watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3  (Read 28692 times)

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #140 on: May 20, 2016, 08:51:49 pm »
36 weeks + 1 day

I finished work today! Yay! Now I'm officially on maternity leave. Finally i can enjoy some me time. Parents are arriving tomorrow from Philippines so hindi ko na rin probs ang linis at luto for the meantime. :) I received heaps of presents from colleagues too and they also prepared a mini luncheon for my last day.

Last Wednesday night, I was at the hospital. I rang them kasi regarding my tightness and little bit of back pain so I was monitored for a while. I knew I wasn't in labour kasi wala naman severe labour pain but it wouldn't hurt naman if I come and have a check. They attached a fetal monitor, did a speculum exam, obtained some specimen, and then IE. GBS swab was done narin. SOP kasi dito. Cervix is soft na so baka in 2 weeks manganak na rin daw ako. Half a cm dilated din which is expected coz i already gave birth before. :)

But the best thing is, i wouldn't have to think about work for 6 months!! Yay!!!!

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #141 on: May 20, 2016, 09:12:27 pm »
Will pray for your safe delivery sis bk.

Sis which is witch, may blood test ba sis para sa rh typing? Kelan sya pinapagawa? Thanks sis!

Sis simang, wow lapit na. :)

Sis belle, enjoy your me time. :)

Ingats lagi mga sis!

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #142 on: May 21, 2016, 12:34:21 am »
Sis crzysxycl, yung blood group at rh factor, included na dapat sya sa tests mo during 1st tri. :)

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #143 on: May 21, 2016, 02:45:19 am »
^crzysxycl, about the hematoma, nangyari siya dahil sobra bilis lumabas ng baby ko at malaki siya kaya daw may nagsugat na part at nag blod clot. Di na rin pwede i CS that time kasi nga biglaan yung paglabas nya at napakabilis. Di naman siya naka affect sa ovaries or cervix ko sabi ng O.B. and definitely pwede pa rin mag NSD next time.

Salamat mga sis.:) so far successful breastfeeding naman kami ni baby.

Re: pre-natal  lactation supplements, i did not take them during pregnancy. Sabi ng O.B. ko, di raw kailangan. Kasi proper diet lang at increased fluid intakeang kelangan para maka produce ng milk. Kainin yung malunggay. Have lots of soup dishes.

Tip about breastfeeding, make sure sa hospital nyo na wag bigyan ng formula milk or water ang baby nyo and as soon as stable na kayo, ipa latch nyo agad kay baby ang nipple nyo.

For exlusive breastfeeding, purely breastmilk lang talaga ang ibibigay. Do not give water to baby kasi yung breastmilk na mismo ang food at water nya. That is within 6 months from birth.

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #144 on: May 21, 2016, 06:40:04 am »
crzysxycl , yes tama si sis belle. Kapag nagpapabloodtyping ka, kapag nilagay ni doctor with rhesus factor, ayun, don mo makikita kung + or - . Sakin O+ ako :)

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #145 on: May 21, 2016, 08:59:05 pm »
Thanks sisses belle and which is witch! Hindi ako nagpa ganito nung 1st tri. Tanong ko nga kay OB, haha. lagi nalang ako maraming tanong. minsan kahit di nirerequire ng OB ko, tinatanong ko sya. pero ang alam ko, B+ si hubby AB+ naman ako.

fionaapple - ay ganon pala yun sis, may disadvantage din pala yung mabilis lumabas ang baby.

ellrich

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #146 on: May 21, 2016, 10:16:08 pm »
Hi mga sisses.pajoin po. 36weeks nako today, due next month and I'm experiencing hemorroids,di na ko comfortable umupo. Anyone nakaexperience ng ganito? Baka may remedy kayo. Thanks in advance!

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #147 on: May 21, 2016, 11:37:15 pm »
Hello mommies! I already gave birth to a very beautiful baby girl (6.9 lbs) kaninang madaling araw (5/21), at 38 weeks 1 day. Very smooth ang labor and delivery we went to the hospital at 2am and boom 3:32am baby out na. Di ako makapaniwala na magiging ganun kabilis ang labor ko. Baby was very cooperative nung dumating kami sa hospital i was already 7cm dilated. After 10 mins fully dilated na at bongga na ang labor pains, as in sigaw na ko ng sigaw sa sobrang sakit. I had epidural, although feeling ko kakayanin ko kahit wala nun. But i'm just so happy na napaka bilis namin sa delivery. Ang joke nga ng anesthesiologist ko was express delivery daw. Room in na si baby after a few hours and we'll be discharged tomorrow.

Ang concern ko ngayon is ang konti pa lang ng milk supply ko. And ayaw ni baby mag latch sa right breast. Pero buti na din at may supply. At sobrang sakit ng episiotomy 😭 I was given 2 doses of pain killers pero di ko kinakaya ang pain nagrequest talaga ko ng 2 more. Sobrang sakit kasi. Now medyo nagsusubside naman because of the pain killers. Hopefully mabilis na gumaling yung sugat.

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #148 on: May 22, 2016, 02:36:59 am »
wow, that was really quick sis simang! Congratulations and welcome to the world of sleepless nights. :)

bluish_mommy

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #149 on: May 22, 2016, 07:15:51 am »
Wow sis Simang! Parang humatsing ka lang ah hehe... congrats!

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #150 on: May 22, 2016, 07:47:52 am »
Congrats simang! Graduate na rin sa wakas! Cute and healthy ni baby! :)

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #151 on: May 22, 2016, 10:01:31 am »
Congrats sis simang! :) express delivery nga. Ang bilis!

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #152 on: May 22, 2016, 10:37:57 am »
Congrats mommy simang!! Grabeh ang bilis mo lang mag labor! 😊

bluish_mommy

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #153 on: May 22, 2016, 11:07:44 am »
Hi mga sisses.pajoin po. 36weeks nako today, due next month and I'm experiencing hemorroids,di na ko comfortable umupo. Anyone nakaexperience ng ganito? Baka may remedy kayo. Thanks in advance!

Hello sis, I experienced it as well nung mga 2nd tri ko, pinalitan ng OB ko yung iron vitamins ko to TriHemic, meron kasi itong pampalambot ng pupu. Since then di nako nahirapan.

stylus

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #154 on: May 22, 2016, 06:00:31 pm »
^congrats sis simang!!!

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #155 on: May 22, 2016, 11:38:21 pm »
Nanganak na po ako yesterday (May 21) 8:15 am sa baby boy weigh 3.4kgs. Nung 3 am may 17 pa po ako naglelabor nung magka bloody discharge po ako at 15mins interval ng pain gora agad sa ospital with my hubby and 2y4m lo ko na nilalagnat that time. So ie nila ko i was 3cm. Pinacheck nadin namin si lo and mataas pala ang infection so need i- admit. Kinuha na namin lahat ng gamit na kaylangan ni lo including may hospital bag at mga gamit ni baby boy incase manganak nako. So ayun nga, 17 ng gabi masakit na hilab madami na din blood pero 3cm padin. Ganun din nung May 18, 3cm padin sya :'( May 19 7mins na interval ng hilab punta ulit ako sa ER, unfortunately 3cm padin :'( Naiiyak nako sa mga nangyayari.. May 19 ng gabi papatagtag lang sa hallway ng ospital, natatawa na mga gwardya dun kasi nga di na daw lalabas baby ko. Nahurt naman ako kasi hello? Ang hirap hirap na sobra. Nagbabantay ako kay lo na naka confine habang nagle labor. May 20 ng hapon iba na paningin ko medyo nagdidilim na dahil sa puyat, sakit, stress. 4 days na ko walang sleep literally. Inaayawan nadin ako i-ie sa ER balik nalang daw ako pag tuluy tuloy na hilab kaya ang ginawa ko May 20 ng gabi todo patagtag ginawa ko. Magdamag di nakatulog at bawi nalang talaga sa kain. May 21, 4am sobra na sakit kaya pinatignan muna namin si lo sa bantay ng katabing pasyente tapos pumunta na kami ni hubby sa ER, 3cm pa din :'( pero nilagyan nako dextrose. Sabi pa nung nag ie sakin parang di daw ulo kasi malambot. Dinala nako sa labor room ng 5am, sobrang walang katulad ng sakit. Sabi ko sa mga nurse at doctor tulungan na nila ko kasi apat na araw nako nagle labor pati sa mga kasama kong nanay na nagle labor nagpapatulong nako, then next ie, 4cm nako (6am) 6cm naman nung 7am then 7:30am 9cm dinala nako sa delivery room. Nung nasa loob nako, pinaputok na panubigan ko, parang limang kurot ang ginawa para totally umagos, makunat daw kasi. Tapos nun nalaman pa nakatagilid sa baby braso yung nakikita kaya pinaire ko ng bongga at wait pa nila gumalaw si baby at tumapat ang ulo sa pwerta. Nung natapat na sya ayun hinawakan na ni doc saka ko pinaire ng todo, sabay ng pag iri ko pinulikat ang dalawang binti ko sobra sakit :'( Hinilot ako ng mga attendant na nandun sabay long push lumabas na ulo ni baby, then pinaire ko at lumabas na sya totally at exactly 8:15 am. Then nilinisan nako tinanggal mga buong dugo siguro mahigit isang oras ako nililinisan tapos sabi ng doc bakit ayaw huminto. Tapos pinasakan nya ng parang tissue na di nadudurog diko alam tawag, pinapaampat ang dugo kasi after matanggal ng buo eh naagos na. Naramdaman ko dugo sa paa ko natatapakan ko na, tapos hanggang sa likod ko kaya pinapalitan ako ng hospital gown. Then medyo nagdilim paningin ko pero alam ko dilat parin ako, nagpanic sila, binipi ako 70/40 tas kaagad agad ako nilagyan ng oxygen at tinurukan ako sa dextrose ng methergin para umampat ang dugo. Then tinulak sa sulok stretcher ko habang naka oxygen at tinapatan ako air cooler. Nakita ko pati sahig nadami dugo, pinagtulungan nila lampasuhin at sabi nila di daw ako lalabas ng delivery room hanggat di humihinto pagdurugo. Pinainom naman ako methergin pero capsule naman. Tapos bigla ako nakatulog... Ginising na ko ng attendant, nakirot na pwerta ko natahi na pala, di ko man lang naramdaman ang alam ko lang nahilo ko at nakatulog. 1pm na mahigit ako dinala sa ward. 5 oras din pala ako sinosolusyunan ng mga nasa DR, namuti na daw kasi mata ko tas namutla labi pati paa.. Nung nasa ward kampante nako although masakit puson ko sa pagkakalinis ng bongga at pati pwerta ko magang maga. Tapos malaman laman ko pa nagsusuka si newborn baby since yesterday kaya need i dextrose at lagyan ng tubo para dun na direkta sumuka. Nagpa xray narin sya kanina, cbc at urinalysis pero wala pa result. 7 days po sya isolated, at ia-antibiotic kasi suspected sya for infection. Sana po maging okay na ang aking prinsesa @ prinsipe. :( Tatlo na kami naka- admit ngayon. Need prayers po mga gtalker.
« Last Edit: May 22, 2016, 11:43:01 pm by PINKAHOLIC »

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #156 on: May 23, 2016, 10:05:11 am »
^Aww, get well soon sis pinkaholic. Dami mong hirap sa labor. Will pray for you and your kids.

Congrats sis simang. Ang lucky mo sis, dali lang ng labor mo. :)
« Last Edit: May 23, 2016, 12:57:31 pm by crzysxycl »

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #157 on: May 23, 2016, 11:09:31 am »
Praying for you and your kids sis pinkaholic. Congrats, worth it lahat ng hirap and labor pain. Pagaling ka agad.

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #158 on: May 23, 2016, 01:12:20 pm »
Sis pinkaholic, get well agad. Will include you in our prayers. Sana gumaling na eldest mo and makarecover na kayo ni baby mo. :)

Maraming salamat mga sis. Lahat sila gulat na gulat sa bilis ko manganak. Considering my GDM, overweight pa ko, tapos sobrang sedentary ko pa during the whole pregnancy. Nasurprise din ako sabi ko ang dali lang pala manganak eh lol. Prayers really do help. And yung pakikipag usap kay baby, sinasabi ko talaga sa kanya na sana hindi kami mahirapan. And... Sex also! Wahaha nag-do pa kami friday night, then around 15mins after nagleak na water ko. 3 hrs after lumabas na si baby! So effective talaga siguro yun to induce labor naturally.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #159 on: May 23, 2016, 03:21:46 pm »
Maraming salamat po. Medyo napanghihinaan na nga ako ng loob. Ayaw pa ipakita samin baby boy ko. Kagabi nga binigay samin ng attendant yung pinagpalitan nya. Niyakap naming mag asawa para dun man lang maramdaman namin kapiling namin si baby. Puro suka yung damit ng newborn ko kasi bawat dodo sinusuka nya lang. Sobra po brokenhearted ako. Di nga ako nakatulog kagabi. 2am nung lumabas ako ng room tumakas ako papunta sa ward down kung nasan naman ang aking prinsesa. Bawal pa kasi ako bumaba kung di rin lang sa NICU pupunta. Sinilip ko lang ang prinsesa ko sa salamin sa pinto, tinitignan ko lang sya mula sa labas ng pedia ward to make sure na nakakatulog sya. Super sakit ng heart ko sa nangyayari mga sis :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close