Author Topic: Soo Alarming! S.O.S !  (Read 2234 times)

Princess_Chill

  • Super Agent; Part time Broker & a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1205
Soo Alarming! S.O.S !
« on: June 29, 2016, 05:47:28 pm »
Just a brief background

yaya / helper ko na siya for 4 years na. She is the yaya of my panganay now since 1 have a 1 yr old naka focus na siya ke baby. Everything is ok naman.

Umuwi siya noong summer and the usual na pag naka uwi e dinedelay ang pagbalik. But anyways nakabalik na siya here.

Since nasa zamboanga siya nakatira i got her plane ticket so i need to send it via email and meron siyang BF which is madami talaga siyang jowa online. Now the jowa access her email which i made and contacted me..una nag cocommunicate lang kami kasi kung sino ang susundo ke yaya sa airport pagbalik niya.

so to the story short the guy had my number. then noong una mabait naman siya and very polite. napapansin ko he's being too friendly na and maya't maya na kung magtext. He's asking me na kung nag day off ba si yaya; meron naman mga text na pinapaalam niya kung ok lang na mag day off si yaya...super annoying na...

now the problem starts...ayaw na ni yaya sa kanya kaso may utang si yaya sa kanya...he keeps on bugging me even his "mother" daw na need nila makausap ang yaya ko..i told him that its none of my business about the utang and their relationship. pero makulit talaga.

i asked yaya kung alam ba ni jowa kung saan kami nakatira and kung nakapunta na siya sa bahay namin. todo tanggi si yaya. tumawag si jowa saakin and he said that nakapunta na siya saamin and mga 3x na daw iyon. i asked yaya again ni reverse psychology ko siya and eventually umamin narin siya.

una sobrang inis na inis ako sa yaya ko kasi nagpapa punta siya ng tao sa bahay namin without my permission. pero hindi ko pa siya pinapagalitan kasi kinausap ko muna mabuti mabait kasi siya sa mga anak ko ang reliable naman di malikot ang kamay and everything...dito lang siya sumablay.

2nd i am very scared na baka pumunta uli ang lalaki sa bahay namin ng wala kami so natatakot ako para sa mga anak namin. what should i do? hindi ko mapa blotter iyong lalaki kasi sabi niya she doesn't even know what is his real name naging bf niya dahil sa fb nakilala.

i had the name of the guy and picture from fb would that be sufficient para mapa blotter ko siya?

hindi ko mapaalis si yaya kasi kailangan ko talaga and at the same time mabait naman talaga...

im so torned...ano dapat ko gawin?
To God be the Glory

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3231
Re: Soo Alarming! S.O.S !
« Reply #1 on: July 23, 2016, 09:12:41 am »

How are you sis?

Kung ako ikaw, I won't trust your Yaya. Papalitan Ko iyan. As for the BF, you cannot be too friendly with the Yaya friends like that. Minsan nawawala employer-employee relationship because of these.

If I were you, one last text lang, lumayas Yaya mo and she doesn't stay there with you Na. Period. Pag makulit, change phone number.

I can't believe that you opt to keep your Yaya in spite of her lying and deliberately not following house rules. Ngayon napahamak pa kayo tuloy.

reigne17

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Soo Alarming! S.O.S !
« Reply #2 on: July 23, 2016, 05:06:34 pm »
hi sis! super relate ako sa story mo.

I am not sure kung the pictures from the FB e it would suffice para makapag file ka ng blotter against the jowa. Pero if you have the real name try mo lang mag punta sa baranggay.

on my case naman torn din kami if let go namin si yaya because of her marital problems. kasi kung tutuusin naman dapat labas na kami dun kaso si husband ng yaya ko ang mahilig mangdamay ng tao. and worst pa is kasamahaan ko si guy dito sa work. so everyday nakikita kami. ang masama lang kami yung sinisisi ni yaya's husband bakit nagkaroon ng lakas ng loob umalis si yaya kasi nakahanap daw ng kakampi si yaya sa akin. well according to may yaya, dati na raw na silang marital problems lalo na pagdating sa finances. may mga time pa na nagsasanla na lang ng gamit si yaya's husband niya at hilig niyang utusan si yaya ko na bumale ng bumale na napakabihira naman gawin ng yaya ko kasi nahihiya siya.

At the moment 2 months nang hiwalay si yaya ko and her husband. long story pero I must say naiintindihan ko si yaya ko bakit siya umalis kasi mapanghinala si yaya's husband. And hanggang sa napuno na daw si yaya ko kasi lahat ng appliances na nila sa bahay nila pati pangbayad sa bahay nila e wala nang nai-aambag si asawa niya. Ngayon si asawa ng yaya ko mahilig magpunta sa bahay namin kasi magkalapit lang bahay namin sa kanila. Ang talagang tumindi ang galit ko was yung nagpunta si yaya's husband dun para lang sampalin ang yaya ko sa harap ng anak ko.

Dun na kami ng file ng case against him. Humingi naman ng dispensa sai husband ng yaya ko kaso yung aggreement nila sa baranggay na hindi nang gugulo is hindi sinusunod ng husband ng yaya ko to the point na pinagbantaan kami.

So kinausap ko si yaya ko na let go ko na siya para man lang sa ikakatahimik naming lahat pero yung yaya ko nag beg ng NO kasi kahit papano napamahal na daw kami sa kanya lalo na daughter ko. Wala din akong problema sa yaya ko. mabait at mapagkakatiwalaan. SI husband lang talaga.  Feeling ko kasi hanggat nasa samin si yaya ko hindi titigil ang asawa ng yaya ko.

Calderon

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: Soo Alarming! S.O.S !
« Reply #3 on: August 14, 2016, 03:48:24 pm »
I would get rid of the yaya and change all the locks in my house.

Your family's safety is more important than the inconvenience of losing a yaya.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close