second na. This week or next week pang third ko na. sabi naman nila hindi mo pa makikita effect sa una. 5-6 session pa daw.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #12 on: August 01, 2016, 11:01:50 am »
Oo nga daw sis. Nirecommend saken monthly visit. 1st visit ko pa lang.

Ikaw ba tuwing kelan? Pero ang noticeable na result talaga yung hairfall.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #13 on: August 01, 2016, 11:58:20 am »
pang third ko pa lang if ever mag treatment ako. depende sis pag may pera ako dun ako nagpapatreatment medyo expensive din kase ok na din keysa pakeratin ako ganun din wala naman nagyayari. pang isang araw lang maganda. problema ko kase ang bigat ng hair ko sobra damage na kase.

candacena

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #14 on: August 01, 2016, 11:59:28 am »
wala po bang nabibili nito online

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #15 on: August 01, 2016, 09:37:26 pm »
wala po bang nabibili nito online

treatment po sya na apply sa hair mo. may mga products sila pero mas encourage nila na treatment un hair.

einjhel

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #16 on: August 02, 2016, 11:25:39 am »
how much to mga sis?

sassy_gal18

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #17 on: August 02, 2016, 12:03:38 pm »
Mas naaappreciate ko tong hair treatment na to ngayon 2nd day. Kahapon (1st daw after mabanlawan) super frizzy ng hair ko maybe dahil din kasi sa pagblowdry ni ate sa salon.

Next time hindi ko na papablowdry ng todo tipong medyo basa pa.

Napansin ko lang less frizzy hair ko ngayon may matinong volume, yun hair strands parang nag jjive sila. And super lambot ng hair ko kahit pa sumabak sa polusyon ha.

For the price, depende sila sis sa cup na gagamitin. Lagpas shoulder lang yung hair ko nakagamit sila ng 3 cups, i paid 1490.

1 cup is 990
2 cups 1190
3 cups 1490
4 cuos 1790

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #18 on: August 09, 2016, 11:53:31 am »
pang third treatment ko kahapon more treatment to go...

i buy hair spa tipid mode muna.... advise sa akin halo daw yun sa conditioner na ginagamit mo para tipid.




Filipinasadhart

  • Guest
Re: Bee Choo Herbal Hair Spa
« Reply #19 on: September 01, 2016, 11:16:57 pm »
sad news nag-increase sila ng price.  pang forth treatment ko na. Hope magtuloy tuloy un ganda ng hair ko.

September 1, 2016

1 cup - P1,290
2 cup - P1,490
3 cup - P1,790
4 cup - P2,090
5 cup - P2,390

still 3 cup p din ako dati ang bayad ko 1,490 kaso ngayon 1, 790 na. Nagmamahal na kase nakikilala na sila. dapat noon pa ko nagpagawa ha. Sayang kung alam ko lang noon pa. Pero mas malaki ang ikinaganda ng hair ko keysa noon rubberize at nagpuputol putol. Gusto ko kase achieve un long and shiny hair ngayon. Hay kaya tiis muna. ang gastos magpaganda.   

 

Latest Stories

Load More Stories
Close