watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3  (Read 28518 times)

coco_cola

  • Guest
I created a new thread as the previous thread might get locked already. :)

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,292763.0.html
« Last Edit: April 28, 2016, 12:05:27 pm by coco_cola »

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #1 on: April 28, 2016, 12:06:59 pm »
Thanks sis TheEmpress!

@littlekinselle, good to know ma discharge ka na. Rest and recover well!

i_am_zayda

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #2 on: April 28, 2016, 02:39:01 pm »
Praying for safe delivery sa atin lahat mga sis...

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #3 on: April 28, 2016, 05:51:45 pm »
Wow, ang lakas mag post ng mga 2nd quarter mommies!

Nagpa check up ako kahapon 33 weeks na ako, next check up ko will be at 36 weeks which is last day ko na rin yun sa work. Sana kayanin ko!!! Ang hirap na kasing kumilos minsan. And at 36 weeks, i think GBS swab na lang ang test na pinapagawa sakin to check the presence of a certain bacteria in the vagina and anus.

Kunpleto na ba shopping list nyo mga sis? Ako medyo may mga kulang pa pero saka nako magshopping ulit. Masyado nakong magastos lately.

duhyan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #4 on: April 28, 2016, 09:19:57 pm »
Hi mga sis! Just gave birth to a small but healthy baby girl yesterday. :) remember my last post na pinauwi pa ako? I woke up at around 1am kasi super sakit na talaga ng puson ko up to my back na tipong uncomfy na. Then nag timer ako ng contractions ko until 4am. Then we decided to go back sa hospital. 1cm pa din ako pero nakita nila sa monitor na strong na ang contraction ko. Then inadmit na ako ng OB ko. Nung 2cm na, my bag of water broke then dun na mah continuous na strong contraction. I was able to deliver the baby at around 9:45pm pa. So from morning until evening naglelabor ako. Imagine the pain! Hehe but good thing may epidural na. So they gave me epidural and was able to sleep pa before giving birth. Pero while giving birth, they made sure na nag wear off na ang elidural para daw makaire ako. :)

Good luck mga sis natin na manganganak na. :) kaya nyo yan!

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #5 on: April 29, 2016, 12:55:03 am »
Congratulations duhyan!!! :-) Yey buti nakaire ka ng mabuti, hehe. How are you recovering so far?

Sis belle, di pa ko complete. Lol. Actually next week, schedule namin to arrange baby's drawer para alam ko kung ano pa kelangan bilhin. Ang nakakatawa kasi nung naglaba kami ng mga damit ni baby, narealize ko wala palang cotton shorts for her. Puro pajama haha, tapos yung mga onesies nya puro longsleeves. Eh considering kung gaano kainit sa Pilipinas ngayon, kelangan talaga namin bumili pa ng summer clothes. Tanong ko pala, ilan ang receiving blankets nyo? We only have 3 kasi. Di ko alam if we should buy more.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #6 on: April 29, 2016, 01:50:30 am »
Joining again. OMG, im 37 weeks na today. Safe na at hindi na bedrest :D

Mag travel kami sa manila bukas, mga 10 hours back and forth ang byahe, depende pa kung traffic. Wag sana mapag abutan saka sana mga 38 wks na para mas okay. Gusto ko kasi na makaboto pa.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #7 on: April 29, 2016, 05:38:25 am »
@sis ako I have 3 receiving blankets also plus Swaddle Me, 5 naman ang towel with hood para sa pagligo naman. Yung iba kasi sa gamit pa ng panganay ko.
« Last Edit: April 29, 2016, 08:07:13 am by bluish_mommy »

duhyan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #8 on: April 29, 2016, 07:54:49 am »
Thanks sis simang! Eto ok naman ako medyo penguin maglakad kasi sa tahi hehe pero so far ok naman. :) galingan nyo umire!

momsypips

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #9 on: April 29, 2016, 11:35:28 am »
wow! Thread 3 na at hindi pa rin ako nanganganak, LOL.
39weeks + 4days today.

Congrats sis @duhyan! buti ka pa nakaraos na and now you're already enjoying your moment with your little one, mas na excite na naman ako!

sana manganak na rin ako this weekend. i've been 4cm dilated and 50% effaced as of tuesday pero no pain at all naman. next check up ko tomorrow, i wonder kung ilang cm na ako dahil wala pa rin naman ako na-feel na pain so far.. :-)

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #10 on: April 29, 2016, 01:22:01 pm »
Congratulations duhyan!!! :-) Yey buti nakaire ka ng mabuti, hehe. How are you recovering so far?

Sis belle, di pa ko complete. Lol. Actually next week, schedule namin to arrange baby's drawer para alam ko kung ano pa kelangan bilhin. Ang nakakatawa kasi nung naglaba kami ng mga damit ni baby, narealize ko wala palang cotton shorts for her. Puro pajama haha, tapos yung mga onesies nya puro longsleeves. Eh considering kung gaano kainit sa Pilipinas ngayon, kelangan talaga namin bumili pa ng summer clothes. Tanong ko pala, ilan ang receiving blankets nyo? We only have 3 kasi. Di ko alam if we should buy more.

^38th week and 1 day na today. Still at work and nagdrive pa rin. No pain pa ko nararamdaman. Although napansin ko lately tumitigas na yung tiyan ko. Contractions na ba yun?

Simang, ako almost ready na talaga. I have around 15 cloth diapers na and may parating pa pre order arriving sa June/July. Pinalabhan ko na today sa yaya niya yung cloth diapers and inserts para ma prep na. Naaliw yung yaya sa cloth diapers kasi ngayon lang siya nakakita nun. Sabi ko pag nagka apo siya ulit sa anak nya, cloth diapers na ang ipagamit kasi laking tipid. Nakakita rin ako lumang trolley/cart of my mom na hindi na maisip kung saan gagamitin at naalala ko, wala nga pala table ang baby ko para sa mga toiletries niya. So ayun, instead na matambak or itapon at bumili pa ng changing table, nagkaroon ng purpose ang lumang trolley. Practical and eco-friendly. Priority ko ang wag magkaroon ng unnecessary kalat due to overbuying ng baby stuff.

Matagal ko na naayos yung drawer ni baby girl ko. Pinigilan ko na sarili ko and my mom from buying additional baby clothes kasi baka di na magamit. I told my mom bili na lang siya clothes for baby pag around 6 months. Andaming preloved clothes bigay ng friends and relatives. Although I bought around 10 onesies din during the Grand Baby Fair para may bago rin naman siyang damit.

parang konti lang shorts ng baby ko. Marami naman siya onesies at puro short sleeves naman kaya di na siguro ako bili ng additional pa na shorts. Napabili lang ako ng additional na 6 pairs mittens at 6 pairs booties kasi konti lang pala ang nabili ko. Sabi ni yaya, wala pa daw 1 month gagamitin yung mga mittens at booties kaya wag daw damihan. Ang mura nung nabilhan ko mittens and booties. Mittens at 75 for 6 pairs and booties at 85 for 6 pairs din. + shipping 50 pesos. So 210 lang lahat. Divisoria supplier daw sila.You might want to check them out.

About receiving blankets, I have 4. Kasi 1 pack yun Carter's nabili ko sa Grand Baby Fair. Okay na yun kasi we also bought 2 swaddling blankets and 2 hooded towels. Di naman need madaming blankets. Pwede na palit palitin kasi multi functional naman mga yan. I have pa 3 sleepsacks. kahit 3 lang receiving blankets mo, pwede na yun if you have swaddling blankets pa.

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #11 on: April 29, 2016, 01:47:09 pm »
Duhyan, pagaling at palakas ka :)

Momsypips, konting konti na lang yan, hehe totoo pala yung sabi nila na yung last few weeks yun ang pinakamatagal.. Hehe have a safe delivery!!

Fionaapple, thanks. Siguro okay na yung 3 na receiving blankets no? Kasi may 3 din kami na hooded towels. Eh pwede naman sila same function. Hehe pwede na siguro.

Sis, ako i have 11 cloth diapers as of today. Mostly pockets tas may 3 covers. San ka bumili ng cloth diapers mo? Minsan nga ayoko na mag check sa mga online shop kasi lagi silang naka-sale, nakakatempt haha. Gusto ko muna itry yung meron ako and see what will work for baby. San ka bumili ng mittens/booties? May iba ba silang baby items na mura? After ko mag ayos ng hospital bag ni baby at 30 weeks nawala ako sa momentum, haha kaya next week pa kami mag aayos ng drawer nya, 36 weeks na ko by that time.

Ang lapit mo na din manganak. Ingat ingat sa pagdrive :)

i_am_zayda

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #12 on: April 29, 2016, 02:01:42 pm »
mga sis, 38+5 na ako. gusto ko lang share. this morning while at the office I felt na may bumagsak na discharge sa panty ko. Hindi ko naman agad pinansin kasi ang alam ko normal naman ang discharge. Pero nung next na pag-ihi ko, color brown yung discharge na nasa panty ko. panic mode ako kasi although I didn't think it was mucus plug, parang nangangalay balakang ko (pero wala naman contraction) i texted my doctor if I need to rest or normal lang yun. sabi nya better na i-check ako. so dali-dali naman tinawagan ko husband ko na sunduin ako at punta kmi sa UST. pagdating, my doctor did an IE. closed pa naman daw pero mababa na si baby. She advised me to rest na. di na nya ko pinabalik ng office. tapos sabi nya sa asawa ko either sa sunday or monday daw manganak na ako.
excited na ako!

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #13 on: April 29, 2016, 03:20:45 pm »
Fionaapple, thanks. Siguro okay na yung 3 na receiving blankets no? Kasi may 3 din kami na hooded towels. Eh pwede naman sila same function. Hehe pwede na siguro.

Sis, ako i have 11 cloth diapers as of today. Mostly pockets tas may 3 covers. San ka bumili ng cloth diapers mo? Minsan nga ayoko na mag check sa mga online shop kasi lagi silang naka-sale, nakakatempt haha. Gusto ko muna itry yung meron ako and see what will work for baby. San ka bumili ng mittens/booties? May iba ba silang baby items na mura? After ko mag ayos ng hospital bag ni baby at 30 weeks nawala ako sa momentum, haha kaya next week pa kami mag aayos ng drawer nya, 36 weeks na ko by that time.

Ang lapit mo na din manganak. Ingat ingat sa pagdrive :)

^simang, re: receiving blankets--yes pwede na yan. Di kailangan daming gamit. My friend advised me to follow the rule of 3. 1 for use, 1 for backup, 1 for emergency in case parehong madumihan.

Re: cloth diapers, iba iba binilihan ko kasi gusto ko magtry ng iba ibang brands from China nappy 5 pieces Alva (di ko kasi type ang designs ni Babyland although some say better ang inner ng Babyland, binili sa online seller Vezees Masangya)>, 1 Baby Leaf (binili sa SM Dept. Store, ok daw ito kasi organic ang material and a friend swears by Baby Leaf), Quigle Bum (pre-order pa lang kasi ubusan ng stocks, mura pero maganda raw-200 plain, 245 printed-- bought online through Adada), Hugs and Tugs (regalo ng friend nung baby shower), Bum Genius (binili ko online sa group buy, mahal at 800-1200 per unit pero a lot of mom swears na good investment daw), Chino Pino cotton, non-waterproof, lampin-like diapers binili ko sa Lazada (for presko time), Enfant gauze lampins+ nappy clamps (from SM Grand Baby Fair) for supplement.

Tapos dahil member ako ng Human Heart Nature at gusto ko ipatronize din  ang local goods -bili pa ako ng 6 Next9 cloth diapers, mukhang comparable siya sa Baby Leaf kasi maganda rin inner ng Next9.tsaka parang gusto ko rin itry ilang pieces ng Charlie Banana (around 570-650 per piece) kasi sabi ng secretary dito sa office, maganda raw pag nasa labas kasi matagal magpalit. Although ayoko rin masyado bumili ng mga mahal at magpadala masyado sa mga mahal na gamit ng baby. But the good thing about CDs, pwede silang ibenta or ipagamit sa next offspring after.

So far, nasa 4,500 pa lang nagastos ko sa cloth diapers. Plano ko mga not more than 40 cloth diapers.

Re: seller n binilhan ko ng mittens and booties,yes marami pa silang ibang baby stuff. Pm kita.

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #14 on: April 29, 2016, 07:40:49 pm »
Congratulations sis duhyan! Baby out finally!!!

Simang and Fionaapple, kakainggit yung knowledge nyo about cloth diapers. Ako hopeless talaga dyan. Nag member ako sa mga cloth diaper groups sa facebook at saka sa mga online seller, di ko talaga magets! Pati yung mga terms and abbreviations gulong gulo ako hanggang sa tinamad nakong magbasa. Kaya we're sticking to disposable diapers na lang. Isa pa, winter ako manganganak so hindi rin praktikal sakin na maglalaba palagi kasi mahirapan akong magpatuyo.

I'm down to my last 3 weeks (last 15 shifts at work). Buti na lang okay ang shifts na nabigay sakin. Halos early start lahat. :) mas trip ko kasing mag umpisa sa work ng maaga para maaga din akong nakakauwi. Kapagod lang talaga sa trabaho mga sis kasi nakakaupo lang ako pag tea break (which is twice per shift na tig 15 minutes) saka lunch break (30 minutes). Kaya nafifeel ko talaga na mapapa aga ang panganganak ko.

Good news, dadating parents ko din in 3 weeks time. Just the day after my last day at work. Pinadala ko din yung mga baby stuff ng panganay ko na naiwan sa Pinas. Saka pabili din ng ibang gamit like yung hotdog pillows (wala kasi ditong ganun) saka Betadine Feminine Wash. :)

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #15 on: April 29, 2016, 08:09:50 pm »
Ako naman i have 1 hooded towel and 1 receiving blanket tapos lahat ng damit ni incoming baby boy ko kung hindi binigay eh prelove kong binili. Medyo tight talaga sa budget eh. Ako yung nagkwento about sa 3 months palang tyan ko e halos complete na gamit nya (i have my reason kung bat ako maaga bumili, kasi minsan lang kami talaga magka extra baka pagdating ng malapit na ko manganak e wala ng pambili) unfortunately naanod lahat yun ng baha including mga pinaglumaang cloth diaper ng girl ko kaya ang ending manganganak na ko wala pang gamit. Buti nalang may mga nagbigay tapos may tumulong sakin dito nagbigay pampacheckup kasi 6 months naging risky pagbubuntis ko, sinikap ko pumila sa public para kahit papano may matira sa pera at yun nga bumili ako ng preloved na damit nya na maayos pa naman at mura pati ilang gamit like oil, cotton etc. At kelan lang may nag sponsor nga nung receiving blanket at hooded towel, friend ko na ninang ng anak kong babae, nun pala a- abroad na sya kaya yun na daw gift nya sa incoming boy ko. Yung mga kulang na gamit e paunti unti isisingit ko, diaper nalang naman ang kulang at adult diaper ko kasi yung iba kahit onti lang e mapagtatyagaan na, masipag naman ako maglaba. Sana lang talaga di ako ma CS o di magkaron ng problema. Kasi public lang ako manganganap at NSD para magawan ng paraan para maging libre :)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #16 on: April 30, 2016, 10:12:08 am »
makikipost lang po ulit from 3Q thread.

2days ago ko lang nafeel, parang lagi akong maiihi pero pag nakatayo lang, kahit kakaihi ko lang, parang maiihi nanaman ako. wala namang yung burning na feeling pagumiihi, walang masakit like kapag may UTI ka.(nafeel ko na kasi yung masakit na yun before nung may UTI ako) may nabasa ko, baka yung position ni baby baka nadadaganan yung bladder. pwede ring UTI, wag naman sana. madami naman ako uminom ng tubig, laging more than 3L. Siguro kulang pa, or baka dahil sa mga kinakain ko. May nakafeel na ba sa inyo nito? Currently 28weeks. 

belle_v2g

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #17 on: April 30, 2016, 11:29:19 am »
Yes sis, baby's just sitting on the bladder. Minsan buong araw akong ganyan din ang pakiramdam. Tapos mawawala din. :) if doubtful, you can always have your leukocyte count checked via urine analysis if it's elevated. :)  in fairness ang tindi ng water intake mo. Ako mahina sa water eh.

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #18 on: April 30, 2016, 11:59:36 am »
Salamat sa mga prayers nyo, nakauwi na ako kagabi after 3 weeks sa hosp.. Hay sawakas!! Btw Congrats mommy duhyan!!

Mommy coco cola? Kamusta na?  Natuloy kana kahapon sa hosp?? Sabi mo friday ka pupunta?

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #19 on: April 30, 2016, 01:08:04 pm »
hi sis belle_v2g, thanks sa response. Sakin talaga pag nakatayo ko lang nafifeel. pagnakaupo naman or pagnakahiga, parang di ganun pakiramdam ko. sige magpapaurinalysis nalang ako para sure. Naku sis, pinipilit ko lang talaga uminom ng marami ngayong preggy na ko. hehe. pero before I got preggy, umiinom lang ako ng water pagkumakain, kaya nagka UTI na ko before. Ayoko na maulit, kasi ang hirap non T_T

 

Latest Stories

Load More Stories
Close