watch now

Author Topic: Understanding a Friend  (Read 1080 times)

miss resilient

  • Guest
Understanding a Friend
« on: June 05, 2016, 03:21:39 pm »
I have a friend na kaibigan ko na since childhood or elementary days. Our families are friends too.

Nung mga bata kami hanggang magdalaga kame so to say napakaideal ng mga bagay bagay for us. Mag aaral kame magtatapos ng college, magwowork , magkaka family and di kame gagawa ng bagay na kahiya hiya or magcause ng shame sa famlies namin.

Then noong college ako siyempre naging busy sa aral siya naman nagwork sayang kase isang taon na lang and nagkaroon siya ng boyfriend or sabihin na natin na serious relationship. mas naging busy siya doon and nakeep naman nila yung relationship nila ng matagal. However, yung relationship na yun nagcause sa kanya ng too much stress pumayat siya and nanotice rin ng mother ko. Minsan pupunta siya sa bahay para lang umiyak ng umiyak tapos di magsasalita. To make the long story short di rin sila nagend up together ng boyfriend niya.

Then came another guy...wala pang isang taon ng magbreak sila ng first boyfie nia. Sad to say, married yung new guy. Siyempre di ako umayon. Lahat na yata ng masasakit na bagay sinabi ko sa kanya just to stop her kahibangan. Pero matigas ulo niya nakisama doon sa guy di sila nasiyahan na maging magboyfriend lang. I sent her a text message na ibang number ang gamit cursing her and everything pero she asked "friend alam ko ikaw yan".

Nagisip ako ng mabuti kung kakaibiganin ko pa ito or i dump kasi di naman nakikinig. Months passed nasalubong ko siya sa daan with her partner binati ko naman siya. Di na namin pinagusapan ang mga bagay bagay basta nagreconcile na lang kami. In short inunawa ko siya kahit di ko gusto yung ginawa ko siya.

Years passed, biglang di siya nagcommunicate sa akin at yung fb niya parang nawala sa eksena si boylet. Siyempre nagtanong ako. Yun pala naghiwalay na naman sila after almost 10 years of relationship. At ito meron na naman siyang bago na nakilala sa chat room. di na ko nakapagpigil sabi ko di mo ba talaga kayang mabuhay nang walang lalaking kasama?

But then again, nagisip na naman ako...ano ba naman klaseng kaibigan ito di nadadala. Pero naisip ko rin siya naman ang nasisira hindi ako. Ang tangi ko lang magagawa is to accept her for every decision she make at iassure siya na kaibigan pa rin ako kahit ano pa ang mangyari or choice niya sa buhay.

I realized na ganoon pala ang friendship. Di lang dahil magkasundo kayo sa lahat ng bagay. Kundi acceptance and understanding sa desisyon ng bawat isa. At iyong andiyan pa rin kahit di na kayo nagkakasama ng madalas dahil pareho na kayong may kanya kanyang buhay. When i was younger kasi malaki ang expectation ko about friendship. Pero di pala ganon.

In the Bible..friendship defined as "A friend loves at ALL TIMES. And a brother/sister in times of adversity" Proverbs 17:17.

Kahit di marami ang kaibigan ko..naaappreciate ko pa rin ang kaunti pero mga tunay at subok nang kaibigan. Sa ngayon, ninang siya ng aking unico hijo... ;)

j.adore

  • Guest
Re: Understanding a Friend
« Reply #1 on: June 05, 2016, 05:54:20 pm »
Friendship, like any relationship, is a two-way street. You help them become better people and they help you in turn. It's growing together to be better versions of yourselves.
Otherwise, it is not a good relationship to cultivate and even include your loved ones in.

miss resilient

  • Guest
Re: Understanding a Friend
« Reply #2 on: June 05, 2016, 10:59:01 pm »
^thanks for the input.

and when misunderstanding comes in, we should cut our pride..not the relationship

 

Latest Stories

Load More Stories
Close