Author Topic: LQ and petty quarrels  (Read 2316 times)

rasee16

  • Guest
LQ and petty quarrels
« on: March 14, 2016, 01:13:27 pm »
Ano usual na mga pinagaawayan nyo as a couple? Post away kahit mababaw or malaking issue pa yan. :)
Here's mine:

-pumunta kami sa glorietta para magdinner tapos sabi nya masakit tyan nya at need nya mag cr. sa sobrang tagal ko naghihintay sa paglabas nya, closed na mga resto at inis na inis ako kasi pumunta pa kami ng glorietta para lang mag cr sya. di kami nakapag dinner at hinatid nya nalang ako sa bahay. Hindi nya man lang ako inaya sa ibang place na bukas pa or kahit padeliver nalang ng food sa bahay. Umalis sya ng inis ako sa kanya.  >:(

-inaya ko sya sa valentine's party ng village namin last year at ayaw nya kahit binayaran na ng mom ko yung tickets. wala naman daw syang kilala dun. sabi ko hindi nya naman kailangan kausapin yung iba eh, kahit ako nalang. in the end, sinamahan nya ako umuwi ng bulacan but hindi talaga sya pumunta sa party.

-kumain kami sa isang high-end resto at dahil gulat na gulat ako sa presyo, i wanted to share sa gastos. ayaw ko lang naman na sya ang umako ng lahat ng gastos kasi i am earning din naman and i know hindi naman kalakihan ang salary nya kaya mabigat yun for him.

isip pako haha..

dell

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #1 on: March 14, 2016, 03:26:30 pm »
mag share lang din...

- gastos, gusto nya mga high end stuff eh di naman "high end" sweldo ko
- junk food, mahilig sya mag pabili, nagagalit pa yun pag di ako sumunod(uy! di ako under ha =)
- lie, like habitual, I feel like I'm always being manipulated so alam na

minsan na e-escalate pa dahil may ugali sya nang e-emotional blackmail. matatag lang talaga pasensya ko dahil sa daughter ko.

rasee16

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #2 on: March 14, 2016, 03:31:49 pm »
ay eto pa.. lagi naming pinagaawayan kung saan kakain or saan pupunta! Kadalasan kasi ako ang nagiisip. Nakakainis na hindi man lang sya mag suggest.

badw33d

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #3 on: March 14, 2016, 04:03:40 pm »
hmmm now i think wala ako ganito towards her ... kailangan ko gumawa ng something.. hehe

but she has something towards me ... very simple ... during dinner with her friends, i would usually talk to people within range. then pagka uwian na, ayan na, "kung maka tingin ka sa kanya ha, and you didnt even bother to stop talking to her" hahaha.

so I make sure that we let the bed talk before ending the evening.

iam_me

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #4 on: March 14, 2016, 04:28:36 pm »
-matagal syang maligo, lalo na pag may lakad gusto ko mabilisang kilos sya wala di marunong    magmadali
-pag nasa mall yung san kakain parang laging ako yun need na mag isip
-yung pinaghubaran kung saan-saan ilalagay may taga ligpit
-yung hahanapin nya sa kin yung gamit nya kahit sya yung gumagamit grrr
-yung pag naiinis ako deadma lang sya kaya lalo akong naiinis :)

rasee16

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #5 on: March 14, 2016, 07:41:53 pm »
-yung pag naiinis ako deadma lang sya kaya lalo akong naiinis :)

Relate na relate ako dito sis! grrr...  >:( >:( >:(

aquacharly

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #6 on: March 14, 2016, 09:25:13 pm »
LQs and/or petty quarrels are good opportunities for a couple to improve on their conflict dynamics.  They can learn how to constructively disagree;  how to manage their areas of conflict; and how to upgrade their communication skills in times of anger/stress/impatience. 

Eto lang advise ko:  Choose your battles well.   Do not win a battle to lose the war ika nga.



Sa amin, ang petty quarrels eh kasi running late ako. 
Or, inuumaga ako when out with my girlfriends.
I go grrr when he commandeers my driver; or he changes our schedule of meetings (eh it derails the rest of my day). 
Young bihis na ko tapos he will say hwag na kami tumuloy sa party, tinatamad sya.  hello, sayang  make-up ko ha! Hahaha
Or yung masyado akong friendly with my guy friends.  At susko!  ewan. 
« Last Edit: March 14, 2016, 09:33:40 pm by aquacharly »

mangacat

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #7 on: March 23, 2016, 01:27:16 pm »
Dati pinag-awayan namin yung pagda-diet ko. Gusto niya kasi kumain ako nang marami, eh tumataba na ko. Asar lang kasi feeling ko hindi siya supportive sa ginagawa ko eh. Eh nagda-diet lang naman ako para sa health ko, di ba? Ayun haha.

Nakakainis lang rin kasi kayang-kaya baliktarin ng bf ko yung sitwasyon, palaging ako may kasalanan waaah hahaha =))

Pink_Sugar

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #8 on: March 25, 2016, 10:01:43 am »
Pag nasa PMS ako, sure na aawayin ko na sya. Haha

ri-anne

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #9 on: April 07, 2016, 09:20:53 pm »
Petty quarrel, as in mababaw lang...i've learned to choose my battles na kasi and also my hubby.
You always have the choice to ignore lang naman kasi baka gutom, pagod, etc....

So here are some:

- pag umutot sya tapos super obvious at baho tapos idedeny pa

- pag may napanood na syang movie or series, tapos sasabihin nya na sa akin yung mangyayari. i hate spoilers pa naman

- if my fave song plays sa radio, i can't help but dance to the beat. Pag nagtotodo sayaw na ako sa car bigla nyang ililipat yung station. kantahin ko na lang daw. siempre ibabalik ko, and so on

- hilig nya akong kilitin sa kilikili in unexpected times kaya naiinis ako

Ano pa ba...basta mga kung [textspeak!] ano lang.... Anyway of course sa mga ganyan hindi maiiwasan may kasamang tawanan at harutan.


rasee16

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #10 on: April 07, 2016, 09:34:57 pm »
Kahapon lang, kinamusta ko araw nya sa office. Ayaw magshare nakakainis ayaw na raw nya isipin. Ako kasi, share ko sa kanya lahat kung ano nangyari sakin kahit work-related at hindi nya kilala mga colleagues ko.

triciaaamaldita

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #11 on: April 08, 2016, 09:42:55 am »
Since my bf lives here in my condo, eto na usual na pinag aawayan hahaha kahit super babaw!!

- hindi nakapaglaba
- di pa nilabas yung basura
- yung kama ang gulo pa

hay nako hahaha nakakatawa minsan

imyourangel

  • Guest
Re: LQ and petty quarrels
« Reply #12 on: June 04, 2016, 10:02:07 pm »
Mabagal kumilos after magbath (he's very meticulous magshave ng facial hair lol)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close