watch now

Author Topic: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)  (Read 61028 times)

sweetwea

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #320 on: July 21, 2016, 03:19:45 pm »
Ang sweet mo naman sis Damon's girl. Dito ako sa taguig e. Yun glucometer ko kasi 50 pcs strips 1400 pesos.. may free palagi na meter.. mahal haha. Paano ko kaya mapapa trade tong akin.. nag message ako sa fb nila, dapat daw sa store talaga itrade.

Gusto ko din sana magpost ng picture ng bump ko kaya lang di ako marunong mag attach dito. hehe

Sabi ng OB ko, by 34 weeks, magpapa BPS na ako, once every week hanggang sa manganak ako plus NST dahil daw complicated pregnancy ko. Sayang talaga, di ko na pwede iavail yung mga hospital packages... nakaka sad! Nahihirapan na rin ako matulog ngayon..puyat na nga ang aga ko pa nagigising kasi ang sakit ng likod ko palagi.

sweetwea

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #321 on: July 21, 2016, 04:10:52 pm »
Thanks! Yay here's my bump!

https://s31.postimg.org/tae53c0mz/P_20160720_123512_1_BF_p_1.jpg

bumili din ako ng maternity belt pero di ko masyado nagagamit kasi naiinitan ako.. hehe

caramelsundae

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #322 on: July 21, 2016, 04:17:11 pm »
24 weeks na ko. Hahaha!
Ambilis ng araw. Buti pa kayo may nabili na. Kami ni hubby wala pa, wala pa rin sa mood mamili dahil end of this month ako magpapaCAS.
So, parang excited muna kami malaman gender ni Baby A bago bumili ng kung ano ano. ;D

Malikot na si baby pero magkaiba talaga sila ng panganay ko, yung first baby ko obvious sa tummy ko pag gagalaw sya. Ngayon si bunso parang kelangan nakasiksik sya sakin bago sya gagalaw tas mejo light yung mararamdaman sa surface ng tummy ko na movement niya.

Okay, haba na ng post ko. Nakakamiss magpost eh! :)

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #323 on: July 21, 2016, 05:56:29 pm »
Napressure naman ako magpost ng bump! Haha!

https://imgur.com/1bv4BPU

Maliit ba para sa 21 weeks? May friend ako halos sabay kami, ganyan lang din bump nya. Kaya di rin ako masyado worried. May mga maliliit lang daw talaga magbuntis. Oh well.. basta tama ang size ni baby sa age nya at healthy sya, di ako masyado maiintimidate sa big bumps ;) super payat ko rin kasi talaga nung napreggy ako.

Sis chocnats!! Grabe ang liit nga ng tummy mo nung una..

ang pinagtataka ko sa bump ko, pag nakapang alis ako, parang maliit sya. Pero pag dito sa bahay malaki. Weird. Di ko naman tinatago. Feel na feel ko pa nga na buntis ako. Pero pag nakadress na pang alis, maliit tingnan.
« Last Edit: July 21, 2016, 06:03:18 pm by stylus »

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #324 on: July 21, 2016, 06:12:30 pm »
sis stylus okay lang yan ako kasi mataba talaga as a person haha. kahit yung mga napanood ko sa youtube na belly progression maliit lang sila. busog lang talaga ako sa pic ko. chinese food kasi daming msg hahahaha.

sis caramelsundae, oo nga hirap mamili pag di pa alam ang gender kaya tama alamin muna :) ako kasi 14 weeks palang alam na namin pero mga 18 weeks na ako nagstart bumili. :)




stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #325 on: July 21, 2016, 06:47:11 pm »
^true sis. Saka nakita ko naman si baby nung nagpa 3d scan kami. Though walang reading ng measurement.. sabi naman ng sono normal daw size nya sa 5 months.

Tomorrow start na kami mamili. Nakakaexcite!

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #326 on: July 21, 2016, 06:53:46 pm »
^ yey! happy shopping sis :) ang saya saya mamili ng gamit ni baby :)

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #327 on: July 22, 2016, 07:22:46 am »
Mga sis, anong meds tine-take nyo ngauong 2nd trimester? Umiinom la ba kayo ng pampakapit?

Super sakit lang ng puson ko ngayong morning pagkagising ko. Since as needed lang naman duvadilan and utrogestan ko sabi ni ob, uminom ako ngayon. :(

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #328 on: July 22, 2016, 09:15:52 am »
Ako sis ever since IUI ko naka vaginal suppositories ako. Crinone un hanggang ngayon meron pa din. 12k per month. Tapos since 4th week naka duphaston ako until now and 16th week naman nagstart ako duvadilan until now din.

kim28

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #329 on: July 22, 2016, 09:17:33 am »
Si baby ayaw gumalaw kagabi habang check namin gender nya breech position at take note naka cross leg pa nasa bandang puson ko paa nya.  Pinapaubo ako ni doctora ayaw talaga magpalit ng pwesto or buka legs nya.  Sabi ni doctora flat daw parang girl pero ayaw nya pa i commit kasi di daw sure na sure.  Panay pa ang hikab nya parang sinasabi na wag magulo antok na antok si baby.  Hindi rin kami nakapag CAS kasi di maganda position ni baby next check up ko na lang daw sa August 23. Pero need ko na mag ogtt on my 24 weeks.  San ba mura tight ang budget ahaha :)

Akala ko pa naman makakabuy na kami ng gamit next month excited na talaga ako bumili. Calcium lang ang additional na pinapainom sa akin.  Inulit din blood test at urine test ko.

Mukha lang din akong busog till now pero normal naman laki ni baby. Sa wakas nag gain din ako ng weight 2 kilos.




damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #330 on: July 22, 2016, 09:23:46 am »
Sis kim28 sa hi precision ako nagpa OGTT. Parang nasa 600+ ata. Mas mura daw sa new world diagnostics ata yun though di ko pa natry.

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #331 on: July 22, 2016, 09:50:48 am »
Sis damonsgirl, pinatigil na kasi ng ob pampakapit ko. Iron at vit C na lang since 18 weeks. Ngayon super sakit ng puson ko. Kumikirot pag kumikilos ako. Di ko alam gagawin. Usapan pa naman namin ni hubby after ng meeting ko this morning, shopping na kami ng gamit ni baby..

Sis kim, ayaw pa ireveal ng baby mo ang gender..hehe. nagpapaexcite!

Never pa rin ako nagpa ogtt. Sana next check up ko.. ang lakas ko kasi sa sweets dumadayo pako sa purple oven para marami reserbang cake sa ref.

caramelsundae

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #332 on: July 22, 2016, 10:29:59 am »
Sis damonsgirl, oo mas mura sa new world, napapansin laging mas mababa yung kanila kesa sa iba.

Mga sis, dati nag utrogestan ako sa first baby ko, yung suppository, this time kay bunso hindi naman ako inadvice ng kahit anong pampakapit. Bali iron at vits lang iniinom ko ngayon.


kim28

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #333 on: July 22, 2016, 11:38:45 am »
sis damonsgirl sige dun na lang ako pa new world thanks sis

sis stylus ako din minsan sumasakit puson ko normal lang daw yun kasi nag expand uterus natin pero pa check mo rin para alam mo ok ang lahat

Iron + multivitamins and Caltrate plus ang iniinom ko now. Basta ang ginagawa ko pag uwi galing work pahinga then taas kaagad ang mga paa strecthing mukhang effective naman 2 nights na walang leg cramps.  Si mother wag na daw ako bumili ng pang new born kasi dami nagbigay sa akin saglit lang naman daw gagamitin.  Buy ko na lang daw mittens at socks and pajama ni baby.

Sabi pala ni OB sa Medical Center Manila and UDMC halos same rate 70k normal painless all in na un CS naman abot ng 100k while sa Perpetual Soccor 40k normal painless and 70k CS private room na yan. If ward less 5-10k daw.


lyrahs

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #334 on: July 22, 2016, 01:36:22 pm »
Parang malaki ata baby bump ko para sa 20weeks? hehe...Siguro kasama na din jan pagtaba ko.

Nag-reseta na ang OB ko ng iron pandagdag sa calcium, folic acid at gatas ko. Dati niresetahan din ako ng duvadillan, taken as needed lang.

Naalala ko pala nung Sunday morning, grabe hilab ng tyan ko. Tagal ko ng nakaupo sa CR, dko malaman kung ma-poop ako o ano kasi wala naman lumalabas.
Nung pag-alis ko sa toilet at nahiga, biglang kulo ang tyan ko, takbo ulit ng CR. Ayun na nga, LBM ako ng bongga. Nirecall ko lahat ng kinain ko the previous day.
Tingin ko biko at suha ang salarin  :-[ :P

Meron na ba sa inyong nagsisimula ng mag-manas?

caramelsundae

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #335 on: July 22, 2016, 03:01:27 pm »
^ sis lyrahs prone ako sa manas, dahil mahilig ako sa longganisa/tocino. Lagi ko lang binabatayan kung nagsisimula na. So far, wala pa naman ngayon. :)

chocnats

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #336 on: July 22, 2016, 03:04:28 pm »
Sis kim28 yung 100k na cs sa udmc, normal rate ba yun or may packages sila?

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #337 on: July 22, 2016, 03:52:22 pm »
^^ Wala pa naman akong manas. Pero ayoko ng manas na pati mukha especially ilong. May mga preggers kasi na ganun. Ang lakas makabuntis ng effect. hehe.

Sis kim.. sabi ng ob ko sa medic center manila masa 85k daw normal. Siguro mataas pf nya.. :)

lyrahs

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #338 on: July 22, 2016, 05:04:01 pm »
sis caramelsundae, napprevent mo mag-full blown manas? Paano gagawin?
Yung left foot ko nagsisimula na kasi :'(

Naku sis stylus, ayoko din ng manas na mukha at ilong!!

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #339 on: July 22, 2016, 07:21:39 pm »
^ hehe.. not sure sis kung naiiwasan yun. Kasi yung iba kong friends basta malapit na manganak manas na kahit face nila eh :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close