Author Topic: Impossible Prayers that were Answered  (Read 5312 times)

mimiku

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 733
Impossible Prayers that were Answered
« on: March 16, 2016, 10:15:54 am »
Hello, please share your uplifting stories about impossible prayers that were answered by God. Let this be a thread that will inspire everyone to strengthen their faith all the more. Thank you. :)
Veritas nunquam perit.

snowhite_12

  • certified vain
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 354
  • your scent is like a drug to me...
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #1 on: August 28, 2016, 06:17:36 pm »
all thing are possible with God. latest scenario. I was out na sa work.it was raining and it was friday and pay day and i know it will be hard to commute. ang haba ng line sa terminal para sumakay pero walang mga sasakyan dahil andoon na stuck sa  super traffic. walang available taxi. worst is may baha pa in some area.
So I pray to God. I walked to a different path and keep on talking to God. suddenly my available taxi nag stop talaga beside me. walang pa 15 minutes. God answered my prayers. God is good! all the time
I may be a woman,  but if I choose I have the heart of a man! (Queen Elizabeth)

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #2 on: September 05, 2016, 12:24:39 pm »
subscribing sa thread na to... sana madami pang mag testimony at maibalik kay God ang glory..
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

planeticymars

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #3 on: September 21, 2016, 09:31:55 am »
Yes this holds true to the core. There are a LOT of times that I question God and I only believe in Him alone. I believe in other religions too and that there's someone/something BIGGER than all of us. Most recently, I was super depressed with work lately and that I talked and prayed to Him. I went to Santuario de San Antonio since it is close to where I work. I lighted a candle every day for a week hoping to have a miracle. I prayed to have a job that my Dad will be proud of. I filed for resignation from my job not knowing what the future holds. 3 weeks into my render, I retracted my resignation since I don't have a back up plan. Until someone called from one of the job applications I filed online. I was offered a really great role with a package that 3x higher from my previous job. It's not a perfect role but something I deserved for the longest time.

More miracles to come...Thank you Lord for everything.
I♥Life

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #4 on: September 21, 2016, 12:04:51 pm »
wow.. thank you for sharing. it shows how great is our God...

 ;)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

kaiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1195
  • My Son, My Happiness, My Life
    • WACKER e-Store
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #5 on: September 21, 2016, 12:40:33 pm »
I hope to read more stories from this thread.
..true strength is being able to hold it all together when everyone else is expecting you to fall apart..

..i am your mona lisa..

threehundredquotes.blogspot.com

twinxz

  • Wish🌟Crafter
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1554
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #6 on: September 21, 2016, 01:01:44 pm »
^likewise :)
🌟 Do not be conformed to this world but be transformed by the renewal of your mind, that by testing you may discern what is the will of God, what is good and acceptable and perfect. Romans 12:2 🌟

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 315
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #7 on: September 21, 2016, 03:21:45 pm »
Pardon me but this would be long....

It was March 1997.  Malapit na ang sixth grade graduation ko.  Done na yung damit na susuutin ng Mom ko.  Sasabitan pa naman ako ng ribbon.  Napansin ko lately, hirap maglakad ang Mom ko. Yung first graduation practice namin, I had an excuse letter for the teachers kasi sasamahan ko si Mommy magpa-MRI sa St. Luke’s QC.  Isa pa lang ang St. Luke’s that time.  Sabi kasi nila, slipped disc daw ang sakit.  Ako naman, okay lang.  Sinamahan ko siya.

Siguro mga a week after, nagtataka ako bakit kakaiba ang atmosphere sa bahay.  Madalas mapula ang mata ng Daddy ko.  Nagpatawag pa sila ng pari.  Sabi ko, weird.  Hindi ako close sa Mom ko that time.  Lagi kasing kapag nasa bahay siya, sinusungitan ako, pinapagalitan ako.  Mas malambing sa anak ang Dad ko.  I was 12, my little brother was just seven.  Once, nakausap ko Mom ko.  Sabi, “Yung sakit ng Lola mo, yun ang sakit ko.”  I was like OMG!  Cancer yun!  I know it was hard for them to deal with Lola’s illness then kahit na may kanya-kanya na silang buhay na magkakapatid.  Pero I was just 12, my brother was 7, my parents were only 39.  Cancer.  Aruy.  Nagkulong ako sa kwarto.  Hindi nga kasi ako close sa nanay ko.  Hindi ko kayang umiyak sa harap niya, yumakap, etc.  Wala pang landline sa amin that time.  Kinuha ko yung cellphone na parang pagkudkod ng yelo at tumawag sa homeroom adviser ko.  Kakagaling ko lang kasi ng recollection namin. 

Kinabukasan, mapula na rin ang mata ko gaya ng Dad ko.  Pagdating sa school hindi ko alam ang gagawin ko, kung sino kakausapin ko.  The only comfort I had was isasama sa mass intention ang paggaling niya.  But no words could comfort me.  Pumunta ako ng faculty room but even the teachers wouldn’t know what to say sa isang 12-year-old who was about to lose her mom.  Iyak ako nang iyak kasi that same schoolyear, a classmate of mine lost her Dad.  Ganun kabilis.  Una absent lang siya nang absent.  She came back to school and then biglang naghalfday, only to find out that her Dad passed away.  Being a Daddy’s girl, it was one big fear for me but I never imagined it would happen to my family so soon, except that it was my Mom.

Dumating ang graduation day.  It was my aunt who pinned the ribbon.  Mom was already admitted sa hospital.  Kumain lang kami ng Dad ko, ng lolo ko at aunt ko sa labas after the ceremonies tapos ayun, the agony remains.  March 22 ang graduation ko.  March 24 biopsy operation niya.  As per MRI, it was a 5-kg mass na hindi naming napansin papaano lumaki kasi nagmula siya sa loob ng spinal column and then lumabas dun sa vacant area between the internal organs hanggang sa umabot sa right leg niya.  Kaya pala siya bigat na bigat.  Para siyang may baby na dala sa hita niya.  Anim na oras kaming nagvivigil sa labas ng operating room ng Cardinal Santos.  That time, may pera pa ang family naming.  Both Mom and Dad were doing well in their careers. 

As a young child of 12, I didn’t know what to bargain – paano ako makikiusap sa kalangitan na huwag muna kunin si Mommy?  12 lang ako, seven lang kapatid ko.  Masyado pa kaming bata para iwan.  Paghuhugas lang ng plato at paglilinis ng bahay ang alam ko.  Anong alam ko hati-hatiin ang pera na kinikita ng tatay ko, ang mga recipe ng nanay ko, ang schedule ng laba, plantsa, pasweldo sa mga katulong pati monthly maintenance ng mga kotse?  Ibinilin na raw ako sa mga tiyahin ko kasi hindi kayang magpalaki ng anak ng babae ng tatay ko. 

Sabi ng mga doctor, she only has 30% chance of living.  Kapag nabuhay daw siya, para nang nanalo sa lotto si Daddy. 

Lumabas ang resulta ng biopsy – malignant non-hodgskins lymphoma.  Hindi ko yan naiintindihan.  Basta ang sabi sa amin, pwede siya gumaling.  Chemotherapy at radiation treatment ang kailangan.   Around midsummer, umuwi si Mommy.  Hindi siya nakakalakad.  Hindi raw nakakaramdam waist down.  Alam ko pumasok siya sa ospital, walking pa eh.  Umasa kami na makakalakad pa siya ulit kapag matapos yung chemo sessions.  Never na siya nakalakad….

Para kaming panatiko na sinundan kahit saan magpunta noon si Fr. Corsie Legaspi.  Dala ng panyo, minsan dala pa mismo si Mommy.  Kahit lapitan siya at hawakan ni Fr. Corsie, hindi siya makalakad.

Lumala lahat – nagkabedsore siya.  Three years siya nakacatheter kasi mabigat para sa kanya pumunta ng CR.  Naka-Colostomy bag na rin siya at dun siya dumudumi.  May mga times na bigla siyang maninilaw, lalagnatin, giginawin, mangangatog.  Ako pa naglilinis noon ng bedsores niya – it was so bad I wouldn’t describe the big wound here.  It’s gross to describe it. 

Natapos ang six sessions ng chemotherapy – hindi pa rin siya nakakalakad.  Hindi ko alam magkano na lang natitira sa family namin.  Dahil sa tagal ng biyahe mula San Mateo papuntang Makati Medical Center, nakaconfine na lang siya dun for two months para sa sessions niya ng radiation treatment.  Ayoko na ring isipin yung time noon na hindi kami magkasama ng bahay ng kapatid ko.  Gabi na rin nakakauwi galling sa work ang Daddy ko kasi nag-oovertime para may pampagamot.  Ako nakatira sa Lola ko, nag-aalaga sa Mommy ko.  Yung kapatid ko, nasa bahay namin, kasama ang yaya, binabantayan ng Lolo ko hanggang sa makarating ng bahay si Daddy kagabi. 

It was such a sad phase.  Nakikita ko siyang makalbo.  Hindi kami sama-sama sa isang bahay, etc.  Naging teenager ako – at tuwing papagalitan ako ng Daddy ko, bigla niyang maiisip yung better days ng family namin.  Kapag nadadaanan niya yung mga lugar kung saan kami dati namamasyal, naiiyak siya.  Sino ba namang mag-aakala na magkakaganito ang buhay namin diba?

Natapos ang radiation therapy.  Hindi pa rin siya nakakalakad.  Nagdalaga ako – mas lalo kaming hindi nagkaunawaan  ni Mommy.  Pero at least, sama-sama na kami ulit sa bahay naming.  Pinagbigyan ng mga Lola ko na makauwi si Mommy sa bahay namin para sama-sama kaming pamilya.  Grandparents ko ang nag-eeffort na pumunta sa amin para matulungan kami.  Sa araw ang Lolo ko. Sa gabi, sa kwarto ko natutulog ang Lola ko.  Sabi nga ng mga kapitbahay, ang laki ng itinanda ng itsura ni Daddy. 

Bilin ng matatanda, hindi ko alam kung hanggang kalian na lang si Mommy kaya raw magpakabait ako. 

Walang napuntahan ni isang graduation sa mga anak niya si Mommy.  Ilang beses rin nangyari yun false alarm na akala naming mamamatay na siya – pinatawag na lahat, nakapaligid sa kama.  Pero sabi ni mommy, masamang damo raw siya.  Hindi maapprove ang visa pa-heaven…

Fast forward to today.  I’m now turning 32.  Hindi pa rin nakakalakad si Mommy.  Licensed ECE na ako, licensed Physical Therapist naman ang kapatid ko.  Married na ako. 

Nauna pang kinuha ni Lord ang grandparents ko kaysa sa Mommy ko.  Sabi nga ng Tita ko habang nakaburol ang Lola ko habang nakaturo sa asawa ko, “Manugang yan ni Cherrie.  Akalain mo bang abutan pa niyan ang manugang niya eh ni hindi ko alam kung maiuuwi ko ng buhay noon?!”  And yes, busy na sa nag-iisang apo ang Mommy ko – busy sa baby boy ko. 

Hindi man sinagot ang dasal na makalakad pa siya ulit, I know in my heart na yung sabi ng mga doctor na kapag nabuhay si Mommy eh para na kaming nanalo sa lotto eh muka ngang nanalo kami.  Okay na rin relationship namin ng Mom ko. 

I pray that she has more years to celebrate life.  Sa March 24, 2017, she’ll be celebrating 20 years of cancer survival.  Praise God! 

Sabi nga sa healing prayer sa booklet ni Fr. Corsie, “When after all has been said and done, may her life be so many songs of praise to Your Name.” 
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #8 on: September 21, 2016, 06:20:27 pm »
^ kala ko wattpad story eh.. pero what matters most to me eh yung miracle na ginawa ng Diyos sa buhay ng Mommy at sa buong pamilya.. may mga unanswered prayers maybe kulang or hindi specific yung prayer. pwede rin na hindi tugma yung panalangin sa gusto talaga mangyari..

naalala ko yung buhay ni Job, kinuha lahat lahat sa kanya, mula sa ari arian hanggang sa pamilya niya. umabot pa nga sa mismong mga laman at balat nya ay halos kunin na din, buhay na lang ang natitira sa kanya pero dahil sa patuloy na pananalangin at pananampalataya niya sa Dios na makapangyarihan sa lahat naibalik ang mga bagay na nawala sa kanya ng 10x.. halos ganun din ang nangyari sa pamilya ni poster above me, nawala man yung marangyang pamumuhay nila humaba naman yung buhay ng mommy, naging close sila, nakapagtapos ng pag aaral ang magkapatid at nadagdagan pa yung inaakalang mababawasang miembro ng pamilya.

thanks for sharing... nakaka lift up ng faith.

 ;)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

reenabautista

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #9 on: September 22, 2016, 11:42:37 pm »
mga sis, im truly moved by your sharing. im actually crying right now. indeed God is good.

Kami naman, financially in trouble plus may legal cases pa na kinakaharap. I take one day at a time
na matatapos din ang problema namin. nung di pa ako nagdadasal, ang bigat dalhin ng problema.

i pray and i pray... slowly,  nakakabawi na kami.... nakakaiyak kasi tagal na naming gipit pero unti unti naayos na.


simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5781
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #10 on: September 23, 2016, 01:29:01 am »
Sis neechee, thank you for sharing in detail :) what a beautiful story.
...all adventurous women do.

fille_09

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
  • I'm the Yin & The Yang
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #11 on: September 29, 2016, 08:37:14 pm »
Beautiful thread :D .. subscribing!
Daydreamer ♥

rarity

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 116
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #12 on: September 29, 2016, 08:57:55 pm »
Many times papa God has answered my prayers (I will post when I find more time. Usually after a seemingly bad event not instant but eventually after some time. Minsan naluluha ako sa gratitude at pasasalamat sakanya. He was just waiting for me to trust his plans and not mine. Its true talaga. For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. 

 :) :)

alice_alice

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1240
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #13 on: September 29, 2016, 11:20:42 pm »
I prayed the healing rosary because my lola is in the ICU the next day we received a text message from the doctors sayin' my lola's condition is already stable and will be transferred to a regular private room. Prayers really do move mountains. We experienced a miracle. Our family is very thankful to the Lord for his mercy. My lola is now recovering.

Of course I am also grateful to my fave saints who backed me up and prayed for us at tlour very diffucult time. God is good. :)

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2629
  • GuyTalker
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #14 on: October 03, 2016, 12:36:47 pm »
ganda ng bungad ng umaga. dami ko nabasa na patotoo.....God bless sa lahat ng mga sis & bros dito...


@alice2x get well soon kay lola kapatid.....
Quote
Prayers really do move mountains. We experienced a miracle. Our family is very thankful to the Lord for his mercy.

naalala ko yung kantang What Faith Can Do.... share ko pakinggan mo. sa sinabi mo na yan patunay lang na that's what faith can do :)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

krisle703

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
  • Swit,Petite, Abt 5 ft. The cutest 1 u'l ever meet.
    • Chase and Chaeli's mom
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #15 on: December 23, 2016, 09:19:11 am »
I prayed for a lot of things and I'm very thankful that most of them even those that I thought impossible were answered. These are some of my answered prayers:

My mom was diagnosed with stage 2B of breast cancer and I prayed for her healing. It's been 10 years now and she has survived it.

I'm almost kicked out of my university due to absences (I was a working student then), I prayed that I do not get suspended or kicked out, even though I know it's impossible. That semester I have failed 9 units and that was already ground for withdrawal. Palipat na ako ng school and nakapila ako sa record's office to get my TOR when suddenly nakatabi ko yung classmate ko na hindi ko naman kaclose pero kinausap ko. I asked her bakit hindi ko siya nakikita sa school lately and she answered "Because I was on LOA" Then I asked what happens to your grades and subjects kung naka LOA ka and she mentioned mawawalang bisa since nakaleave of absence ka hindi siya macredit sa GPA. I filed a leave of absence and I wasn't kicked out :) I repeated and passed all my subjects the next term.

I prayed to get over with my first heartbreak, he sent me my husband. :)

My husband left me for another woman, sabi nila nagayuma daw, he treated me like i'm his mistress, they treated me both badly. Pero pinag novena ko parin siya, after a year he pulled us back and joined me in a christian marriage seminar. He's now a sharer and we're stronger than ever.

I prayed for a son and daughter - granted

I used to earn more than my husband that's why at times I'm more dominating. I submitted and let go. I prayed God to take over our marriage and family. My husband got promoted three times after that.

Three years kaming naka pisan sa mom ko, I  prayed na sana bigyan kami ng courage bumukod and to truly start a family. We did and not only that, We were able to buy the town house we rented.

I got depressed when I became a housewife. I am used to working and I felt worthless or unfulfilled. I know I can't leave my kids at home but I wanted to provide too. I prayed and while I am ranting my emotions on an Anxiety support group. An angel sent me a message offering me a homebased work. It's been 2 years now and halos pareho na kami ulit ng income ni hubby :)

Marami pang iba.. We started sa baba as in wala. Ma-amaze na lang talaga kami sa graces ni God. We also believe that in giving we receive. We do charity work, we do tithing kahit walang wala kami. We just prayed. Then God provides! It's not always monetary. Like we committed ourselves to attend a fellowship but we know wala kami budget for transpo. God will make a way by cutting some of our utility bills, sending us an offer or making us healthier so we won't spend our money on medicines.

Hindi naman yan instant lahat, Some took days, some years but I am confident that God will give them in his own perfect time. Prayer works!
« Last Edit: December 23, 2016, 09:22:41 am by krisle703 »
If he loves you, nothing can take him away. If he doesn't, Nothing can make him stay.

candacena

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 745
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #16 on: February 21, 2017, 09:27:58 am »
na born again ako in spirit and in heart. as in totally nabago ang buhay ko. I am so thankful to the Lord. alam niyang mahal na mahal ko siya. kaya kahit mahirap ang naging process kinaya ko. para sa kanya, para sa pamilya ko, para na din sakin. I will never go back to what Im used to be. New me, new life. and He gives me courage everytime Im down. I just prayed to Him. God is really good. hindi ito biro. binago talaga ng Diyos ang buhay ko. hindi man dahil wealth. mas higit pa sa nanalo sa lotto ang ginawa niya sakin. I hope this inspires everyone. God Bless and keep on praying, repent with a sincere and contrite heart. and He will surely answer your prayer

yannuh

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2784
  • Trust in His timing.
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #17 on: February 21, 2017, 10:31:19 am »
sobrang inspiring ng mga posts nyo sis. nakakagood vibes. ngayon lang ako nagawi sa thread nato. next time magsheshare din ako ng story ko :) God bless!
just know you can :)

DalagangPinay

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #18 on: February 22, 2017, 03:27:38 am »
Way back January 2013, Yung pinsan ko kelangan nya magpadialysis at kailangan nya ng blood donor na mag mamatch sa kanya. Nung time na yun, ako lang yung pwede na magdonate ng dugo kasi kami ang magka match sa blood type. So ako naman willing ako magdonate. Kinabukasan nung time na yun, biglang sumakit lalamunan ko at nagkaroon ako ng tonsillitis. Nung nagpa screen ako for blood donation, bumagsak ako dahil ang taas ng WBC ko. meaning may infection ako sa dugo. Umuwi nalang ako sa bahay dahil hindi rin naman ako pwede magdonate. Pagkatapos nung araw na yun, biglang namanhid kamay ko at ang sakit ng paa ko at yung buong katawan ko parang tinutusok ng karayom.

That time, umiiyak na ako kasi hindi ko na alam kung ano nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa katawan ko. Hanggang sa kung ano ano ang pinag iisip kong sakit. Hindi ko muna sinasabi sa mama ko kung ano nararamdaman ko kasi ayaw ko siyang mag alala. Hanggang sa time na baka may sakit ako na HIV. kasi iba iba ang symptoms ng sakit na yun.  Nung college student kasi ako na accident ako sa operation. Naaksidente ako na matusok na contaminated lancet. Kaya di ako sure kung may HIV yung pasyente o wala. Nung time na yun natakot ako kasi ang bata ko pa tapos wala akong mapagsabihan ng problema. Kahit sa mother ko, hindi ko sinabi baka husgahan nya ako kaagad kung bakit ako nakakuha ng sakit na ganun pag nalaman nya.

4 months kong dinala yang problema na yan about my health. Todo search ako kung saan ako pwede magpatest ng free. Halos urong sulong din ako kung magpapatest ba ako o hindi. Nung time na yun di ko na kaya problema ko.

One day, nagdasal ako kay God na hindi ko na kaya problema ko. Sabi ko kay God, Maguumpisa palang ako sa buhay kasi kakagraduate ko lang. Sana pagalingin nya ako at mawala na yung nararamdaman ko sa katawan. Ilayo nya ako sa banig ng karamdaman at sana mag non reactive ako sa HIV test. Nung time na yan nagdadasal ako niyan halos iyak ako ng iyak at nakakulong ako sa kwarto. Pakiramdam ko nakikinig lang sa akin si God. Tapos tamang tama may bible sa bed ko. Kada buklat ko ng bible, sinasagot ako ni God. Tatlong verse yung lumabas na yun na tamang tama sa dasal ko.

First Verse, "Do not let your hearts be troubled. Trust in God, Trust also in me.- John 14:1

Second Verse, "I will do whatever you ask in my name, so that the Son may bring glory to the Father. You may ask me for anything in my name, and I will do it"- John 14:13-14

Third Verse, Without faith it is impossible to please God, because anyone who comes to him must believe that he exists and that he rewards those who earnestly seek him.- Hebrew 11:6

Nung time na yan medyo kinilabutan ako kasi tamang tama yung dasal ko at sinagot ako kaagad ni God thru bible.

April 2013, nagpa HIV test ako. Before ako pumunta sa Clinic, pumunta muna ako sa simbahan na gabayan nya ako at wag nya akong pababayaan. Nagdasal na rin ako sa mga santo hehe.. Tapos nakaconcentrate ako sa mga promise ni God sa akin which is yung three verses na nabasa ko sa bible.

Pumunta na ako social hygiene clinic para magpatest.. Kung maiimagine nyo yung lugar, ang tahimik at wala masyadong katao tao. Mas makakapag isip ka ng maayos kasi yung place na yun parang welcome ka dun at walang huhusga sayo.  Pinapasok na ako ng counselor at kinausap ng maayos kung ano pwedeng mangyari incase na mag positive. After niyan pinababa na ako para magpakuha ng dugo.

Nasa blood extraction na ako para kuhanan ng sample. Kabado ako nung time na yun kasi di ko alam kung ano pwede mangyari. Habang kinukuhanan ako ng dugo, sabi ko kay God, "Your will be done" at tapos na akong kuhanan ng sample. After nyan pinabalik na ako sa taas para magwait ng result. Nung time na yan kinakabahan na ako sa magiging resulta kasi 10 minutes lang may result na. Sabi ko kay God, Kayo na po bahala habang hawak ko ang isang holy cross na maliit .

After 10 minutes, kinuha na nung counselor yung result sa baba. Una akong tinawag. Nakangiti sa  akin yung counselor at inabot sa akin ang maliit na papel at nakalagay Non-Reactive that means negative ako sa sakit at tuloy pa rin ang buhay. Nakahinga ako ng maluwag nung time na yun kasi dati halos di ako makatulog at iyak ako ng iyak dahil depressed na ako. Pagkatapos nalaman ang resulta, pumunta ako ulit sa simbahan para magpasalamat sa kanya.

Nung time na rin na yun, nawala na pa konti konti yung nararamdan ko sa katawan na parang tinutusok ng karayom. Pinagaling ako ni God dahil wala na yung sakit ko.

Girls, tiwala lang sa Panginoon kung may problema kayo. Huwag kayong mawalan ng pag asa dahil sa Panginoon lahat ay posible.  Kadalasan si God nagrerespond siya thru bible. Marami ko nang beses naranasan yan na sagutin nya ako pag nagdadasal ako. Marami pa sana akong ikkwento kaso hanggang dito muna. mahaba na kasi yung kwento hehe.. next time ulit.  :)

Live your life to the fullest...

kikayako

  • I'm a certified BITCH! (Babe In Total Control of Herself) o",)
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 579
Re: Impossible Prayers that were Answered
« Reply #19 on: November 08, 2018, 06:53:17 pm »
Pardon me but this would be long....

It was March 1997.  Malapit na ang sixth grade graduation ko.  Done na yung damit na susuutin ng Mom ko.  Sasabitan pa naman ako ng ribbon.  Napansin ko lately, hirap maglakad ang Mom ko. Yung first graduation practice namin, I had an excuse letter for the teachers kasi sasamahan ko si Mommy magpa-MRI sa St. Luke’s QC.  Isa pa lang ang St. Luke’s that time.  Sabi kasi nila, slipped disc daw ang sakit.  Ako naman, okay lang.  Sinamahan ko siya.

Siguro mga a week after, nagtataka ako bakit kakaiba ang atmosphere sa bahay.  Madalas mapula ang mata ng Daddy ko.  Nagpatawag pa sila ng pari.  Sabi ko, weird.  Hindi ako close sa Mom ko that time.  Lagi kasing kapag nasa bahay siya, sinusungitan ako, pinapagalitan ako.  Mas malambing sa anak ang Dad ko.  I was 12, my little brother was just seven.  Once, nakausap ko Mom ko.  Sabi, “Yung sakit ng Lola mo, yun ang sakit ko.”  I was like OMG!  Cancer yun!  I know it was hard for them to deal with Lola’s illness then kahit na may kanya-kanya na silang buhay na magkakapatid.  Pero I was just 12, my brother was 7, my parents were only 39.  Cancer.  Aruy.  Nagkulong ako sa kwarto.  Hindi nga kasi ako close sa nanay ko.  Hindi ko kayang umiyak sa harap niya, yumakap, etc.  Wala pang landline sa amin that time.  Kinuha ko yung cellphone na parang pagkudkod ng yelo at tumawag sa homeroom adviser ko.  Kakagaling ko lang kasi ng recollection namin. 

Kinabukasan, mapula na rin ang mata ko gaya ng Dad ko.  Pagdating sa school hindi ko alam ang gagawin ko, kung sino kakausapin ko.  The only comfort I had was isasama sa mass intention ang paggaling niya.  But no words could comfort me.  Pumunta ako ng faculty room but even the teachers wouldn’t know what to say sa isang 12-year-old who was about to lose her mom.  Iyak ako nang iyak kasi that same schoolyear, a classmate of mine lost her Dad.  Ganun kabilis.  Una absent lang siya nang absent.  She came back to school and then biglang naghalfday, only to find out that her Dad passed away.  Being a Daddy’s girl, it was one big fear for me but I never imagined it would happen to my family so soon, except that it was my Mom.

Dumating ang graduation day.  It was my aunt who pinned the ribbon.  Mom was already admitted sa hospital.  Kumain lang kami ng Dad ko, ng lolo ko at aunt ko sa labas after the ceremonies tapos ayun, the agony remains.  March 22 ang graduation ko.  March 24 biopsy operation niya.  As per MRI, it was a 5-kg mass na hindi naming napansin papaano lumaki kasi nagmula siya sa loob ng spinal column and then lumabas dun sa vacant area between the internal organs hanggang sa umabot sa right leg niya.  Kaya pala siya bigat na bigat.  Para siyang may baby na dala sa hita niya.  Anim na oras kaming nagvivigil sa labas ng operating room ng Cardinal Santos.  That time, may pera pa ang family naming.  Both Mom and Dad were doing well in their careers. 

As a young child of 12, I didn’t know what to bargain – paano ako makikiusap sa kalangitan na huwag muna kunin si Mommy?  12 lang ako, seven lang kapatid ko.  Masyado pa kaming bata para iwan.  Paghuhugas lang ng plato at paglilinis ng bahay ang alam ko.  Anong alam ko hati-hatiin ang pera na kinikita ng tatay ko, ang mga recipe ng nanay ko, ang schedule ng laba, plantsa, pasweldo sa mga katulong pati monthly maintenance ng mga kotse?  Ibinilin na raw ako sa mga tiyahin ko kasi hindi kayang magpalaki ng anak ng babae ng tatay ko. 

Sabi ng mga doctor, she only has 30% chance of living.  Kapag nabuhay daw siya, para nang nanalo sa lotto si Daddy. 

Lumabas ang resulta ng biopsy – malignant non-hodgskins lymphoma.  Hindi ko yan naiintindihan.  Basta ang sabi sa amin, pwede siya gumaling.  Chemotherapy at radiation treatment ang kailangan.   Around midsummer, umuwi si Mommy.  Hindi siya nakakalakad.  Hindi raw nakakaramdam waist down.  Alam ko pumasok siya sa ospital, walking pa eh.  Umasa kami na makakalakad pa siya ulit kapag matapos yung chemo sessions.  Never na siya nakalakad….

Para kaming panatiko na sinundan kahit saan magpunta noon si Fr. Corsie Legaspi.  Dala ng panyo, minsan dala pa mismo si Mommy.  Kahit lapitan siya at hawakan ni Fr. Corsie, hindi siya makalakad.

Lumala lahat – nagkabedsore siya.  Three years siya nakacatheter kasi mabigat para sa kanya pumunta ng CR.  Naka-Colostomy bag na rin siya at dun siya dumudumi.  May mga times na bigla siyang maninilaw, lalagnatin, giginawin, mangangatog.  Ako pa naglilinis noon ng bedsores niya – it was so bad I wouldn’t describe the big wound here.  It’s gross to describe it. 

Natapos ang six sessions ng chemotherapy – hindi pa rin siya nakakalakad.  Hindi ko alam magkano na lang natitira sa family namin.  Dahil sa tagal ng biyahe mula San Mateo papuntang Makati Medical Center, nakaconfine na lang siya dun for two months para sa sessions niya ng radiation treatment.  Ayoko na ring isipin yung time noon na hindi kami magkasama ng bahay ng kapatid ko.  Gabi na rin nakakauwi galling sa work ang Daddy ko kasi nag-oovertime para may pampagamot.  Ako nakatira sa Lola ko, nag-aalaga sa Mommy ko.  Yung kapatid ko, nasa bahay namin, kasama ang yaya, binabantayan ng Lolo ko hanggang sa makarating ng bahay si Daddy kagabi. 

It was such a sad phase.  Nakikita ko siyang makalbo.  Hindi kami sama-sama sa isang bahay, etc.  Naging teenager ako – at tuwing papagalitan ako ng Daddy ko, bigla niyang maiisip yung better days ng family namin.  Kapag nadadaanan niya yung mga lugar kung saan kami dati namamasyal, naiiyak siya.  Sino ba namang mag-aakala na magkakaganito ang buhay namin diba?

Natapos ang radiation therapy.  Hindi pa rin siya nakakalakad.  Nagdalaga ako – mas lalo kaming hindi nagkaunawaan  ni Mommy.  Pero at least, sama-sama na kami ulit sa bahay naming.  Pinagbigyan ng mga Lola ko na makauwi si Mommy sa bahay namin para sama-sama kaming pamilya.  Grandparents ko ang nag-eeffort na pumunta sa amin para matulungan kami.  Sa araw ang Lolo ko. Sa gabi, sa kwarto ko natutulog ang Lola ko.  Sabi nga ng mga kapitbahay, ang laki ng itinanda ng itsura ni Daddy. 

Bilin ng matatanda, hindi ko alam kung hanggang kalian na lang si Mommy kaya raw magpakabait ako. 

Walang napuntahan ni isang graduation sa mga anak niya si Mommy.  Ilang beses rin nangyari yun false alarm na akala naming mamamatay na siya – pinatawag na lahat, nakapaligid sa kama.  Pero sabi ni mommy, masamang damo raw siya.  Hindi maapprove ang visa pa-heaven…

Fast forward to today.  I’m now turning 32.  Hindi pa rin nakakalakad si Mommy.  Licensed ECE na ako, licensed Physical Therapist naman ang kapatid ko.  Married na ako. 

Nauna pang kinuha ni Lord ang grandparents ko kaysa sa Mommy ko.  Sabi nga ng Tita ko habang nakaburol ang Lola ko habang nakaturo sa asawa ko, “Manugang yan ni Cherrie.  Akalain mo bang abutan pa niyan ang manugang niya eh ni hindi ko alam kung maiuuwi ko ng buhay noon?!”  And yes, busy na sa nag-iisang apo ang Mommy ko – busy sa baby boy ko. 

Hindi man sinagot ang dasal na makalakad pa siya ulit, I know in my heart na yung sabi ng mga doctor na kapag nabuhay si Mommy eh para na kaming nanalo sa lotto eh muka ngang nanalo kami.  Okay na rin relationship namin ng Mom ko. 

I pray that she has more years to celebrate life.  Sa March 24, 2017, she’ll be celebrating 20 years of cancer survival.  Praise God! 

Sabi nga sa healing prayer sa booklet ni Fr. Corsie, “When after all has been said and done, may her life be so many songs of praise to Your Name.”

Grabe naiyak ako. Thank you for sharing, sis. Nagkaroon ako ng pag-asa na may miracle talaga at wala talagang impossible k Lord.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close