watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 42)  (Read 134095 times)

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #440 on: June 18, 2016, 10:42:03 am »
RE: TAYLOR SWIFT


Wala din akong nakikitang masama ke makailang BF siya o madali siya magpalit. IMO, kaya nga tayo nakikipag date noong single para makakilala
tayo ng mga potential husband.

Ang masama eh kung pinagsasabay niya, eh afaik, hindi ganyan si taylor? I mean, nakikipag break naman siya bago siya magpalit right?

Karapatan niya yan bilang single. Eh sa hindi na niya gusto yung guy, eh kesa lokohin niya, eh di i break na lang niya, and mamili ng iba.





RE: SUNSHINE DIZON


mukha ngang doctor or basta nasa medical field yung kabit ng mister niya. And oo nga, same condo pa talaga? Ganyan na ba karumal dumal ang mga kabit ngayon?

walang katakot takot mahuli. Imagine, baka kapag wala si sunshine sa condo, at yung mister ng babae, eh malamang gumagawa ng kababalaghan yung mister ni sunshine
at yung kabit sa mga condo nila.

Yaikks.


drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #441 on: June 18, 2016, 11:51:59 am »
Karamihan ng nababasa kong reactions re the HiddleSwift hookup eh hindi naman dahil mabilis nagpalit si Taylor ng jowa. Sanay naman na ang tao sa dami ng naging lalaki nya. Kaya nag-rereact mga tao kasi si Tom Hiddleston yun - he does Shakespeare, nag-aral sa Eton and parang magkaiba ang mundo nila kahit parehong showbiz. But who knows? Malay nyo parehong play play lang yan. Si Taylor pa eh magaling yun sa marketing and publicity. Malay natin si Tom din jino-joke time lang ang public.

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #442 on: June 18, 2016, 12:02:32 pm »
Baka nga publicity lang. Kasi diba he's the next james bond.

ataypool

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #443 on: June 18, 2016, 12:19:31 pm »
Okay lang naman kasi Taylor Swift is single. As if Calvin Harris is a saint, remember those photos of him leaving a Thai massage place and breaking up with Rita Ora on Twitter. Meron din speculations that the recent photos came out to time with Kim Kardashian's interview. http://m.smh.com.au/lifestyle/life/was-taylor-swift-and-tom-hiddlestons-kiss-used-to-divert-attention-from-kim-kardashian-attack-20160617-gplae9.html

pretty empress

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #444 on: June 18, 2016, 05:58:26 pm »
Loki is dating Loka? lol!

re sunshine dizon: i like this girl matapang. sa mga post nya parang kaya nyang makipag hiwalay sa asawa nya. di lahat ng wife ay may lakas ng loob makipag hiwalay dahil niloko sila. but look at this girl, parang sunshine cruz lang din. sayang pogi pa naman husband nya. i heard pilot daw? tsk! akala ko naman mataas ang standard ni tim tan bakit kumabit sa may asawa din?! sinira nya pamilya nya. to think si sunshine masyadong mahal ang family nila. ano pang hahanapin nya. ouch!
« Last Edit: June 18, 2016, 06:00:03 pm by pretty empress »

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #445 on: June 18, 2016, 08:03:37 pm »
So swift talaga si Taylor wala lang crush ko kasi si Tom Hiddleston

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #446 on: June 19, 2016, 01:09:57 am »
Re taylor me too i dont see anything wrong kung mabilis pa sa alas kwatro siya magpalit ng bf haha, she's young and single naman. Ganyan naman sa totoong buhay, que babae o lalaki may mga tao na mabilis mag move on.. nagkataon lang sikat si taylor at wala siyang pakelam kung makita ng tao ginagawa niya. Bat nga ba pag lalaki ok lang? Pag babae malandi kagad haha.

Sunshine dizon.. I like her sarcasm ha. Hindi palengkera ang peg. Di ko din kinaya na 3 floors apart lang sila. Kapal ng mukha ng asawa niya at nung babae.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #447 on: June 19, 2016, 01:41:38 am »
Dapat tayong mga wife katulad ni Sunshine Dizon palaban. Hindi takot sa kung ano mangyayari parang ready basta kasama nya mga kids nya... Sana magkaroon na ng divorce sa pinas at ng magkaroon naman ng tamang support ang mga anak kapag naghiwalay ang parents. Peg ko ang post nya hindi puro mura pero may talab hahahaha...

sportygurl

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #448 on: June 19, 2016, 10:25:26 am »
Coach ba ng pbl ang asawa nung clarissa?

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #449 on: June 19, 2016, 02:16:02 pm »
Grabe yung kabit ng asawa ni sunshine >:( wala na talaga minsan iniisip ko nasa genes na pagiging kabit kasi kahit ilang generation magdaan meron at merong lalabas kahit anong sabihin mo pangongonsenya sa ngalan ng libog or love whatever kakayaning mangwasak ng pamilya.

ANJFinally

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #450 on: June 19, 2016, 03:20:14 pm »
Kalerkey nga eh. Nag active ulit ng IG then nag post ng mga quotes na nililinis ang pangalan and pa victim effect. I doubt if sya parin ang may hawak ng account na yun, or maybe someone na bff nya para ipagtanggol sya or to clear her name.

Go Pirena! Sa lahat ng nasangkot na ganyan sa showbiz, sya lang naglakas loob na i-publicized. Not parinig, soplak agad ang higad. Pak, ganern! Ahahaha! Well, sabi nga nila malakas ang pang amoy ng mga legal wife!

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #451 on: June 19, 2016, 04:20:30 pm »
^sis paano mo nakita yung mga posts sa IG nung kabit, tinignan ko kasi ngayon eh naka private.


Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #452 on: June 19, 2016, 04:26:10 pm »
^Naka public siya kanina, mga one hour ago.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #453 on: June 19, 2016, 04:48:22 pm »
tapang ni Shine, go girl!! ikaw ang legal wife.

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #454 on: June 19, 2016, 10:04:12 pm »
 >:( Eto yata ang IG nung kabit ng asawa ni Sunshine. Palaban pa siya at very proud na kabit siya. Mga ganitong klaseng babae ang sinusunog sa impiyerno.

https://www.instagram.com/clang_sison/

Her husband has confirmed that they are getting an annulment. Eh ganun naman pala so dapat hinintay na lang niya na annuled na siya bago siya nagloko. Believe ako sa tapang ni Sunshine, hiwalay kung hiwalay talaga.

http://news.abs-cbn.com/entertainment/06/19/16/husband-confirms-split-with-sunshine-dizon

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #455 on: June 19, 2016, 10:12:40 pm »
Naka public na ulit yung IG nung clang_sison pero parang hindi na siya yun? Kasi may #parody sa profile.

Kung yung kabit man yun, makapal ang face talaga ha. Puro pang aasar patungkol kay shine ang mga sinabi at yung huling post eh wala daw kabit sana kung yung home daw eh hindi kasira sira.

Wow. Big word from a kabitshina kung siya talaga yan.


Si Sunshine nagpost na ng kwento. Last june 2015 pa pala. She tried to save the marriage pero wala.. no annulment daw.

Nag bigay na pala ng interview yung husband ni shine and sa pananalita nung lalaki eh gusto na niya ma annulled ang kasal nila.

« Last Edit: June 19, 2016, 10:15:56 pm by SnowBall »

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #456 on: June 19, 2016, 10:15:40 pm »
Neri Naig is pregnant!

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #457 on: June 19, 2016, 10:19:29 pm »
 ;) Tapang talaga ni Sunshine. Di daw niya bibigyan ng annulment pero idedemanda naman niya. So jobless pala ang asawa niya at nakiki pag live in na daw sa kabit niya in the same condo building based as latest post ni Sunshine sa IG niya:

https://www.instagram.com/p/BG1oUuhPxxj/?taken-by=shinedizontan

ataypool

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #458 on: June 19, 2016, 10:51:36 pm »
I feel sorry for Sunshine Dizon but things like this should be private when there are children involved.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 42)
« Reply #459 on: June 19, 2016, 10:53:07 pm »
^sis Miyam naabutan mo ba yung unedited version ng caption? Noong una super haba niyan eh detalyado talaga. Kaso edited na at maikli na lang ngayon.

If i were sunshine idedamanda ko talaga para madala lalo na yung kabit at ipapa annulled ko na rin. There is no point na matali pa din siya sa isang lalaki katulad nung husband niya.

It's not her loss anyway. Let the walang kwentang husband and kabit be together dahil bagay sila. Both losers.

At the end of the day, let karma handle the losers.. after all, she needs to move on and heal from all of these. Her children needs their mother.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close