Author Topic: Duda pa rin ako kay hubby  (Read 4284 times)

Queenly

  • Guest
Duda pa rin ako kay hubby
« on: June 02, 2016, 10:31:17 am »
Nagstart siya ng pag gawa ng accounts last 2011 nun nag abroad siya. nalaman ko lang yung panloloko niya last December 2015. grabe halos grabe tagal na niya pa pala ko niloloko na nakikipagdate siya sa mga girls na nakilala niya online. Nalaman ko to nun nabuksan ko email niya, ang dami niyang posts sa isang site na naghahanap siya ng ka-date. Pagkabasa ko ng emails niya ayun nagalit ako tinawagan ko siya nun una ayaw umamin pero in the end napaamin ko rin. Ang dahilan niya kaya nagawa niya yun kasi magkalayo kami at namimiss niya ako. pero tama ba yun hanapin ba ko sa iba? wala naman siyang nakarelasyon, puro date lang. Hindi ko lang alam kung meron nangyari sa kanila ng mga naka date niya. sobrang sakit.

Ngayon nakikita ko naman ang pagbabago niya mas naging sweet siya at sobrang bait. Infairness naman kahit kailan naman, di ko naramandaman na nagkulang siya samin ng anak ko. Sa sobrang tiwala ko sa kanya na di niya ko lolokohin, hindi ko alam kung maniniwala pa ko sa kanya na magbabago siya. Dami ko kasi nababasa na sa una lang magbabago and sa bandang huli ayan na naman gagawa na naman ng kalokohan.

Naisip ko na pag may nalaman pa ko ayaw ko na makipagbalikan sa kanya. Hanggang ngayon naghahalungkat pa rin ako baka meron pa kong makita na signs or ebidensya na nagloloko siya. Di ko siya titigilan. Nakakalungkot lang lagi na kong magiging ganito sa kanya laging nagdududa.

Eto ako ngayon laging nagpapaganda at nagworkout talaga ako para mas maging maganda sa paningin niya at hindi na tumingin pa sa iba. Di ako mataba, nagpapayat talaga ako para sa kanya. Mas minahal ko sarili ko ngayon, sabi ko sa kanya ready ako makipaghiwalay sa kanya anytime dahil sigurado ako na makakahanap pa ng iba. Di ko talaga matanggap na nagawa niya yun sakin :( kala ko iba siya sa lahat..nagkamali ako.

Tama ba na puntahan ko siya sa aborad at isurprise siya, dun ko malalaman kung meron pa siya ginagawa pero naisip ko ang mahal magpunta dun.
« Last Edit: June 02, 2016, 10:47:16 am by Queenly »

hotbabe925

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #1 on: June 02, 2016, 12:07:45 pm »
hi sis queenly,
all signs have shown that he wasn't faithful to you. if you surprise him, what do you think will happen? you have doubts because you don't trust him. are you prepared to really go thru the drama abroad? anong gagawin mo pag nakita mo nga na niloloko ka nya? may tatakbuhan ka ba dun? keep in mind you are not in your turf, you are not familiar with the place and people will take advantage of you knowing that you are emotional.

ok lang ba na heartbroken ka na, gagastos ka pa para lang makita mo in person na niloloko ka? love without trust will still not make a relationship work. if your objective to surprise him is to find fault then i would discourage to go.

suggestion ko lang po... if you surprise him use it to show him you will make an effort to make things work. who knows that maybe the way for him to realize that if he is indeed lonely ikaw ang hanapin nya at hindi ang ibang makadate nya abroad.

three8one

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #2 on: June 02, 2016, 01:52:25 pm »
thanks sa pag share mo ng story TS.

eh TS kung nagbigay ka na din lang ng second chance sa asawa mo, Itodo mo na. hayaan mo patunayan nya na nagbago na sya. para kasing lumalabas sa ginagawa mong paghahanap pa sa kanya ng mga maling gawa nya eh hindi ka naman talaga nagbigay ng second chance bagkus ginamit mo lang yung dahilan para magkaron ka ng dahilan na mahiwalayan ang asawa mo.. ang isang taong ang priority talaga nya eh buo ang pamilya hinding hindi yan magkakaron ng option na makipag hiwalay. imbes mag focus ka sa kahahanap ng mga kasiraan ng asawa mo ituon mo ang pansin mo sa mga mabubuting Gawain nya para maalis ang doubt mo. pero bago mo gawin yun kausapin mo ng masinsinan asawa mo para maging maayos ang lahat.

Girltalker2

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #3 on: June 02, 2016, 06:23:31 pm »
Naisip ko na pag may nalaman pa ko ayaw ko na makipagbalikan sa kanya. Hanggang ngayon naghahalungkat pa rin ako baka meron pa kong makita na signs or ebidensya na nagloloko siya. Di ko siya titigilan. Nakakalungkot lang lagi na kong magiging ganito sa kanya laging nagdududa.


This is the sad truth. Once nagloko ang asawa, there's always a tinge of doubt. Kasi parang di mo na sya kilala at nagawa nyang magloko.

Eto ako ngayon laging nagpapaganda at nagworkout talaga ako para mas maging maganda sa paningin niya at hindi na tumingin pa sa iba. Di ako mataba, nagpapayat talaga ako para sa kanya. Mas minahal ko sarili ko ngayon, sabi ko sa kanya ready ako makipaghiwalay sa kanya anytime dahil sigurado ako na makakahanap pa ng iba.


Sometimes challenges talaga like these make us better persons.

Ang question ko lang is, Baka naman puede manirahan nalang kayo together. Either move to where he lives or pauwiin mo sya para naman maayos nyo whatever you need to fix.


Tama ba na puntahan ko siya sa aborad at isurprise siya, dun ko malalaman kung meron pa siya ginagawa pero naisip ko ang mahal magpunta dun.

Para sakin, so long as you can afford it, ok lang. Especially if it is his money :))

Pero sana nga once pupunta ka, sana ready ka ayusin ang pagsasama nyo at Hindi Yung parang pupunta ka sa gyera at ready ka makipaghiwalay.

junetwentythree

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #4 on: June 03, 2016, 07:35:54 am »

Ngayon nakikita ko naman ang pagbabago niya mas naging sweet siya at sobrang bait.



You realize that this might actually be an indication of guilt, right? If this is unusual behavior for him.

I say, if you want to resolve this once and for all, go ahead and make the trip. If you can't, then you'll have to figure something else out. But you can't continue to let him do this to you. Even if he's a good provider to you and your kid.

anapatootiee

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #5 on: June 03, 2016, 09:16:01 am »
Ako kasi talaga pag niloko ka na once, wag mo ng patawarin pa para naman mabago na ting generation natin na merong stigma yung guys na okay lang mambabae kasi sa totoong buhay na pinalakas pa ng mga movies and tv shows, tatanggapin pa rin sila ng babae. Although okay lang naman sakin na maging friends kayo for the sake of your child pero hindi na yung kayo pa rin sa mag-asawa kasi tingnan mo, maya't maya kang nagdududa meaning wala kang peace of mind. I mean, deserve mo namang magkaroon ng mapayapang buhay diba? Kaya para dun sa trip, go lang. Pero mag-settle na kayo if iiwan mo na ba sya or what and gawa na rin kayo ng arrangements para sa anak nyo :)

momentum

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #6 on: June 03, 2016, 09:42:43 am »
Hanging out with my dad lately has given me some insights on a man's point of view. And he has constantly said that men really don't like it kapag pinapababa natin sarili natin in a way na hinahabol habol natin sila or stoop down sa level na aawayin mistress or istalk natin sila kung talagang nagloloko sila. It indicates low self esteem daw and it makes them feel na patay na patay ka sa kanila and hindi mo kaya sila iwan. Well, madali sabihin pero challenge kapag andun ka na sa situation.

If I were in your shoes, although I will have that urge to surprise him too to go there, hindi ko gagawin. I will put a bit of distance..may communication parin of course. Pero I will need some time to reasses myself, kung hanggang san nalang kaya ko itake in case may mareveal nanaman. Keep your eyes open..be sweet parin and be a good wife..but have a back up plan ready should sh!t hit the fan. Are you financially dependent sa kanya? Or you have your own work? Time and time again inaadvice dito na have your own separate money saved lalo na kapag may ganitong issue sa married..kasi you'll never know, one day baka maghiwalay kayo at ayaw mo naman na sa kangkungan ka pupulutin lalo na may anak kayo. Altho challenging, keep your emotions controlled..keep yourself busy by improving yourself more para narin mabawasan yung paranoya sa kanya kasi it will really eat you up.

Good luck sis and always pray for guidance.
Sana maayos pa marriage ninyo but always remember that marriage is a two way street. He has to show and make an effort to fix this mess.

Queenly

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #7 on: June 03, 2016, 10:34:32 am »
hi sis queenly,
all signs have shown that he wasn't faithful to you. if you surprise him, what do you think will happen? you have doubts because you don't trust him. are you prepared to really go thru the drama abroad? anong gagawin mo pag nakita mo nga na niloloko ka nya? may tatakbuhan ka ba dun? keep in mind you are not in your turf, you are not familiar with the place and people will take advantage of you knowing that you are emotional.

ok lang ba na heartbroken ka na, gagastos ka pa para lang makita mo in person na niloloko ka? love without trust will still not make a relationship work. if your objective to surprise him is to find fault then i would discourage to go.

suggestion ko lang po... if you surprise him use it to show him you will make an effort to make things work. who knows that maybe the way for him to realize that if he is indeed lonely ikaw ang hanapin nya at hindi ang ibang makadate nya abroad.
Sis pamilyar na ko dun kasi nakailan punta na rin ako dun. Ok naman na kami ngayon pero di ko lang maiwasan isipin na niloko niya ko at ang tagal na niya pala ginagawa yung pagpopost ng ganun sobrang sakit lang nakakababa ng self esteem. Salamat sis sa payo.

Queenly

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #8 on: June 03, 2016, 10:38:09 am »
thanks sa pag share mo ng story TS.

eh TS kung nagbigay ka na din lang ng second chance sa asawa mo, Itodo mo na. hayaan mo patunayan nya na nagbago na sya. para kasing lumalabas sa ginagawa mong paghahanap pa sa kanya ng mga maling gawa nya eh hindi ka naman talaga nagbigay ng second chance bagkus ginamit mo lang yung dahilan para magkaron ka ng dahilan na mahiwalayan ang asawa mo.. ang isang taong ang priority talaga nya eh buo ang pamilya hinding hindi yan magkakaron ng option na makipag hiwalay. imbes mag focus ka sa kahahanap ng mga kasiraan ng asawa mo ituon mo ang pansin mo sa mga mabubuting Gawain nya para maalis ang doubt mo. pero bago mo gawin yun kausapin mo ng masinsinan asawa mo para maging maayos ang lahat.

Naisip ko kasi pag nakagawa na ng kasalanan or kalokohan ng ganun katagal malamang gagawin uli. Binigyan ko siya ng second chance pero pag inaaway ko siya tungkol dun; nagagalit din cia. Mag move on na daw kami; di na daw niya gagawin yun. Sa buong pagsasama naman namin magkasundo naman kami at never kami nagkaproblema ng malaki; eto lang yung matinding away namin.

Queenly

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #9 on: June 03, 2016, 10:40:22 am »
This is the sad truth. Once nagloko ang asawa, there's always a tinge of doubt. Kasi parang di mo na sya kilala at nagawa nyang magloko.

Sometimes challenges talaga like these make us better persons.

Ang question ko lang is, Baka naman puede manirahan nalang kayo together. Either move to where he lives or pauwiin mo sya para naman maayos nyo whatever you need to fix.


Para sakin, so long as you can afford it, ok lang. Especially if it is his money :))

Pero sana nga once pupunta ka, sana ready ka ayusin ang pagsasama nyo at Hindi Yung parang pupunta ka sa gyera at ready ka makipaghiwalay.

Oo sa kanya yung pera na gagamitin ko 70 percent ng sahod niya pinapadala sakin. Ayaw ko manirahan dun mataas ang cost of living at di namin kakayanin. Gusto ko lang mag random check para malaman kung ginagawa niya pa ba uli un. Pag nagawa ko na yan matatahimik na ko at magmomove on na.

Queenly

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #10 on: June 03, 2016, 10:43:53 am »
Ako kasi talaga pag niloko ka na once, wag mo ng patawarin pa para naman mabago na ting generation natin na merong stigma yung guys na okay lang mambabae kasi sa totoong buhay na pinalakas pa ng mga movies and tv shows, tatanggapin pa rin sila ng babae. Although okay lang naman sakin na maging friends kayo for the sake of your child pero hindi na yung kayo pa rin sa mag-asawa kasi tingnan mo, maya't maya kang nagdududa meaning wala kang peace of mind. I mean, deserve mo namang magkaroon ng mapayapang buhay diba? Kaya para dun sa trip, go lang. Pero mag-settle na kayo if iiwan mo na ba sya or what and gawa na rin kayo ng arrangements para sa anak nyo :)

Tama ka sis yan din ang pananaw ko dati pag nagloko kahit isang beses dapat wag ng bigyan ng chance kasi pwede pa ulitin; pero nun nangyari na sakin ang dali lang sabihin pero mahirap magdecide agad since may anak kami at mahal ko siya. May mga kasama siya sa haus pinoy din halos lahat babaero. Meron dun isa 4 na beses nahuli ng wife pero pinatawad pa rin. Ewan ko ba may mga babae na martir talaga.

Queenly

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #11 on: June 03, 2016, 10:50:29 am »
Hanging out with my dad lately has given me some insights on a man's point of view. And he has constantly said that men really don't like it kapag pinapababa natin sarili natin in a way na hinahabol habol natin sila or stoop down sa level na aawayin mistress or istalk natin sila kung talagang nagloloko sila. It indicates low self esteem daw and it makes them feel na patay na patay ka sa kanila and hindi mo kaya sila iwan. Well, madali sabihin pero challenge kapag andun ka na sa situation.

If I were in your shoes, although I will have that urge to surprise him too to go there, hindi ko gagawin. I will put a bit of distance..may communication parin of course. Pero I will need some time to reasses myself, kung hanggang san nalang kaya ko itake in case may mareveal nanaman. Keep your eyes open..be sweet parin and be a good wife..but have a back up plan ready should sh!t hit the fan. Are you financially dependent sa kanya? Or you have your own work? Time and time again inaadvice dito na have your own separate money saved lalo na kapag may ganitong issue sa married..kasi you'll never know, one day baka maghiwalay kayo at ayaw mo naman na sa kangkungan ka pupulutin lalo na may anak kayo. Altho challenging, keep your emotions controlled..keep yourself busy by improving yourself more para narin mabawasan yung paranoya sa kanya kasi it will really eat you up.

Good luck sis and always pray for guidance.
Sana maayos pa marriage ninyo but always remember that marriage is a two way street. He has to show and make an effort to fix this mess.

Sis matagal na kong work; siya lang nagwowork; if ever na magkakahiwalay kami susuportahan naman niya anak ko. Nun una ko nalaman grabe galit ko sa kanya; panay tawag niya sakin di ko sinasagot pati pamilya ko kinausap niya. Natangap na niya na maghihiwalay kami pero nun nag usap na kami nangako siya na never na siya magloloko; ayaw niya daw mawala ako. Ayun ,binigyan ko na second chance kasi mahal ko pa. Kung magloko siyav uli di ko na talaga siya mapapatawad uli. Kita ko naman ang pagbabago niya pero mahirap magtiwala agad agad. Nagawa nga niya itago sakin ng ilan taon yun so malamang baka todo ingat na siya ngayon. Salamat sainyong lahat mga sisses :)

j.adore

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #12 on: June 03, 2016, 06:28:33 pm »
You don't trust your husband because:
- lame reason niya to cheat on you
- hindi mo sigurado ano nangyari sa dates at kahit ano pa sabihin ng husband mo, walang kasiguruhan ano ang totoo
- his "changes" aren't enough to show you nagsisisi siya, kailangan ng drastic measure, kailangan may isacrifice siya maipakita lang sayo nagbago na siya
- he's in another country, you have no clue what he really does there
- he's surrounded by cheaters (malaking factor ang tao sa paligid to influence one's character)

It's good to know you're ready to choose yourself and you're improving yourself. BUT, wala ba talagang other unresolved issues sa relationship niyo?

I guess it's ok to go there but what's your plan to "catch" him if ever? Paano masasakto sa date niya yung punta mo dun?
And yes, go to show you're also making the relationship work. Eto smokescreen mo while digging dirt, if any.

kung nagbigay ka na din lang ng second chance sa asawa mo, Itodo mo na.

Easier said than done. Para siyang plato na pag nabasag, kahit idikit mo pa ang mga piraso, it will never be like it was before.
Pag sobra sobra ang tiwala na binigay at nawala yun sa isang iglap parang wala ka na pinanghahawakan. It's as if you don't know who your partner is.

He has to show and make an effort to fix this mess.

Yes, yung pagiging sweet at mabait hindi enough eh.

pag inaaway ko siya tungkol dun; nagagalit din cia. Mag move on na daw kami; di na daw niya gagawin yun. 

People who cheated are supposed to accept the consequences of their actions. Kasama na dun yung healing process ng partner nila. Kung part ng healing process mo awayin siya, kailangan niya matuto to be calm and reassure you that he has changed. Search mo sa net sis, may mga articles listing this at ibigay mo sa kanya.

Now, this is not a free pass para awayin ng awayin mo siya. You need to communicate about your pain and he needs to listen. Try a different approach or tone to do this.

May mga kasama siya sa haus pinoy din halos lahat babaero. Meron dun isa 4 na beses nahuli ng wife pero pinatawad pa rin. Ewan ko ba may mga babae na martir talaga.

He needs to stay away from these people. I think kaya din malakas loob niya gawin yun for several years is either they encourage him or he thinks it's ok kasi yung mga wife nila eh lagi naman sila pinapatawad.

Di ba in life, we need to surround ourselves with people who help us become better persons? Inaalis dapat yung mga nega at B.I

Kung ayaw ng husband mo humiwalay sa kanila for whatever reason (yes gagawa yan ng rason), then, he he has questionable values and accepts that cheating is ok. Baka pinaplano niya na maging martyr wife ka niya like those of his buddies. Happy life!

Kita ko naman ang pagbabago niya

Gaano kalaki difference from before you found out? Kailangan niya ikayod to earn back your trust. Do you think he's doing this?

anapatootiee

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #13 on: June 03, 2016, 10:48:22 pm »
Ohh, alam ba ng anak mo yung situation nyo?

Girltalker2

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #14 on: June 04, 2016, 01:31:54 am »
Gusto ko lang mag random check para malaman kung ginagawa niya pa ba uli un. Pag nagawa ko na yan matatahimik na ko at magmomove on na.

Are you sure you can move on?

Di ba nagawa mo narin before mag check ng Kung ano ano about him? Then 1 nalang, para matahimik ka. But at the end of the day, you cannot force yourself to trust someone who is not trustworthy.

lisse

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #15 on: June 04, 2016, 03:24:51 am »
Sis ts question: so Kung Hindi mo pa nalaman, Hindi niya titigilan kalokohan niya? Is he really sorry that he hurt you, or he's sorry that he got caught?

junetwentythree

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #16 on: June 04, 2016, 08:06:40 am »
Sis matagal na kong work; siya lang nagwowork; if ever na magkakahiwalay kami susuportahan naman niya anak ko.

Wait, so you don't work? Why not? Cuz you might need a backup plan just in case he doesn't support you and your child.

Girltalker2

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #17 on: June 04, 2016, 10:16:36 am »

^ I agree. I think you need to work and save for yourself. Continue to live on his income and all your earnings, savings mo ilagay. Through that, kapag magloko pa sya, mas madali maghamon ng hiwalayan.

Ngayon you don't know lagi ka nagd-Duda maybe because you know he is capable and he has the means. Malakas din loob nya since he knows you will never leave him at nakaasa ka sa kanya for your expenses.


Also regarding your trip, adding on to my comment above... Honestly sis, I really don't think matatahimik ka. This trip will be just one of those checks you will be doing once in a while.

Just quoting your post na di mo sya matigilan i-investigate...


 Hanggang ngayon naghahalungkat pa rin ako baka meron pa kong makita na signs or ebidensya na nagloloko siya. Di ko siya titigilan. Nakakalungkot lang lagi na kong magiging ganito sa kanya laging nagdududa.


Not saying you're wrong sis. In fact this feeling is all so normal, for a cheated Wife. The only question is, do you want to live this way for the rest of your life.
« Last Edit: June 04, 2016, 10:48:51 am by Girltalker2 »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #18 on: June 04, 2016, 11:15:29 am »
Sis Queenly,

Normal yung behavioral reactions mo given your abnormal situation. Anyone who has been cheated on will behave as you do -- pagdududa, obsessing about your husband's cheating, and a whole lot other strange things associated with infidelity's aftermath.

Lalo na in your case, you discovered his cheatings just recently, I suppose. Not to mention, it lasted for four years. Nagbuhay bachelor sya, he led a double life. And then there's your belief pa about your husband that he's not the type who will cheat on you. So talaga, you will be shaken to the core.

He told you that this is the reason why he cheated:

Quote from: Queenly
Ang dahilan niya kaya nagawa niya yun kasi magkalayo kami at namimiss niya ako. pero tama ba yun hanapin ba ko sa iba? wala naman siyang nakarelasyon, puro date lang. Hindi ko lang alam kung meron nangyari sa kanila ng mga naka date niya. sobrang sakit.

Ito ba talaga ang reasons? How are you gonna resolve it? Kasi one way to heal the marriage is to address the reasons. Baka hindi nyo kaya ang LDR. It's not for everyone.
« Last Edit: June 04, 2016, 11:23:24 am by glamorosa_09 »

valaina

  • Guest
Re: Duda pa rin ako kay hubby
« Reply #19 on: June 12, 2016, 03:41:49 pm »
question lang, kasi duda din ako. kaso parang ang hirap na ngayon magbukas ng email ng iba kasi may mga security measures na. like sa gmail, pag naglogin ka sa iba't ibang gadgets, nagpapadala ang google sayo ng email that you logged in on a windows phone or an iphone etc.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close