watch now

Author Topic: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?  (Read 2884 times)

lordknight_aiz.18

  • Guest
Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« on: February 24, 2016, 08:43:10 pm »
mga sis, same ba kayo ng pag-aalaga ng asawa niyo kay baby?

kami naman halos pareho lang except for one thing. pinag-aawayan namin madalas ni hubby medyo hinahayaan niya lang yung anak namin. while ako, super tutok and protective.

our son is 2 years 5 mos and my baby has this habit that when he doesnt get what he wants, he thows his back on the floor. i usually catch him pag ako nagbabantay sakanya pero my husband lets him fall pag siya ang nagbabantay.  talagang nagagalit ako sa husband ko pag hinahayaan niya lang. and defense ni husband, kaya laging ginagawa ng bata yun kasi alam niyang may magka-catch sakanya. but for me, e paano kung ikamatay yun ng anak ko (OA ba ko).

right now, galit ako kay hubby kasi hinayaan niya nanaman mauntog anak ko. feeling ko walang kwenta yung lahat ng pag-iingat na ginagawa ko sa maghapon tapos siya hahayaan niya lang mauntog ng ganon ganon nalang.

Twinkle28

  • Guest
Re: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« Reply #1 on: March 13, 2016, 01:57:29 pm »
Si hubby ko after work diretso mag alaga sa baby, siguro yun ang swerte ko sa kanya kasi talagang hands on dad sya. Pag morning minsan sya na nagchange diaper, pag napaaga gising nag peprepare na din yun ng baby food, bath time, playtime talaga maasahan si hubby ko kasi gusto daw nya i cherish yung mga ganon moment dahil mabilis lang daw lumaki ang baby. Kaya naku iyung baby girl ko maka daddy talaga hehe. She's 2 yrs and 1 month old

amethyst028

  • Guest
Re: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« Reply #2 on: March 13, 2016, 02:14:36 pm »
@TS tama naman hubby mo, mali din yung super protective ka kasi hindi matututo yung bata. Boy rin anak ko and i wasn't over protective of him nung toddler pa siya. Once lang siya nag tantrum nung bata kasi di ko pinansin. Nung nakita niya na wa epek ang ginawa niya never niya na inulit. Kahit maliit pa dapat ma disiplina na. My son grew up na ubod ng bait at never malikot. Kahit minsan hindi yan napalo. Nakukuha rin siya sa salita. Isang sabi ko lang napapasunod ko siya. Pati mga friends ko na parents hanga sila kasi ang bait daw ng anak ko at kahit minsan di ako binigyan ng sakit ng ulo. 10yrs. Old na siya pero mature mag isip.

You won't always be there to protect your son. Kailangan malaman niya na mali yung ginagawa niya as early as now kasi pag mas malaki na yan mahirap na turuan. I have a friend na lahat ng gusto ng anak nila nakukuha, pag ayaw ng bata siya ang nasusunod. Now 4yrs. Old na hirap na hirap na sila paki usapan. Hindi sila sinusunod. Sila ang sumusunod sa bata. Maganda ba yun? Maybe your husband is balancing you out since you are over protective.

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« Reply #3 on: March 13, 2016, 08:14:31 pm »
^ hi sis. i get your point. sabi din ng pedia, mali nga na ica-catch ko yung toddler ko pag ibabagsak yung ulo sa floor. manipulative tantrums daw yun and he's testing the limits.. now i get it.

amethyst028

  • Guest
Re: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« Reply #4 on: March 13, 2016, 10:50:19 pm »
^mali talaga yun kasi lagi niya gagawin dahil alam niyang may sasalo sa kanya or makukuha niya gusto niya. what if wala ka doon and ginawa niya yun tapos nauntog siya sa semento? by trying to be protective mas lalo mo pa na endanger ang buhay ng bata.

share ko lang sis, when my son was a toddler yung mom ko naglalagay ng pillow sa mga sides na may pader para daw huwag mautog kasi naglalaro sa bed pagulong gulong. one time my mom forgot to put pillows then naglaro son ko sa bed ayun nauntog. buti wood yung wall. i already told her before not to put pillows kasi kailangan malaman ng bata na matigas ang pader at ma hurt siya pag nauntog siya dun.

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« Reply #5 on: March 14, 2016, 09:04:56 am »
^ haha. ganyan din ako sis. i put pillows sa gilid ng bed..over protective nga siguro ko masyado. everything about child-proofing the house, ginagawa ko(well, eto, feeling ko kailangan talaga)

 well, i guess effect din 'to na ako lang kasi nag-alaga sa baby ko simula nung newborn siya. never ko pinaalagaan sa mga lola at iniiwan sakanila kasi gusto ko hands-on talaga ko. kaya yung pag-iingat ko sakanya noong newborn siya, hanggang ngayon ganoon pa rin. pero dapat nga medyo ibahin na since lumalaki na siya.  :) but shempre dapat balance pa rin, pangit naman yung masyadong pinapabayaan yung bata. balance is the key. ;)

skela96c

  • Guest
Re: Same lang ba kayo ng pag-aalgaa ni hubby kay baby?
« Reply #6 on: March 14, 2016, 11:46:23 am »
our son is only 3mos old pero kahit noon pa, pinag usapan at pinagkasunduan na naming mag asawa kung pano namin papalakihin si baby.   we agreed on a lot of things (we would sleep train him na hiwalay sa amin, hindi sasanayin sa karga, ok lang kahit hindi strictly English kausapin, etc.) maliliit na bagay yung iba but we have to discuss it between us dahil anak namin yun.  may mga bagay dun na minsan ako as nanay, nahihirapan sundin, but since napagusapan namin, i try to stick to it.  minsan naman pwedeng pagusapan ulit kung pano na lang ang approach.  basta ang sa amin, pagusapan.

Important things is that sa harap ng anak namin at ibang tao, very clear ang vision namin on how to raise our kid.  mahirap kasi na mismong bata macoconfuse --- sabi ni nanay ok lang, sabi naman ni tatay hindi---yung ganyan ba.

We still have a long way to go and a lot of things to learn as parents, i know. But i guess the key is to talk about it.   :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close