watch now

Author Topic: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER) - Thread 2  (Read 52097 times)

loidyloids

  • Guest
Sa mga clothes naman, konti pa lang nabili ko. Tiesides pa lang, tapos puro 6-12 months na agad. hehe sabi kasi ng Mama ko, madali naman daw kalalakihan ni baby yung mga damit eh

aNgelofThEMorning

  • Guest
Ako naglaba na nung weekend :) Baka kase mapa-aga panganganak (wag naman sana), at least ready na.

Last week napansin ko namamanas yung paa ko, hinde ko na kase makita yung buto na nakausli sa paa hehe. Nagpa-massage ako kay hubby twice sa gabi, tapos sa office nag set-up ako ng patungan ng binti sa ilalim ng table. Ngayon balik na sya sa dati, pero inalis ko na yung wedding ring ko  baka kase tumaba ulit mga daliri ko sa kamay.

Every 2 weeks na check-up ko mga sis, tapos may last ultrasound pa daw. Pinag-start na rin ako ni OB mag-bilang ng fetal movement, if for 1 day hinde gumalaw si baby, text daw sya agad. Yung iba daw kase kinabukasan pa pumupunta, patay na daw baby :(

Re halo-halo, nung 6th month ko, grabe craving ko dyan, every weekend kumakain ako. Lately, napapansin ko sobrang naiinitan ako, kahit bukas ang aircon sa gabi pinagpapawisan ako, si hubby naman nakakumot na sa lamig.

May shortness of breath din ako, pero tingin ko may swollen ribs na ko. May part kase sa ilalim ng breast ko masakit pag gumagalaw sya. Trip na trip nyang sipain yung part na yun hehhe. Kinakausap ko nga sya sabi ko sipain lang nya ko ng sipain, basta gumalaw sya :)

Konting kembot na lang mga sis. :)

Which is Witch?

  • Guest
sis crzysxycl, minsan parang buong tummy ko naninigas :( iba yung feeling niya sa mga kicks ni baby. grabe sis, likot na ng mga baby natin! paano pag malapit na tayo manganak baka sikip na sikip na sila. haha.

sis loidyloids, waahh, puro pangnew born binili ko. haha. nakakatuwa kasi mamili nung mga maliliit na damit. hehe.

sis aNgelofThEMorning, waahh, ako hindi pa ko pinagbibilang ng sipa. Pero hindi ko pinapalampas yung ilang oras ng hindi siya gumagalaw. Hehe. kakabahan na ako. Para kasing may time na siya ng paggalaw, kaso hindi ko ninonote yung exact time, kasi nga takot ako na kapag kinabukasan di siya gumalaw sa exact time. baka maparanoid lang ako. hehe. kakatakot naman yun noh.. same here sis, init na init din ako. hehe.hindi na ko nagkukumot nga kahit naka aircon, unlike dati.


loidyloids

  • Guest
@sis Which is Witch?: Kung hindi naman siguro madami ang newborn clothes, okay lang naman. hehe feeling ko maliit pa din yung mga pang 6-12 mos. na tiesides eh.  ;D Depende din naman sa laki ni baby paglabas kung hanggang kelan niya magagamit.  :)

Re weather: Grabe ang init ngayon talaga, tapos nag uumpisa na umulan pero parang pinapasingaw lang init lalo  :(

arkimommy

  • Guest
Approaching my 24th week and I had ultrasound again kanina to check the baby. Everything's well, just the right heartbeat and sakto na weight niya for her age, effective diet ko!! My cervix is still closed despite the preeclampsia. Kailangan ko lang talaga magpa-baba ng BP. I'm so happy kahit may pinagdadaanan yung family namin right now, I have a strong and healthy baby. God is really great!!

My previous ultrasound said that I'm having a baby boy. But now, baby girl naman siya. Waaah! Whatever the baby's gender, I'm still so grateful but need another ultrasound para 101% sure na sa gender niya hehe. Buti nalang konti pa lang yung baby stuff na nabili ko.

crzysxycl

  • Guest
Loidyloids - ako rin sis konti lang pang NB. yung mom ko nga lang namili nung sale kaya nadagdagan pang NB ni baby, excited ang lola hehe. Hanggang 6 mos palang binili ko kasi tignan ko pa kung marami magbibigay ng regalong damit sa binyag hehe.

angelofthemorning - pansin ko nga rin sis pag ineelevate ang paa nawawala ang manas. hala nakakatakot naman kwento ng OB mo. talagang dapat pakiramdaman natin movements ni baby. ako rin laging init na init, nagtataka nga rin hubby ko kasi naka jacket na sya at kumot, ako wala lang haha.

which is witch - ay ganun sis buong tummy pala. kung hindi sunod sunod sis tingin ko BH lang yan. korek sis ang likot na hehe.

Arkimommy - glad to know healthy si baby. aww, sana final na yung gender na sinabi sa amin, almost complete na kasi gamit ni baby hehe. Anong position ni baby sis nung previous scan mo? Napagkamalang boy sya.. Yung niece ni hubby ganon. akala nung una boy, umbilical cord pala yung unang nakita na akala lawitwit. Nagulat nalang sila paglabas girl hehe. Kahit anong gender, super huge blessing yan.

arkimommy

  • Guest
^ Umbilical cord din yata yung nakita nung first scan ni baby, as far as I can remember nakadapa siya nun, ngayon naka-harap na siya! ;D Sabi sakin kanina mga 80% girl na siya kaya start na kami mag shopping ng eldest ko hehe. What's the gender of your baby sis crzysxycl? :)
« Last Edit: May 17, 2016, 05:18:42 pm by arkimommy »

Which is Witch?

  • Guest
loidyloids - kaya nga eh ang liliit. hehe. bahala na. bili na lang ulet pagfitted yung mga nabili ko. hehe

crzysxycl- sana nga sis, BH lang. thanks sis!

arkimommy - buti sis okay naman kayo ni baby! yung sakin din sis, nung una natatakpan ng umbilical cord. haha. pero boy yung unang tingin niya, then next ultrasound, kinonfirm na boy talaga. hehe. Kaloka yung sayo, nagbago bigla! :) Kaya ako, everytime na iuultrasound ako, tanong ko sa doctor , boy padin po ba? hehe. so far di pa naman nagcchange to girl. hehe :D true! kahit anong gender, blessing! :D

Adrienne28

  • Guest
Thank you, sisses Which and Crzysxycl!

Sis Which, if ever meron ka makitang seminar sa bandang Alabang, please let me know ha? Gusto ko din maka-attend ng ganyan kaso karamihan either Ortigas or QC lang. Thanks.

crzysxycl

  • Guest
Hi sis arkimommy. :) Madalas ata mangyari na napapagkamalang lawitwit yung umbilical cord. Boy baby ko sis, nung ultrasound kita yung balls. :D Sana paCAS na ako ni OB para ask ko kung boy pa rin hehe. Take care sis!

shegie_285

  • Guest
Hi mga sis, thanks ulit sa mga words ninyo. :)

Sis belle ang ganda ng maternity shoot. :) Magpapa-bump shot din ako mga sis from a professional photographer, nakabili kami ng discounted photoshoot sa isang fair. But my hubby and I will do a DIY photoshoot. Ang mahal kase ng photoshoot.

Mga sis parang hindi ko nararamdaman yang braxton hicks. actually kahit hiccups hindi ko alam kung ano ang pakiramdan nun. hehe... pero ok naman ako basta baby is moving. I read mas kokonti ang movements pag nasa 3rd trim na pero i will be 33 weeks tomorrow pero madami pa ding movements si baby. Thank God naman dahil mas kampante pag nagmo-move si baby.

loidyloids sa isang forum ko naman may nagsabi na mommy na bumili din ng newborn dahil mga damit ng baby nya malalaki pa. normally nga kase ang mga nireregalo is pang malaki rather pang newborn.

Speaking of damit, naku 3 pa lang damit ko. need to go shopping na! one free sa isang seminar, then isa na going home outfit and isa na susuotin nya after sya panganak. nag-splurge ako sa dalawang damit na ito. ang mahal ng bili ko pero super cute lalo na ang going home outfit. nakalagay 'welcome to the world' :)

My husband and I will attend antenatal classes starting this Thursday. 6 sessions.  Hospital is recommending it and I think I really need those classes to prepare myself sa birthing process and then sa breastfeeding and taking care of my newborn.

Check -up, magmula 28 weeks every two weeks ang check-up ko then from 36 weeks every week na.

Congrats din sa mga successful na CAS and check-up. :) Nakakaluwag ng feeling kapag pag sinabi ng doctor na okay lahat. :) Dito sa Dublin routine ang CAS between 20 -22 weeks. I think helpful nga sya and kung may mali man I think pwede mapaghandaan or pwede ma-correct.

120515 icec cream - yum! have you tried substituting frozen yogurt? sa akin effective ang frozen yogurt pag nag-crave ng ice cream. madalas kase vanilla ice cream lang naman gusto ko. :)

aylatskie safe trip home. ako naman feeling ko pag sa Pinas hindi healthy ang mga kinakain ko. siguro kase holiday mode pag nasa Pinas kaya sige ang kain kahit ano. :)

Sana huwag ako manasin! so far at 33 weeks hindi pa, kasya pa ang wedding at engagement ring ko. kaso may mga nabasa ako mga 8 months daw minamanas, pati stretchmarks may isa ako friend 8 months daw lumabas ang stretchmarks.. sabi nung bumpshot photographer, mga 4 - 6 weeks daw before due date ang bumpshot sabi ko, lets do it soon habang ok pa ang itsura ng tyan ko. hehe.. will do the bumpshot in two weeks. :)

Which is Witch?

  • Guest
Adrienne28 - sige sis! balitaan mo din ako kung may alam ka ha? :D for now, youtube muna. hehe

shegie_285 - buti ka pa sis, di mo nafifeel yung braxton hicks. ayoko ng feeling non. natatakot kasi ako maging actual contraction yung nafifeel ko eh. Ako din wala pang manas ang stretchmarks, malapit na yung 8mos ko, wag naman na sana! hehe.

sa ice cream mga sis, frozen yogurt din pang substitute ko. Yung favorite ko ngayon na brand yung BTIC(better than ice cream) na frozen yogurt. parang regular na ice cream siya, wala talagang maasim na malalasahan. And di ako masyadong guilty pagkumakain non. Hehe :)

120515

  • Guest
sis shegie and sis which, that's what i'm looking for right now but i haven't found one yet. so i'm satisfying my ice cream cravings with fruity yogurt cups. i wish there was btic here!

aylatskie

  • Guest
San po makakabili ng BTIC sa pinas?

arkimommy

  • Guest
^ Sis, check their website http://www.bticfrozenyogurt.com/locations.html. Sa ATC ako nakabili before.

crzysxycl

  • Guest
Hay sarap ng ice cream! :) Bigla ako naguilty, vanilla lang kasi meron sa ref. Ginawa ko, hinaluan ko nalang ng nestle yogurt, naaasiman kasi ako lalo dun sa blueberry flavor. Parang milkshake ang dating. :)

Mga sis, meron din yogurt ice cream ang magnolia. Masarap yung mango saka strawberry flavors. Not sure kung sa lahat ng groceries meron kasi sa mercury drug lang ako nakabili.

Jeannybaby - true sis haha. Nakadepend kay baby ang pwesto natin. :)

Belle - Ganda ng pics sis! :)



« Last Edit: May 19, 2016, 06:03:59 pm by crzysxycl »

macheoc

  • Guest
sis jeuliann thanks sa positive feedback on Ms. Rome  :)

sis crzysxycl grabe din cravings ko sa ice cream  :-[ plan ko slmc-qc to give birth. kaya todo ipon. di pa namin napag uusapan [textspeak!] about packages.

ayan nagstastart nang sumakit legs ko. pa manas na punta nito  :(

re: ultrasounds, mas ok ba 4d kesa 3d?
« Last Edit: May 19, 2016, 06:04:04 pm by macheoc »

crzysxycl

  • Guest
^hello sis. ilang weeks na kayo ni baby? kami rin todo ipon and super daming prayers na sana walang complications. nagbigay na ng quote OB mo sis? iniisip ko kung sa fe del mundo nalang manganak para medyo mura, pero ayaw ng hubby ko. in fairness, wala rin naman ako masabi sa service ng slmc.

aylatskie

  • Guest
Ampangit na ng boobs ko. Dami na niya visible veins. Huhuhu. I had my last check up while ago before flying back on Saturday. Baby is 1.7kg so average weight daw siya sabi ni doc and nakita ko din naman sa journal na sakto Lang siya for 32 weeks. Pero grabe ang weight gain ko na. Hirap na rin talaga ako  bumangon, needs assistance na.

crzysxycl

  • Guest
^wow 32 weeks, lapit mo na makita si baby sis. Nagpapa ultrasound ka ba sis every visit sa doc? Sa akin naman sa tummy yung marami veins, tapos dami na rin stretchmarks. :( safe trip sis!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close