may thread pala sila dito. im sooooo happy.
super new army here. madalas ko nakikita na trending ang bts sa twitter, un lang ang alam ko sa knila. pero ni hindi ko alam kung anoong trip nila bukod sa kpop sila. hehe it started nun nanonood ako ng New Amsterdam sa first episode ang song nila ay Fix You, so naisipan ko lang ulit panoorin un MV nun. so nun pag search ko sa YT lumabas din un version ng BTS, i listened to lang, hindi ko pinapanood not until narinig ko si Jimin, tinanong ko pa sa pinsan kong bagets na army kung sino un. Madalas nila pinapatugtog un Dynamite, then pinapanood nila paulit ulit un carpool with James Corden. dito na talaga ko naadik sa knila. hahahah super fun nila panoorin dun lalo si Hobi. then ayun tuloy tuloy na, one week nakong nagbbinge watch sa kanila. asking myself bakit ngayon lang ako ako naging fan? hahaha i like their music, kahit chorus lang un naiintindihan ko kasi un lang madalas na english ahhaha pero un melody natagos sa puso. plus un personality nilang lahat walang tapon talaga. parang super nice, genuine and humble sila kahit sobrang taas na ng popularity nila.
pinaguusapan nga lang namen pano na pag nag enlist sila, parang hindi kumpleto pag isa sa kanila nawala. glad to know na pwede sila sabay sabay mag enlist. sana nga ganun nalang gawin nila then super bongga na comeback kesa un paisa isa kase isipin ko palang nalulungkot nako. hahaha very invested nako sakniila. may mga vid na paulit ulit kong pinapanood pampa good vibes. pag busy sa work sila na ang playlist ko. grabe.
bias ko si jimin , pero i love them all. as in. kaya g n g na may individual stan tas disrespectful sila sa other member. because why? very lovable kaya nilang lahat.
jimin- kahit kasing nipis ng hair strand ang boses niya, hahaha sexy gumalaw. gusto ko un nahuhulog siya sa upuan pag natawa. haha
jhope- hindi naman siya magiging dance leader for nothing, and tama talaga na sunshine un tawag sa kanya. very likeable.
suga- every day mood ko to, hahaha tawang tawa ko sa kanya pag nilalambing siya kase naalibadbaran siya. cute din siya mag dance
jin- eto un tropa mong bangka sa inuman eh haha you know
namjoon- super like ko un speaking voice niya, kilala ko na un boses niya kasi laging gigil. hehe and i admire him for being a leader, may care talaga siya. lahat naman sila.
v- sometimes i find him weird, funny siya pero straight face lang ahahah sobrang gwapo nito mag project.
jungkook- naintindihan ko na nun sinabi ng pinsan ko na lahat kaya niyang gawin, hahah kase ang talented din naman talaga niya.
naglalaro pa nga kame ng jojowain or ttropahin, hahahaha kunware may paki sila sa existence namin. hahaha jowa for me si Suga, sobrang bet ko un attitude niyang mukang walang paki. hahah and hobi. kahit bias ko si jimin, pero i think masyado siyang friendly baka mag away lang kame so tropa lang. hahaha for me sobrang gwapo ni jimin na parang pambabae, in a good way ah. pretty boy ang term ko para kay jimin. si hobi super galing sumayaw. love ko silang lahat talaga performance or personality wise, superb. ang hindi ko pa kayang panoorin or basahin eh un mga ship nila, lalo kay v at jungkook. kase baby pa talaga ang tingin ko sa kanila.
lahat ng recognition nila very well deserved. sana lang makachamba ng ticket pag may concert na sila. worth it silang panoorin eh.
edit: tunay ba un tattoo ni jungkook? parang full sleeve siya eh.
un tattoo ni jimin sa wrist na thirteen and un nevermind?
yes to tattoo, and gusto ko nang maraming piercing lalo because of them. hehe
sabe nga normalize idols having tattoos. kase hindi pa well accepted sa korea ang tattoo in general.