watch now

Author Topic: Tick season - beware of ehrlichia  (Read 20365 times)

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #20 on: September 10, 2016, 12:53:33 am »
Share ko lang experience ko sa sakit na yan.

Nagkaroon yung 1st dog ko niyan. Hindi naman siya kutuhin paisa isa lang naman. One time nag-nosebleed siya sabe ng vet stressed lang daw. So ako hindi naman ako masyado nag-worry tsaka binigyan kame ng parang ice pack ilagay daw sa nose. Tapos napansin ko ang dame niyang parang pasa pasa sa tiyan color purple. Sabe ng tita ko baka kagat lang daw ng lamok. Niresetahan ng doctor ng madameng gamot. Hindi ko alam kung ano sakit niya nun or sadyang hindi lang muna sa akin sinabe. Ito na ang masakit na part. Pag-uwi ko galing sa school (thesis kasi namen) pagdating na pagdating ko sinilip ko agad siya kala ko buhay pa kasi humihinga yun pala dahil lang sa electric fan nahahawi yung fur niya. Talagang tinitigan ko pa siya kung humihinga pa. Tapos ayun may nakita akong blood sa bibig niya. Sumuka ng dugo. Sabe ng pinsan ko baka namatay siya nung malapet na ako sa house. (Grabe hindi ako hinintay :'( :'( :'() Sinabi na lang sakin na 'dengue sa aso' nung namatay na siya.

---

Normal lang talaga sa mga pets ang magkaroon ng mga kuto at garapata. Minsan hindi maiwasan kaya dapat tanggalin talaga. Or kaya naman minsan nasa environment na.

sushisundance

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #21 on: September 11, 2016, 08:31:23 pm »
^I'm so sorry to hear that  :'( usually naman samin, pag yung symptoms ng dog eh may lagnat at matamlay kahit walang bleeding pinapatest na agad for ehrli, mabilis naman kasi results nun tapos pag nagnegative tsaka ibblood test.

OT: Yun avatar mo huhuhu

SaffiyahEnglish

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #22 on: September 11, 2016, 10:11:55 pm »
^I'm so sorry to hear that  :'( usually naman samin, pag yung symptoms ng dog eh may lagnat at matamlay kahit walang bleeding pinapatest na agad for ehrli, mabilis naman kasi results nun tapos pag nagnegative tsaka ibblood test.

OT: Yun avatar mo huhuhu


Nagkasakit kasi siya nung una then gumaling naman. Nung may mga parang pasa pasa siya sa tiyan niya masigla pa siya nun. Then nung tumamlay malala na pala. Kala ko nga gagaling siya eh kasi naka-survived siya nung una.

mommyxthree

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #23 on: September 30, 2016, 08:04:20 pm »
^ I'm so sorry for your loss, sis. Hugs.

Howl7

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #24 on: October 03, 2016, 01:59:17 pm »
my dog passed away, sept 29 suspected ehrlichia din. severe na anemia niya nung napatingnan namin siya. napansin namin na may pasa siya sa scrotum niya pero akala namin kagat nga lang ng insect. after a while, nanamlay. yung first vet niya sabi worms so deworm siya, after 2 days mahina pa din nilipat namin ibang vet and dun namin nalaman thru blood test na sobrang baba ng dugo niya. ang dami niya gamot kaso di na niya kinaya. dengue nga daw po ito sa dogs and its should be treated right away. 1 tick can spread the disease and mabagal ang pag spread sa katawan so di pa natin mapapansin agad agad. so please if you see signs/symptoms bring your baby agad sa pinagkakatiwalaan niyong vets. i miss howl everyday :(

mommyxthree

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #25 on: October 04, 2016, 09:53:40 am »
^Oh my sis! ((( Hugs )))
Parang dengue pala sa aso ito? If so, then we should avoid pet hotels and places where there are a lot of dogs. Sa bahay na muna si Max namin.

sushisundance

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #26 on: October 04, 2016, 02:05:39 pm »
^yes para talaga syang dengue. Usually ang symptoms kasi fever and nanghihina. Tapos ang normal procedure ng vet magtest for ehrli tapos tsaka ibblood test. Yun test for ehrli para lang syang pregnancy test kit, lalagyan ng blood sample tapos mabilis lang nakikita yung result. Always opt for a vet na kumpleto sa testing kit, and may sariling pang test ng blood mahirap kasi yung ipapatest pa nila sa iba tapos late pa malalaman yung results.

Yung ibang nagkaka ehrli nagbblood transfusion pa sila. Luckily, yung dog ko nagsurvive ng ehrli after having 0 platelet na.

Nun 2014 ang cost ng ehrli test kit from Animal House is 950 pesos, CBC 480, blood chem 1600. Also, always ask for the blood results, and keep it in a folder para nakikita nyo yung health history ng dogs nyo. Ako, I have an excel file plus yung mga results nasa clear file kasi sakitin dog ko.

britzm

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #27 on: October 04, 2016, 02:11:29 pm »
^^^i'm sorry to hear that sis. try to avoid that vet na nagmisdiagnose sa furbaby mo sis. nangyari na rin sakin na i lost my 2 babies due to incompetence ng 2 vet.
considering madali lang naman ma diagnose ang ehrlichia. blood test lang ginagawa ng vet but there are some who skip this procedure. i don't know why

smiles_alwayz

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #28 on: October 10, 2016, 11:11:52 pm »
Sobrang naging problem din namin dati yan.. I used frontline sa 3 dogs namin. Every month For 3months straight pinapatakan ko sila. Dapat kasi 3 months dahil kaya magsurvive ng garapata for two months kahit wala silang nasisipsip. Then pagdating ng third month at wala pa rin silang nasisipsip magsisimula na silang matuyot.

Tas naglalagay din kame ng pinakuluang dahon ng madre kakaw sa panligo nila. Yung tira, binubuhos sa lahat ng parte ng garage namin

Tick and flea free for 2 years sa aso namin

ArfMeow0101

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #29 on: July 23, 2017, 07:33:01 pm »
Yung dogs namin pabalik-balik ang ticks nila. Parang immuned na sila sa frontline kaya ang ginawa ko, inapplyan ko sila ng vco sa buong katawan tas kinabukasan papaliguan ng madre cacao soap. Huling banlaw nila eh yung pinakuluan ng dahon ng madre cacao. Pag natuyo, anti-tick powder naman.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close