watch now

Author Topic: Tick season - beware of ehrlichia  (Read 20356 times)

minabey

  • Guest
Tick season - beware of ehrlichia
« on: April 08, 2016, 02:48:15 pm »
Summer na naman and that also means it's tick season. Share ko lang yung experience ko.

Yung dog ko nakakuha ng mga garapata sa pag walk namin. Di ko siguro natanggal lahat. The following week, tumamlay sya then one day, nilagnat. Dinala ko sya agad sa vet kasi Holy Wednesday non at walang vet ng 2 days. Unfortunately, nagkaron sya ng bacteria sa dugo dala ng ticks, ehrlichia. Sana nag anti-tick na agad ako, 350php lang yun for a month kesa naman ngayon na gumastos ako ng malaki sa blood test at meds. So far nakaka 3.5k na ako. May follow up kami ulet after 3 weeks, which means another blood test. Almost normal na yung platelets nya last follow up. Sana ok na sya sa next vet visit.

kateguerzon08

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #1 on: April 08, 2016, 07:03:31 pm »
hi sis, good to hear na ok na ngayon dog mo..

ako nga bumili na nun frontline spray kanina, pero bukas ko pa ia-apply sa puppy ko, kase this past few days andame ko nakikitang eggs sa ulo niya, hindi ko nga alam baket dun nila trip na trip mangitlog, alis ako ng alis araw-araw pero meron pa din ako nakikita. di na ko makatiis kesa naman hintayin ko lahat maging fleas or ticks yun lagyan ko na siya ng frontline. sana maalis na sila kase kamot siya ng kamot and yes nakakatakot nga din na baka magkasakit mas malaking gastos pa yun.

geekgurl

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #2 on: April 08, 2016, 09:41:14 pm »

Naku same here sis. Yung aso din naman non stop nosebleeding dahil nga according sa vet may ehrlichia daw siya.
Nagpanic talaga kame dito sa bahay kasi andaming blood na nawawala sa kanya. Naligo na siya sa dugo niya. So we took him to a 24hrs vet clinic sa makati ng madaling araw. I spent around 8k dahil sa PF fee, CBC, vitamins, meds. hanggang ngayon nakadoxycycline pa rin siya at pinapatake din ng Sangiobion. May mga episodes pa rin ng nosebleed pero droplets na lang hindi na ganon kagrabe. I'm hoping na gumaling siya kaagad kasi ang gastos lang din talaga.

Sobrang importante pala ng Frontliner spray.

gab54

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #3 on: April 08, 2016, 10:07:36 pm »
Thanks for sharing. Ngayon ko lang nalaman about ehrichia. Pansin ko nga dumami bigla ang ticks ng mga aso ko these past few weeks. Frontliner din ang ginamit ni hubby.
Importante lang tama ang dosage ng Frontliner, may namamatay na small dog dhil nasobrahan ang dosage.

remilicious

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #4 on: April 10, 2016, 02:23:59 pm »
Help! All my dogs have ticks this summer and it has gotten worse despite putting Frontline. Before it works but now it doesn't anymore. What else can we use to get rid of their ticks? Does Asuntol or Sevin work and are they safe?

kabes

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #5 on: April 13, 2016, 03:37:08 pm »
^ ilang months na sya nag frontline? as in monthly ba? i'm not sure kasi if nagiging immune yung ticks sa frontline, but nabasa ko dati, for it to be totally effective, minimum of 2 moths dapat nakafrontline kasi ang life cycle ng ticks is 30days, so pwedeng di na effective yung gamot, saka pa lang hatching yung ibvang eggs

sassy_gal18

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #6 on: April 18, 2016, 10:05:06 am »
pinafrontline ko yung 1 and 3weeks puppy ko dahil daming kuto kahit alisin namin ng paulit ulit. luckily 2 weeks lang effect nagkapitan na ulit sila.

nakita ko lang sa fb, yung lalake ginamit nya coconut oil or mantika. as in coated yung shihtzu nya na long hair. ng mantika. binabad nya for 10-15 minutes tapos ginamit nyang shampoo joy (dishwashing soap). ayun wala na. may explanation sya about that eh. pero mahaba kasi haha naglagay pa sya ng comparison about sa effect ng frontline, sevin at nung mantika-joy sa dog nya.

babyjham

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #7 on: April 18, 2016, 09:24:56 pm »
Share ko lang mga sis

Last April 1, birthday ng dog ko, napansin ko super tumamlay. Jumper kase yun and if i say "where's your toy?" naku hahanapin niya na toy nia para i pa fetch saken. So ayun nga napansin ko tamlay, then umabot ng April 6 sabe ko baka na miss lang niya [textspeak!] Uncle ko (close din kase sila) napapansin ko na, malakas magmuta tapos palipat lipat ng pwesto,mahina uminom at kumain. sobrang tamlay. So kinabukasan dinala ko na sa Vet (april 7). Sabe ng vet dehydrated so binigyan ng Appetens, Pediamox at Pedialyte. Papainumin yung Pedimox for 7 days.
Sunday ng tanghali, ramdam ko parang mainit siya, tapos napansin ko limping yung back legs nia( Especially [textspeak!] left leg) so nag panic talaga ako kase nagbabasa basa na ako, baka distemper. Dinala ko sa Vet ng hapon. Ang taas ng lagnat 41.9, ininjectionan ng pampalagnat then binigyan ng recover food at more pedialyte. Balik daw ako after 3 days to test kung distemper.
After 3 days bumalik ako, walang distemper kit. Im so frustrated kase naawa na ako sa dog ko, although magana naman kumain, tamad uminom, ok naman ang poopoo and nag pee naman ng maayos, inilipat ko. Pinatest ko negative sa distemper. Pero mataas pa din lagnat nasa 40.1. Suspetya ng bagong vet is baka ehrlichiosis. Binigyan siya ng 7 days doxycycline, Liv.52 at Mondez inumin. Balik daw ako after 7 days.
Right now bumalik na ang sigla niya kahit ang tamad uminom, alaga ko na lang sa Mondex gamit ang syringe. Hindi na rin siya ganon kainit. Pero bakit ganon mga sis, sinusumpong ng limping ng back leg niya. Parang naglalast ng 1hr, then maya maya ok na ulit diretso na ang lakad. Worried ako gusto ko na nga ibalik ulit sa vet. Ganito ba ang symptoms ng Ehrlichiosis? Naawa ako sa dog ko kase pag iika-ika siya, parang naiiyak siya na ang lungkot.
Update ko nga rin pala, mukang may outbreak ng Distemper sa paligid ng village namin kase may mga namamatay na aso, tapos yung harap ng bahay namin, shaking ang ulo at paa diba symptoms yun ng distemper? Takot na takot tuloy ako ilabas yung dog ko kase baka mahawa since may sakit pa siya mahina immune system nia.

sushisundance

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #8 on: April 19, 2016, 12:34:11 am »
Frontline is not really helpful in preventing ticks. Lalapit parin kasi yung ticks sa dog kahit nakafrontline, ang nagagawa lang nya, hindi na dumarami yung tick na nandun sa dog, kasi once magbite sya sa skin mamamatay na dapat yung tick so wala ng chance mag propagate. I used to use frontline on my dog, until narealize ko na useless lang din at mas okay pa na laging icheck yung dog for ticks everyday, plus wala ka pang nilalagay na toxin sa dog mo.  ;)

kvandenhaak

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #9 on: April 19, 2016, 01:22:33 am »
Ticks can also cause Lyme disease in humans. Avril Lavigne is still suffering from this.

babyjham

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #10 on: April 22, 2016, 02:30:18 am »
Hi sisses.
Eto na nga positive for ehrlichia ang aking dog, so continue lang ang doxycycline niya. Pero mga sis pano niyo pinainom mga babies nio ng gamot? Saken kase ang utak, niluluwa ang gamot. Ang hirap tuloy grabe sobrang stress, pero happy pag nakikita mo na malakas ulit sila

geekgurl

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #11 on: April 22, 2016, 11:52:36 am »
Hi sisses.
 Pero mga sis pano niyo pinainom mga babies nio ng gamot?

Sis,

bili ka ng pedigree food. Tapos isiksik mo yung meds sa meat. Yun kasi ginawa ko para sure na mainom niya yung gamot at para hindi niya rin malasahan.

Thank God nagstop na yung bleeding niya. Sana hindi na bumalik.

sushisundance

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #12 on: April 23, 2016, 04:02:45 pm »
lagay mo yung capsule or tablet sa pinakadulo ng tongue nya malapit na sa throat yung hindi na nya magagalaw ng dila nya, tthen close yung mouth, massage ng konti yung neck gang sa lumunok sya  ;)

minabey

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #13 on: April 28, 2016, 10:54:59 pm »
Share ko lang mga sis

Last April 1, birthday ng dog ko, napansin ko super tumamlay. Jumper kase yun and if i say "where's your toy?" naku hahanapin niya na toy nia para i pa fetch saken. So ayun nga napansin ko tamlay, then umabot ng April 6 sabe ko baka na miss lang niya [textspeak!] Uncle ko (close din kase sila) napapansin ko na, malakas magmuta tapos palipat lipat ng pwesto,mahina uminom at kumain. sobrang tamlay. So kinabukasan dinala ko na sa Vet (april 7). Sabe ng vet dehydrated so binigyan ng Appetens, Pediamox at Pedialyte. Papainumin yung Pedimox for 7 days.
Sunday ng tanghali, ramdam ko parang mainit siya, tapos napansin ko limping yung back legs nia( Especially [textspeak!] left leg) so nag panic talaga ako kase nagbabasa basa na ako, baka distemper. Dinala ko sa Vet ng hapon. Ang taas ng lagnat 41.9, ininjectionan ng pampalagnat then binigyan ng recover food at more pedialyte. Balik daw ako after 3 days to test kung distemper.
After 3 days bumalik ako, walang distemper kit. Im so frustrated kase naawa na ako sa dog ko, although magana naman kumain, tamad uminom, ok naman ang poopoo and nag pee naman ng maayos, inilipat ko. Pinatest ko negative sa distemper. Pero mataas pa din lagnat nasa 40.1. Suspetya ng bagong vet is baka ehrlichiosis. Binigyan siya ng 7 days doxycycline, Liv.52 at Mondez inumin. Balik daw ako after 7 days.
Right now bumalik na ang sigla niya kahit ang tamad uminom, alaga ko na lang sa Mondex gamit ang syringe. Hindi na rin siya ganon kainit. Pero bakit ganon mga sis, sinusumpong ng limping ng back leg niya. Parang naglalast ng 1hr, then maya maya ok na ulit diretso na ang lakad. Worried ako gusto ko na nga ibalik ulit sa vet. Ganito ba ang symptoms ng Ehrlichiosis? Naawa ako sa dog ko kase pag iika-ika siya, parang naiiyak siya na ang lungkot.
Update ko nga rin pala, mukang may outbreak ng Distemper sa paligid ng village namin kase may mga namamatay na aso, tapos yung harap ng bahay namin, shaking ang ulo at paa diba symptoms yun ng distemper? Takot na takot tuloy ako ilabas yung dog ko kase baka mahawa since may sakit pa siya mahina immune system nia.

Sis, kinunan ba ng CBC yung dog mo? Makikita den kasi doon pag mababa yung platelet count at yung MCHC (anemic), most likely erhrlichia nga yun.

Ang issue sa distemper test, according to my vet, once na nasa nervous system na daw yung virus, mahirap na sya "mahuli" sa test. Very likely daw na mag false positive yun. Nung dinala namin yung alaga namin, ni-base na lang sa ibang symptoms yung diagnosis ng distemper - yung yellowish-greenish discharge sa eyes and nose, slight thickening ng nose and paw pads, tremors, decreased appetite and lethargy. Although, iba-iba den kasi ang manifestation ng distemper. Yung iba, may diarrhea na kasama. Sana naman hindi distemper ang dumapo sa dog mo.

Another thing to note, possibly pa den may madala kayong virus into your home via footwear from outside. Nakakatakot naman if maramin na nagka distemper sa lugar nyo. In our case, may stray cat na pumapasok pala sa bakod namin at kinakain yung tira-tirang food ng dog namin. Dun nya nakuha yung distemper.

babykat

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #14 on: May 10, 2016, 07:55:13 pm »
Pabalik balik ang ehrlichia talaga.  My babies got bitten by ticks when they were still puppies and till now, nagrerecur pa din ang ehrlichia nila.  I'm so worried now sa kanila, although they're still masigla.  Hope they get better soon.

kabes

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #15 on: May 11, 2016, 05:29:14 pm »
yung dog ko, 1 week lang nag lapse sa frontline, nagka erlichia. anyway, hirap na hirap kami painumin sya ng gamot, until we found how. dapat mejo sleepy na si doggie, then gisingin nyo para painom yung tablet, sagad sa throat. wala na sya ganang makipaglaban sayo. hehe. dati kasi 2 pa kami ng hubby ko nagpapainom, until ma-gets na namin yung trick, kaya na nya alone.

kateguerzon08

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #16 on: June 08, 2016, 08:32:19 pm »
grabe kanina yun dog namen, andameng malalaking ticks, kawawa naman..kaya kahit natatakot at mejo nandidiri ako tinanggal ko talaga, wala akong latex gloves pero naka-plastik yun kamay ko kase ayaw ko silang hawakan with my bare hands..tapos nilagay ko sila sa plastik at pinagpipisa ko sila, pero sabi saken ng lola at tita ko dapat daw sa gas or alcohol yun para mamatay sila, e galit ako kanina pinisa ko na lang sila..

ano ba recommended niyong dog soap, kase lagi naman naliligo yun dog namen ng shield guard ang gamit niyang sabon, tapos 2weeks ago nilagyan ko lang siya ng frontline pero baket kanina ang dami at ang lalaki ng mga ticks niya..thank you sa sasagot  ;D

sushisundance

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #17 on: June 09, 2016, 01:58:26 am »
^hindi dapat pinipisa ang ticks kasi daw yung eggs lalo kakalat

minabey

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #18 on: June 09, 2016, 12:08:35 pm »
ano ba recommended niyong dog soap, kase lagi naman naliligo yun dog namen ng shield guard ang gamit niyang sabon, tapos 2weeks ago nilagyan ko lang siya ng frontline pero baket kanina ang dami at ang lalaki ng mga ticks niya..thank you sa sasagot  ;D

Kahit ano lang den na anti-tick shampoo gamit ko eh. Yung frontline naman, para mag work yun, dapat kumagat talaga yung ticks sa aso para mapoison sila. Siguro kaya di nauubos yung ticks kasi may colony sila somewhere. What I do in addition sa shampoo and frontline, tick powder den. Para kung san man humihiga yung dog, pwede sya mag iwan ng powder para mamatay yung mga nagtatago.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Tick season - beware of ehrlichia
« Reply #19 on: June 12, 2016, 07:09:44 pm »
Problema ko rin to dati as in araw araw kami magkukutuhan. Pero dahil busy na ako sa work, binilhan ko sila ng frontline drops na ipapatak monthly for 3 months atun nawala na lahat kato nila. Mag 1 year and a half na silang walang kato.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close