Hi guys just want to share my experience on all the whitening soaps that I've tried sa buhay ko. Haha! Disclaimer lang, mapili ako sa soap. Gusto ko mabula, mabango, di madali matunaw, di masyadong mahal, di matigas or di malambot yung sakto lang at mabilis makapagpaputi. In short wala sa earth ang sabong hinahanap ko. Char! Haha anyway, So I'll enumerate the soaps na tumatak muna sa isip ko. (Another disclaimer, what worked for me might not work for you and what worked for you baka hindi nagwork sakin)
1. My current combo: Silka Green Papaya + Mestiza soap - Holy grail material. nagabroad ako at umitim ang braso ko mga 2 shades darker. 1wk ko palang gamit tong combo na to naglighten na agad ako ng 1 shade. Ang lakas magpeel! Si silka alone sobrang moisturizing, ang lambot sa balat glowing banat mabango pa. Si mestiza alone naman lakas makapeel. Para kang nagppeeling lotion. Namamalat talaga kaya panalo ang combo together!!! Plus sobrang mura pa at available sa tindahan at drugstores nationwide.
2. Gluta Pure soap by wink white - I used this For 7mos. Ang laki ng pinuti ko dito guys kaso 7mos lang din ako maputi. Hahaha! Ambango niya ang bilis ng effect after 1st use tapos mabula medyo pricey nga lang at mahirap hagilapin pero keri lang. Umasa ako na ito na ang HG soap ko kaso nung naubusan ako girl balik ako sa dating kulay ko. Temporary lang pala. Kahit sa soap walang forever!!!
3. Alpha arbutin by labdee thailand - ang bango, ang bilis makaputi. Tumigil ako kasi ang hassle magorder online. Though ngayon meron na mabibilan kaso dadayuhin mo pa sa certain malls.
4. Psalmstre Goats Milk w. Papaya - ate girls, SOBRANG EFFECTIVE nito. Mabango mabula at di gano mabilis matunaw And it smells really nice parang magatas. Downside kaya ko tinigil: nung naarawan ako itim agad.
5. Topgel - ang glowing and smooth sa plus. Kakaenjoy ang bathing dahil super bango. Ang yung bestfriend ko laki ng pinuti dito. Downside for me: ang bagal ng effect nabore ako saka gusto ko kasi naccut ko yung soap into small pcs e ang tigas nito.
6. Sutla - Pumuti ako dito kaso hassle kasi andali niya matunaw saka ang hirap hagilapin kaya di ko natuloy.
7. Diamond peel l glutathione soap - super moisturizing at lambot sa balat. mga 2wks to see the effect. Downside: ang bilis matunaw tapos 140pesos Kaya di ko na tinuloy
8. Gluta C - effect naman to mabango kaso saktuhan lang siya. Alam mo na sa presyong binabayad mo may mas effective na sabon kang mabibili.
Soaps I've tried that didnt work o di ko makita ang effect
1. Kojiesan - guys alam ko maganda to at skin ko may problema haha ayaw niya kahit ilang beses ko binigyan ng chance. Ambilis ko mangitim sobra kahit super 2mins lang ako naarawan at doble itim ako dito. (Lagi ako may dala payong at nagtatago talaga ako sa araw ha)
2. Likas - laki ng pinuti ng mommy ko dito At sobrang pumantay head to toe pero nababagalan ako sa effect. Ang tigas pa niya parang bato ang gamit mo.
3. Beauche kojic papaya - it worked on my face pero sa body i didnt see the effect and super bilis matunaw as in nasasayangan ako sa soap kahit mura siya
4. CY gabriel pink, glupa, cyleina pearl, cosmoskin, block and white papaya, flawlessly U, olay whitening bar rose, extra pure gluta soap, alpha arbutin soap by precious skin, royale gluta and kojic, tokyo love soap, kojic + tranex by belo, goree soap, beauche gluta variant
Di ko na maalala yung iba. Sana makatulong ito guys!
