watch now

Author Topic: Masakit sa ulong officemate  (Read 7994 times)

ember_sky

  • Guest
Masakit sa ulong officemate
« on: June 02, 2016, 03:36:46 pm »
Hi! Need help! Hindi ko na alam gagawin ko sa officemate kong eto.
Ginawa kasi akong sub-lead para sa project. Etong si officemate, lagi nalang nagrereklamo sa schedule. Ayaw na ayaw niyang madaming ginagawa, eh puro chat lang naman siya. Tapos, wala pang matinong output. May 5x ko na ata siyang kinukulit na magsubmit ng output.
Etong officemate na to, malakas sumipsip kay boss. Parang kahit yung leader namin takot sa kanya. Para bang awayin mo na lahat wag lang siya.
Di ko na alam gagawin sa kanya. Di bale sana kung magaling siya eh. Kaso hindi. Tsismis lang ginagawa niya. Tapos ang lakas lakas niya pa magreklamo na tipong ikaw pa yun lalabas na mali.
help! :'(

thea_girl

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #1 on: June 17, 2016, 01:39:53 pm »
You have to adjust sis, hindi natin mapipili ang mga tao na makakasama natin sa work. kanya-kanyang dilemma din pagdating sa work, kaya I envy those people na masaya sa work and having a good boss, yung tipong hindi ka ilalaglag or someone who will support you sa lahat esp. at work. Just do your job lang and try mo rin baka naman kaya pa mag work out nung working relationship mo with that officemate.
« Last Edit: June 17, 2016, 01:41:24 pm by thea_girl »

huggykaye

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #2 on: June 17, 2016, 01:57:14 pm »
naku sis wag mong papatulan yung ganyan, idaan natin sa performance review na lang, dun ka bumawi haha =) kahit saan may mga ganyang co-worker :) huwag kang mag-expect na magbabago yan, ikaw ang mas umintindi sis :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #3 on: July 19, 2016, 07:21:07 am »
Yan mga reklamo ng empleyado na madalas ko marinig at eto rebuttals ko sa kanila.

Hay daming trabaho- [textspeak!] pagwala kang ggwin palagay mo kailangan ka pa ba sa trabaho mo. Malamang sibakin ka na

Kups naman ang boss and colleagues- baka naman ikaw tlg ang kups, tingin-tingin ka muna sa sarili mo sa salamin. Hindi laging boss or workmates mo ang kups, mdalas ayaw mo lang tingnan ang mali mo

OT naman ng OT- di naman libre pagnag-OT, may bayad naman. Try to look at the brighter side kc na at the end of the day additional income un. Di naman araw-araw need mag-OT, maski makatulong lang na mabawasan ang work. Di mo naman mapapabayaan pamilya mo sa once or 2x a week na OT. Or khit minsan sa isang buwan masabi lang na nakatulong ka. Kung ipipilit mo na family priority mo ay teh at koyah magresign ka na, padedehin mo na lang asawa mo. Daming [textspeak!] pumalit sayo.
==================================
I had that kind of officemate buti na lang nasibak na siya. Ganyan din na ang friends niya is from sup to director level, as in chummy-chummy and nakikisabay sa car ng boss pauwi kaya medyo off din kami nung una na patulan. Pero later on we realized na wala na siya sa katwiran. We collected some evidence kung anong ginagawa niyang kabulastugan sa work so yun nung alam namin na we have enough evidence na inilapit na namin sa boss. Ang sakit lang kasi na lahat kami naghihirap sa trabaho tapos kasali siya sa credits ang masaklap pa magpapabibo na siya ang may malaking hirap at pagod samantalang all she did bumaba for yosi breaks and mamasyal sa ibang department.



Kailarueluka

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #4 on: July 19, 2016, 08:28:16 am »
naku sis, office politics ingat ka!
hindi ba pwede na pumili ka ng mga ka member mo? syempre dapat may perks ang pagiging sublead diba? kung hindi nya ma meet ang deadline nya i escalate mo agad sa management para kung magkagipitan masasabi mo na "hello hini highlight ko nga sa inyo na hindi team player itong si office mate ko pero deadma kayo so now suffer the consequence. hehe"
or wag mo n lang syang bigyan ng task, hayaan mo syang mag mukhang tamad at satsat [textspeak!] ang ginagawa.
dont worry theres a reason why they chose you as a sublead not her. goodluck at habaan mo pa ang pasensya mo. remember to put everything in mail para black and white at may proof ka in case magkagipitan!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #5 on: July 19, 2016, 08:44:47 am »
I agree, as long as you have enough evidence to prove na hindi siya teamplayer then that's ok kahit pa close siya sa boss. I'm not sure kung paano kalakaran sa inyo pero sa amin we can issue an incident report kahit same position pa kami or mas mataas pa position nila sa amin. Someone from the higher-ups will try to fix the issue but if we are not happy with the decision then we can forward it to HR.

IamMarieLove

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #6 on: July 19, 2016, 10:14:45 am »
Super agree ako. Ang hirap makatrabaho ang sobrang sipsip sa boss. Baka kaya malakas loob niya sumuway kasi alam niyang close sila  ng boss niyo sis.

twinxz

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #7 on: January 03, 2017, 05:06:06 pm »
Baliktad naman tayo TS. Naging staff ko yung friend ko na nirefer ko sa work. Magaling sya sa work, okay. Ang kaso lumaki ulo. Nagkaroon ng sense of entitlement. Before pa mapunta sakin sinusukuan na ng mga manager. Now, sya lang ang pasaway sa team. Tipong simple instruction lang to advise ako if mag OT sya di nya ginagawa. Ang tanda tanda na pero napaka-immature mag isip. Binabalik ko na dun sa manager na humawak sa kanya kaso ayaw na din. Ano ba itooooo :(
Juskolord kayo ng bahala sa taong to.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #8 on: January 05, 2017, 07:03:54 am »
Ako din may officemate na masakit sa ulo sana magresign na lang sila. Daming reklamo pero mga kapit-tuko naman sa trabaho. Hindi nila mahalin trabaho nila, kung tutuusin maganda naman palakad sa company namin.

ember_sky

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #9 on: January 05, 2017, 10:29:43 am »
nakakainis lang yung wala kang laban sa kanila kasi mas pinapaboran sila ng boss kasi napaka sipsip.. ngayon ginawa na ring sub-lead . di naman siya deserving  :(

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #10 on: January 05, 2017, 02:08:34 pm »
^lol pulitika nga naman 😅

twinxz

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #11 on: January 05, 2017, 06:51:27 pm »
Ako din may officemate na masakit sa ulo sana magresign na lang sila. Daming reklamo pero mga kapit-tuko naman sa trabaho. Hindi nila mahalin trabaho nila, kung tutuusin maganda naman palakad sa company namin.

malala dito sa staff/friend ko sis, magreresign daw..jusme tagal haaaaa! LOLOLOL!

sarsingkit

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #12 on: January 06, 2017, 12:12:54 am »
I thought I'd always choose character over skill until I have met someone na sobrang hirap turuan. Mabait sya na officemate as in pero sobrang hirap turuan. Ultimo, formula ng addition sa excel (dalawang cells lang and I-aadd), kailangan ko ituro ng paulit ulit at half a day nya ata finigure out yun. Naaawa na din ako ng konti kasi alam ko naman na nafufrustrate din sya. Pero medyo nauubos na yung pasensya ko. Any new information na ituro ko, parang nakakalimutan nya na yung napag aralan nya from the day before. Wala akong mapagsabihan ng anyone at the offce kasi sobrang bait nitong tao na. Sa asawa ko lang ako nakakapagvent kaya sorry nagvevent lang din ako dito.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #13 on: January 06, 2017, 12:54:43 am »
^^sis baka tinatamad gumawa ng resignation letter, mag-offer ka na ikaw na gagawa para sa kanya

^mahirap ng maghanap ngayon ng teamplayer and at the same time may skills din at adaptable sa changes. Pagna-hire sila ng company parang yung company pa may utang na loob sa kanila kasi na-hire sila. Ayaw ko ng rant ng rant about sa working environment tapos di naman makapag-resign

yannuh

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #14 on: January 06, 2017, 06:40:48 am »
I thought I'd always choose character over skill until I have met someone na sobrang hirap turuan. Mabait sya na officemate as in pero sobrang hirap turuan. Ultimo, formula ng addition sa excel (dalawang cells lang and I-aadd), kailangan ko ituro ng paulit ulit at half a day nya ata finigure out yun. Naaawa na din ako ng konti kasi alam ko naman na nafufrustrate din sya. Pero medyo nauubos na yung pasensya ko. Any new information na ituro ko, parang nakakalimutan nya na yung napag aralan nya from the day before. Wala akong mapagsabihan ng anyone at the offce kasi sobrang bait nitong tao na. Sa asawa ko lang ako nakakapagvent kaya sorry nagvevent lang din ako dito.

sis sa excel ako nakaharap 8 hrs/a day. pag medyo komplikado na yung formula, mahirap talaga matandaan lahat. suggestion ko lang sis, try mo sya papanoorin ng mga youtube videos sa excel tapos yung mga training materials din online,try mo pasagutan sa kanya kahit pag weekend. matututo din sya in time :) more patience pa sis.

twinxz

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #15 on: January 06, 2017, 02:23:56 pm »
^^sis baka tinatamad gumawa ng resignation letter, mag-offer ka na ikaw na gagawa para sa kanya

thanks for the idea sis hahahaha :D

^mahirap ng maghanap ngayon ng teamplayer and at the same time may skills din at adaptable sa changes. Pagna-hire sila ng company parang yung company pa may utang na loob sa kanila kasi na-hire sila. Ayaw ko ng rant ng rant about sa working environment tapos di naman makapag-resign

i remember the viral FB post regarding millenials. have you seen it ladies? ang haba nun pero may point si sir.

twinxz

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #16 on: January 06, 2017, 02:28:17 pm »
@sarsingkit
may ganyan din akong staff sis. yun naman tamad mag notes. tipong nakuha nya na today, bukas limot na then paulit ulit din ang tanong. hehe! wala akong magawa after 3 months ng turuan, nilipat ko sa ibang team, di nya kinaya, nag-AWOL :( may edad na rin kaya hirap na makipagsabayan sa multi-tasking.

if bata pa yan sis, more patience pa. Ask him/her to write down everything na bago sa kanya para di sya tanung ng tanong sayo.

Good luck sating lahat!

sarsingkit

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #17 on: January 06, 2017, 11:27:27 pm »
Actually may edad na ng konti kaya naiintidihan ko naman kung bakit medyo slow learner na sya when it comes to technology. Gusto ko sana sya bigyan ng MS office na book kaso iniisip ko pa if baka ma-offend sya. Or naisip ko I donate ko na lang yung book sa department namin for everyone's use kunwari. '

I have already crafted a manual on how to do reports. For example, "copy the first tab from the current file and paste to a new book and use this as template..." sa kanya, kailangan ko pa talaga ituro kung paano icopy, paano ipaste, ano ang tab, etc... Actually, naiinis ako sa manager namin kasi bakit sa kanya binigay ang work, obvious naman na wala syang skill set para sa ganito. Kasi with this work, dapat given na yung excel knowledge mo kasi yung analysis ng data ang importante. Hindi kami maka move on sa mismong topic kasi kailangan ko pa magturo ng excel or any computer application in general. Oh well, such is life.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #18 on: January 07, 2017, 12:38:04 am »
@twinx gusto kong mabasa yang fb post na sinasabi mo sis, try ko nga hanapin

@sarsingkit sis advise her to watch youtube video, ako kasi visual learner e saka tamad ako magbasa ng manual haha. Di ko din gaano naiintindihan kung magre-rely lang sa manual unless may mga screenshots na pwede ko i-follow.

twinxz

  • Guest
Re: Masakit sa ulong officemate
« Reply #19 on: January 11, 2017, 01:36:26 pm »
^na-watch mo na sis? di ko pa natatapos yun kasi mahaba. I recommend it to HRs and Managers/Supervisors kasi mas ma-gauge nila yung mga tao na ma-hire or ma-under sa kanila. Reason behind sa "winner" attitude nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close