Author Topic: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)  (Read 71768 times)

j.adore

  • Guest
Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« on: April 20, 2016, 12:36:02 pm »
Previous thread http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,289694.640/topicseen.html

Kailangan din attraction dun sa ideal woman ::) As my friend would put it, yung masaya makita kada pag gising mo lol.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #1 on: April 20, 2016, 11:02:57 pm »
^I am sure naman that's the first thing you will look for anyone you would like to date.

j.adore

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #2 on: April 20, 2016, 11:52:09 pm »
Sorry but I know people who are not like that. I don't understand but to each his own.

badw33d

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #3 on: April 21, 2016, 09:24:59 pm »
so i guess it really depends on the character :-)

kim28

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #4 on: April 22, 2016, 11:08:40 am »
Ask ko lang my husband told me "hayaan mo lang ako .... babalik ako kung babalik"

Hiwalay kami since Dec and i'm pregnant. reason kaya kami naghiwalay kasi may other women sya at kaya daw sya nagka OW para daw marealize ko mali ko sa marriage namin. Btw OW is GRO sa q.ave si hubby is only 28 (i'm 33) and 7 years mag bf and 4 years married.

Sabi ng iba hindi daw kasi naenjoy ni hubby ang pagkabinata. Dumadaan daw talaga ang lalaki sa stage na ganyan.  Pero wala ba syang pakialam na sobrang nasasaktan ako or gusto nya akong saktan talaga. First time nya ginawa sa akin to never ko naisip na magagawa nya.   
« Last Edit: April 22, 2016, 11:23:23 am by kim28 »

dismembered

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #5 on: April 22, 2016, 11:46:01 am »
^ Umiinit ang ulo ko sa ganyang klase ng tao!

Unang una, kahit anong mali mo, never yun pwede maging valid reason para magka OW sya. G@go pala sya eh. Ang kapal pa ng mukha nya na sabihin na sya ang may control ng lahat kung babalik sya oh hindi. Kung di ba naman G@go ang asawa mo. Sorry ha. pero malas mo at sya ang napangasawa mo. Wag ka din maniniwala sa iba na ni-downplay or ni-rationalize yung pinaggagawa ng asawa mo like hindi dumaan ng pagka binata. BS talaga yun. Ang totoong reason is may mali sa pagiisip at pang unawa ang asawa mo. Funny thing eh, unless ma-realized nya na ganun sya, uulit at uulit lang yan.

j.adore

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #6 on: April 22, 2016, 01:08:44 pm »
Aba sis, wag mo na tanggapin! Change address o locks tapos block sa guard kung subdivision yan.

Tama yun it's never acceptable porke may mali eh pwede na mangaliwa! Nobody is perfect and there's no perfect marriage.


At sino naman yang iba na yan to say ganon talaga? Susko
My husband is young too but doesn't have that need. Na diri pa nga siya.
So no, that's not acceptable!

I suggest you focus on yourself and your baby. Be strong and lean on your family friends for support.
Forget the stupid husband of yours. If you still want to make your marriage work, only accept him if he's matured and really sincere with accepting his faults.

kim28

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #7 on: April 22, 2016, 01:10:10 pm »
Walang third party na nainvolved sa akin and buong buhay ko husband ko lang.


chinablue

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #8 on: April 22, 2016, 03:32:38 pm »
this is the problem with our society eh. kapag nangaliwa si mister, meron at merong magsasabi ng ganito: naturally polygamous kasi ang mga lalaki 2. okay lang yan basta at the end of the day sa iyo pa din siya uuwi 3. baka naman kasi may pagkukulang ka bilang wife, baka losyang ka na, hindi mo inaasikaso mabuti ang husband mo etc. 4. ang mahalaga ikaw ang pinakasalan, ikaw ang asawa. bakit laging dapat irationalize ang cheating? for me kasi, cheating will always be unacceptable. it means kasi walang respect sa iyo ang partner mo, at pag walang respect sa isang relationship, it's bound to crumble.

dun sa hindi pa naenjoy ang pagkabinata, it's his choice naman sis nung pinakasalan ka niya, meaning, he gave up his singlehood when he decided to marry you. he cannot take it against you. at napakab*llsh*t lang ng dialogue na hayaan lang siya at babalik siya kung babalik. paano pala kung hindi na siya babalik at nag enjoy na siya sa second shot at pagkabinata niya? eh di nganga ka sis. napakaimmature lang. at talagang nirason pa niya na nambabae siya para marealize mo ang pagkakamali mo sa marriage nyo? maraming rason sis para marealize mo ang mali mo, nasa maayos na pag-uusap yan ng mag-asawa. the thing is, he's trying to rationalize his cheating.

my advice to you sis, let him know that it's not okay with you that he plays the field while you're very much married. and tell him this: "kahit wag ka ng bumalik" wag mo sayangin ang buhay mo sa paghihintay sa isang taong hindi ka nirerespeto at pinapahalagahan. in the meantime, magfocus ka sa baby mo. invest mo na lang ang energy mo sa pagpaplan for the future. wag ka na umasa sa philandering husband mo. mamaya nyan bumalik siya tapos may std na pala. nyeeeh.

Miss Taken

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #9 on: April 23, 2016, 01:49:38 am »
An ex told me that I'm his the one that got away, is there a chance that he'll forget about me? Cause I want him to completely move on. He already has a girlfriend now but when we last talked, he said again that he has so many regrets.

We've been together for more than 7 years and broke up three years ago.

simang

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #10 on: April 23, 2016, 07:27:00 am »
^sinasabi nya lang yan kasi he hasn't found the right person. Ignore him completely para matulungan mo sya mag move on. Given the right circumstance and right person, he will eventually realize na you got away kasi you're not the one for him

simang

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #11 on: April 23, 2016, 07:36:13 am »
Kim28, "Hayaan mo lang ako, babalik ako kung babalik" means, "alam ko naman tatanggapin mo ako pag bumalik ako". Kaya malakas loob nya magsabi ng ganyan kasi he thinks he can control your lives. Na he can cheat on you, at pag bumalik sya sayo, eh utang na loob mo pa sa kanya. Kaya ako hindi ako naniniwala talaga na when a husband cheats, eh kelangan sya papiliin ng asawa between her and the mistress. The moment he decided to have an affair, he obviously chose the other woman already.

Make your baby your priority now. Mahirap magbuntis, wag mo na dagdagan ang stress mo. Ask help from your family i'm sure hindi ka nila papabayaan. Mas okay na magbuntis mag-isa, kesa mastress araw araw sa kakaisip sa problema nyo ng asawa mo. Alagaan mo sarili mo at ang baby mo, lalo na matagal mong hinintay yan.

kim28

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #12 on: April 23, 2016, 10:50:44 am »
Thanks mga sis and bro. Yup kahit mahirap recently lang naman separation ko --- 4 months na pala ang bilis ng panahon.  Tama naman kayo need ko prioritize ang baby ko. 

Hindi naman ako payag na may kabit sya alam nya stand ko pero maliwanag naman na yun ang pinili nya.

young_maiden

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #13 on: April 23, 2016, 02:41:59 pm »
Guys, what if nafriendzone kayo ng girl na gusto nyo, syempre iiwas muna kayo di ba pero possible pa ba na bumalik kayo sa dati? Maging friends ulit?

Naalala ko lang kasi itong guy na nagkagusto sa akin before. Friend ko siya bago siya umamin ng nararamdaman niya sa akin. Hindi ko naman pinagsisihan na tanggihan siya. Nanghinayang lang ako sa friendship namin. Magkasundo kasi kami. I confide in him. Ganun din siya. Malas nga lang niya hindi mutual ang feelings. Friend lang kasi talaga tingin ko sa kanya. Saka friend din siya ng ex ko.

Sabi ng isang friend ko hayaan ko na lang si guy mag reach out sa akin. Bigyan ko daw ng time mag move on. Pero hello naman. 4 years ago na ang nakalipas pero hindi pa rin kami bumabalik sa dati. Dahil lang sa pagpapakatotoo ko, I lost a friend. :(

lyrahs

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #14 on: April 23, 2016, 08:24:37 pm »
Guys tanong ko lang kayo...paano kung:
1. mabait naman kayong anak - sumusunod sa magulang
2. Mabait na tito - nagpa-aral ng mga pamangkin
3. Breadwinner sa pamilya
4. mabait na kaibigan - laging anjan para tumulong
5. mabait na katrabaho - very helpful sa colleagues

pero sabay-sabay kayo kung mag-gf, masamang tao na ba kayo nun?

ma-jujustify ba ang reasoning na 'wala naman akong sinasaktang tao' para masabing HINDI ka masamang tao?   

simang

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #15 on: April 23, 2016, 08:59:55 pm »
^mukhang mabait ang natural na mapagbigay yang ganyang lalake. Kaya kahit sa mga babae hindi sya makahindi, lahat kelangan pagbigyan. :P ang motto nya siguro eh, mas marami syang napapasaya (ie girlfriends), mas satisfied sya sa buhay. Lol

Girltalker2

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #16 on: April 23, 2016, 10:08:10 pm »

^^ yes, masamang tao parin sya. Doing good to others cannot compensate sa maling nagawa nya.

Kahit na mabait sya, sinungaling parin sya. Hindi naitatama ng pagiging matulungin nya ang panloloko, pagsisinungaling at panlilinlang.

Bottomline, nanloko parin sya with all the intentions to benefit himself without regard sa mga masasaktan nya. Masama yun.

TomHansen

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #17 on: April 24, 2016, 12:14:16 am »
kim28, wag mo nang babalikan ang asawa mo kahit anong mangyari, hindi na magbabago yan lalo nagawa niyang iwan ka nung preggy ka pa - napakawalang modo ng asawa mo dapat diyan sina-salvage..

miss taken, i think it's impossible for him to forget you(7years!) but if you're asking if it's possible for him to completely move on - of course!, may gf na nga siyang bago. sinabi niya ba sayo na hindi pa siya nakamove on?

young_maiden, everything is possible naman ang tanong lang is gaano katagal.. if umabot na ng 4 years at hindi pa rin bumabalik ang friendship niyo then maybe hindi talaga friendship ang tawag dun. maybe yun lang yung way niya to get to you and the moment binasted mo siya natapos na rin yung act/strategy niya. pwede ring masyado lang masakit yung pagka-busted mo sa kanya kaya pinili niya na lang to completely erase you off his life. Or hindi niya lang talaga kayang maging friends lang kayo dahil alam niya sa sarili niya na maiinlab at maiinlab lang siya palagi sayo.. :(

lyrahs, unang una sobrang dali lang maging mabait, halos di mo na nga kailangang mag-effort basta gawin mo lang yung alam mong tama at responsibilities mo technically mabait ka na. ang mahirap gawin is maging masama dahil kabaligtaran ito ng normal, ng hinihingi ng society. if gusto mong maging masama mag-eeffort ka, babaliin mo yung tama para gumawa ng mali. kaya for me kahit gaano ka pa kabait sa ibang tao once gumawa ka ng masama - masamang tao ka na.. (sorry ang haba lol)

 



young_maiden

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #18 on: April 24, 2016, 12:21:39 am »
^ 4 years ago na nga ang nakalipas bro pero we are still in the awkward stage. Pag ako naman mag initiate ng conversation thru fb chat, gumagawa siya ng way para matapos na conversation namin. Mag offline lang daw siya kasi maliligo siya, may pupuntahan, etc. Hindi na siya iyong dati na palakwento at masaya kausap. Matagal na din kami hindi nagkikita in person kahit iyong bahay namin sa province walking distance lang sa bahay nila. Hindi na rin niya kasi ako niyaya lumabas unlike before.

I guess may mga tao lang talaga na hindi meant tumagal sa buhay mo. Hindi lang sa relationship kundi pati sa friendship. Salamat pala sa payo, bro. :(

argento

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 8)
« Reply #19 on: April 24, 2016, 01:42:16 am »
^just let him be. your friendship is over. ikaw na nga iniiwasan hindi mo pa makuha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close