watch now

Author Topic: Problems with Camella Homes (Thread 3)  (Read 27779 times)

MedChic

  • Guest
Problems with Camella Homes (Thread 3)
« on: June 27, 2016, 07:31:45 pm »

jhack

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #1 on: June 28, 2016, 06:16:46 am »
Sis nag di ako makapag pm sayo bakit kaya?  Update ko lamg yung sa camella carson sinesemento na yung loob ng subdivision nya!

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #2 on: June 28, 2016, 02:41:37 pm »
Sis jack, ahhh, bago nga lang yang regulation nila na non transferable. Regarding sa pag post ng pic, usually yung ibang sis natin link from FB, photobucket or IG nila ang nilalagay, i-public mo na lang yung viewer ng album na gagawin mo :)

Sis Med,, hoping din ako sa "free" hahaha...pero sa ngayon ang nabigay lang nila is i-pull out muna ang bank charges cheque ko. Stop muna ako sa pagbabayad hanggat hindi natatapos. Yun lang daw sa ngayon. Then they gave me an assurance na matatapos daw yun ng July. Sana nga matapos ng maayos ang gawa, nung umuwi ako 40% pa lang, tapos May15-June 15 walang nagtatrabaho. haist...tiwala na lang talaga..lol

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #3 on: June 28, 2016, 11:16:18 pm »
Sis nag di ako makapag pm sayo bakit kaya?  Update ko lamg yung sa camella carson sinesemento na yung loob ng subdivision nya!

Aaaaw.. Sis jhack bakit kaya? Excited pa naman ako makipagchikahan sayo at iisa ang lugar natin. I hope to share good news and not sentiments. Hahaha

Sis Med,, hoping din ako sa "free" hahaha...pero sa ngayon ang nabigay lang nila is i-pull out muna ang bank charges cheque ko. Stop muna ako sa pagbabayad hanggat hindi natatapos. Yun lang daw sa ngayon. Then they gave me an assurance na matatapos daw yun ng July. Sana nga matapos ng maayos ang gawa, nung umuwi ako 40% pa lang, tapos May15-June 15 walang nagtatrabaho. haist...tiwala na lang talaga..lol

Atleast na freeze din ang pag encash ng pera from you. Sana pag may mga set back na ganyan, (kahit na anong explain nila that its not on their part) naka ready pa din sila to give alternatives or sana magbigay naman sila ng ganansya sa mga clients nila. Hindi naman nila ikakalugi ang free carport and balcony ano. hehe.

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #4 on: June 29, 2016, 01:47:28 pm »

Atleast na freeze din ang pag encash ng pera from you. Sana pag may mga set back na ganyan, (kahit na anong explain nila that its not on their part) naka ready pa din sila to give alternatives or sana magbigay naman sila ng ganansya sa mga clients nila. Hindi naman nila ikakalugi ang free carport and balcony ano. hehe.


sis med, ang sakit nila sa bangs. Tumawag ako kahapon sa account officer na nakausp ko nung umuwi ako, ayun hindi pa daw nya na-pull out ang cheque. Kaya nasisira ang kumpanya nila ey. haist.

maymay

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #5 on: June 29, 2016, 03:48:15 pm »
Subscribing to this thread. Dito kami sa Cerritos Heights sa Daang Hari.

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #6 on: June 29, 2016, 07:24:53 pm »
Sis ubermame, so tuloy tuloy lang din ang pag encash nila? Hay. Minsan para na lang walang hassle hahayaan na lang eh. Hay Camella, sana hindi naman sa lahat ito

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #7 on: June 29, 2016, 07:26:26 pm »
Sis maymay, ilang years ka na jan sa Cerritos? Kami ni sis Jhack taga jan sa Carson, pasimulang kalsada pa lang. Hahaha.

May mga problems encountered ka? Or sobrang sumakit na ba ang ulo mo?

ubermame

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #8 on: June 30, 2016, 01:56:29 pm »
Sis ubermame, so tuloy tuloy lang din ang pag encash nila? Hay. Minsan para na lang walang hassle hahayaan na lang eh. Hay Camella, sana hindi naman sa lahat ito


sis, nahabol ko at pinilit ko  ;D Buti na lang tumawag ako kasi hindi talaga magagawa nung account officer. Kaloka.

Lessons learnt, kung kinakailangang araw araw ang follow up sa mga pinangako nila, gagawin ko.  ;D ;D ;D

martiella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #9 on: July 03, 2016, 08:06:28 pm »
Nakakasakit at nakakaiyak talaga ang camella. Yung sa min lahat palpak. From agent, delayed construction, and till now delay turn over pa din. One year na kami nagbabayad ng monthly amortization pero hindi pa din naturn over sa min ang bahay. Tapos na ang house problema lang ay yung poste ng meralco na nagkaron ng problema sa pagkabit ng bahay namin. Till now hindi pa nila ginagawa. Ang rason nila wala daw gagawa dahil yung mga tauhan ng contractor ay nasa bicol. Grabe sila! Nainis na ko at napaaugod aki sa office at sinabi ko na ibaback out ko na ang bahay dahil ayoko tumira na dahil puro problema at kapalpakan at sakit ng ulo ang binibigay nila sa kin. Bayad kami ng bayad wala naman sila ginagawa. Halos nasa 300k na ang naibayad namin sa kanila. Nagdecision na kami na iback out na lang mga sis. Ang sabi sa office gawa daw aki ng demand letter nagdedemand kase ako ng refund. Sa palagay nyo mga sis totoo kaya yung sinasabi nila na makakarefund ako? Or baka binobola na naman nila ako para tumahimik lang. Baka paasa lang sila. Naku, nanggagalaiti talaga ako sa galit.

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #10 on: July 03, 2016, 10:51:05 pm »
Sis, saang Camella ka? Sorry to hear that. Sana maayos pa din yung sa inyo.

martiella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #11 on: July 04, 2016, 01:00:20 am »
Camella quezon, ayoko na sis suko na ako. Sana lang ibalik nila yung pera na naibayad namin sa kanila.

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #12 on: July 04, 2016, 10:13:24 am »
Sis, ilang years ka na nagbabayad? prior to signing the contract (during your reservation or downpayment) may sinabi ba silang Maceda Law sayo? Naka indicate dun na wala kang makukuhang refund if less 2 years ka pa lang Nagbabayad.

Im not sure if same lang lahat ng contrats nila to all the places. Please kindly review para alam mo yung karapatan mo.
Pero I think, if sila naman ang hindi umupad first ng usapan, may breach yun. Hmmmm.. Good luck sis.

martiella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #13 on: July 04, 2016, 10:35:55 am »
What is maceda law sis? Nagbabayad naman ako on time sis. Una yung equity nabayaran ko ng 10months and expected ko start na ng construction nadelay din. After equity bank charges naman almost 37k hanggang naapproved yung loan ko sa bdo at nagstart na din ako magbayad ng monthly amort na 10k sa bdo. One year na ngayon june. Till now no turn over mga sis kaya nag give up na din ako. Ayoko na tanggapin if ever i turn over nila now kc sakit [textspeak!] ng ulo. Gusto ko lang irefund kahit hindi naman full basta my makuha lang ako.  Contract wala naman sila naibigay na copy sa kin. Please advice mga sis kung ano pang mga pwede ko sabihin sa kanila para lang makuha ko pera ko. Pinanggawa nila ako demand letter pero baka paasa lang sila.

jhack

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #14 on: July 04, 2016, 02:43:39 pm »
Sis mag reklamo kana sa hlurb sa lugar nyo kung sa ka nakakuha ng house matutulungan ka nila

MedChic

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #15 on: July 04, 2016, 03:38:07 pm »
seriously sis, wala kang contract or any documents na napagusapan kailan magstart ang construction and turn over? Meron pang kasama yun na mga restrictions on how you would extend etc etc? Check mo sis, imposible naman nakapagbigay ka na 300k without any documents. Protection mo kasi yun.

For your next step, i think call HLURB na lang para sure, tutulungan ka nila for any legal matters about it. Wag ka na muna gumawa ng demand letter unless sure yun. Seek legal counsel na din. Baka lalo kasing gumulo sis.

Good luck sis. Baka nga sakit lang ng ulo yang itturn over na bahay sayo. Kung sa start pa lang magulo na.

martiella

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Threqad 3)
« Reply #16 on: July 04, 2016, 08:48:45 pm »
Update mga sis, may dumating na letter notice of turn over. Ang nakasked na turn over eh july 4. Bukas pupunta ako sa office nila at sasabihin ko na hindi ko na tatanggapin. Ano yun kung kelan ako nagreklamo saka lang sila gumawa ng aksyon. Dapat noon pa diba. Sige, pupunta din ako sa hrulb. My bayad ba dun?

jhack

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #17 on: July 05, 2016, 10:40:51 am »
Wala bayad sis sa hlurb libre po duon tuturuan ka nila ng mga gagawin mo ikwento mo muna sa kanila buong pangyayari tapos sasabihin naman nila sayo kung me laban ka or wala pag meron papatawag nila yun developer saka ikaw set schedule

gel_rev

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #18 on: July 07, 2016, 06:11:25 pm »
Sis Martiella, sorry to hear about your situation. Nakaka-frustrate talaga yan. Ang alam ko rin sa Maceda Law is that applicable sya kung 2 years or beyond ka na nag-pay sa developer. http://www.lamudi.com.ph/journal/eight-things-you-need-to-know-about-the-maceda-law/

Pero sana magawan nyo yan ng paraan. Dito kase kami sa Camella sa Bicol. Ok naman yung naging process. Na-turnover na sa amin yung unit last May. Hoping na maayos nyo yan.

freavida

  • Guest
Re: Problems with Camella Homes (Thread 3)
« Reply #19 on: July 14, 2016, 11:34:32 pm »
Hello Sisses!
Ang tagal ko ng hindi nakakapag open ng girl talk account ko, Thread 3 na pala tayo.
Anyways, yung unit ko up to now hindi pa din tapos. Nag start ang construction last year Around April 2015. Ayon awa ni Lord July 2016 na hindi pa din tapos. 2 weeks ago nagvisit yung Authorized Representative ko ayon, simula nung last na punta nung May, yung bakal lang sa hagdanan yung nadagdag... haist nakakainis...
By the way sa Camella Montego ako sa Antipolo. Hi Sis @sexydee and Sis @simpleemie Montego din kayo di ba? Regarding fence and gate sa contractor din ba kayo ni Camella nagpagawa or outside? San po mas makakatipid?
Thanks.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close