We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Ako aaminin ko curious rin ako sa magiging leadership nitong admin ngayon lalo na nung nakaraang election. Inappreciate ko rin naman yung ibang mga changes at naniniwala ako sa sinasabi ng iba lalo na ng mga driver na safe na raw sa EDSA kahit gabi. Hindi ko lang matake ang sinabi niyang you can kill suspected drug addicts it will lead to repercussion at hindi niya macocontrol kung sino ang magtake advantage ng situation. Tulad na lang sa lugar na tinitirhan ko ang dami nang issue about sa mga Pulis na abusive, tapos maya't maya may barilan pa. minsan pa may tumapat na sa gate namin na nakamaskara at nakamotor, ininform kami baka nag-aabang ng addict. About naman sa economy na bumagsak ang piso mix reaction ako rito dahil I am earning dollar umangat ang sahod ko. Regardless if I agree or disagree sa admin tulad lang rin ni VP susuportahan ko pa rin naman yung ibang changes na nakakabuti sa bansa at magrereact pa rin naman kung ano na yung hindi nakakabuti.
Bilang isang dating sumuporta kay PNoy, acknowledged ko din naman ang mga nagawa nya. Laking pasasalamat ko na naipakulong during his time si Bong, Jinggoy at Enrile. Pero gayun na lang na pinasasalamatan at pinapahalagahan ang mga ginawa nya, hindi rin naman dapat basta basta kalimutan ang mga hindi magandang ginawa lalo na kung hindi pa ito napagbabayaran at nasosolusyonan. Kaya imbes na-ideny ang mga pagkakamali last admin, at subukang patalsikin ang current admin, bakit hindi na lang tulungan na solusyonan ang mga pagkakamali dati at mga suliranin ngayon? Hindi yung parang nag wiwish pa tayo na...: sana, yung dating admin pa rin ang meron ngayon."
.. pero kapag si duterte i-criticize nagagalit ka . Sinong nagsabing pinapatalsik si duterte e siya mismo ang gumagawa ng paraan para mapatalsik siya dahil sa mga kalokohan niya mismo na di makita ng blind followers niya.. And wala namang nagsasabing perfect ang previous admin ikaw lang palaging nagsasabi niyan para pang-counter mo kapag binabatikos si duts.. Hindi sa ayaw siyang tulungan hindi lang sila agree sa pamamaraan ni duts like most thinking people.. wag paranoid masyado..
Kung may mga taong naghahangad na patalsikin ang current admin kay supporter pa yan ng nakaraang administrasyon o ibang pulitiko or kandidato ng iba hayaan na lang natin sila. Yung mga nagwiwish na sana dating admin pa rin ang meron ngayon pwede namang ignore mga yan. Pwede namang magfocus na lang sa sinusuportahang admin kay Pangulo, VP, senator at iba pa. Mas okay pa kung maging positive na lang tayo kesa naman kung parati na lang tayong nakatutok sa pagkakamali ng mga politicians. Naniniwala naman ako na kasama sa changes o sa admin na ito na solusyunan ang hindi natutukan nung nakaraan. Kung napuna man ng Pangulo ngayon na hindi nasolusyunan ni Pnoy ang about sa Drugs, sya naman ang naandyan ngayon at may kapangyarihan na siyang ayusin ang ganitong klaseng problema sa buong Pilipinas. Pero sana naman ma-orient niya ng maayos lalo na yung tungkol sa abusive na kapulisan.
Sya gumagawa ng paraan para mapatalsik sya? Eh di mag resign na sya kung ganun tutal ganun ang gusto nya? Walang nagsabi na perfect ang dating admin? Pero panay ang iyak na patalsikin ang admin ngayon, bakit? dahil di perpekto? So sino papalit? Pag di perfect patalsikin ulit? Yung mga nagdedemand ma patalsik sya, siguraduhin na wala din mali ang papalit. Kasi kung meron, walang katapusan na cycle lang mangyayari. Teka inamin mo na dati na gusto mong maalis sya sa pwesto di ba? Anong paranoid pinagsasabi mo dyan? Hindi ko ba karapatan banggitin din ang saloobin ko kung bakit gusto ko sya mag stay?
wag na natin istorbuhin si PNoy, relax na relax na buhay nya... laking iniwang pera sa new admin... kaya tignan mo, daming pang lustay ..
LOL. So kelangan ko pang ipaliwanag yung sinabi ko? Ang ibig kong sabihin yung kapalpakan na ni duterte ang naglulubog sa kanya - clear? Iyak? More like natatawa kasi sa dami ng sinasabi naming kapalpakan ni duts palagi lang sagot sa'min is "ok lang di rin naman perfect ang previous admin" paulit ulit.
Anong konek kung sinabi kong gusto ko siyang maalis sa pwesto sa->pagpapatalsik ng LP kay duts? Wag paranoid masyado kasi ang sabi mo "... imbes na-ideny ang mga pagkakamali last admin, at subukang patalsikin ang current admin,"..
and really, sa totoo lang, mga bloggers na pro-duterte give more intelligent discussions than those antis. i do read them all.