watch now

Author Topic: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter  (Read 5161 times)

zee87

  • Guest
I need help. Yeah, I am the one needing help i guess.
My mom... senior citizen of age has been always in FB eversince i taught her how to FB. We don't have a father anymore. He's been gone for 8 years now. Nung nabubuhay pa yung nanay namin, di lumalabas ng bahay ang nanay namin. Lagi lang siya taong bahay. Simple lang siya. Alaga sa mga anak tapos ng magkaron ng apo, alaga sa mga apo. Simula ng matuto mag fb, lagi na lang siyang nasa FB. Before, we have to tell her to relax, stop doing the house chores and rest. Ngayon, hinahanap na namin yung dating ganun siya kasi nga walang ginawa kung hindi magkulong sa room at mag fb. MAg upload ng mga pictures niya na most of the time mga pasexy dahil nagzzumba na rin siya. Since last year, there's this guy who is just 2 years older than me na kaharutan niya sa fb. so the guy will comment na ang sexy mo naman, ang ganda mo naman... tapos palitan sila ng reply. I ask her early this year kung bf nya ba yung guy, di daw. Friends lang daw sila. So she stopped tagging him sa pictures niya. Lately may mga pictures na naman ni-tag niya yung guy. tapos etong guy may mga posts sa fb niya na mga songs... maganda daw yung songs... kakantahin daw niya sa nanay ko etc. May nagrereply sa mga comments na 2 pang mga babae. na kesyo sana daw may delikadeza daw at may gf daw yung guy.

Di ko kinakaya ang mga ganito. pero pinipigilan ako ng kapatid ko na magsalita sa nanay ko kasi nga alam niya na masakit ako magsalita. sa amin magkakapatid, wala kahit isang naglalike o comment man lang sa mga posts niya.

Gusto ko na siyang kausapin and i am thinking of threatening her na ibblock ko siya pag di pa niya block yung lalaking yun. Nasa ibang bansa kame ng family ko by the way.

Is there any other way to approach this kind of situation?

j.adore

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #1 on: June 27, 2016, 06:19:46 pm »
Ok so mali nga naman kung may GF na yung guy and there's the age issue..

On the surface, he makes her feel young and wanted. But first, has anyone tried to get the side of your mom as to why she's doing this?

zee87

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #2 on: June 28, 2016, 07:04:12 am »
sabi nya katuwaan lang daw. What makes it annoying is everyone's seeing the posts in facebook. Imagine a teenager, kung pano makipagharutan sa fb comments. ganun yung level. And we know our nanay as very simple tapos all of a sudden ganun ginagawa nya sa fb.

stylus

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #3 on: June 28, 2016, 11:19:24 pm »
Hi sis ts, if you can, talk to your mom.. masakit for you kasi anak ka. Yung feeling mo buong buhay mo kilala mo yung mom mo tapos biglang isang araw bakit ganun, parang ibang tao na sya na di mo kilala.

Kausapin mo sya nang mahinahon. Just remind her kung gaano nyo sya nirerespeto (dati). At ayaw nyo mawala yung respect na yun dahil lang sa kung sinong lalaki na di nyo naman kaano ano. Tell her how much you value your relationship as a family at napapansin mo na biglang nagbago na ngayon dahil lang sa friend na "kakatuwaan" nya.

TomHansen

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #4 on: June 29, 2016, 12:19:24 am »
Try mong isabotahe yung internet connection niyo (change router settings)sa mga times na alam mong nakikipaglandian siya para di sila makapag-usap then pretend na napeperwisyo din kayo. Or better tagalan niyo yung sira ng 1 month para mas effective at mawala na talaga communication nila.

* sana panget yung customers service dyan sa bansa niyo.

drag0nfly

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #5 on: June 29, 2016, 01:45:53 am »
^LOL at your suggestion pero baka nga effective yan  ;D

Sis, kausapin mo na lang diretsahan nanay mo na tigilan na nya yung pakikipaglandian sa FB.  Kung masakit ka magsalita, tone down mo siguro ng onti, with respect pa din, but give it to her straight - na may GF yung kalandian nya and inappropriate ang ginagawa nila on social media for everyone to see.  And agree with another sis na alamin nyo ding magkakapatid kung bakit ganyan ang behavior nya.  Gaya nga nga sabi mo, ilang taon na din wala ang tatay nyo, so baka it's her way of enjoying lang din na walang commitment kasi nasa ibang bansa naman kayo.  It doesn't justify her actions, pero mas matutulungan/guide nyo sya kung alam nyo anong reason behind it.  Maybe kung loneliness, she can join mga senior citizen activities sa lugar nyo so she can meet other people. 


zee87

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #6 on: June 29, 2016, 08:00:27 am »
thank you po sa mga reply nyo. Ang nanay ko po nanjan sa atin. Update: kinausap ko na siya. I created a group chat na nandun din yung bunso namin. Eto naman si bunso, walang naicontribute. pinabayaan lang ako ang nagsalita. So ayun nga, I asked her if bf niya ba yun. Di naman daw. Kaibigan niya lang daw. I asked her why she has to post her pics and tag that guy. Iniinis lang daw nila yung ibang girls. KAKALOKA! bata?! Hay naku... so yun sabi ko, tigilan niya na dahil da magandang tingnan yung ginagawa niya at di niya kame pinalaki ng ganung klaseng gawain. Hay naku, parang gusto niya pang magpaliwanag na kesyo kinausap pa daw siya ng tiyahin nung lalaking yun. Buti na lang di nya na tinuloy ang pagpapaliwanag at sinabi ko talagang ayoko sa lalaking yun at iblock nya na. i told her how i kept myself from telling her about how i/we feel because we respect her. We want her to be happy, do whatever she wants pero di yung katulad ng ginagawa niya ngayon. Siguro natauhan, or di nahiya na lang sken, ayun, ibblock niya na daw. i checked the guys fb, di na nga sila friend. sana nga, at nalaman ko pa na nagkita na pala sila nun. hay naku... kung mababasa nyo lang yung flow ng usapan namin, parang ako ang nanay at siya ang anak.
So hopefully, di na nga sila magkita... at naku, pag nalaman ko talaga, ewan ko na lang. lol

pandalicious

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #7 on: June 29, 2016, 10:20:35 am »
Maybe your mom is just sad. Sino ba ang kasama nya dito? May nakaka-bonding ba siya? May kilala kasi ko ganyan din, though yun naman bata pa ganyan na, nadala hanggang malapit na mag-senior :P
May sarili na kasing buhay yung mga anak, hiwalay sa asawa, ayun sa internet nalang palagi. Palaging may jowang halos apo na niya. I agree with one of our sis, encourage her to be friends with someone her age, para naman age-appropriate yung pinagkakaabalahan niya.

zee87

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #8 on: June 29, 2016, 10:34:15 am »
kasama niya sa bahay yung hipag ko at mga pamangkin. Katabi ng bahay namin nakatira naman yung kapatid ko din. Everyday siya nagzzumba... as in everyday. At ok lang sa akin yun. Ang kaso mo... ang lola kung magdamit, hay naku. kita lagi ang kaluluwa. nagsusumbong yung hipag ko sa akin. Tapos ako naman sinasabi ko dun sa kapatid ko na nandun para siya ang magsabi sa nanay namin. Bago siya matuto mag fb, lagi lang yun gawa ng house chores. alaga sa mga apo niya. talagang hands on. tapos ayun nga, natuto mag fb. kung gusto niya naman mag asawa ok lang, pero di yung sa lalaking alam mo na mapagsamantala.
« Last Edit: June 29, 2016, 10:50:55 am by zee87 »

shinies

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #9 on: June 29, 2016, 02:10:18 pm »
Mala-mid life crisis ito ah. Pero "normal" na parang nagiging isip bata ang mga matatanda di ba? At yung mga anak ang magdidisiplina sa kanila.

May mga ganyan talaga pag tanda. Bahala na system. Kung buong buhay niya eh lagi siya responsable, simple, di lumalabas, etc., wala na siyang pakialam ngayon oras na para magsaya!

Tama, tanggalin yang internet.

Wala ako masuggest para sa pagiging malandi niya (excuse the term). Eh kung anak mo yan, pano ba icontrol yun? Di ba pag ganun eh mas lalo nagrerebelde? Siguro hanap kayo ng professional help.

O kaya hanap kayo ng oldie dating site para makakita ng ka-age na pogi.

zee87

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #10 on: June 29, 2016, 03:19:34 pm »
^^^hahaha!  sa totoo lang di naman namin siya masisisi. All her life, nakatutok lang sa papa namin na sobrang seloso (pero numero unong babaero, sumalangit nawa) Ok lang sa amin na mag enjoy siya sa buhay. Gawin nya yung ikakasaya nya. Ang ayoko lang yung maloko siya ng lalaking yun. Sabi nya naman wala na siya balak mag asawa pa. Pero siyempre, di natin yun sure. :)

Sana nga ma approve yung visa niya para dito na lang muna siya at maranasan niya naman mag travel outside the country. sabi nga ng mga friends ko, sana nga makuha na namin siya. Dito na lang daw maghanap ng bf. hehe!

hisana

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #11 on: June 29, 2016, 04:30:38 pm »
My friend's father, a senior citizen, widowed na rin, at wala nang kasama sa bahay, ay nanligaw ng twentysomething-year-old just recently. Wala pang one month, andun na nakatira sa dating bahay nila with her baby (yes, she is a single mother, with the father of the child nowhere to be found), kasama rin yung mga kapatid at parents nung girl. Gusto namin sana sya intindihin that he needs companionship or a change in his life kaya nya pinatira dun, but we can't help but worry that he's being taken advantage of. Sa ngayon yung dad na yung nagbabayad for everything kasi wala naman trabaho yung girl and students pa lang yung mga kapatid, and the parents have no stable jobs din. Plus this family is making changes na to their property, na para bang sa kanila na. My friend doesn't know what to do.

Sorry, nagkwento pa talaga ako ng ibang situation. Can relate somehow lang.
« Last Edit: June 29, 2016, 04:33:37 pm by hisana »

stylus

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #12 on: June 29, 2016, 06:18:03 pm »
^i can relate sis. Though dad ko wala naman sya girlfriend or anything. Wala pa sa ngayon. Pero greatest fear ko kasi yan eh. Kaya sensitive ako sa gantong topic. Haha.

3 years na wala mom ko. Only child lang ako pero super close kaming 3. Kaya nung nawala sya, kami na lang ng daddy ko. Kaya natatakot ako sa mga ganyang eksena kahit sa biruan lang o text or fb. Kaya vocal ako sa pagsasabi sa kanya na magagalit ako pag nagkagusto sya sa iba.

For me, sabihin nang selfish ako or makasarili pero for me.. pili na lang sya kung ako or kung ibang tao (if ever). Basta alam ko sa sarili ko na never ko matatanggap. Kaya habang wala pa, maganda nang malinaw na usapan ngayon pa lang.

TomHansen

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #13 on: June 29, 2016, 07:33:18 pm »
^ e papaano kung ikaw naman ang mainlove? nagsabi ba siya sayo na siya or ibang tao(future bf)? Mas maganda siguro kung i-guide mo lang siya sa pagpili pero ang pagbawalan parang unfair naman sa dad mo.

pandalicious

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #14 on: June 29, 2016, 08:45:27 pm »
^^ naku sis i agree with bro(?) ^, ang unfair naman nun sa dad mo. Siguro the only thing we can do na lang is to make sure that our "oldies" loved ones will not be taken advantage of. Dahil sa totoo lang dami talagang oportunista lalo na sa mga matatanda na alam nilang nalulungkot sa buhay, dami kong kilalang biktima ng ganyan, relatives, parents ng friends, etc.
« Last Edit: June 29, 2016, 08:48:39 pm by pandalicious »

stylus

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #15 on: June 30, 2016, 06:48:29 am »
Hmm. Minsan naiisip ko rin na unfair. Pero yun talaga sa ngayon eh.. my husband and I live with my dad. And promise ko sa kanya di ko sya iiwanan. Sabi naman nya pano daw kung matanda na sya at di na nya kaya maligo mag isa. Sabi ko ako mag aalaga sa kanya. Okay daw. Yun lang naman daw ang iniisip nya. Wala naman na daw sya balak mag asawa. (Sa ngayon)

Sabi ko pano kung mag asawa sya tapos mauna pa magkasakit yung babae? Sabi ko never ako tutulong sa pag aalaga dun. Hindi ko gagawin sa ibang babae yung ginawa kong pag aalaga sa mommy ko. Kaya sabi ko kawawa lang sya kung mag isa sya mag aasikaso sa may sakit. Haha. Ang sama ko. Oh well.

hisana

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #16 on: July 03, 2016, 02:55:14 pm »
^
Sis, medyo ganyan din ang pag-iisip ako. I mean, my friend's dad and mom (nung buhay pa sya), sobrang loving ng relationship nila. According to my friend, in all the years her parents were married, they could never even stand to be apart for too long. Yung bahay nila na yun is full of memories and stuff from her parents' life together. It just bothers me na maipapagamit lang sa kung sino yung lahat ng yun. Sa totoo lang, para sa akin, hindi pa rin family yung girl na yun kahit they've moved in and she's supposedly in a relationship with the dad. I feel uneasy about the whole thing. I mean, call me judgmental, but what does a 20-something-year-old have in common with a 60-something-year-old enough to sustain a meaningful relationship? Mukhang ang dami pang baggage ng family na yun, literally and figuratively. I've actually met them and tried to talk to the girl, small talk lang naman, eh iniiwasan naman kami. Hay.

Affected talaga ako kahit hindi ko naman sila parents, LOL.

fabnbeautiful

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #17 on: September 05, 2016, 07:40:44 pm »
actually age is just a number, some moms are still young and deserve to be happy, we just got confused, because of the spanish influence in our heritage, but theres nothing wrong with it.
it will be wrong only if your dad is still with you mom and your mom flirts.

zee87

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #18 on: September 06, 2016, 09:11:56 am »
I know it's not. Kung sa ibang tao siguro mangyari ok lang sa akin. Kaya lang sa nanay ko kaya di ok. And siguro kung alam ko na ok yung guy aside sa age difference, e magiging ok na rin. Pero dahil i know na walanghiya yung lalaking yun kaya i will do everything na malayo nanay ko sa kanya.

Update:
Sila nga! Found out about it when mom arrived and i saw their conversation sa fb messenger. Di ko na siya kinausap about it. Mom will stay with us for a year so siguro naman, before she gets back, wala na sila. At kung sila pa rin, i swear i will do everything na di na sila magkita pagbalik nya. *beastmode*

hisana

  • Guest
Re: Mom's landian in FB with a guy the same age as her daughter
« Reply #19 on: September 06, 2016, 09:29:18 am »
I don't really believe in "age is just a number". Sa age mo makikita somehow kung ano ang level of maturity, life experiences, expectations, goals in life, etc. I honestly think that a 20-year-old has little in common with a 60-year-old when it comes to what they ideally want in a marriage/romantic relationship. Sure, financial or practical connection knows no "age", but what about emotional? And in the case I was talking about, the physical/sexual and intellectual connection? (though ewan ko lang din pala sa sexual kung ano pa sex drive ng 60-year-old men compared to the younger ones). May disparity eh. I can tell because I've seen them together. It's really off.

Just my 2 cents.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close