watch now

Author Topic: Is it true?  (Read 2229 times)

miss resilient

  • Guest
Is it true?
« on: June 05, 2016, 11:42:59 pm »
I heard a song (opm rock actually) that says "masakit tanggapin ang katotohanan, pag wala kang pera..wala ka ring kaibigan!"

is it true at all? kasi sa office namin ganoon eh pag mahilig ka manlibre ng starbucks, mc do at ng kung ano pa. Pag mahilig ka magtreat, marami kang friends...kaya kung minsan ayoko makipagkaibigan sa office namen. ;D
« Last Edit: June 07, 2016, 01:55:27 am by miss resilient »

amethyst028

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #1 on: June 05, 2016, 11:56:34 pm »
^well pag sumasama lang sila kasi nanlilibre ka then they are not your true friends.

i have a friend na nagka bf ng mayaman everytime we would get together she would pay for our dinner. since then my friends started expecting that she would pay. i was the second financially ok sa barkada namin and they are now expecting na manlilibre din ako. medyo nakakainis kasi parang na spoil sila nung isa kong friend. and ako parang ang bad ko or super kunat kasi ayaw ko sila i-libre. now pag nag aaya hindi ako sumasama kasi i don't like to feel na kailangan ko bayaran ang mga kinain nila.


miss resilient

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #2 on: June 06, 2016, 12:11:26 am »
^well may pakinabang rin naman sila kahit konti gaya ng pag may request ako nabibigay agad dahil may nakukuha sila sa akin lols! thanks for the input by the way  :)

siyanga pala ..naalala ko diyan sa sitwasyon mo yung friend ko na pinaka madatung sa team namin before. aba andaming friendly sa kanya kasi mahilig mag pa starbucks itong friend ko. pag ganon sinasabihan ko na siya na magiingat siya sa mga lumalapit sa kanya kasi sikat siya sa team dahil pag siya ang kasama laging siya ang taya. minsan nahihiya na akong kasama siya dahil lagi niyang sasabihin "kumain na tayo para pag uwi mo matutulog ka na lang". ayoko rin kase siya i take advantage kasi ayokong isipin niya na kinakaibigan ko siya because of her money.

sa ngayon ..ninang din siya ng aking unico hijo.




kvandenhaak

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #3 on: June 06, 2016, 10:05:34 pm »
Maybe but why would I want to be friends who are freeloaders? Ako ang talo.

miss resilient

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #4 on: June 07, 2016, 01:56:17 am »
may mga tao kasi sa work namin na paniniwalain ka nila na friends mo sila ..maasahan mo sila work..pero may hinihingi naman palang kapalit..hahaha! ;D

IamMarieLove

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #5 on: June 07, 2016, 12:47:43 pm »
Naku mga sis that's very common. I also had a workmate before and he was super galante. Halos araw-araw kung manglibre and every pay day wagas na wagas. The sad part, later we found out na marami siyang utang kasi sobrang galante niya and yong tipong pa impress kaya laging nanlilibre.

On my part naman, ayaw ko ng nililibre kasi sa isip ko pag ako nilibre nito dapat din ako manlibre in return. Hindi naman sa napaka frugal ko, wise spender lang talaga ako and yong hati sa bill works for me. Every time I go out with friends, pinag-uusapan namin if may manlilibre or if hati-hati sa bill. Mostly naghahati kami sa bill. Mas ok and walang issues.

miss resilient

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #6 on: June 07, 2016, 01:28:22 pm »
Exactly yan ang ginagawa ng iba. Nagpapasikat panay ang libre kahit pa butas na pala ang bulsa.

Mas madali kasing makilala ang isang tao kung generous..subok na yan. Sa highschool batch namin pasikatan. Sinasagot nila ang expenses pag reunions. Ayun marami siya ka facebook kasi nga siguro ang feeling ng mga batchmates namin maambunan sila ng biyaya from time to time.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #7 on: June 07, 2016, 01:50:51 pm »
Kaya siguro dumadami ang fake and user friends kasi marami rin ang nageencourage. And siguro maraming FB friends pero hindi naman lahat sa friends list mo kaibigang totoo. Ako I only have few friends but at least I know they are true friends. Aanhin ko ba ang maraming friends kung lahat mang-gagamit lang naman.

miss resilient

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #8 on: June 08, 2016, 01:11:13 am »
^that's the right word..User-Friendly.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #9 on: June 08, 2016, 09:21:26 am »
Yeah, I think sis mas mahaharap ko pa ang plastic friend compared sa isang user-friendly na tao.

red_yesha

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #10 on: June 08, 2016, 09:55:31 am »
"masakit tanggapin ang katotohanan, pag wala kang pera..wala ka ring kaibigan!"
nakakaloka naman ang linyang yan. hahaha!
Hindi ako mahilig manlibre at hindi ako mahilig magpalibre para tabla lang. Mahirap lang ako at mahirap din ang mga kaibigan ko, tanggap namin sa isa't isa na walang manlilibre samin hahaha!
sa tuwing nag aouting kaming magkakaibigan ambagan din kami  :)

IamMarieLove

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #11 on: June 08, 2016, 11:08:07 am »
^Yes sis may nangyayari talaga na ganyan. I think hindi rin naman importante kung mayaman o mahirap ang mga kaibigan as long as naiintindihan ng bawat isa ang mga kaya at hindi kaya ng kaibigan. Average lang ako hindi mayaman pero hindi rin naman sobrang hirap and my best friend is rich and Sosyal but every time we hang out, I'm always honest about saying na wala akong pera o hindi kaya ng budget ko ang restaurant na gusto niyang kainan. Always kaming share sa bill and nanglilibre lang kapag may birthday or occasion. Ganyan kami kaya siguro na.maintain namin yong magandang friendship for 15 years and still counting.

j.adore

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #12 on: June 08, 2016, 01:03:19 pm »
Hate ko yung mga nagpapalibre. Every time someone jokes in the hopes that I will, I ask why. They'll notice I'm not that type of person so they don't ever ask again.

However, pag deserving o may occasion, I do treat them with food or small gifts.
Sometimes when we're stressed out and I can see super working sila, I buy coffee for all of us.

I know one person who is rich and very generous sa lahat. People keep asking him libre and he would oblige. He's popular na nanglilibre but I don't know if true friends niya mga yun. They seem close but he hasn't experienced any trouble to test his friendships.

Sa mga friends ko naman, we have unwritten rule na share lagi. If there's an occasion or something to celebrate, someone volunteers. May time din na "gantihan" someone paid for everything sa first establishment. I volunteered sa next. The other naman sa next. It was all in one night kasi. Nahihiya kami malibre without occasion.
And these are rich friends of mine.. All of us earning on our own.

So end of the day, just be true to yourself and you'll meet people who will love you for who you are.

miss resilient

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #13 on: June 08, 2016, 01:29:53 pm »
naku sa work namin ganyang feeling niya obligado ka na ilibre siya at pagkagastusan mo. iniiwasan ko na nga ngayon kasi yung ibang new hires na wawarningan na wag magdidikit sa kanya dahil notorious sa pagiging freeloader. one time sinama ko siya hindi siya nahiya kung ano ang gusto niya yun ang papalibre niya kahit pa mas mahal ang order niya kesa sa yo. :P

@red yesha - kasi nga kaya lang siya may kaibigan pag may pera di siya makasama sa gimik ng barkada pag wala... :D

IamMarieLove

  • Guest
Re: Is it true?
« Reply #14 on: June 08, 2016, 04:20:11 pm »
@J.adore same thing happened sa father ko sis. He had a lot of friends and before when we still had our business sobrang galante niya kasi nga wala siyang other expenses yong salary niya sa kanya lang kasi the profit of our business was more than enough. Time came, nag close down yong business namin and talagang naging financially challenged kami and yeah 2 out 10 lang yata sa friends niya ang dumamay sa amin. I remember my mother saying na yong friends ng father ko anjan lang pag may kaya siyang ibigay pero kasabay ng pagkawala ng material na bagay ay ang pagkawala ng fake friends niya.

Since then I became picky with friends. Pinipili ko talaga mga kaibigan ko, hindi naman sa hindi ako open at friendly it's just that I think I'm wiser in choosing my friends na. Konti lang yong friends ko pero masasabi ko talaga na ok silang kaibigan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close