I wanna share my experience, pero sana don't judge me.
Sobrang hirap po ng situation ko now. Sobrang hindi ko alam ang gagawin ko.
I met this guy sa isang chat app. He's married but separated, ako din ganun. We both have kids and no longer living with our partners. When we decided to meet up, we had this "momol" thing happened. Dapat talaga SOFM yun eh, pero I have my period that time kaya hanggang ganun lang.
Hindi ako yung tipo ng babae na paiba-iba ng partner. My husband was my first and been on abstinence for I don't know how long na rin since we separated. Natutunan ko lang tong chat app na ito and dun nga, parang I go with the flow na lang sa mga trip ng mga tao dun, like steamy chats, sex topics, etc. I got opened lang with the idea of seb and since mukang ok naman siya, I decided na sa kanya ko unang gawin.
After nung first meeting, ni walang text, tawag, isang beses na chat lang, nothing else. I don't initiate din anything because I thought hanggang ganun na lang talaga. But then after 2 weeks, he contacted me again and asked if I am free to go out. So we met again and did it. It was 2 weeks after so I think that week is my fertile period. Wala akong period tracker or anything kasi nga zero naman ang sex life ko. I don't care if madelay ako or what, pero I think the past months were regular cycle for me.
Stupidity at it's best, I know. We had it unprotected. So ayun. So I told him na hindi ako safe and he said na uminom na lang daw ako ng emergency pill. I had to research about it pa, kung ano bibilhin, san bibilhin, and kung papano. In short uminom nga ako and with prayers na hindi naman sana ako napuruhan.
My due date came, and still walang period na dumating. 1 week delayed and tested, it was +. I really don't know what to do. First thing comes to mind was abortion. Hindi ko kasi alam kung papano ko sasabihin sa anak ko, sa asawa ko, sa family namin, sa lahat. I was vocal to everyone na hiwalay na kami kasi may babae siya tapos eto pala ako mabubuntis sa ibang lalaki, through ONS pa!. I really don't know what to do. Ayoko talaga ito matuloy but I am not sure if I can do it (ipa-abort).
Then I sent a text to the guy informing him of the "problem". I did not get any reply. Mas lalo yata ako mababaliw. I know mahirap paniwalaan but wtf, sana man lang in-acknowledge nya yung text ko. Mas matatanggap ko pa if sabihin nyang hindi sya naniniwala or pagduduhan niya ako, at least masasagot ko siya. I know I can't convince him na hindi ako balahurang babae kasi sa chat lang kami nagkakilala and pumayag agad ako sa gusto nya but at least alam kong apektado siya. No reply at all is really unacceptable. I feel sad for the baby, and it strengthens the idea na mas mabuti na nga lang na wag ko na siya ituloy.
I don't know what to do mga sis (and bros). I don't need judgement here. Kasi alam ko mali nman talaga yung ginawa ko. Parang it was my first time to do it tapos ganito pa nangyari. Hindi ko alam kung san ako kukuha ng lakas ng loob eh sakaling ituloy ko ba, kakayanin ko ba? Aside sa sasabihin ng iba, kakayanin ko ba palakihih siya mag-isa? Hindi ko alam where to start.
I was advised na gawin ang procedure 2 weeks from now, habang papalapit ang araw, wala pa man, nagi-guilty na ako. Hindi ko rin kasi talaga kaya gawin yun eh. Please enlighten me, tell me what to do.
