watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022  (Read 76571 times)

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #420 on: August 16, 2016, 01:20:19 pm »
^sis or bro, what is wrong with "nung time ni noynoy..."? it's what the former pdea chief had said. he gave the list to the previous administration. i heard it myself. his exact words. and there's nothing wrong with her post kasi yung message lang nya is mas satisfied sya with the current president's performance. what exactly is wrong with that? kahit sa ordinary and personal lives natin, naku compare natin ang past and present. moving on is not necessarily forgetting. moving on is to continue with life without bitterness, even though things did not happen our way.

i admit some duterte supporters have become fanatics (kahit anong kampo meron) but every once in a while, let's take a pause and observe ourselves. kasi minsan we are not aware we are becoming fantards too and really, halata sa mga posts talaga.

@LABYU yan din ang tanong ko. bakit nahayaang maging ganito ang bansa natin? mga ginawa ni duterte ngayon is not really very complicated decisions. kelangan lang political will and a sincere heart to serve. what i admire about him is how he makes himself accountable to everything, how he rallies his soldiers and police and making them feel how he is there for them. it's refreshing to feel that your country's leader has your welfare as his top most priority. walang halong showbiz at drama. now im excited to be a filipino. :D though as i have kept saying, kelangan nya magfilter minsan sa mga salita nya.
« Last Edit: August 16, 2016, 01:43:05 pm by springblossom »

Gaysha

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #421 on: August 16, 2016, 01:36:22 pm »
@BDJ

Obvious bang galit na galit ka din sa mga against sa idol mong si Boy Sisi. Actually, lahat ng sinabi mo, pwede ding ibato pabalik sayo, sa pagiging blind follower mo din sa kanya.

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #422 on: August 16, 2016, 02:37:28 pm »


Obviously you can't still move on from the past administration  ??? Hindi ba yung idol niyo nagsabi to look forward na lang? And stop comparing Noy noy to Duterte magkaiba sila ng forte sa pagkapresidente, kung hindi naasikaso nang husto ni Pnoy ang krimen nagfocus naman siya sa economy wala namang masama run. Pinaubaya lang niya ang responsibilidad niya sa ibang mga tauhan kasi matured enough naman sila to do their job. Regarding Police it only shows rin kung anong klaseng mga tao pa nila kung bakit kailangan nga ng Duterte pero sila ito mga mayayabang na Duterte ng Duterte pero mga pasaway rin naman. Hindi naman kasi superman o Diyos si Duterte para instantly baguhin ang bansa tulad ng ibang paniniwala ng mga tao rito.

Yup agreed na magkaiba sila ng forte. Aminado naman din si Duterte na hindi siya magaling pagdating sa ekonomiya pero pagdating sa batas sisiw lang. Kanya kanyang forte ika nga.

Yung mga mayayabang  at pasaway na pulis , exisiting na yan dati pa hindi lang ngayun.

Ako hindi ko muna pwedeng sabihin na oo sobrang satisfied ako sa ginagawa ng administrasyon nyayun kasi sobrang aga pa. Pero mas ramdam ko yung ngayun kasi wala nakong nababalitaan sa tanim bala, drug war approve ako dito.

Yung traffic, eto yung gustong gusto ko talagang masolusyonan at sana merong solusyon. Otherwise talagang  masisira ang administrasyon dito..hehe

Giri

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #423 on: August 16, 2016, 02:54:07 pm »
President Duterte wants emergency power to address the traffic situation in MM. I hope congress speed up their process in granting President Duterte emergency powers. Ilang beses ng binangit ni Duterte itong emergency powers para mapabilis ang solution sa traffic.

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #424 on: August 16, 2016, 03:12:53 pm »
Quote
Obviously you can't still move on from the past administration  ??? Hindi ba yung idol niyo nagsabi to look forward na lang? And stop comparing Noy noy to Duterte magkaiba sila ng forte sa pagkapresidente, kung hindi naasikaso nang husto ni Pnoy ang krimen nagfocus naman siya sa economy wala namang masama run. Pinaubaya lang niya ang responsibilidad niya sa ibang mga tauhan kasi matured enough naman sila to do their job. Regarding Police it only shows rin kung anong klaseng mga tao pa nila kung bakit kailangan nga ng Duterte pero sila ito mga mayayabang na Duterte ng Duterte pero mga pasaway rin naman. Hindi naman kasi superman o Diyos si Duterte para instantly baguhin ang bansa tulad ng ibang paniniwala ng mga tao rito.

Kita mo yung issue ng ililibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani? Marami pa rin ang ayaw, why? Dahil hindi rin maka move on? Maraming bagay ang pinagdadaanan tayo dahil sa kapabayaan ng nakaraan. Di mo na mabubura ang history. So laging ibabalik yan kung merong problema na naidulot ang nakaraan lalong lalo na kung damang dama mo pa rin ngayon. Kung i-reference ang previous admin dahil sa pagkukulang nito, wala tayong magagawa kasi kung ganun naman talaga ang nangyari. Wag na lang siguro pagtakpan at wag lang din naman na puro sisi na lang. Let's all do something to work things out kasi andito na tayo eh nangyari na ang past.

Hindi talaga superman si Duterte. Kaya need nya ng cooperation ng lahat. And if yung "hope" na binibigay nya sa mga tao na parang maaayos nya ang Pilipinas, kung nakakatulong naman ito maka inspire sa mga tao, then I don't mind it. As long as para sa ikabubuti ng bansa natin tutal tayo naman ang magbenefit nito. Kesa naman na puro kontra na lang din at puro mali lang ang hahanapin di ba? So mas ok na ako na yung makikitid ang utak ay maging supporters kesa naman maging haters kasi mas hindi makakatulong sa bansa.

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #425 on: August 16, 2016, 03:28:43 pm »
meanwhile, Espinosa is back to work as Leyte's mayor. nakakainis grabe! but my husband said he really could go back as mayor until he's officially convicted. grrr minsan naiisip ko na sana patayin na lang din agad kahit nag volunteer na mag surrender. this guy doesn't deserve due process.

PH army has also overtaken the last stronghold of abu sayaff in basilan. this is good news! sana mabuwag na talaga sila.

angeleigh

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #426 on: August 16, 2016, 03:45:04 pm »
I am super satisfied with this administration or at least with what it has achieved so far!

Insider update.

My bf is an Operations Manager in a Crewing Company and yesterday they had a meeting with Marina.
Pati don, may buy bust operation sa mga tiwaling officials. As in nililinis na daw top to bottom ha!

Pati yung mga little things like 25 pesos charge sa isusuot na marine uniform para sa id picture (which if you compute at 1000 seaman per day aabot ng half a million a month!), pati yung mga binebentang 12 pesos na
 brown envelope which should only cost 2-3 pesos... Tinatanggal na daw yan.

At least diba, little by little may nakikita kang changes. For that I am very much thankful.

Giri

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #427 on: August 16, 2016, 03:47:50 pm »
May one stop shop na for OFWs.

Overtaking the strong hold of ASG is not enough as they can rebuild again. Our soldiers must pursue and eliminate them.
« Last Edit: August 16, 2016, 04:01:51 pm by Giri »

Leven

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #428 on: August 16, 2016, 04:31:14 pm »
Ako nakamove on nako from past administration kasi ramdam ko na ngayon ang PAGBABAGO. Kanina lang sa NSO ang bilis ng process. Pumunta ako sa mall kahapon, wow, may sukli talaga kahit 25 cents, nasanay kasi akong hindi nagsusukli yung mga saleslady doon. Noon pag umuuwi ako galing work around 12am daming mga batang nakakalat sa lansangan, Ngayon wala na tapos kahit saan ka nakatingin may mga patrol ng police. Tinigil ko na rin noon ang manuod ng news at SONA. Ngayon, nakikipag agawan na talaga ako sa remote basta news na kahit tanghalian pa yan..Tinigil ko na rin makinig ng SONA after Arroyo kasi wala na akong tiwala sa gobyerno after noong incident ng SAF44 at YOLanda. Pero sa SONA  ni Digong first time kung nakatutok sa TV na tinapos ang SONA..I can feel his sincerity to his words, why? kasi may ACTION..hindi puro yabang...Kaya YES, It's time to move on..Ilibing na si MARCOS..haha

cutemama

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #429 on: August 16, 2016, 04:39:21 pm »
Ex-VP Binay blames Aquino for not acting on Marcos burial issue

MANILA – Former President Benigno Aquino III could have ended the debate over where to bury the late dictator Ferdinand Marcos yet he chose not to act on the issue, the camp of former Vice President Jejomar Binay said.

The former vice-president's spokesperson, Joey Salgado, said Aquino tasked Binay to study the issue of burying the Marcos remains at Libingan ng mga Bayani.

Binay then came up with the recommendation as early as 2011 to allow the burial of Marcos in Batac, Ilocos Norte, an arrangement the former vice-president claims the Marcoses had agreed on.

''The OVP (Office of the Vice President solicited the comments of various political parties, sectors, organizations and the general public. The Office also held consultations with the Marcos family on the issue. The OVP received over 3,000 responses through text, email, and letters,'' Salgado said in a statement.

Salgado, however, said Aquino did not act on the recommendation, ''that's why the nation is once again torn by debates over a contentious issue that could have been buried a long time ago."

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #430 on: August 16, 2016, 05:07:57 pm »
on marcos' burial, yes people could never move on from it. minsan kasi ginagawang scapegoat or campaign material ang marcos era. and they forgot some of the good things that era had given us at inienjpy pa natin until now.

but on the other hand, were the corruption and the human rights violations. if only, we could learn to forgive the dead. but a few bad deeds always overshadow the many good deeds a person has done. mas madaling maalala ang mga mali, masama, at masakit. human nature so now, i understand the clamor against marcos' burial.

sana September 18 na para matapos na. since knowing duterte, he's never the type to get swayed by public opinion lalo ng alam naman nya na he's not violating the law. but sana, the marcos family, would just be the one to make the compromise. sila nalang mag give way since ive read that ferdinand marcos wanted to be buried beside his mother in ilocos. maybe then, those who couldn't forgive the past will start healing. enough na yung acknowledgement from a philippine president that marcos is eligible to be buried there and have a hero's burial. just my pov.

tomatostellar

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #431 on: August 16, 2016, 05:23:06 pm »
May one stop shop na for OFWs.

Galing at na implement agad!

Also looking forward sa Manila - Bulacan Railway! :)

Although still very alarming ang mga extra judicial killing. Nakakalungkot na as a nation, we are so desperate na inaccept na lang natin na ganito ang "paglinis".


dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #432 on: August 16, 2016, 05:38:35 pm »
Quote
Although still very alarming ang mga extra judicial killing. Nakakalungkot na as a nation, we are so desperate na inaccept na lang natin na ganito ang "paglinis".

My take on the extra judicial killings. I think medyo pinapalaki lang talaga ng mga critics at media ito. Basing on other statistics from the past, parang around normal lang naman yung mga nangyayari around the country. It's just that hindi lang masyadong nabibigyan pansin from the past. What worries me more are the vigilante groups na part ng mga drug syndicates. Unfair lang na isisi din ang mga killings na ginagawa ng mga ito sa PNP.

BDJ

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #433 on: August 16, 2016, 05:44:25 pm »
^sis or bro, what is wrong with "nung time ni noynoy..."? it's what the former pdea chief had said. he gave the list to the previous administration. i heard it myself. his exact words. and there's nothing wrong with her post kasi yung message lang nya is mas satisfied sya with the current president's performance. what exactly is wrong with that? kahit sa ordinary and personal lives natin, naku compare natin ang past and present. moving on is not necessarily forgetting. moving on is to continue with life without bitterness, even though things did not happen our way.

i admit some duterte supporters have become fanatics (kahit anong kampo meron) but every once in a while, let's take a pause and observe ourselves. kasi minsan we are not aware we are becoming fantards too and really, halata sa mga posts talaga.

Ganun na nga yun sinisise niyo pa rin yung nakaraang administrasyon puro na lang sise at sise. NUng time niya mga tao reklamo ng reklamo, ngayong hindi na siya Presidente hay nako ganun pa rin? Sise pa rin? Hindi nga ako makapaniwala na may nag-iba na ng ugali at pagkatao nandahil lang sa idolo nila. Change is coming nga.  ;D

@BDJ

Obvious bang galit na galit ka din sa mga against sa idol mong si Boy Sisi. Actually, lahat ng sinabi mo, pwede ding ibato pabalik sayo, sa pagiging blind follower mo din sa kanya.

Idol? Excuse me! I didn't not vote for him since Gordon ako during that time akala ko incompetent siya at walang gagawin pero nagkamali ako marami siyang napatunayan. Hindi naman tulad ng idol mo puro patayan lang ang alam  ;D Dami ngang nagawa hahahah..... Kasi maraming casualties. At saka tinawag mo pala siyang Boy Sise eh! bakit mo ginagaya? Ganyan talaga kapag sobrang galit na galit ka sa nakaraang Presidente gagawin mo rin.

Yup agreed na magkaiba sila ng forte. Aminado naman din si Duterte na hindi siya magaling pagdating sa ekonomiya pero pagdating sa batas sisiw lang. Kanya kanyang forte ika nga.

Ako hindi ko muna pwedeng sabihin na oo sobrang satisfied ako sa ginagawa ng administrasyon nyayun kasi sobrang aga pa. Pero mas ramdam ko yung ngayun kasi wala nakong nababalitaan sa tanim bala, drug war approve ako dito.

Yun naman pala kaya dapat huwag nang sisihin si Pnoy kung meron man siya naging pagkukulang. Saka bakit kasalanan na naman ba ni Pnoy yung tanim bala? Obvious naman na black propaganda lang yun against him during apec. tapos siya na naman ang sisisihin niyo? Regarding sa drug war paano naman yung mga inosenteng nadamay? Walang kinalaman sa drugs okay lang rin sayo?

Kita mo yung issue ng ililibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani? Marami pa rin ang ayaw, why? Dahil hindi rin maka move on? Maraming bagay ang pinagdadaanan tayo dahil sa kapabayaan ng nakaraan. Di mo na mabubura ang history. So laging ibabalik yan kung merong problema na naidulot ang nakaraan lalong lalo na kung damang dama mo pa rin ngayon. Kung i-reference ang previous admin dahil sa pagkukulang nito, wala tayong magagawa kasi kung ganun naman talaga ang nangyari. Wag na lang siguro pagtakpan at wag lang din naman na puro sisi na lang. Let's all do something to work things out kasi andito na tayo eh nangyari na ang past.

Hindi talaga superman si Duterte. Kaya need nya ng cooperation ng lahat. And if yung "hope" na binibigay nya sa mga tao na parang maaayos nya ang Pilipinas, kung nakakatulong naman ito maka inspire sa mga tao, then I don't mind it. As long as para sa ikabubuti ng bansa natin tutal tayo naman ang magbenefit nito. Kesa naman na puro kontra na lang din at puro mali lang ang hahanapin di ba? So mas ok na ako na yung makikitid ang utak ay maging supporters kesa naman maging haters kasi mas hindi makakatulong sa bansa.

Ah so parang sinasabi mo kapag nakamove on na mga tao sa martial law pwede nang ilibing sa libingan ng mga Bayani si Marcos? Pwede nang maging Bayani si Marcos kasi nakamove on naman na yung mga tao? So same goes na pwede na palang ilibing sa Heroes Cemetery si Hitler pag nataon kasi nakamove on naman na yung mga tao and it is a history.

Eh dapat hindi niyo rin pinagtatakpan yung mali ni Duterte lalo na sa extra judicial killings ang dami nang nadadamay na mga inosente tapos yung iba kung sino sino lang pumapatay sabay take advantage pa yung iba dyan basta magsulat lang sa karton na sasabihin pusher ako. Eh kung yung killer drug syndicate lang rin naman para lang manahimik yung pinatay nila na nainvolve sa kanila. Ang dami ngang unidentified suspects sa patayan eh! Paanong hindi sisisihin si Duterte ng ibang tao tungkol sa patayan eh siya naman nag-udyok nun sa publiko. Understood na yan na maraming magsamantala hindi naisip ng idolo niyo yun.

Kung sa bagay ikaw na rin ang nagsabi na magiging reference pa rin yung nakaraang administrasyon gagawin ko ring reference yung hatred ng mga tao sa nakaraang administrasyon na puro kontra at mali lang rin ang hinahanap sa kanya kahit naman na marami na siyang na achieve siempre dahil sa galit ng mga tao hindi na nila bubuksan pa ang isipan o pasasalamatan ang pangulo kasi para sa mga may hinanakit sa nakaraang pangulo walang ginawa at blah blah. Ngayon narealize niyo na kung ano rin mga ginawa niyo sa nakaraang administrasyon? Puro lang rin kayo hinanakit sa kanya tapos may magsabi lang ng compliment sa kanya galit na galit kayo sa mga taong sumusuporta sa kanya. Halos hindi niyo na nirerespeto yung opinion ng iba.  Kapag may mamuna sa idol niyo galit na galit kayo ngayon kasi ang gusto niyo naman puro papuri at sampalataya sa kanya.

Ex-VP Binay blames Aquino for not acting on Marcos burial issue

MANILA – Former President Benigno Aquino III could have ended the debate over where to bury the late dictator Ferdinand Marcos yet he chose not to act on the issue, the camp of former Vice President Jejomar Binay said.

The former vice-president's spokesperson, Joey Salgado, said Aquino tasked Binay to study the issue of burying the Marcos remains at Libingan ng mga Bayani.

Binay then came up with the recommendation as early as 2011 to allow the burial of Marcos in Batac, Ilocos Norte, an arrangement the former vice-president claims the Marcoses had agreed on.

''The OVP (Office of the Vice President solicited the comments of various political parties, sectors, organizations and the general public. The Office also held consultations with the Marcos family on the issue. The OVP received over 3,000 responses through text, email, and letters,'' Salgado said in a statement.

Salgado, however, said Aquino did not act on the recommendation, ''that's why the nation is once again torn by debates over a contentious issue that could have been buried a long time ago."

Bakit nasa Duterte thread ito? Obviously out of topic ka na. Aquino Binay pinag-uusapan sa Duterte mo nilalagay. Pinalalabas mo na naman na kasalanan ni Aquino na maililibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Bakit hindi yang idol mo ang sisihin mo sa kagustuhan niyang ilibing si Marcos dyan sa Libingan ng mga Bayani. Oo nga pala IDOL nga sampalataya sa kanya kaya lahat tama ang ginagawa kahit mali pilit pa rin ginagawang tama. Tapos kapag nagkamali ang idol si Aquino na naman ang sisisihin. Hindi ka pa rin makamove on sa hatred mo kay Pnoy?


janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #434 on: August 16, 2016, 06:03:09 pm »

Yun naman pala kaya dapat huwag nang sisihin si Pnoy kung meron man siya naging pagkukulang. Saka bakit kasalanan na naman ba ni Pnoy yung tanim bala? Obvious naman na black propaganda lang yun against him during apec. tapos siya na naman ang sisisihin niyo? Regarding sa drug war paano naman yung mga inosenteng nadamay? Walang kinalaman sa drugs okay lang rin sayo?

Huh?!? Sinong may sabi na kasalanan ni PNoy? Sinong naninisi?Ang point lang naman eh walang action noong panahon nya. Pabaya ang kanyang tauhan.

Teka panong black propaganda? Hindi bat may mga nataniman naman talaga? Nakakahiya nga kasi international news yun.

Quote
Regarding sa drug war paano naman yung mga inosenteng nadamay? Walang kinalaman sa drugs okay lang rin sayo?
Sinong may sabi naman sayo na ok lang madamay ang inosente? San mo nakuha yan sa sinabi ko?
Teka parang ganito ang tanong mo sa akin, pano naman yung mga nararape at napapatay na inosente dahil nakashabu  ang nanrape. Ok lang ba sayo?

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #435 on: August 16, 2016, 06:24:55 pm »
Quote
Ah so parang sinasabi mo kapag nakamove on na mga tao sa martial law pwede nang ilibing sa libingan ng mga Bayani si Marcos? Pwede nang maging Bayani si Marcos kasi nakamove on naman na yung mga tao? So same goes na pwede na palang ilibing sa Heroes Cemetery si Hitler pag nataon kasi nakamove on naman na yung mga tao and it is a history.

Obviously, binalik ko lang ang logic mo kasi sabi mo ayaw mo ng nag sisi or reference sa previous admin. So ayan binalik ko yung issue na yan. Ikaw ang nagsabi na mag move on, pero mukhang selective ka lang dahil namimili lang ng pwedeng i-move on?

Quote
Eh dapat hindi niyo rin pinagtatakpan yung mali ni Duterte lalo na sa extra judicial killings ang dami nang nadadamay na mga inosente tapos yung iba kung sino sino lang pumapatay sabay take advantage pa yung iba dyan basta magsulat lang sa karton na sasabihin pusher ako. Eh kung yung killer drug syndicate lang rin naman para lang manahimik yung pinatay nila na nainvolve sa kanila. Ang dami ngang unidentified suspects sa patayan eh! Paanong hindi sisisihin si Duterte ng ibang tao tungkol sa patayan eh siya naman nag-udyok nun sa publiko. Understood na yan na maraming magsamantala hindi naisip ng idolo niyo yun.

Meron bang nagtatakip? O meron lang talagang putak ng putak basta makareklamo? Bilangin mo ang stats ng mga namatay sa crime at extra judicially sa mga previous years and i-compare mo din sa ngayon.

At saka, para naman tayong hindi adult, ikaw ba kapag sinabing patayin mo mga pushers papatayin mo? Kung may pumatay man ng tao unlawfully, kriminal sila. They will be accountable for that. Wag mo i-accuse na ang mga vigilante na ito ay part ng admin eh wala ka nga din evidence. Kaya nga hinuhuli ang mga vigilante na related din sa drug networks.







Ito na nga ba sinasabi ko. Wag nyo na kasi babanggitin si N*yn*y dito. Makaka-hurt kayo sisies ng mga feelings aminin man nya o hindi.

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #436 on: August 16, 2016, 06:31:09 pm »
@BDJ hinde ko sinisisi si noynoy. bakit ko sya masisisi alam ko naman kung anong kakayahan nya as a leader? pano ko masisisi ang isang taong wala naman akong expectation? when his admin was done, I just felt relieved.

now, i just think duterte is doing a much better job as our president. so far ha. wala pa namang 3 months ang presidency nya.

anyways, i just want what's best for my country. this is not about fangirling or fantarding or "idol-ing." hinde tayo part ng isang fandom ng isang kpop idol or pinoy loveteam na nang-iidolo lang hahaha.

FOURever

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #437 on: August 16, 2016, 06:32:53 pm »
Out of topic daw yung burial of marcos. Seriously? Anyway, obviously an anti duterte sya. Hayaan na. But i am glad na people here are trying to answer his/her opinions nicely kahit na may mga personal attacks na

cutemama

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #438 on: August 16, 2016, 06:40:57 pm »
Hahahah natatawa naman ako. Masyadong hot yung isa dito. Sis kalma ka lang. Mukhang lahat ng sinabi mo eh dapat sinasabi mo sa sarili mo. You're always using the word "idol" mukhang ikaw ata ang may "idol". Tska galit na galit ka na pag may nasabi lang negative kay PNOY.

2 aquinos na ang dumaang presidente sa Pinas, sana ginawan na nila ng paraan para hindi mailibing si marcos sa libingan ng mga bayani. Gumawa na ng way si binay nung 2011 pero deadma si Pinoy. Tapos ngayon mag nga-ngawa ang mga yellow supporters.  Akala kasi nila yung manok nila.ang mananalo.

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022
« Reply #439 on: August 16, 2016, 06:41:23 pm »
by the way, i always thought this thread is not only about president duterte himself. this is about his administration and all things related to it. so i think it's ok to discuss here any updates regarding our country.

skip nalang kung may ayaw basahin. pero grabe sumasakit ang ulo ko sa "idol nyo." pwedeng mas pinagkakatiwalan lang talaga.
« Last Edit: August 16, 2016, 06:48:01 pm by springblossom »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close