Yyung assailant na nanakit sa anak ko is not that old, around 60 years old at may pagka inggitera at chismosa (malaki talaga problema nya sa family ng misis lalo na nung tumira ako sa bahay ng misis ko). To make it simple let's name the assailant "A". siya ay YOUNGER sister ng biyenan kong babae na pangalanan nating "B" - si B ay mother ng misis ko, so si B ang direct grandmother ng daughter ko (my mother-in-law).
Si B ang nakakita how the bottle flew directly to my daughter's face, at buti na lang awa ng diyos di tumama sa mata, nasa CR kasi ako ng mga oras na nangyari yun insidente but relatively near dun sa where the incident took place. Sa totoo lang galit na galit si B at ako pero I need to calm myself and my Mother-in-Law, that time dahil sobrang kulo na ng dugo ko dahil sa itsura ng pasa sa mukha ng anak ko sa mukha habang iyak ng iyak. kinuha ko na lang yung bote at tinago for evidence at dinirecho ko na sa hospital for medico legal.
Nagtago na sa kwarto si A, pinagsarhan kami agad ng pinto, kaya di ko na kinompronta, hopefully my presence of mind prevailed that night.
I will try to search for "FLAG" (thank you Tea97). For DSWD, I already visited the MSWDO but they (one of the social worker which has jurisidction in our barangay) told me na the case was already filed in the court, so wala na daw sila matutulong (which I highly doubt).
As of this writing, wala pa din development sa case ng anak ko, nasa fiscal pa din last update namin one month ago, for approval pa daw. Every month my mother-in-law is doing the follow-up of the case, minsan sinusungitan siya nung front desk sabi bakit di na lang daw namin hintayin. Para sakin medyo alanganin kung wala kaming update monthly dahil iisa lang ang address namin baka kunin ni A or nung pamilya pati din yung kopya namin tapos itago, na sana wag mangyari.
Ang may update lang ay yun kumag na A na yun, may reklamo sa barangay na may muntik na siyang kuryentehin na magiina buti na lang at nagshort sa kamay nya at pumutok, mabuti at walang nasaktan. 2 weeks ago may sinaktan siya na bata ulit kasing edad ng anak ko, nanunuod lang yun bata sa bahay nila, tapos pinagsarhan o binalibagan nya ng pinto, buti at di napuruhan yung bata tumama lang sa siko niya, nakita ko yung mismong pangyayari, nagsumbong yung bata sa nanay niya at sinabi ko din yung nakita ko. pero di na nagreklamo yung nanay nung bata.
After a few days, pinagkakalat na niya na yung anak ko yung nanakit dun sa batang sinaktan niya at sinabihan pa niyang walanghiya yung anak ko. WTF!

There is something wrong sa matandang yun, may saltik ata utak. May kaso na sa piskal gumagawa pa ng kagaguhan (sorry for my word).
Everyday hanggang sa ngayon, I always make sure na hindi mawawala na unsupervise yung anak ko, baka kasi kapag walang nakabantay baka kung ano gawin nung assailant or pamilya niya sa anak ko.
Haay. Sana mapanagot na ang nanakit sa anak ko.
As of this writing, natatandaan pa rin ng anak ko yung ginawa sa kanya, kahit masakit, sakin eh i always make sure na hindi makalimutan ng anak ko yung unfortunate event na yun para pagdating sa trial ay madali niyang masabi.
Will try to seek out the help of FLAG and other Groups na makaktulong sa kaso ng anak ko. Again, thank po sa lahat ng support na binibigay nyo dito sa forum.
