watch now

Author Topic: Not yet pregnant? How to handle pressure.  (Read 5235 times)

HMisabelle

  • Guest
Not yet pregnant? How to handle pressure.
« on: June 22, 2016, 03:38:33 pm »
TTC or not but you're already at the right age and the society's relentless pressure on you to have kids is becoming overwhelming. So how will you deal with this?

After getting married for quite some time and the biggest blessing hasn't arrived yet...
Or after getting married and it is still not in your plans yet...
Or you are past what others perceive to be the best marrying age...
Or your batch mates and friends are tying the knot or are all getting pregnant...
Or you are in your mid 30's or older...
Or you are to focused on your career or on some other things...

BUT almost all people around you keep on asking about your plans of having kids.

"Wala pa ba?"
"Ang tagal naman."
"Bilisan nyo/mo. Baka maunahan ka pa ni ganito."
"Mag-baby ka na!"

Post away, mga sis!

Chubbynezz

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #1 on: June 22, 2016, 03:55:05 pm »
Hi sis! I feel you, ganyang gayan din ang naririnig ko from my family and friends kaya nga most of the time inde ako sumasama kapag may reunion hehe just to avoid it. Iniisip ko nalang yung ibang mga sis naten dito na dumaan din sa ganto pero eventually nagkababy din. I know darating din tayo dyan, just keep on praying kang sis and stay positive. In gods time bibigay nya din saten yun sis 😃

MissEi

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #2 on: June 22, 2016, 05:40:39 pm »
Share ko yung sa akin :D

3years BF/GF, 3years Live-In before we're getting married. Last May 15 we celebrated our 1st wedding anniversary ;D ;D Sa 3 years na magkasama kami 2 years jan TTC na kami until now so almost 4 years na kaming TTC. Pressured na kami lalo na sa part ko kasi 30 na ako and si hubby may plan kasi mag OFW. Alam mo yung pressured kana tapos may mga taong nagsasabi pa na bilisan namin. Helow! wala ba kaming ginagawa? hindi kasi nila alam ang nararamdaman ng katulad ko (natinng mga TTC) e sila anakin sila. minsan nakakabuwisit ang sarap nila murahin >:( pero sabi ko sa sarili ko at sa hubby ko na si God lang naman talaga ang nakakaalam kaya wala kaming dapat ipag-alala. meron pang iba sinasabi na baka transgender daw ako >:( nakakaloka! hindi lang mabuntis transgender na?! sarap ihampas ang matris ko sa kanila. haaaay.. ang hirap kaya pag dumadating yung period mo nagiging best actress ako. kulang na lang bigyan ako ng trophy. haaaay. basta ang alam ko ibibigay ni God sa tamang panahon.

HMisabelle

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #3 on: June 22, 2016, 06:11:26 pm »
thanks, sis MissEi, for sharing your story. I am on the same boat. Though 1.5 years pa lang kaming trying, di maiiwasan na ma-pressure lalo na't I'm turning 30 na this year. pareho tayo na mega iyak every time af arrives. some people kasi around us are so insensitive na akala nila since madali lang for most, e madali na para sa lahat. pero grabe lang yung i-judge ka pa nila. tama ka sis, si God lang nakakaalam and when that time comes, it will be worth the wait. baby dust, sis!

mommynin8

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #4 on: June 22, 2016, 07:18:42 pm »
i was on the same boat for 10 years.  adyan yung dapat daw alisin yung p@nty bago, or dapat daw ganito o ganyan...  masakit lalo na pag pinagdududahan yung asawa mo (baka naman bading yung asawa mo... as if naman pag bading e hindi sya makakabuo).   maraming super insensitive pero somehow nakahanap kami ng comeback sa kanila. 

hindi ba kayo nagmamadali, tignan nyo sina x, pangalawa na - ay, nasundan na naman ba?  parang kelan lang me balak silang magbyahe papunta y ah.  so paano yun, kelan nila yun gagawin?

bakit wala pa kayong anak - bakit gusto na nyo kami magka anak?

hindi pa ba kayo naiinip - ay, hindi namin alam na dapat sabay tayo

and so forth and so on.  hindi na namin pinapatos yung mga activities na sigurado me mga babies para alis stress na din.  dasal na lang kami lagi.

HMisabelle

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #5 on: June 22, 2016, 09:18:07 pm »
^ang galing nyo sis mommynin8. Supalpal sila nyan. Haha. Kami kasi sa pulit ulit nilang pagtatanong, smile na lang nasasagot namin. Haay! Tas masakit nga yung pati hubby mo, i-judge nila. 😰

mommynin8

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #6 on: June 29, 2016, 10:14:05 am »
^sorry ngayon lang ako nakasagot...

sa totoo lang kasi, wala naman tayo magagawa kung hindi maghintay e.  yun iba nga lang, mas matagal yung paghihintay na ginagawa nila.  lahat din yan, may ginagawa para matupad yung pagbe baby - ke nag papahinga and nag iipon for their babies, or tina-try lahat ng paraan.   darating yung babies nyo, kung keep believing that.

HMisabelle

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #7 on: June 29, 2016, 11:10:50 am »
^yes, sis. di dapat susuko. maging matiyaga lang sa paghihintay.

MissEi

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #8 on: June 29, 2016, 11:28:30 am »
True sis mommynin8 ;D madami din ako kakilala na matagal din bago dumating ang baby nila meron almost 4 years. meron din 2 years at may mas matagal pa. yung iba nga halos matanggap na nila na hindi na dadating pero napa cute ng tadhana ;D kung kelan di mo na inaasahan saka sya dumadating. ;D keep the faith ;)

mommynin8

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #9 on: June 29, 2016, 04:42:23 pm »
^as I've said, ako 10 years.  I had a long wait, pero I have him na... and believe me, really worth the wait.

MissEi

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #10 on: June 29, 2016, 05:42:40 pm »
^Mahilig magsurprise talaga si God ano ;D pero worth it ;D ;D thanks sis for sharing *virtual hug ;)

HMisabelle

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #11 on: June 30, 2016, 01:11:32 pm »
^agree, sis chocochips1! dapat talaga i-enjoy yung TTC process.

chamism

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #12 on: October 10, 2016, 09:37:21 pm »
Kami rin ni hubby madalas maka encounter ng mga ganyang tanong, lalo nung after ectopic pregnancy namin. Kelan ba kayo mag t try ulit? Sagot ko na lang lagi dyan, "Ay, mamayang gabi po! Agad agad!" sabay tawa at smile :D

twinbee

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #13 on: October 10, 2016, 11:15:09 pm »
turning 10 yrs na ako, no kid yet.. ayos na ayos lang ako..
never akong naging sensitive sa ganyang issue..
sabi ko, kanya kanya tayong fate, kung wala thankful, kung meron bongang thankful
wag ipilit ang kung di naman naayon.. and beside, tamad na tamad ako pumila, at maghintay ng matagal sa OB..

maiba lang, naoffend ako sa nagcirculate na memes about Agot as being baog..
mahirap pinagdadaanan ng TTC di ba? and besides, di nya ginusto yun.. di rin nya kasalanan kung iwan sya ng husband nya bec of that..

mommynin8

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #14 on: October 11, 2016, 05:41:12 am »
^nakakasabay ko si Agot dati sa clinic ng Infertility doctor ko, kay Dr Manalo, circa 2004-2005.  Sabi ng doctor ko, nung chineck nya si Agot, ok lahat.  Kaso, nung yung ex-hubby nya yung gustong matignan bakit wala pang anak, ayaw daw nung lalaki.  E yun nga yung kailangang I check both para maayos.  Hindi na kasalanan ni Agot yun kung hindi sila nagkaanak, yung ex-hubby na nya yun.

MissEi

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #15 on: October 11, 2016, 09:31:02 am »
masakit kaya sabihan na "baog" buti na lang wala pa nakakapagsabi sa akin nyan kundi mamumura ko talaga ;D ;D

maukris

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #16 on: October 11, 2016, 03:11:29 pm »
kami hubby married for 1yr plang, and TTC for 8 months since ayun plang yung time na magkasama kami,
simula nung kinasal kami may nagtatanogn na if pregnant, ang sagot ko, wala po asawa ko, pano ako mabubuntis?

tapos nung magkasama na kami, lagging tanong both sides of our family,tapos saabihin yung kasabay mo ikasal meron na, or si ganito nauna pa kayo ikasal, or sabihan galingan nyo kasi. hello naman
minsan pigil na lang sa sarili na wag maging affected pero ang hirap

mrsonthego

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #17 on: October 11, 2016, 03:22:40 pm »
just smile then change the topic, you dont owe them an explanation,  ;D

for ten years natutunan ko na ring i ignore ang issue na yan, though minsan mahirap pa din :D

yannuh

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #18 on: October 11, 2016, 04:39:16 pm »
^tama sis. Ignore na lang.

Kami din 1 year and 1 month tomorrow. actively trying pero di pa talaga nakabisita sa OB. Lahat ng friends at relatives, kahit family nagtatanong if preggo na daw ako. Napapangiti lang kami pero deep inside syempre nahuhurt din. God knows gaano namin gusto magkababy. Tipong every mens ko umiiyak ako ke hubby. Haiii ang hirap pero kakayanin!! Si God pa, alam naming di nya kami papabayaan!:)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Not yet pregnant? How to handle pressure.
« Reply #19 on: October 11, 2016, 07:18:37 pm »
Kami din ttc pero nag stop muna kami ngayon kasi stress na kami pareho. Isip na lang muna namin ngayon kung darating darating. Ganyan din naririnig ko sa mga friends. Buti sa ibang bansa kami nakatira kaya hindi ko na masyadong pinapansin mga comments nila. May iba pa nga na wala pa nga kami anak sila pa nagsasabi kung ilan dapat ianak namin. Grabe sila ba ang bubuhay sa mga bata kung sakali.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close