watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3  (Read 28620 times)

loidyloids

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #160 on: May 23, 2016, 03:39:08 pm »
Get well soon sis pinkaholic! Pati sa mga anak mo. Pray lang sis. God is always there for you.  :)

Miss Granger

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #161 on: May 23, 2016, 10:37:20 pm »
Hi All,

I'm 35 3/7 now. And last week nag leave nako sa work due to BH and parang my discharge na white, nag alala din mga ka work ko and fam so I decided na magleave earlier, this week sana un plan. I told OB re this and sabi naman niya if walang pain BH nga daw.

Ang dami na mommies na nanganak na. Yey! Congrats simang, fiona and sa ibang mommies. Pink, prayers lang ha.

Hush and belle, cute ng mga pics niyo. Hindi na ako nagpapics too much stretchies feel ko. Hahaha pero siguro kahit kay hub lang papakuha ako!

My check up kami sa sunday and schedule din for GBS, pinastop na din ni doc yung OB smart ko and nagpastart na din siya ng Natalac for preparation ng BF.

Empress and MrsCapalungan, sorry late reps. Halos magkakasabay pala tayo, una una nalang hahaha, share kayo birthing stories ha? And empress, sa FEU pala ako. :)

Hugs mga mommies and soon to be ones!

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #162 on: May 24, 2016, 04:10:47 pm »
^wow sis lapit na! :)

*hugs* sis pinkaholic! Sis, curious lang ako.. inabot ng 4 days labor mo, hindi ba dapat sis pag hindi nag progress yung pag dilate ng cervix, dapat CS na? Sorry, ftm kaya wala rin ako idea.. narinig ko lang sa friend ko na ganun ginawa sa kanya.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #163 on: May 24, 2016, 05:43:20 pm »
v sadly sis oo sana. Pero ewan ko bakit ganun sila sa public hospital. Nung ika- 2 days ng labor ko still 3cm, 3rd day 4cm, balik sa 3cm ng hapon. 4th day, ayaw nako ie kasi parang naiinis na sakin :( Nung 21 ng umaga kaya lang ako inadmit kahit 3cm palang kasi natakot yung nurse malambot nahipo nya at di ulo. Grabe hirap na inabot ko. Yung mga nakasabay kong manganak nakalabas na kanina, mga CS pa sila ha. Akong NSD pa ang natira dito dahil sa severe bleeding.


Update: Si baby girl ko nakalabas na kanina. Pumirma nalang kami ng waiver.

Si newborn baby naman mahina pa, naka dextrose parin at nakatubo na ngt. Pero kanina pinatawag ako para magpabf sa wakas. Ang takaw takaw nya, from 3.4kgs ng niluwal ko sya 3.5 na sya sa 3days nakadextrose. Pero yung lahat ng nadede nya sakin naisuka nya lahat ramdam ko pa nahihirapan sya sumuka kaya pinahinto muna ko :( brokenhearted.

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #164 on: May 24, 2016, 06:37:41 pm »
^ay grabe sis. yung iba mo pala kasabay CS, bakit ikaw hindi nila ni-CS, nahirapan pa kayo tuloy ng baby mo. :( baka pwede ireklamo yan. kaya ba nagkaron complication baby mo sis dahil ang tagal bago mo sya nailabas? glad to know nadischarge na baby mo today. will pray for you sis, pagaling kayo ng kids mo.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #165 on: May 24, 2016, 11:40:24 pm »
v ewan ko sis pagod na ko mag isip parang anytime bibigay na utak ko. :'( Siguro kasalanan ko bat sya nagkaganun :'(

theEmpress

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #166 on: May 25, 2016, 10:05:24 am »
Miss Granger, ano feeling ng BH? lagi ng matigas tummy ko pero wala namang pain. at pag nahiga ako nawawala naman. matigas lang sya, minsan the whole day talaga. i'm still working and driving. pero pansin ko bigla akong bumigat. tapos nagmanas na rin mga paa ko, sumikip sa shoes. pero mukha ko di naman. nataranta tuloy ako bigla kong tinapos ang pag prepare ng hospital bags namin. di ko kasi matapos dahil i'm still working. ganun ba talaga, biglang lobo on the 8th month. sana wag muna lumabas si baby kasi wala si hubby ng June 9-13. ika 37th month ko yun :-(

ingat sis, update mo kami. :-)

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #167 on: May 25, 2016, 11:40:10 am »
Hi mommies! 37 weeks ako tomorrow. Di ako nakapagpost recently kase my parents arrived last Saturday. Di naman ako busy dahil halos sila na kumikilos dito sa house pero panay labas at kwentuhan kasi kami. Sa Saturday pa ang baby shower ko. Tapos tomorrow naka sched kami for car seat fitting. Ang sarap ng naka maternity leave!!! I don't have to wake up early. Sa eldest ko who is in year 1, sila mama narin nagpprepare sa kanya pagpuntang school. Bale ginagawa ko na lang is ipagdrive sila. June 16 pa my due date. :) inip na rin ako pero enjoying it. :)

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #168 on: May 25, 2016, 03:28:43 pm »
Pinkaholic, ingat ka lagi. Sending my prayers to your family.

momsypips

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #169 on: May 25, 2016, 05:16:46 pm »
Congratulations sa lahat ng batchmates na nanganak na and good luck naman sa mga manganganak na rin very soon! :-)

Mommies meron bang thread na para naman sa magkaka-batch na babies? Para kasing mas madali magtanong and mag share ng experience about our little ones kapag batchmates sila. Yung ibang thread kasi na nakita ko ang extreme ng topics since may newborns to toddlers na concerns. In short, tayo tayo pa rin mag uusap pero this time, about our journey with our little ones na hehe :-)

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #170 on: May 25, 2016, 06:49:58 pm »
Nakalabas na po kami mga sis. Biglang gumaling si baby! Napakabait talaga ni God! 27k bill namin pero 1500 lang po binayaran. Pwede pa sana namin maayos para mag zero bill pero inabutan na ng pagsarado :) Hay salamat po Lord at sa lahat ng nagpray.

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #171 on: May 25, 2016, 06:59:55 pm »
>glad to hear nakalabas na kayo sis pinkaholic. 😊 God is good talaga.

Check up ako kanina. Super sakit ng IE kasi medyo mataas pa daw pero 3cm dilated na daw and nakapa nya na ang ulo. 37 wks 3 days ako today. Pag 4cm pwede na daw i admit so pinapalakad ako ni Ob para daw bumaba and nakasubsob kasi position ng baby ko sa ultrasound. Kaya lang di ako nakapaglakad kanina kasi umuulan kaya naglinis na lang ako ng room. Tapos sumakit na every after 7-10 mins interval, tolerable naman ang pain. Then may brown discharge. Mucus plug na ba yun? Sabi kasi ni ob pag every 5 mins interval yung contraction punta na ako sa er. Sa mga mommies na nanganak na, usually ba matagal pa pag 3 cm?
« Last Edit: May 25, 2016, 07:23:36 pm by hushbaby »

stylus

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #172 on: May 25, 2016, 07:14:59 pm »
Sis pinkaholic. Stay strong sis. I can just imagine yung gusto mo sya lagi makasama to check kung okay sya all the time pero hindi pwedeng lagi mo sya karga.. iniisip ko pa lang nalulungkot na ako. Palakas ka kagad sis.

bk

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #173 on: May 25, 2016, 08:59:04 pm »
Hello mga sissies! I just got home from the hospital pero naiwan pa baby ko sa nursery :( I had my check up on Monday at sabi nga ng ob ko nun check up before that, magdedecide na kami if CS ako o hindi. 38 wks na ko nun at hindi pa rin nag open cervix ko e need na daw ilabas si baby dahil nga baka kalabanin sya ng dugo ko. Pag ganung case daw hindi na dapat pinapatagal sa loob ang baby. Iniisip ko pa nga kung tatawad pa ko ng ilang araw para matry magnormal delivery, e pag ultrasound sa kin naka cord coil na din sya. So ayun, tinanggap ko na kapalaran ko na CS na nga talaga. Around 8PM ako na-CS, baby was out by 8:37PM. So far he's doing good pero under observation pa sya until Friday kaya need maiwan sa ospital. Anyway, malapit lang naman sa min yung ospital so dalawin ko sya everyday.

Grabe ang hirap pala ng CS! Takot ako sa mga needles pero ang dami kelangan iturok (dextrose, skin test, winrho shot, etc) at hindi ko naman pwedeng tanggihan yun (siempre anything for the baby gagawin ko). Tapos yung hapdi ng hiwa kinabukasan feel na feel ko kahit may pain relievers na. Humihingi pa nga ako ng gamot pero sabi ng nurse may oras lang daw ang pag inom nun. Yung nababasa ko dito na masakit pag alis ng catether, medyo masakit nga pero keri naman kasi mabilis lang yun. Tulog ako during CS pero medyo nagising ako nung narinig ko iyak ng baby. Sad lang kasi wala kaming unang yakap moment. Nakita ko pala baby ko bago sya dalhin sa nursery at ako sa room ko. Til now wala pa rin ako breastmilk. Huhu! Sana magkaroon na kasi pangarap ko mabreastfeed sya.

bk

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #174 on: May 25, 2016, 09:00:16 pm »
Cont...

Next kita ko sa baby is Tuesday na ng hapon nung naalis na dextrose ko. Nagpawheelchair na ko sa nursery to see him. Tapos next kita namin is Wednesday bago ako lumabas ng ospital. Sakto pagdalaw ko sa kanya nagpoop sya! Haha! Pinalinis sa kin nung nurse para maexperience ko. Ayun first time ko ginawa at nataranta ako. Tapos pala super namanas ako ngayon kung kelan nakapanganak na. Nung buntis ako hindi naman ako masyado manas e. May pinaiinom na gamot ob ko for my manas. Naligo na rin pala ako kanina pag uwi. Tinanong ko ob ko kung pwede na, sabi nya naman oo daw. Wag daw ako maniwala dun sa mga nagsasabi na hindi pwede maligo within 10days pagkaanak :)

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #175 on: May 25, 2016, 09:11:16 pm »
Great news sis pinkaholic!!! :-) update mo kami. Palakas kayo agad ni baby mo :)

Hushbaby, ang sabi nila pag first daw it will take time bago mag fully dilate. May friend ako na nag 3cm pero inabot pa ng 2 weeks bago nanganak. Sa experience ko naman, 1cm ako tapos nanganak ako the following week. So depende talaga.. Regarding labor, yung saken kasi nagstart sumakit lower tummy lang 4-5 mins interval tas mild to moderate lang. Meaning kering keri ko pa maglakad pero medyo uncomfortable na. Hanggang sa naging 2-3 mins apart tapos mas matindi na yung pain. Hanggang sa nung inadmit na ko indescribable na yung pain, mga 1-2 mins interval. Nagdownload talaga ko ng contractions monitor na app para macheck ko intervals ko. Walking can be helpful para gravity dependent si baby. Good luck sis, anytime na din yan... :)

Sis bk, congratulations!!! Hoping for your speedy recovery. Good to know na nakalabas ka na. Mabilis na ang one week madidischarge na din si baby mo, pray lang, since full term naman na sya less worries na yan. :)
« Last Edit: May 25, 2016, 09:22:13 pm by simang »

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #176 on: May 25, 2016, 09:12:33 pm »
Momsypips, gawa tayo ng Facebook group! Haha

jeuliann

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #177 on: May 25, 2016, 09:21:04 pm »
Hi sis coca cola, pa-join sa facebook group.. :)

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #178 on: May 25, 2016, 09:32:57 pm »
The Facebook group idea sounds nice :) Lalo na for first time moms like most of us. Hehe pasali ako!

Sis bk, re: breastmilk pala, don't worry. For sure meron kang breastmilk. Once naglatch na si baby meron na yan. Nung nanganak ako i thought wala din akong breastmilk, as in my breasts were not sore at all, walang leaking, wala. Nung ni-room in si baby, the nurse advised na mag bf ako sabi ko parang wala naman akong milk. Sabi nya, okay lang basta pa-latch si baby then if mag-pee sya after sometime that means nakakuha sya ng milk. Nung nag latch na si baby, feeling ko wala lang, na parang wala naman syang naiinom.. Pero after nya matulog nag-pee na sya. Hehe. Kaya natuwa ako. Sabi ng lactation nurse pag few days old pa lang ang baby, calamansi-size pa lang tummy nila so 10-15mL of milk lang kelangan nila (~1 tbsp).

Naniniwala talaga ko na God made a woman's body perfect for child nourishment kaya for sure meron kang milk. Yun naman ang primary purpose ng breasts ng mga mommies, to produce food for our LOs.

4 days post partum na ko and umaapaw na milk ko. Baby's been feeding for 20-30 mins straight every 2-3 hrs. Nakaka amaze talaga. Pinatake ako ni OB ng malunggay supplement tapos my MIL cooks malunggay and ginger soup for me everyday. Siguro it helps din kaya ang dami kong milk ngayon and nakaka feed si baby ng tuloy tuloy.

Miss Granger

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #179 on: May 25, 2016, 11:13:13 pm »
- Empress, yes accdg to OB yan yung mga signs ng BH. Nag stop din muna ako sa work kasi nahirapan na din ako sa byahe then mabilis na hingalin etc. Kapag ganun BH, hanap kalang ng comfy position yung parang nakaka unat mabuti si baby and relax.

- Hush, super near ka na siguro manganak! Balitaan mo kami 😊

- Pink, good thing nakalabas na kayo. Pray lang lagi and lakasan mo yung loob mo for your kids.

-Simang, ang saya dami mo milk. I hope ako din sayang naman to kung hindi ko mapapa BF si LO! Hahaha. Sana Natalac will help din. Saka sabi ni OB nakaka weight loss ang BF so bonus na din yun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close