watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes (Thread 3)  (Read 27814 times)

jhack

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #20 on: July 15, 2016, 09:15:34 pm »
Sis last year april hangang ngayon di pa din tapos bakit sis ireklamo mo na!

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #21 on: July 21, 2016, 05:34:12 pm »
Sis freavida, wala bang naka indicate sa contract nila na 4-6 months lang construction time? Tapos dapat turn over na hindi ba?

freavida

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #22 on: July 27, 2016, 12:41:03 am »
Meron kaya nga nagtataka ko. Last Saturday nagpunta si BF mineet nya yung engineer. Ang pinangako Aug15 tapos na daw lahat. Nakakairita talaga.

jhack

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #23 on: July 27, 2016, 12:52:48 pm »
Sis pag sa aug 15 di pa rin sya tinapos tulad ng napag usapan nyo mag reklamo kana agad sa hlurb wag na sa developer kasi kung hindi ka naman iniintindi ng developer bigyan mo ng ultimatum.

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #24 on: July 27, 2016, 01:18:53 pm »
kakabisita lang kahapon ulit ng SPA ko sa unit...nganga pa din. Nakakasama lang ng loob kasi yung katabi naming unit, nung umuwi ako last May, na mas nauna pa kami, patapos na. May Pintura na, konting finishing na lang, yung sa amin wala pa din bubong :( .... Kami na lang hindi tapos sa block namin... and 3 weks na namang walng gumagawa!

Sa isang bagay lang talaga on time ang Camella, maningil! (based sa experience ko lang ha)

jhack

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #25 on: July 27, 2016, 06:50:03 pm »
Pak ka dyan sis uber lahat ng penalty nasa kanila na !

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #26 on: August 09, 2016, 03:43:24 pm »
yay! natapos din....natapos din yung katabi naming unit  :'( :'( :'(

Kausap ko si engineer, humihirit pa ng isang buwan,September daw. may tatapusin lang daw ulit na unit. Nakakaloka na sila, ilang unit ang tatapusin nila bago yung sa min. Nakakaiyak na....haist.

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #27 on: August 09, 2016, 04:42:36 pm »
Sis ubermame. Bakit kaya nadedelay daw? Di naman pwedeng unahan sa paggawa ng unit? Hindi ba dapat may supposed to be tauhan na sila na tatapos per unit?

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #28 on: August 10, 2016, 02:12:04 pm »
nung una, kausap ko yung isang site engineer: nagkaproblema daw sa contractor, kulang sa tao tatapusin lang daw yung isang unit...ah eh hello? hindi ko naman siguro dapat problemahin yun kasi Camella-Contractor na yun. Sinabi ko na hindi kami ang mag-aadjust para matapos ang ibang unit. Kelangan nila palitan ang contractor kung kinakailangan.

Humingi ako ng update sa SPA ko, merong konting nadagdag, pos wala na naman gumawa. Sabi ng isang foreman, wala daw materyales... ::) >:( :(

Kahapon nung kausap ko na head engineer nila, same reason, problema kay contractor. Kulang sa tao, may unit na naman na tinatapos...

Wala na ba silang ibang dahilan? Baka pede solusyon naman ang ibigay nila sa kin...haist...nakakabeast mode! Pinipilit ko talagang maging mahinahon, pero nakakapikon.


MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #29 on: August 13, 2016, 09:43:28 am »
Tama sis, isabay mo pa ang ulan ngayon. Hayaan mo na. Wag ka na mabeast mode, magkaka wrinkles ka lang jan.

Matatapos din yang bahay.

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #30 on: August 14, 2016, 01:31:59 pm »
sis Medchic, iniisip ko na nga lang, hindi lang ako ang nakakaexperience ng ganito. Kaya kalma lang uber kalma  ;D

l31y4h

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #31 on: September 07, 2016, 02:51:51 pm »
Hi! Newbie here :)

Bumili kami nung 2015 ng unit sa Camella Altea. Sabi ng agent namin, 1 year downpayment before the construction takes place. Natapos payment namin ng March 2016 so expect naimin start na rin construction. We went there April 2016. Malinis na yung area pero wala pang naitatayo na kahit ano. Shempre nagtanong kami. May 1 month document processing pala. So, ok... Then nung June, nanghingi ako update via email. Di kasi namin mapuntahan every weekend ang Camella kasi from QC pa kami and wala kaming kotse. Sumagot sila sa email (After ilang pangungulit and calls) and sabi nila nagka-problem daw sila with the contractor kaya July pa sisimulan bahay.

Just this week, nanghing ulit ako ng update. Oo makulit pero plan kasi namin ni BF na pumunta dun this weekend kaso worry namin is baka ma-hassle kami if pumunta kami dun tapos lupa lang na naman makikita namin. Pinasa-pasa email ko until umabot kay Ma. Cristina Paz at wala pa ring reply. 

Sana talaga walang maging major sakit ng ulo Camella Altea :( Super excited na kami ni BF lumipat (and we're getting married this year! Woot!!!)

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #32 on: September 08, 2016, 11:57:17 am »
Good luck sis. Sama nga hindi pasakitin ang ulo mo. Kasi papasok na ba sa monthly amortization (by Bank or Pagibig) yung the rest of the loan mo? Kasi diba, ang unfair if wala pang sinimulang bahay tapos tumutubo na ang bank.

Just in case sa mga nag rerent na nag assume na matatapos na ang bahay nila this month (lets say plus minus two months na for any untoward problems) pero hindi pa din matapos tapos ang bahay. Hassle yun. Kasi, tumutubo na ang bank, nagbabayad ka ng dalawa for monthly amort and rent dahil hindi ka pa makalipat.

Sana may danyos perwisyo ang Camella pag ganyan. Or you can have a demand response from them ano na ang next step.

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #33 on: September 08, 2016, 01:42:17 pm »
Just in case sa mga nag rerent na nag assume na matatapos na ang bahay nila this month (lets say plus minus two months na for any untoward problems) pero hindi pa din matapos tapos ang bahay. Hassle yun. Kasi, tumutubo na ang bank, nagbabayad ka ng dalawa for monthly amort and rent dahil hindi ka pa makalipat.

Sana may danyos perwisyo ang Camella pag ganyan. Or you can have a demand response from them ano na ang next step.

sis, eto nangyayari sa akin ngayon, dalawa binabayaran ko, upa sa bahay and bank. Sakit lang sa bangs... yung inuupa namin sa bahay sana naiipon ko na para pang-finishing...haist...

Pinapupunta ko yung SPA ko sa camella office para kausapin yung account officer...try ko din kausapin sa phone pag andun na SPa ko. Hindi kasi sumasagot sa kin eh, umiiwas na ata.


Pinasa-pasa email ko until umabot kay Ma. Cristina Paz at wala pa ring reply. 

Sana talaga walang maging major sakit ng ulo Camella Altea :( Super excited na kami ni BF lumipat (and we're getting married this year! Woot!!!)

sis email, sms or call...mahirap sila talaga kausapin. Kelangan mo talaga sila puntahan.
nyway, congrats!! :)

whiteorange_1102

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #34 on: September 12, 2016, 03:25:55 pm »
Update ko lang kayo mga sis. Nandito yung previous post ko: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,281052.570/wap2.html

Para sa mga exterior stuff na papagawa namin (fence, flooring etc), we ended up making a deal with the camella contractor na nagrepair nung palpak na gawa nung unang contractor na naassign samin. nasa 230K yung quote nila vs 350k+ na quote nung kakilala naming architect. Maramihan kasi sila ng bili ng materials and hindi siguro kasing ganda ng quality yung gawa nila, kaya mas mura pero kinuha na rin namin para makatipid ng konti. Inexpect na namin sakit ng ulo. 3 weeks yung timeframe na binigay samin para matapos. Nagpunta kami dun after 1 week, wala pa nagawa bukod sa hukay. :(

Sa mga nagtatanong about filing a complaint or pupunta sa camella office, madugo yan. Ready nyo na BP nyo talagang maha-highblood kayo sa incompetency ng mga staff. Sobrang tuned out na sila sa mga reklamo since araw araw ata yan hinaharap nila. Nakakaawa rin naman, pero considering na di birong investment nilagay natin, nakakafrustrate talaga na wala ka magawa sa inaction nila.

Naka ilang punta kami and email (pag email di sumasagot yung account manager namin na walang kwenta) hanggang sa nagbluff kami na may kausap na kaming abogado (though plano na rin namin kumausap talaga). By that time, sabi i-schedule daw kami ng meeting sa 'boss' nila pero it ended up with another rank and file negotiating with us through a phone call dahil di raw available yung boss. Ganun talaga style nila, idedelay ng idedelay hanggang sa mapagod ka na lang. Di namin tinantanan though. After several months nang pag file ng mga formal complaint ni hubby (very respectful yet firm yung emails), and back and forth sa camella office, and follow ups ng bagong account manager namin (matino sya), Camella agreed to give us 5 months equivalent ng monthly rent namin. Yung rent kasi di na dapat part ng expenses namin kung matagal na kami nakalipat. more than 5 months yung delay nila pero kinuha na rin namin.

In case makipagnegotiate din kayo be firm lang and point out lahat ng problema otherwise kakayan kayanin kayo. Nagresearch din kami about HLURB laws and sadly dehado talaga tayo sa batas. Pero if may kakilala kayong lawyer, mas ok din makakuha kayo advice from them.

martiella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #35 on: September 14, 2016, 08:41:15 pm »
Sis, ilan months bago nyo nakuha yung refund nyo? Kase kami may refund din sa kanila till now wala pa binibigay. Nakakapagod na mag follow up pero kailangan kulitin hanggang sila ang mapagod. Ang dami nila alibi nakakainis lang.

whiteorange_1102

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #36 on: September 15, 2016, 04:28:14 am »
mga 1 month lang ata. pero di pa namin napipick up yung check from our account manager.

emdoze

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #37 on: October 13, 2016, 10:38:08 pm »
Sino po taga lessandra san jose del monte bulacan?

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #38 on: October 17, 2016, 02:07:21 pm »
malapit lapit na din ako magformal complaint sa camella...legal na lang talaga ang kelangan. bingyan ko sila ng chance matapos yung unit hanggang end of october, kasi yun din naman yung sinabi ng engineer. Pero may nakaprepare na ko na nego/construction timeline (salamat at sa construction - contract/claim dept ako nagtrabaho) kaya me idea ako. Pero sana nga lang matapos na yung unit kasi isang taon na siya under construction :(

pretty.is.me

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #39 on: December 04, 2016, 07:01:45 pm »
Hi, nakapagpareserve na kami ng cara sa camella carson, is it advisable na maghire kami ng engineer na pede magvisit ng weekend? Para maginspect sana on our behalf since pareho kami ng asawa ko na nasa singapore? Allowed ba yun ng camella? Thanks

 

Latest Stories

Load More Stories
Close