watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022  (Read 76540 times)

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #440 on: August 16, 2016, 06:44:57 pm »
LOL don't know kung saan galing yung sinisisi si PNoy. Parang nagkakaroon lang naman ng comparison kasi. Si PNoy nga tong mahilig lang naman manisi.

Anyway, ako naman nagpopost lang ng positive feedback, yung mga ibang issues ni Digong like pag aappoint sa mga tao, pagmumura nya siyempre napapansin ko din naman pero hindi ko na para ipost.

Yung pagmumura nya anyway, nasanay nako. Nashock lang ako noong bago bago lang kasi naman ang mga ibang politiko hindi ganun.

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #441 on: August 16, 2016, 07:00:29 pm »
^ako sis napa "arghh!" pa din sa mga words nya pero pag naiisip ko naman mga nangyayaring magaganda sa bansa natin, pinapalagpas ko nalang. nakikita ko naman na nagtatrabaho talaga sya.

and on the economy, off topic siguro to but i  have always believed our economic progress cannot be attributed to aquino admin alone. gma, whether you like her or not, had put in place many economic policies of which the results could be felt during noynoy's time. let's give credit to where it is due and let's focus on the truth so we can make sound decisions as a nation.

Gaysha

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #442 on: August 16, 2016, 08:13:57 pm »
Dedma na lang kay BDJ. It's pointless to argue with people who have closed minds and are stuck in the past. I suggest report nyo lang sa mods ang panggugulo nya dito. Ang tahimik ng thread until he/she came along.

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #443 on: August 16, 2016, 09:30:36 pm »
He-Who- Must-Not-Be-Named ganyan nalang para walang gulo. Pero di ko talaga makalimutan yung mamasapano sinisisi ko sya dun. OT na pala.

Infairness naman sa mga sissies and bros dito may mga instances din naman na hindi nag agree kay PRRD siguro mas mataas yung tolerance natin for example sa pagmumura niya. Kaya kong palampasin yun pero siyempre may hangganan din like noong namura niya si Pope. Humingi na po ng dispensa yung tao nagpadala na nga ng sulat sa vatican.  Meron ba dito na sinasamba si PRRD? Yikes katakot yun. Porke ba't na appreciate mo yung ginawa ng tao nang iidolo na agad.  :-\

Tapos naman na ang election wag na sanang nating sisihin ang bawat isa dito. Let's keep an eye na lang sa current admin. Pero hindi din pwedeng palampasin kung may kailangan managot be it He-Who- Must-Not-Be-Named.

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #444 on: August 16, 2016, 10:05:45 pm »
 yeah lalo na pag sinasabing "I will kill you". Sumasakit ang batok ko, haha pero sabi ng kapitbahay nilang taga Davao na friend ko ganoon talaga si PDuts, pero syempre naninibago tayo.

Tsaka hindi marunong magbasa ng idiot board. Pero sana pagnagspeech sa ibang bansa, dapat stick sya sa kodigo para iwas issue.

 Anyway yun lang puna ko sa kanya. Yung pagname drop nya sa mga opisyales, medyo hati ako dun. Nalaglag ako sa upuan nung binaggit nya yung 5 generals. Natuwa ako kasi malalaking isda na yun pero sa isip ko may "What ifs". SO sana samga susunod nyang kopya eh dapat may ebidensya.

At sana sampahan nalang muna ang mga iyon bago kaladkarin ang mga pangalan nila sa media

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #445 on: August 16, 2016, 10:28:22 pm »
Susme, bulag ba yung hindi nakakakita ng changes in just a few months? Maraming namamatay ba kanyo? That's all relative. Kaunti lang noon kasi wala namang nag-pursue to address the issue of drug problems in the country. At hindi naman agad pinatay, pinasuko muna. Ngayon kung nagmamatigas ka pa then why blame the police who are just doing their job.

I am just looking in from outside because wala ako sa Pilipinas, matagal na. Pero, he is the best President we can have. May political will!

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #446 on: August 16, 2016, 10:37:26 pm »
^^Speaking of OFWs

Natuwa ako sa administrasyon kasi tutok na sila sa mga OFWS. Nakakapagbigay na ng ayuda ang gobyerno. Tsaka yung mga nakatengga sa Saudi natulungan nila. Ang laki ng utang na loob ng gobyerno sa mga OFWs kaya dapat lang na tulungan sila.

Anyway, wish ko lang someday optional nalang ang pag aabroad at maraming investors ang darating.

baby_chichay

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #447 on: August 16, 2016, 10:58:50 pm »
Eh dapat hindi niyo rin pinagtatakpan yung mali ni Duterte lalo na sa extra judicial killings ang dami nang nadadamay na mga inosente tapos yung iba kung sino sino lang pumapatay sabay take advantage pa yung iba dyan basta magsulat lang sa karton na sasabihin pusher ako. Eh kung yung killer drug syndicate lang rin naman para lang manahimik yung pinatay nila na nainvolve sa kanila. Ang dami ngang unidentified suspects sa patayan eh! Paanong hindi sisisihin si Duterte ng ibang tao tungkol sa patayan eh siya naman nag-udyok nun sa publiko. Understood na yan na maraming magsamantala hindi naisip ng idolo niyo yun.

^sis, hinga, chill.  ;D

hindi naman namin pinagtatakpan yung mga kamalian ng Presidente NATIN. lalong hindi naman kami sumasampalataya sa TAO LANG DIN NA NAGKAKAMALI. pero question, bakit nga ba sa Presidente naiko-connect ang extrajudicial killings sa ngayon? I don't think dahil his plataporma is crime busting, logical na connected sa kanya or ipinag-utos na nya yung kaliwa't kanang patayan. Referring to "udyok" as your term which means "encouraging" diba. I don't think inencourage naman nya tayong mga ordinaryong mamamayan na ilagay ang batas sa ating mga sariling kamay. Wag naman nating gawing b0bito at b0bita yung bawat Pilipino na por que blunt lang yung presidente magsalita like "PATAYIN KO LAHAT" eh maiisip na agad na "Uy, inuudyukan tayo pumatay ng Presidente, tara patay tayong tao." I highly doubt ganyan naman ka b0b0 mga kababayan natin sis. And, sino ba naman din gumagawa nyan, eh di mga kriminal at protektor ng kriminal din talaga na gusto sirain yung mga plano ng Administrasyon. IT IS POLITICALLY MOTIVATED. When they said politics is dirty, IT IS REALLY DIRTY.

actually sis, if all your life nakatira ka sa gated village, nag-aral ka sa gated university, or hatid sundo ka ng driver, hindi mo talaga 100% maiintindihan (with empathy ha, not sympathy lang) ang epekto ng krimen sa society. syempre your taste buds will be tickled by someone na magaling sa kabilang side, sa ekonomiya for example. pero sa mas nakararaming maralita, at first-hand nakakaexperience ng krimen on all levels ARAW-ARAW, sagot si Presidente Duterte sa panalangin nila.

So sa nakaraang admin, sabihin nalang natin na magaling sya pero hindi nya nakiliti ang panlasa ng mamamayan. Tinimbang naman sya eh, ngunit KULANG.  ;D

I had a very interesting convo with one of the Uber drivers na nabook ko during election time. He said the same thing, sayang si GP, sayang si MR. Pero hindi pa nila oras maupo. Hindi pa sila ang dapat ihain sa mga hapag-kainan ng Pinoy. Hindi sila ang sagot sa kalam ng sikmura ng nakararami SA NGAYON. Hindi pa ready ang Pinoy sa sobrang sarap na pagkain. Galing tayo sa "pagpag", sa "napupulot" at "nahahalukay" sa basura, so to go from there to a "five-star" level na ulam, we cannot deal yet. We have to be trained, to be disciplined, to be able na mapahalagahan ang hard work - which the President inspired us to do, because he kept on telling this since day one, MAGTULUNGAN tayo - para when the "five-star" level President comes, READY NA TAYO MAKIPAGSABAYAN. makes sense.  ;)


« Last Edit: August 16, 2016, 11:03:23 pm by baby_chichay »

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #448 on: August 16, 2016, 11:18:36 pm »
here's an article ive read just now.

http://mindanation.com/3165/extrajudicial-killing-cleaning-house/

and guys, since hinde naman ako expert sa law or politics, i often check the fb page ni sass rogando sasat. usually, sa kanyang page ako kumukuha ng better perspective. buti rin mabasa mga comments sa mga posts nya for sensible arguments.

LABYU

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #449 on: August 17, 2016, 02:44:12 am »
@BDJ sorry to hurt your feelings for your IDOLS, opinyon ko lang naman naman hindi ko naman akalain na masaktan ko pala ikaw sa sinabi. Binasa mo lang yung gusto mo pero hindi mo binasa yung buo. My opinion is still the same and I will never change that, ganun yung ginawa ng nakaraang admin kaya yun din opinyon ko, Stop being fanatic, para sa bansa ang dapat problemahin natin. saka BDJ puwede mo naman din sabihin yung ayaw mo sa admin natin ngayon, freedom mo yun, this is forum at hindi ito fans club thread relax ka lang.


Sige ulitin ko para baka sabihin mo naman biased ko, tama naman yung sinabi mo na may nagawa si Noynoy para sa ekonomiya at alam lahat ng tao yun PERO kasi ang point ko trabaho talaga ng president yan. Madami sana ako maappreciate sa nakaraan pero ang konti talaga ng maalala ko, pasensya ka na sa akin ah.


Gaya ng trabaho ni Digong, nagtratrabaho yung tao and I appreciate it, you can see naman grabe pala problema natin sa droga sa kabila ng edad niyang yun nagtratrabaho siya, hindi nga natin alam kung ilang oras pa pahinga nun but still VIGILLANT KILLINGS ay hindi parin dapat hinahayaan yun


@Springblossom exactly my thoughts, eh bakit ngayon lang hintayin pa nila si Duterte eh kaya naman pala gawin basta lang may will walang imposible talaga.

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #450 on: August 17, 2016, 03:08:43 am »
Let's be honest, yung ginagawa ni Duterte ramdam agad ng sambayanan. Yung nagawa ba ni Noynoy for the economy, ramdam ba ni Juan dela Cruz?

baby_chichay

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #451 on: August 17, 2016, 07:32:59 am »
^agree sis. maybe sa iba nafeel nila na nagtrickle down sa kanila ang effects ng economic boost na sinasabi (maybe nafeel din ng ibang sissies natin dito kaya defensive sila, i get it.) but for most Pinoys ganun pa din kasi takbo ng buhay nila.

Di na ako tatalon sa kabilang bakod sarili ko na lang gagawin kong example. Sweldo ko for those 6 years hindi naman sobrang significant ang naging increase. So hindi talaga umabot saken yung economic gains na yan hehe.

For me lang din naman, since Digong ADMINISTRATION thread ito, sana we can freely voice out our opinions without anyone branding us na fanatics lang sa Presidente. Nagiisip at nagmamatyag din naman kami, nagkataon lang na both impressive and shocking ang mga nangyayari ngayon kaya mapapatanong ka talaga bakit ngayon lang kung pwede naman pala nagawa na noon. Yan ang hirap kasi sa haters din talaga ni Digong. They will never ever give him a FAIR chance. Isang mali, blown out of proportion na. I think lang ha, for most of us here na supporters, if iba siguro nanalo, kahit pa siguro si Binay yan, wala naman siguro yung mageexpress ng sobrang galit like how these haters hate Digong to the core. I keep asking why they hate him so much. Why won't they give him a chance to prove himself? Pero actually, ang dami na talaga nya nagawa sa less than 100 days nya. AT RAMDAM NATIN YUN, AMININ. :)

Anyway, going back to drugs issue. What can you say about this Karen Bordador and BF arrest? I'm not into the clubbing scene anymore so hindi ko alam na ganito na pala ka garapal talaga ang drug trade ngayon sa clubs and bars. Although noon naman, meron na din talaga kaso subtle lang at takot din mga tao kasi. Next na nga kaya ang mga celebrities? Malamang pinapakanta na sila noh. Bagong aabangan.
« Last Edit: August 17, 2016, 07:38:38 am by baby_chichay »

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #452 on: August 17, 2016, 08:15:56 am »
Pagka sinabi mo ang positive, DUtertards, danatics, nang-iidolo. hehe

@Karen Borador issue--Imposibleng wala syang alam. Hindi ba yun magtataka bakit andaming pera yung bf. Sabi ng iba she's nice person naman daw, nadawit lang. Sabiihin nating nadawit lang, ang malas nya. Buy bust yun.

Sa club kahit sa mga simpleng bar lang under the table yan. Dati noong nagpupunta pa ako lakas tumira ang mga kasama ko. Nililibre pa nga ako noon, I think ecstacy yun green tablet. Mga galing sa kilalang unibersidad pa ang mga yun, tulak din sila.

Sabi nga ng taga Negros na mayor if I'm not mistaken(?), Dito nanalo  si Roxas nasa 600k+ ang boto, si Duterte 200k+.  Kung hindi pala nanalo si Duterte eh pati aso nagdrudrugs na.
« Last Edit: August 17, 2016, 10:43:26 am by janachen »

baby_chichay

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #453 on: August 17, 2016, 10:10:09 am »
^read sa latest news kasama pala talaga sya na nag assist sa sale sa poseur buyer. nakuhanan sya E on the spot. to claim na wala syang alam at bumisita lang sya, naman, the BF was under surveillance na for 3 weeks, and kung andun sya sa area, with all the drugs and paraphernalia in plain view sight, assumption may kinalaman sya. maybe not directly but she condones it. i think she has a very weak alibi. the BF pala is an athlete for our national team daw sa football. sayang sila.

there's this co-DJ nya who said na what does the public expect from her, i-turn in bf nya assuming may alam nga sya? LOL hello naman kay miss DJ di nya yata alam na krimen ang pag consent sa drugs. sabi pa sa news is sinaraduhan pa daw nila ng door yung mga pulis somewhat evading arrest. pero kung supplier or user bf ko, kung hindi ko sya i-turn in sa authorities or rehab man lang, i will get out of the relationship asap. for sure sooner or later madadawit talaga ako. imposible din na walang nabenefit si karen sa benta ng bf nya. kaya siguro nya tinolerate, living the grand life. nakakainis. these celebrities kasi pagtatanggol pa nila por que kapwa nila maski mali na. or pano kasi sobrang NORMAL na sa mga artista ang drugs, bentahan at imoralidad kaya kyeme na. kudos to PDEA and the police, talagang seryoso silang nagtatrabaho day and night.
« Last Edit: August 17, 2016, 10:22:37 am by baby_chichay »

Gaysha

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #454 on: August 17, 2016, 02:24:16 pm »
Andaming namatay at mga kriminal sa Pnoy administration and over 1.5? million katao sangkot sa illegal drugs? WHAT DID HE DO BY THE WAY?  :-@  [-X

Pano na iyong mga nabiktima ng rape, hold-up, napatay, at kung ano ano pang krimen dahil sa droga? na si Pnoy walang ginawa.. susme.. 1.5million katao sangkot sa illegal na droga??? U really sure Pnoy knows nothing about it?

About the Marcos burial issue. Marami ding nabiktima ang combined Aquino administrations. Mendiola massacre, Hacienda Luisita massacre 1 and 2, Mamasapano massacre, killings of journalists dami din. But as former Presidents, entitled din sila for burial dun. A cemetery does not make heroes sabi nga ng isang article.

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #455 on: August 17, 2016, 04:31:03 pm »
Si Aquino na ba yung presidente nung namatay yung mga journalists sa Maguindanao? Idagdag mo pa yung Hostage taking na di man lang magawang mag sorry sa mga HK national. Yun lang naman ang hinihintay nila noon. Sobrang taas ang pride.

Anyway, ayun nakamove on naman tayo pati media nagmove on na sa mga nangyari. At hello yung Marcos burial issue, aso nga ni Cory na namatay sa sakit nandun. Kung ayaw nilang ilibing si Marcos, dapat pina-ban nalang nila total dalawa Aquino ang naging presidente.

Pero eto may inexpose na naman si Digong, hahah may kalaguyo yung babae na tinutukoy sa speech. Sumasakit ulo ko pagka nagsasalita si Duterte, parang gusto kong takpan ang bibig kanina. LOL

BDJ

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #456 on: August 17, 2016, 04:55:50 pm »
My take on the extra judicial killings. I think medyo pinapalaki lang talaga ng mga critics at media ito.  Unfair lang na isisi din ang mga killings na ginagawa ng mga ito sa PNP.
Media at critics sisisihin mo eh yan lang rin ang nangyari nung nakaraan na pinaniwalaan niyo tapos wala nang katapusang mga reklamo niyo sa Presidente.  ;D Ngayon naman yung idol niyo na yung pinupuna o binabatikos nasasaktan ka na eh kung sa totoo naman mga pinamumukha sa kanya.


Obviously, binalik ko lang ang logic mo kasi sabi mo ayaw mo ng nag sisi or reference sa previous admin. So ayan binalik ko yung issue na yan. Ikaw ang nagsabi na mag move on, pero mukhang selective ka lang dahil namimili lang ng pwedeng i-move on?

Eh bakit mo ikukumpara yung leadership ng nakaraang administrasyon sa Martial Law ni Marcos na maraming natorture at pinatay. Ikaw ba kapag may natorture sa pamilya mo o nakaranas ka rin ng mga kawalanghiyaan sa pagkatao yung tipong nilagyan ka ng sigarilyo sa bunganga, tinanggalan ka ng dangal tapos malilibing pala yung mastermind o yung susupect mo sa libingan ng mga bayani? Eh kung ganun pala palibing na lang natin sa Libingan ng mga Bayani yang mga kriminal na yan.

Meron bang nagtatakip? O meron lang talagang putak ng putak basta makareklamo? Bilangin mo ang stats ng mga namatay sa crime at extra judicially sa mga previous years and i-compare mo din sa ngayon.

Bakit mo ikukumpara ang crime ng previous years sa extra judicial killings 2 months lang? Nasaan ang logic run?  ??? So kapag may pinatay na inosente hindi na pala crime yun kasama na sa extra judicial killings kasi utos ng idol mo ganun? Balewala na lang yung mga nadadamay na mga inosente kasi part naman ng extra judicial killings. Ano pa ang saysay nung sinasabi ending of crimes ng 3 to 6 months eh pare pareho rin lang namang krimen yan, pare parehong mga patayan lang naman.


At saka, para naman tayong hindi adult, ikaw ba kapag sinabing patayin mo mga pushers papatayin mo? Kung may pumatay man ng tao unlawfully, kriminal sila. They will be accountable for that. Wag mo i-accuse na ang mga vigilante na ito ay part ng admin eh wala ka nga din evidence. Kaya nga hinuhuli ang mga vigilante na related din sa drug networks.

Kita mo hindi mo matanggap ng part ng admin yung vigilant groups eh bakit hindi macontrol ng idol mo? Naalala mo yung Pieta style na pinatay? Unidentified suspect pumatay pero binatikos lang ni Duterte nung Sona na magkadramahan sila na hindi nag-iisip kung sino ang pumatay ni hindi pulis. Eh si Duterte nga nung nanalo na Presidente ang lakas ng hagugol sa puntod ng Nanay niya nakakatawang tingnan tapos mga fanatics makikisabay pa sa sympatya sa kanya hahahahha.... Kapag iba ang Presidente o nataon si Noynoy eh siya na naman ang sisisihin niyo ngayon kasi likas na galit na galit ka sa kanya, halata naman sa mga previous post mo sa ibang thread kung paano mo siya batikusin. Ngayon idol mo na ayaw mo palang pinupuna.

Ito na nga ba sinasabi ko. Wag nyo na kasi babanggitin si N*yn*y dito. Makaka-hurt kayo sisies ng mga feelings aminin man nya o hindi.

 ;D hahahah nakatatawa ito sa katulad mong pa civil matured effect magpost sa thread ng idol. Pero kung titingnan mo naman yung post mo kay Pnoy lalo na kay Mar thread parang kang isip bata kung magpopost ka run with name calling pa sa mga supporters nila. Ang lakas ng loob mong makipag-away sa kanila tapos sinampalataya mo lang run yung idol mo. Binabastos mo nang husto yung supporters ng iba kasi hindi pabor sayo. Ginawa mo nang Duterte thread lahat ng mga thread na hindi naman para sa kanya. Gumawa ka na lang kaya ng sarili mong Santo na mukha ni Duterte  :D para naman masiyahan ka na at tuluyan mo nang makalimutan lahat ng hinanakit at galit mo kay Pnoy baka makatulong lang sayo. Yan ang lesson kung ayaw mo gawin sayo huwag mong gagawin sa iba. Huwag ka na kasi mambastos at mangharass ng supporters ng iba.

@BDJ sorry to hurt your feelings for your IDOLS, opinyon ko lang naman naman hindi ko naman akalain na masaktan ko pala ikaw sa sinabi. Binasa mo lang yung gusto mo pero hindi mo binasa yung buo. My opinion is still the same and I will never change that, ganun yung ginawa ng nakaraang admin kaya yun din opinyon ko, Stop being fanatic, para sa bansa ang dapat problemahin natin. saka BDJ puwede mo naman din sabihin yung ayaw mo sa admin natin ngayon, freedom mo yun, this is forum at hindi ito fans club thread relax ka lang.


Sige ulitin ko para baka sabihin mo naman biased ko, tama naman yung sinabi mo na may nagawa si Noynoy para sa ekonomiya at alam lahat ng tao yun PERO kasi ang point ko trabaho talaga ng president yan. Madami sana ako maappreciate sa nakaraan pero ang konti talaga ng maalala ko, pasensya ka na sa akin ah.

 ::) I am just being realistic here so no need ma offend, baka ikaw ang naooffend dahil hindi pabor sa Presidenteng gusto mo mga sinasabi ko. So ganun na nga yun kinukumpara mo pa rin si Pnoy kay Duterte, dahil pang Presidente ang ginagawa ni Pnoy kaya hindi mo inaacknowledge. Bakit hindi gagawin ng isang Presidente ang pang Presidenteng trabaho? Bakit niyo kailangan ikagalit yun? Eh kung expert sa Droga yung Presidente ngayon at kung may pinaghuhugutan yan eh! bakit mo pa ikukumpara yan sa Presidency ni Pnoy? Sabihin mo yan sa mga kapwa mong Duterte supporter huwag masyadong fanatic at credit grabber sa mga pinamana ng nakaraang administrasyon.


Let's be honest, yung ginagawa ni Duterte ramdam agad ng sambayanan. Yung nagawa ba ni Noynoy for the economy, ramdam ba ni Juan dela Cruz?

Kapag mabigat na ang hinanakit or let me say bitterness mo sa nakaraang Presidente hindi mo mararamdaman yun. Bakit na acknowledge siya sa ibang bansa kung sa palagay mo hindi siya magaling? Kita mo obvious naman na panatiko ka lang ni Duterte ang bilis mong maikumpara at at sumampalataya na kahit mga mali okay lang sayo. Paanong magiging ramdam agad? Alin yung mga patayan sa labas? Eh puro droga lang naman ang focus niya hindi naman ganun ang Presidency. Ni trapiko nga hindi pa maayos ayos tapos kapag andyan na yung mga pinamana ng nakaraang administrasyon credit grabber na naman ang mga Duterte Fanatics. Pang Mayor lang naman ang kakayahan, natataranta siya sa pagiging Presidente niya kaya nga ang lakas ng iyak niya sa puntod ng Nanay niya dahil hindi niya kaya ang responsibilidad ng pagiging Presidente, nagulat siya isang malaking responsibilidad kaya obvious hindi alam ang gagawin niya.  ;D

anyways, i just want what's best for my country. this is not about fangirling or fantarding or "idol-ing." hinde tayo part ng isang fandom ng isang kpop idol or pinoy loveteam na nang-iidolo lang hahaha.

Yan ang sabihin mo sa kapwa mong Duterte supporter para hindi na manumpa na kung gusto ba ng ibang taong mamatay, manakawan, magahasa, kapag ayaw kay Duterte tapos maglalagay pa ng mukha ni Duterte sa Sto. Niño, ano agree ka doon o pabor na pabor sayo yun?

Dedma na lang kay BDJ. It's pointless to argue with people who have closed minds and are stuck in the past. I suggest report nyo lang sa mods ang panggugulo nya dito. Ang tahimik ng thread until he/she came along.

Close mind ka dyan  ;D parang ikaw close mind sa taong kinagagalit mo tinawag mo pa ngang Boy Sise tapos ngayong binabalik ko lang sayo yung mga pinaggagawa niyo sa ibang thread galit na galit kayo. Kayo nga itong mga Duterte fanatics ang naging magulo sa ibang thread binabastos niyo mga supporter ng iba tapos kapag nagsasalita sila ng pabor sa kanila galit na galit kayo sa kanila eh samantalang naipost naman nila sa tamang thread nila.

Andaming namatay at mga kriminal sa Pnoy administration and over 1.5? million katao sangkot sa illegal drugs? WHAT DID HE DO BY THE WAY?  :-@  [-X

Pano na iyong mga nabiktima ng rape, hold-up, napatay, at kung ano ano pang krimen dahil sa droga? na si Pnoy walang ginawa.. susme.. 1.5million katao sangkot sa illegal na droga??? U really sure Pnoy knows nothing about it?

About the Marcos burial issue. Marami ding nabiktima ang combined Aquino administrations. Mendiola massacre, Hacienda Luisita massacre 1 and 2, Mamasapano massacre, killings of journalists dami din. But as former Presidents, entitled din sila for burial dun. A cemetery does not make heroes sabi nga ng isang article.

Kita mo ikaw pala sarado isip na puro sise kay Pnoy, tinawag mong Boy Sise tapos ganun ka rin naman pala. Bakit si Pnoy ba pumatay at nag-utos ng mga krimen? Eh bakit yung idol mo walang ginagawa sa mga biktima ng killings na kung sino sino lang pumapatay?  ;D

^sis, hinga, chill.  ;D

hindi naman namin pinagtatakpan yung mga kamalian ng Presidente NATIN. lalong hindi naman kami sumasampalataya sa TAO LANG DIN NA NAGKAKAMALI. pero question, bakit nga ba sa Presidente naiko-connect ang extrajudicial killings sa ngayon? I don't think dahil his plataporma is crime busting, logical na connected sa kanya or ipinag-utos na nya yung kaliwa't kanang patayan. Referring to "udyok" as your term which means "encouraging" diba. I don't think inencourage naman nya tayong mga ordinaryong mamamayan na ilagay ang batas sa ating mga sariling kamay. Wag naman nating gawing b0bito at b0bita yung bawat Pilipino na por que blunt lang yung presidente magsalita like "PATAYIN KO LAHAT" eh maiisip na agad na "Uy, inuudyukan tayo pumatay ng Presidente, tara patay tayong tao." I highly doubt ganyan naman ka b0b0 mga kababayan natin sis. And, sino ba naman din gumagawa nyan, eh di mga kriminal at protektor ng kriminal din talaga na gusto sirain yung mga plano ng Administrasyon. IT IS POLITICALLY MOTIVATED. When they said politics is dirty, IT IS REALLY DIRTY.

Nanood ka ng balita noon diba? Ang sinabi niya kapag may baril kayo patayin niyo mga suspected drug user/pusher. Hindi mo ba nakukuha kung ano repercussion nun sa mga Pilipino? Eh kung hindi si Duterte nagsabi nyan o yung Presidenteng galit kayo at hindi pabor sa inyo malamang sinisise niyo na siya ngayon. Kung sa nakaraang admin kahit hindi siya ang dapat sisihin siya pa rin ang sinisise niyo ultimong bagyo, lindol at disaster Sinise niyo na sa kanya kulang na lang ata pati pagiging sawi sa pag-ibig siya pa rin ang sisihin niyo. Eh dito puro patayan na natake advantage ng iba paano siyang hindi sisihin rito? Hindi yung paninira sa administrasyon gusto lang nila mapatay rin yung makakapanggoyo sa kanila kaya advantage yung sinabi ni Duterte sa kanila para matakpan sila.

^agree sis. maybe sa iba nafeel nila na nagtrickle down sa kanila ang effects ng economic boost na sinasabi (maybe nafeel din ng ibang sissies natin dito kaya defensive sila, i get it.) but for most Pinoys ganun pa din kasi takbo ng buhay nila.

Di na ako tatalon sa kabilang bakod sarili ko na lang gagawin kong example. Sweldo ko for those 6 years hindi naman sobrang significant ang naging increase. So hindi talaga umabot saken yung economic gains na yan hehe.
Baliktarin ko nga eh kung si Duterte gumawa nito for sure puring puri na naman kayo sa kanya kasi hindi kayo galit sa kanya pero kapag ang Presidente hindi pabor sa inyo ayun puputakan niyo na naman at hahanapan ng mali. Ganun talaga. Bakit kapag sinabi bang maganda ang ekonomiya magiging mayaman na ba lahat ng mga Pilipino at mawawalan na ng mahihirap?  ;D



For me lang din naman, since Digong ADMINISTRATION thread ito, sana we can freely voice out our opinions without anyone branding us na fanatics lang sa Presidente. Nagiisip at nagmamatyag din naman kami, nagkataon lang na both impressive and shocking ang mga nangyayari ngayon kaya mapapatanong ka talaga bakit ngayon lang kung pwede naman pala nagawa na noon. Yan ang hirap kasi sa haters din talaga ni Digong. They will never ever give him a FAIR chance. Isang mali, blown out of proportion na. I think lang ha, for most of us here na supporters, if iba siguro nanalo, kahit pa siguro si Binay yan, wala naman siguro yung mageexpress ng sobrang galit like how these haters hate Digong to the core. I keep asking why they hate him so much. Why won't they give him a chance to prove himself? Pero actually, ang dami na talaga nya nagawa sa less than 100 days nya. AT RAMDAM NATIN YUN, AMININ. :)


Paano naman yung mga pinatay na Duterte supporter rin naman eh di siempre hate siya ng mga namatayan na yung iba hindi naman mga Drug addict o pusher pero dinamay lang. Parang yung nakaraang administrasyon hindi niyo binigyan ng Fair Chance kahit nga ngayon galit na galit pa rin kayo sa kanya at hindi maka move on. Tapos sasabihin niyo why hating Digong pero kapag sa mga nakaraang administrasyon hate na hate niyo pwedeng maging galit sa kanila.


Anyway, ayun nakamove on naman tayo pati media nagmove on na sa mga nangyari. At hello yung Marcos burial issue, aso nga ni Cory na namatay sa sakit nandun. Kung ayaw nilang ilibing si Marcos, dapat pina-ban nalang nila total dalawa Aquino ang naging presidente.


Saan ang mga reliable source na nakalibing yung aso ni Cory? Kung totoo man yan di hamak na deserving pa yan kay Marcos.


Out of topic daw yung burial of marcos. Seriously? Anyway, obviously an anti duterte sya. Hayaan na. But i am glad na people here are trying to answer his/her opinions nicely kahit na may mga personal attacks na

Parang yung mga personal attack niyo sa ibang mga thread, other supporters explained the side ng sinusuportahan nila pero binastos niyo pa rin at galit na galit kayo kasi nga against kayo sa taong yun sa ibang thread na yun.  ;D Anyway tanggapin niyo na lang pana panahon lang rin yan.


Hahahah natatawa naman ako. Masyadong hot yung isa dito. Sis kalma ka lang. Mukhang lahat ng sinabi mo eh dapat sinasabi mo sa sarili mo. You're always using the word "idol" mukhang ikaw ata ang may "idol". Tska galit na galit ka na pag may nasabi lang negative kay PNOY.

2 aquinos na ang dumaang presidente sa Pinas, sana ginawan na nila ng paraan para hindi mailibing si marcos sa libingan ng mga bayani. Gumawa na ng way si binay nung 2011 pero deadma si Pinoy. Tapos ngayon mag nga-ngawa ang mga yellow supporters.  Akala kasi nila yung manok nila.ang mananalo.

Parang ikaw ngawa ngawa ka sa nakaraang administrasyon kaya ayan ngayon hindi maka move on lahat sinisise sa Aquino. Ultiming basura ata na galing sa Canada nabasa ko na sa kanya mo pa rin sinisise. Baka naman yung pagiging sawi mo sa pag-ibig pwede mo nang isise kay Pnoy?  ;D Sino may sabi sayo na akala ng yellow supporters yung manok nila mananalo? Naanticipate na nila na si Digong mananalo pero siempre susuportahan pa rin nila manok nila alangan namang hindi sila bumoto. Ikaw lang itong mahilig mag-assume at tumira sa mga sumusuporta sa dilawan. Tapos ngayon dahil decision ng idol mo kasalanan na naman ng mga Aquino ito? Puro na lang kayo sise kung sa bagay yan lang ang kayang gawin ng iilan sa mga Pilipinong katulad mo kaya sa totoo lang wala rin kwenta ang change kung sa bagay mararamdaman mo yan kahit kapiranggot o lahat namamatay na kasi idol mo ang Presidente. Kayo nga itong mga hot na hot pagdating kay Duterte kapag suportado ng iba at hindi si Duterte ang gusto binabastos niyo na. Anyway huwag gawin sa iba ang ayaw gawin sa inyo yan lang ang lesson dyan.  :P

He-Who- Must-Not-Be-Named ganyan nalang para walang gulo. Pero di ko talaga makalimutan yung mamasapano sinisisi ko sya dun. OT na pala.

Bakit yung Presidente ba pumatay? Pero Martial Law na inutos at sinadya na biktimahin mga tao sasabihin niyo lang MOVE ON?


Meron ba dito na sinasamba si PRRD? Yikes katakot yun. Porke ba't na appreciate mo yung ginawa ng tao nang iidolo na agad.  :-\

Tapos naman na ang election wag na sanang nating sisihin ang bawat isa dito. Let's keep an eye na lang sa current admin. Pero hindi din pwedeng palampasin kung may kailangan managot be it He-Who- Must-Not-Be-Named.

Parang yung ginawa niyo sa supporters ng iba galit na galit kayo sa sinusuportahan ng iba tapos kapag ayaw kay Duterte binabastos niyo pa. Kala niyo hindi ko nabasa mga pinagpopopost niyo ano  ;D Nakakatawa lang kasi ayaw gawin sa inyo ginagawa niyo sa iba. Aba marami rin dapat panagutan si Duterte, hindi pa nga niya nasesettle yung bank account issue niya eh! magpapangalan lang ng mga taong involve sa drugs puro mga patay pa, nananahimik na nga papatayin niya pa lalo.
« Last Edit: August 17, 2016, 05:10:45 pm by BDJ »

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #457 on: August 17, 2016, 05:58:06 pm »
^nakakatuwa ka sis or bro hahaha. sana lang yung pinagsasabi mo sinasabi mo din sa sarili mo. applicable din sayo 100%. wag na tayong maglokohon. with all due respect, kung against ka na talaga kay duterte at naiinis ka lang sa mga posts dito, for your peace of mind, umiwas ka na lang.

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #458 on: August 17, 2016, 06:06:19 pm »
Quote
Media at critics sisisihin mo eh yan lang rin ang nangyari nung nakaraan na pinaniwalaan niyo tapos wala nang katapusang mga reklamo niyo sa Presidente.  ;D Ngayon naman yung idol niyo na yung pinupuna o binabatikos nasasaktan ka na eh kung sa totoo naman mga pinamumukha sa kanya.

Ito lang pinaniniwalaan namin? Ang hilig mo sa accusations. Kung marunong ka magbasa at umintindi, maraming posts dito nagsasabi ng sarili rin nilang experiences. Now saka mo sabihin na media lang ang pinaniniwalaan namin? It work both ways but I think mas informed kami this time kasi puro negatives lang ang nakikita mo. Alam mo, feeling ko naman ikaw talaga ang nasasaktan dito. Na-touch namin ang emotion mo sa pag mention sa kay N*yn*y. Sorry na! Ikaw lang ang mainit dugo dito at natatawa lang kami showing hindi kami nasasaktan. Mahirap talaga kasi tanggapin ang pagkatalo kaya unless matanggap mo yun, hindi ka makaka move on.

Quote
Eh bakit mo ikukumpara yung leadership ng nakaraang administrasyon sa Martial Law ni Marcos na maraming natorture at pinatay. Ikaw ba kapag may natorture sa pamilya mo o nakaranas ka rin ng mga kawalanghiyaan sa pagkatao yung tipong nilagyan ka ng sigarilyo sa bunganga, tinanggalan ka ng dangal tapos malilibing pala yung mastermind o yung susupect mo sa libingan ng mga bayani? Eh kung ganun pala palibing na lang natin sa Libingan ng mga Bayani yang mga kriminal na yan.

Kasi po "moving on" ang pinaguusapan natin. Gusto mo mag move one pero selective lang pala ang moving on mo. Tingin mo ba hindi rin ibabalik at ibabalik ang mga kapalpakan last admin? yung mga namatay din sa lumads, sa hacienda luisita? S mamasapano? Sa ampatuan massacre? Lahat may kanya kanyang mali. So kung sasabihin mong mag move on tayo sa last admin, basically, it'll apply din dapat sa admin ni Marcos. So ano sa tingin mo? Again, nasaktan nanaman po ang inyong feelings sorry na.

Quote
Bakit mo ikukumpara ang crime ng previous years sa extra judicial killings 2 months lang? Nasaan ang logic run?  ??? So kapag may pinatay na inosente hindi na pala crime yun kasama na sa extra judicial killings kasi utos ng idol mo ganun? Balewala na lang yung mga nadadamay na mga inosente kasi part naman ng extra judicial killings. Ano pa ang saysay nung sinasabi ending of crimes ng 3 to 6 months eh pare pareho rin lang namang krimen yan, pare parehong mga patayan lang naman.

Define logic? marunong ka ba mag math? Eh di ikumpara mo ang crime and killings din for the 1st 2 months during the past admin. Hindi ka ba marunong ng empirical data? Oh anyway, baka hindi mo alam so bigyan natin ng example:

In 2010 when PNoy assumed office, there is around 1819 riding in tandem victims (source: http://pnp.gov.ph/portal/index.php/component/content/article?id=589:pnp-goes-hammer-and-tongs-against-criminals-on-motorbike). Ipagpalagay mo divide mo ng 6 yan para makakuha ng data for 2 months. Ilan ang namatay sa riding in tandem?

In about 2 months time, may around 150 vigilante killings na naganap when duterte assume the position. Ngayon mag compare ka. Saka sino nagsabing extra judicial killings agad porket namatay during police operations? Napatunayan na ba lahat ng namatay eh pinatay extra judicially? Alam mo ba meaning ng extra judicial killings? Patunayan mo munang extra judicial ang naganap, or else, nag aaccuse ka nanaman. Sorry ulit kung na-hurt ko ang feelings mo.


Quote
Kita mo hindi mo matanggap ng part ng admin yung vigilant groups eh bakit hindi macontrol ng idol mo? Naalala mo yung Pieta style na pinatay? Unidentified suspect pumatay pero binatikos lang ni Duterte nung Sona na magkadramahan sila na hindi nag-iisip kung sino ang pumatay ni hindi pulis. Eh si Duterte nga nung nanalo na Presidente ang lakas ng hagugol sa puntod ng Nanay niya nakakatawang tingnan tapos mga fanatics makikisabay pa sa sympatya sa kanya hahahahha.... Kapag iba ang Presidente o nataon si Noynoy eh siya na naman ang sisisihin niyo ngayon kasi likas na galit na galit ka sa kanya, halata naman sa mga previous post mo sa ibang thread kung paano mo siya batikusin. Ngayon idol mo na ayaw mo palang pinupuna.

Eh si N*ynoy ba nacontrol nya yung riding-in-tandem killings? Ha! Pati nga yung hostage taking na nangyari sa may Luneta, wala din syang nagawa. Ayaw mo sya masisi dun? Well wag mo din isisi lahat sa presidente ngayon kasi ganun din gagawin namin isisisi din lahat ng kapalpakan sa last admin. Tapos masasaktan nanaman ang feelings mo.

Di ako galit kay noynoy. Fun lang siguro makipag argue din sa mga fans nya kasi feeling nyo andumi dumi ng presidente ngayon as if naman napakalinis at disente ng past admin. :D Actually kayo ang in-denial dito.

Quote
;D hahahah nakatatawa ito sa katulad mong pa civil matured effect magpost sa thread ng idol. Pero kung titingnan mo naman yung post mo kay Pnoy lalo na kay Mar thread parang kang isip bata kung magpopost ka run with name calling pa sa mga supporters nila. Ang lakas ng loob mong makipag-away sa kanila tapos sinampalataya mo lang run yung idol mo. Binabastos mo nang husto yung supporters ng iba kasi hindi pabor sayo. Ginawa mo nang Duterte thread lahat ng mga thread na hindi naman para sa kanya. Gumawa ka na lang kaya ng sarili mong Santo na mukha ni Duterte  :D para naman masiyahan ka na at tuluyan mo nang makalimutan lahat ng hinanakit at galit mo kay Pnoy baka makatulong lang sayo. Yan ang lesson kung ayaw mo gawin sayo huwag mong gagawin sa iba. Huwag ka na kasi mambastos at mangharass ng supporters ng iba.

Mali ka. Wala akong binabastos dun. Baka masyado ka lang sensitive. Teka... alternate account mo ba ito?Ano na nangyari sa isa mong account? Bagong account mo na ba ito? Sorry na kung nasaktan ka sa mga katotohanan na posted ko dati. Mahirap talaga tanggapin ang katotohanan pero I have to say it.

Sorry na talaga. Next time kasi gawa kayo ng thread tapos lagay nyo sa title (Positive comments only) para wala ng mag post din ng negative. Yun nga lang, baka walang pumansin.

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #459 on: August 17, 2016, 06:23:41 pm »
omg inaway ni duterte si delima. personally, sana hinde nya nalang pinatulan pero naman kasi, kahit nung campaign pa, itong si delima grabe maka bash kay duterte. as in. ngayon nagantihan, sabi nya na the character assassination daw against her is foul. she's right. character assassination is always foul pero yun din naman ginagawa nya. may threat pa syang crime against humanity daw ikakaso kay duterte which is overreacting, imo.

but still, sana hinde na sya pinatulan ni duterte. he shouldn't stoop to her level.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close